Kabanata 4


Kabanata 4
Welcome Back!

Ilang segundo kong ipinikit ang aking mga mata.

The image of the man with purple eyes flashed through my mind. My face heated. Ang puso ko hindi nanaman mapakali na parang kinukurot. Napamulat ako't napahawak sa aking bandang dibdib.

Sino ba ang lalaking 'yon, na kahit sa malayo ko lamang s'ya nakita at ngayon lang ay ganito na ang nararamdaman ko?

I am not familiar with this feeling. I can't determine what feeling is this. This strange feeling is new to me, I never felt this in my entire life. Masyado pa akong inosente para matukoy ang intensidad na nararamdaman ko para sa iisang tao.

Pinalis ko na lamang iyon sa aking isipan, Hindi ko na dapat pa isipin ang lalaking iyon. Hindi ito ang dapat kong inaalala.

Tanaw na tanaw na namin ang napakalaking mansyon ng mga Theodorsson the high end classical mansion na mukhang tinirhan pa ng mga ancestors. Mataas ang gold na gate entrance, may guard house sa magkabilaan nito. Malinis at malawak ang maberdeng Bermuda grass sa paligid ng mansion. May mahabang pathway naman patungo sa entrada ng mansion.

Wala silang kalapit bahay, medyo malayo ng kaunti pero bilang lamang, para silang nasa isang malaking Headquarter kung saan sila lang ang naninirahan.

Punwesto si Tiya Miranda sa harapan ko at hinawakan ang magkabilaang palad ko. Punong puno ng kalungkutan ang kanyang mga mata.

"Hija, alam kong magiging mabuting bata ka dito. Magiging maayos ang buhay mo dito." kagaya ko ay nangingilid na ang kanyang mga luha. Tanging tango lang ang nagawa ko.

"Tatawag ako dito at bibisitahin kita," tumayo na ng tuwid si Tiya at hinalikan ako sa aking noo.

Nasa tanggapan na kami ng napakalaking mansion, may mahigit sampung kasambahay ang abala sa mga ginagawa. Ang isang nasa late 50's at nakapusod paitaas ang buhok na Mayordoma ang lumapit saamin. Iginala ko ang aking paningin sa paligid, hindi ko napigilang mapanganga sa sobrang laki at ganda ng mansion.

It's a classical mansion, The entrance of this stunning mansion has a triple volume hall with a sweeping staircase and glass roof copula. The exquisite floor, ceiling, walls and door. Ang naglalakihang mga lumang portraits at paintings ay nakasabit sa dingding, unang tingin ay malalaman mong mamahalin ang mga muwebles. The expensive vase is everywhere. I love the walls of individual panels for the artwork, In a class by itself.

Ang mayordoma'ng kausap ni Tiya Miranda ay kaagad umalis. Hindi ko napakinggan ang kanilang napag-usapan dahil busy ako sa paghanga sa mansion.

Hindi ko aakalaing sa ganito ako titira ng matagal. Pakiramdam ko tuloy ay mukha akong prinsesa dito pero hindi. Baka maging isa rin ako sa mga kasambahay na gusto ko rin naman. Para may pakinabang sila saakin mula sa pagpapatira dito.

Wala pang ilang minuto ng may dalawang mukhang nasa kanilang 20's ang lumapit saamin. Sobrang puti ng kanilang balat mula ulo hanggang paa, ang sophistikasyon ay nagsusumigaw.

"It's been a long time Miranda. It's nice to see you again." tumingin ang babae saakin at ngumiti, her aura screamed of beauty and sophistication, she has thin lips, wavy long shiny hair and soft facial features. Nakaputi s'yang dress at ang bawat gamit n'ya ay sumisigaw sa karangyaan.

"S'ya si Crisantafiana Villaver, anak ni Clementiana at Dominic." nag-aalinlangang pagpapakilala ni Tiya matapos ang pakikipagbeso.

Sila ang mag-asawang Theodorsson, Celestino Theodrsson at Isabela Marian Theodorsson. Ang kaibigan ng aking mga magulang at nina Tiya Miranda at Tiyo Enrico. Pero bakit parang napakalaki ng agwat nila sa isa't isa kung ganoon?

Ang dalawa saaking harapan ay parang hindi pa ipinapanganak ng kabataan pa lamang ng aking mga magulang.

The couple looked nice and kind.

"Welcome back!" Aniya ng lalaking Theodorsson at saglit akong binalingan ng tingin at ngumiti hindi ko nagawang ngumiti pabalik dahil sa kahihiyan.

"You just looked like your mother, hija." Anang babaeng Theodorsson, the way she looked at

me seems like she's fond of me, na parang ang aking Ina ang kanyang nakikita sa pagkatao ko.

Maputing kutis, medyo kulot at kulay light brown lamang ng buhok ang nakuha ko saaking ama habang ang namana ko sa aking Ina ay halos lahat.

"S'ya nga pala, kumain na muna ka'yo, the table is ready," anyaya ni Isabela Marian.

"Hindi na ako magtatagal pa Isabela, kailangan ko ng bumalik sa Maynila. Maraming salamat talaga." Tita smiled shyly.

"Don't mentioned it. Ipapahatid ka namin para hindi ka na mahirapan," muli akong hinarap ni Tiya, maluha luha s'ya kagaya ko at marahang hinimas ang noo ko para magpaalam.

"Ang bilin ko sa'yo, ha?" Tumango ako.

Nang wala na si Tiya saaming paningin ay bahagyang lumuhod si Isabela Marian sa harap ko para magpantay kami, hinuhuli ang aking mata.

May kakaiba akong pakiramdam sa kanilang dalawa ng asawa n'ya. Masyado silang maputla para sa kulay ng Tao.

Albino ka'ya sila? Pero kakaiba ang pagkakaputla nila, hindi ko maipaliwanag.

"We're not Albino, Crisantafiana." She sweetly smiled at me and carresed my both shoulders. My eyes widened, how did she know what I am thinking? Did I say it out loud?

"P-po?"

Hindi parin nawawala ang ngiti sakanyang mga labi, tumayo ito ng tuwid. "Let's go? The food is ready. Masamang pinaghihintay ang pagkain." Iginaya ako nito patungo sa malaking Dining room.

Nagtungo kami sa malaking Dinning room, may malaking classical Rectangular table sa gitna at mga serbidora sa gilid, may dalawang nag-uusap na nakaupo malapit sa dulong upuan. Nabaling ang atensyon ng mga ito saamin ng mapansin ang presensya namin.

"Nielsen, Nassius. She's Crisantafiana daughter of a friend. They're my twin Fiana." Pakilala ni Isabela Marian sa dalawang nakaupo.

Hindi ako makapaniwalang anak nila ang dalawang mukhang kaedaran lamang nila. Yung Nielsen ay kamukhang kamukha ni Celestino habang si Nassius naman ay kamukhang kamukha ni Isabela Marian.

Nagtataka parin ako pero hindi ko pinahalata ng umupo sa katabing upuan ni Nielsen, she sweetly looked at me and tapped the classical chair beside her, wants me to seat in it.

Napakaganda ni Nielsen slim and sexy ang katawan, sobrang puti din at itim na itim ang bilugang mga mata. Wavy blonde hair, thin lips, pointed nose, rosy cheeks and high cheekbones. Heart ang shape ng mukha. She's beautiful hot at the same time cute.

She looked like a party goer on her clothes, oversized frayed cropped pullover and short ruffled skirt. Her outfit looks so good on her.

Dahil narin sa lumaki ako sa maynila ay may alam ako sa mga mahihilig magbar at kung paano sila manamit. even the high end bars, BGC name it.

Nasa kabisera si Celestino Theodorsson habang ang asawa ay nasa kanang gilid nito nakaupo.

"Hi!" bati ni Nielsen saakin, ngumiti ako.

"She'll occupy the guests room beside my room." Nielsen giggled at excitement.

"I hope you like it here!" si Nassius naman sa katapat ni Nielsen. Gwapo ito napaka mestizo at mukhang athlete ang pangangatawan, may kaunting stubbles sa bandang defined na panga.

"Nielsen para kang sabik na sabik sa little sister." Halakhak ni Nassius, napanguso naman si Nielsen.

"Ofcourse! I miss her!" Nakita na ba n'ya ako dati? Nagkita na ba kami dati? Kung ganoon, saan? Wala akong maalala.

Saglit natahimik pero agarang pinutol din iyon ng nakatatandang lalaking Theodorsson. Tahimik lamang akong kumakain at hindi gumagatong sa usapan nila, tungkol sa Business. E, wala pa naman akong alam d'yan.

"Where's Hadrien?" nagkatinginan ang kambal.

"We don't know Dad. Siguro nasa talon nanaman." Talon? bigla akong na-excite. Madalas ako sa mga talon sa aming probinsya kasama ang iilang pinsan. Naging aktibo ako sa pakikinig dahil hilig ko ang pumunta sa waterfalls. Alam ko kung saan iyon sa lugar na ito, dahil kinuwento na saakin ni Tiya. Maraming memories ang nanay ko dito.

He's probably in Manila again. I heard Callie and Kuya talking. Pinipigilan n'yang pumupuntang Maynila si kuya." Nassius said in a formal tone.

Tinignan ako nito ng makahulugan
pagkasimsim sa mistulang kulay dugo na wine. Makapal ang pula at mukhang malapot. Mabilis akong nagbaba ng tingin, nawalan ng gana sa kinakain.

"Nag-away nanaman siguro sila." si Nielsen.

Pagkatapos kumain at kaunting kwentuhan ay sinamahan ako ni Nielsen na dalhin ang aking mga gamit sa ookupahan kong kwarto katabi ng kanya at ng kay Nassius.

Pagkapasok sa aking kwarto ay namilog ang aking mga mata, napanganga sa paghanga sa buong kwarto, kakaiba ang ambiance para ako nitong dinadala sa nakaraang siglo, napakaclassic ng kwarto at ang malaking kama tila higaan ng nag-mamay ari nitong mansion. Parang nahiya tuloy akong hawakan 'yon maski ang mga banga at portraits sa paligid. Magaganda at dekalidad rin ang mga muwebles.

Nakadikit ang malaking flatscreen katapat ng malaking golden couch. May kahanga hangang painting na nakasabit sa gilid.

May malaking bintana sa katapat ng Kama, tanaw na tanaw ang napakagandang view sa labas, view ng malaki at magandang Hardin.

Teka? Ito na ba ang kanilang guess room? kung ganoon napakaganda naman! kung guess room lang ito paniguradong mas maganda ang silid ng pamilya.

Napatingin ako kay Nielsen na malaki ang ngiti at naghihintay ng sasabihin ko. Napakamot ako sa ulo dahil nahihiya.

"Uh-huh, ito ba ang guests room? Mukhang hindi dito."

"No! This will be your room! Ganto lang talaga ang guests rooms namin, I hope you'll like it here!" tumango ako.

Iniwan na n'ya ako para makapagpahinga, humiga ako sa kama at napatingin sa ginto na nagsisilbing bubong ng malaking Kama.

Ilang oras akong nakatulog hanggang sa maisipan kong lumabas, gusto kong gumala siguro naman ay okay lang 'yon, naboboring na kasi ako rito. Hindi ko naman hilig ang panonood.

Dahan dahan kong pinihit ang seradura at dahan dahan ko rin naman itong isinara pagkalabas. Tahimik ang paligid walang katao tao. Mukhang mage-echo pa nga pag nagsalita.

Halos napatalon ako sa gulat ng may lalaking lumabas mula sa kabilang kwarto dalawang pinto ang layo saakin, nakatagilid ito banda saakin ka'ya hindi ko gaanong makita ang hitsura. Humarap na ito sa banda ko ka'ya mas kita ko na ang hitsura n'ya.

Namilog ang mga mata ko ng naalala ang lalaki sa bus station, s'ya 'yon!

He's still wearing his black hoodie, wala na ang black cap, ngayon mas nakikita ko na s'ya ng mas malinaw! Napakagwapo n'ya! he has a prominent chin, his basalt jaw and spartan broad shoulders spoke of strength. His hair was black and coiffed to perfection, chiseled jaw and well-formed bone structure makes him strikingly handsome. Thin lips, the heavy eyebrows and the fluffy hair. He was as if pared to perfection.

He's well-formed and implicably Handsome.

His eyes were as deep and expressive. You could get lost if you stared long enough.

Itim na itim ang kanyang mga mata! Kagaya ng sa kambal at sakanyang mga magulang. Hindi s'ya ang may lilang mga mata. Pero sigurado talaga akong s'ya iyon. My lips parted.

He really looked ridiculously ruthless and handsome, the same aura, Nassius and his father giving out. Pero kakaiba ang pagiging ruthless n'ya, mas nakaka-intimidate.

S'ya na yata ang panganay na anak ng mag-asawang Theodorsson. Kamukhang kamukha n'ya ang kanyang Ama, mistula silang pinagbiyak na buko.

Napabalik lamang ako sa aking ulirat ng dumating si Nassius mula sa grand staircase at walang kangiti ngiting tinignan ang kapatid, nakapamulsa ang mga palad. Mas malaki at defined ang pangangatawan ng kapatid ni Nassius kumpara sakanya.

"Kuya, mom and dad's been looking for you, Manila again?" He didn't response, nakatingin lang s'ya saakin. Biglang namula ang pisngi ko.

"I don't think you have to go Manila again." nakangising sinabi ni Nassius at nilingon ako. Hindi ko man naintindihan ang sinabi n'ya ay hindi ako nagtanong.

"Anong pinagkaabalahan mo sa Manila?" Tanong ni Nassius sa tono n'ya ay parang hindi na n'ya kailangang itanong dahil mukhang alam na n'ya kung ano.

"Trabaho lang." He answered in a cold tone.

Tinignan ko ang lalaking gumugulo sa isipan ko. Hindi nawala ang tingin n'ya saakin. Mabilis akong naglihis ng tingin. My heart pounded violently and for sure my face turned sooo red! Nakakahiya!

"Your business is now here, Hadrien."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top