Kabanata 3


Kabanata 3
Purple eyes

Have you ever been in a situation where you can't decide for yourself? Ito 'yon, nararanasan ko na ngayon. Hindi ako pwedeng magdesisyon para sa sarili ko dahil masyado pa akong bata para tumayo sa sarili kong mga paa kahit gustuhin ko man.

Madaling araw kaming umalis ni Tiya Miranda patungong Biliran ang isa sa maliit na probinsya ng Samar na dating Leyte, nasa gilid ako ng bintana ng bus nakasandal ang aking ulo sa salamin at nakatulala, nakatingin ako sa mga taong nakapayong na naglalakad, maulan ngayon at may bagyo pa. si Tiya ay tahimik sa aking tabi.

Sabado ngayon masarap pa ang tulog ng dalawa kong pinsan, ka'ya hindi na kami nakapagpaalam sa mga ito.

Kahit sa aking mga kaibigan hindi na, hindi ko narin nasabihan ang iilan kong mga kaibigan, siguro ay sasabihin na lamang iyon ni Steff at Denboy.

Nasaid na yata ang luha ko kagabi ka'ya hindi na ako gaanong umiiyak ngayon. Sa pag-alis at dahil narin sa mga magulang ko.

Mamimiss ko ang mga malalapit saakin dito ng sobra, mamimiss ko ang Maynila kahit magulo. At mukhang matatagalan pa siguro bago ako makabalik, o mabawi ng aking Tiyahin.

Nanonood si Tiya sa flatscreen TV dito sa loob ng bus.

"Mabuti na lamang at nakaalis na ang bagyo." Bahagyang nakangiti si Tiya na tutok na tutok sa TV. Nakatagilid ito sa gawi ko.

Nasa mid 40s pa lamang si Tiya at halatang napakaganda nung kabataan n'ya. Matangos ang kanyang ilong, manipis ang labi, bilugan ang mga mata at ang haba ng kanyang mga pilikmata, at maputi si Tiya, maganda parin naman ito pero paunti unti ng tumatanda at ang kanyang itim na itim na buhok ay paunti unti ng nagkakaroon ng uban.

Iginala ko ulit ang aking paningin sa labas upang libangin ang sarili.

Sa hindi kalayuan ay may lalaking matangkad na naka black hoodie ang nakatayo sa gilid ng malaking poste nakikisilong. Nakapamulsa ang mga palad sa bulsa ng kanyang hoodie nakatakip ang ulo at may black cap.

He's looking at me with blank expression, his eyes were dark, almost pitch black, ipinapahiwatig ng kanyang mga mata na delikado s'yang tao. Na ipinapahiwatig ng kanyang mga mata ang kanyang kakaibang pagkatao.

Pakiramdam ko ay hindi lang ito ang unang beses na nagkita kami. O paranoid lang ako?

The way he looked at me sent shiver down my spine, he's like a predator looking at his prey closely.

Ang kulay itim na itim n'yang mga mata ay biglang naging kulay lila na nakatingin saakin, A dark storm is forming in his eyes.

Biglang nagsitaasan ang aking mga balahibo, Hindi ko gaanong makita ang kanyang mukha pero ang mga mata n'ya ay kitang kita ko, tila buwan na nagliliwanag mula sa pagkakatago sakanyang itim na cap. I blinked twice.

Hindi naging hadlang ang mga dumadaang tao para hindi ko s'ya makita.

Para akong na hipnotismo ng kanyang magagandang mata. Para akong alipin at s'ya ang aking amo! Hindi ko maalis ang aking tingin sakanya sa kabila ng maiingay at maraming tao. My heart pounded as if this will be the last day of my life. Dinaig pa ang nakikipagkarera sa napakabilis na kabayo! My ribs hurt from it's all beating!

Para akong mabubuwal sa napakabilis ng pintig ng puso ko. Libo libong boltahe ang pumasok sa aking batok patungo sa buong sistema ko.

Natapos lamang ang aking tingin sa taong iyon ng may marahang humawak sa aking balikat, muntik pa akong mapahawak sa aking bandang dibdib sa pagkakagulat. si Tiya lang pala.

"May problema ba?" Her voice laced with concern and confusion.

Hindi mapakaling naglihis ako ng tingin sa aking Tiya, kumukurap kurap upang bumawi sa matagalang pagkatitig sa mga mata ng lalaki kanina.

Muli kong nilingon ang kinatatayuan ng lalaki, and to my surprised, he's not there anymore. Bakit pakiramdam ko ay nadismaya akong wala na ito?

Mabilis kong tinignan si Tiya na nakatingin rin sa labas, mukhang hinahanap ang gustong makita ng aking mga mata.

Totoo ba ang nakita ko o paranoid lang ako? Paanong naging kulay Lila ang napakaitim nitong mga mata!? It is beyond impossible!

"Anak, anong problema?" ani Tiya nag-aalala.

Kimi akong napangiti at umiling.

"Wala po."

Kumain naman ako kanina, sinigurado ko para magkaroon ako ng lakas. Bakit nagkakaganito ako? Hindi imposibleng nagkakaganito ako ay dahil wala akong kinain ka'ya kung ano anong nakikita ko. I should calm myself down, baka inaantok lang ako at ayokong mas mag-alala si Tiya. I released a heavy sighed. And lean on the backrest.

Nagpakawala ako ng malalalim na buntong hininga at pumikit, pagmulat ko ng aking mga mata ay nakaramdam ako ng bigat sa aking magkabilaang talukap ng mga mata, inaantok na ako.

Isang beses kong sinulyapan ang pwesto ng lalaki kanina... Wala na talaga s'ya.

Ilang beses akong napahikab ka'ya napansin iyon ni Tiya. "Matulog ka na muna, mukhang inaantok ka pa."

Hawak ni Tiya ang bagahe ko habang tinatahak namin ang patungo sa mansion ng mga Theodorsson, umihip ang pang tanghaling hangin, sariwa kumpara sa maynila. Ngayon na lamang ulit ako nakarating ng probinsya makalipas ng ilang taon.

Malalaki ang mga puno sa paligid, halos lahat ng paligid ay berde ang nakikita, ang mga maliliit na damo at naglalakihang puno.

"Ganoon parin dito, halos walang pinagbago." ani Tiya na nagbabalik tanaw sa nakaraan, Oo nga pala, dito sila nakatira ng kanyang pamilya noon. Iniisip ko kung nasaan ang bahay nila't pinagtayuan ng naluging negosyo, kahit manlang ang natira gusto kong makita. nakukuryoso akong makita kung saan sila banda noon. Ang kaso ay baka wala narin dahil sa ilang taon na ang lumipas.

Car manufacturer... 'yon ang business ng mga Dolorico (ang pamilya ng mama ko) pero sa hindi inaasahang pangyayari, na bankrupt ito dahilan ng downfall. Pati ang trust funds ko ay tuluyan rin na nawala saakin.

Kaunti lamang ang mga tao sa paligid, ang iba'y mukhang mga turista na mukhang dumayo pa mula pa sa iba't ibang bansa.

Napakapayapa ng lugar, napapikit ako para langhapin ang sariwang simoy ng hangin, Gawain ko ang libangin ang sarili sa pamamagitan ng paglanghap ng sariwang hangin ng nasa Cagayan pa ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top