Kabanata 2

Kabanata 2
Hopeless

Para akong ilang taon ng nasa dilim nangangapa ng pag-asa... Pag-asang sumaya. Pero kahit papaano hindi naman ako malas dahil may mga tao namang nagmamahal saakin, pero habang tumatagal unti unti narin silang nawawala.

Nakakalungkot na parte ng buhay ay kailangan mong sanaying mabuhay ng wala ang mga napamahal na ng sobra sa'yo... Pangatlong beses na itong nangyayari saakin.

Namatay ang aking mga magulang ang aking Lola, at ngayon si Tiyo Enrico na itinuring din akong anak, si Tiya Miranda si Delia at Elsa maski ang aking mga kaibigan, Mawawala sila saakin ng napakatagal na panahon dahil kailangan kong umalis.

"Si Fiana, oh!"

"Fiana!"

Nabaling ang tingin ko sa dalawang bulto ng tao sa hindi kalayuan, hawak hawak nila ang manibela ng kanilang mga bisikleta, papunta sila sa kinaroroonan ko.

Mabilis kong pinahid ang natirang luha sa magkabilaan kong pisngi at pilit silang nginitian.

"Condolence ulit, Fiana." ani Denboy sa sa mga kaibigan ko. Parehas kaming Grade Ten student, pero magkaiba kami ng seksyon ngayong taon. Nung nakaraang taon ay magkaklase kami.

Kasama nito ang pinsang si Steffie mas bata ng isang taon kumpara ni Denboy.

"Gabi na, bakit 'nandito ka pa?" Nag-aalalang si Denboy na nag-iwas ng tingin ng tinignan ko ito sa mga mata, mas namula pa tuloy ang mapupula n'yang mga pisngi.

"Tyaka, mukhang umiyak ka." singit ni Steffie.

"Natura lang na umiyak s'ya steff, kamamatay lang ng Tiyo n'ya, e."

"Okay lang ako, lilipas rin ito," Pilit ko silang nginitian, assuring them I'm fine.

"Uuwi ka na ba?" tanong ni Denboy, tumango ako.

"Gusto mo hatid ka na namin?" nahihiyang suhestyon nito.

Bigla kong naalala na luluwas na pala kami bukas na bukas na, kailangan na nilang malaman ngayon dahil wala na akong oras kung ipapaalam ko pa ito bukas sakanila, wala akong cellphone o maski Facebook kagaya nilang meron.

"Bukas pala, aalis na ako... Patungong Samar sa Biliran."

"Hah!? bakit ang bilis naman?" malungkot ang tinig ni Steffie.

"Kailan ka babalik?" Ganoon rin si Denboy, pero mas malungkot ang tinig nito kumpara sa pinsan.

Pilit ko silang nginitian. "Hindi ko pa alam, Denboy." malungkot kong sagot.

"Sayang naman! Hindi na tuloy makakapanligaw si Denboy sa'yo!-"

Hindi na naituloy ni Steffie ang sinasabi nang busalan ng pinsan ang bibig nito. Napangiwi si Denboy sa hiya. Matagal ko ng nararamdaman na parang may gusto nga si Denboy saakin pero hindi ako sigurado dahil ayaw ko namang mag-assume.

"Sana ay magkita pa ta'yo, Fiana." Napahawak ito sa batok tila nahihiya, hinuli ko ang mga mata n'ya at nginitian, pati narin kay Steffie na mapang-asar na ngumingitingiti, kinakalabit n'ya ang hindi mapakaling pinsan ka'ya mas lalo tuloy itong nahihiya.

"Oo naman! Babalik ako." nagliwanag ang mukha ni Denboy, naitungo ko ang aking ulo. "Kaso hindi ko alam kung kailan."

"Okay lang! maghihintay naman ako, e." Tumango tango ako.

"I-Ihatid ka na namin fiana, Delikado na, maraming adik at nag-iinom sa daan."

"Ayiiiee! nag-aalala talaga!"

"Malamang! Babae, s'ya."

"Sus! nagdahilan pa,"

Hindi ko na tinanggihan ang dalawa na ihatid ako, naglakad na lang kaming tatlo kaysa gamitin ang bisikleta, para mas tumagal ang pag-uusap namin, dahil matagal pa ulit bago kami magkakasama kagaya ng ngayon. I'll surely miss them.

Wala pang ilang minuto ay nakarating na kami sa aming unit, nagpaalam na ang dalawa. Mula naman sa sliding glass window ay ang sulyap ng dalawa kong pinsan.

Mukhang wala si Tiya.

"Nasaan si Tiya Miranda?" Tanong ko pagkapasok, bumalik sila sa Rattan Center table, inaayos nila ang organizer ng mamahaling mga make-ups.

"Hay nako. Nangutang pa ng pamasahe para sa'yo!" si Delia.

"Ikaw dapat ang dumidiskarte ng pamasahe 'mo! hindi ka na naawa kay mama." galit na gatong ni Elsa.

They both glared at me. Isinawalang bahala ko na lamang ang galit nila saakin at dumiretso na sa hagdanan para pumasok sa kwarto ko. Kailangan kong matulog ng maaga para bukas.

Kung sasabihin ni Tiya na maghanap ako ng pamasahe ay willing akong gawin iyon.

"Hoy! kinakausap ka namin, di'ba!?" Delia stand up with eargness. She raised an eyebrows.

I stopped and looked at them with tired eyes. "Sorry..." iyon lang ang tanging nasabi ko, ayokong makipag away sakanila dahil sobrang pagod na pagod na ako kakaiyak, ubos na ako at gusto ko ng mahabang pahinga.

Umakyat na sa unang baitang ng hagdanan, pero hindi pa ako nakakatatlong baitang ay bumwelta nanaman si Delia.

"Kaibigan mo naman si Denboy, di'ba? Bakit hindi mo s'ya huthutan ng pera, tutal ay gustong gusto ka naman ng Pineda na 'yon."

Si Denboy Pineda ay apo ng Manila District-Governor, karamihan sa mga Establishments rito ay pagmamay-ari ng pamilya ni Denboy. Hindi maipagkakailang mayaman ang kanilang pamilya pero mas pinili nitong lumipat ng public school kagaya ko.

Dalawang taon ang nakakalipas ng napagdesisyunan ni Tiya Miranda at Tiyo Enrico na ilipat kaming tatlo sa public school, pabor iyon sa magkapatid dahil lumipat rin naman si Denboy kung saan kami inilipat. Pabor ang paglipat saakin sa Public dahil napakalaki ng tuition fee sa private school.

Napapikit ako ng mariin saglit at umiling, Hindi ko kailanman iyon magagawa kay Denboy, mabuti itong kaibigan saakin magmula ng magkakilala kami. Kahit isang beses ay hindi n'ya ako nagawan ng masama.

"Hindi ginagamit ang Ganda, Mahina!"

"Kung naakit ko lang sana si Denboy n'on, ako na mismo ang gagawa n'yan Ate e, hindi kagaya ng iba d'yan. Napkahina." Elsa hissed, indirectly pointing at me.

"Don't worry Elsa, maaakit mo pa naman si Denboy maganda ka naman... kaso hindi mo lang s'ya kasing ganda, but it's okay."

Inis na bumuntong hininga ako. "Pasensya na, hindi ako oportunista." I answered coldly. Their brows shot up.

"What- what did you just say, huh!? so sinasabi mo oportunista kami?"

Dumiretso na ako ng tingin at nagsimula ng humakbang paakyat.

Nakakainis at iniisip nila ang ganyang bagay sa nakapabuting tao, paano nila naatim na sabihin at mag-isip ng ganoon? Hindi ako makapaniwala, sumusobra na sila. Hindi iyon tama. Hindi tamang manggamit para lang makuha ang mga gusto mo.

At maling maging oportunista sa maling paraan!

Kinuha ko ang picture frama sa side table at niyakap 'yon. Kasama ko sila sa litrato ngunit ako lang naman ang gumawa. Idinikit ko ang aking litrato sa gitna nila, para kunyari Family picture namin.

Kunyari.

I badly want us to have a family picture, the real one... A family picture we never had.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top