Kabanata 1

Kabanata 1
Affliction

Mabilis na isinisilid ni Auntie Miranda ang aking mga damit sa hindi kalakihang bagahe, I am silently crying while she's doing it. Ayokong umalis, ayokong iwan ang mga kaibigan ko, ayokong iwanan ang pamily ko, ayokong iwanan ang nakasanayan ko.

"Hindi na kita kayang palakihin, Fiana..."

Dalawang linggo na ang nakalipas ng ilibing si Tiyo Enrico ang pangalawang asawa ni Auntie Miranda. Nagtatrabaho si Tiyo sa ibang bansa bilang construction worker isang dekada na ngunit natapos 'iyon sa hindi inaasahang pangyayari. Some of his co-workers said he's been receiving death threats, Reason why he got a heart attack, that lead him to his death.

Hindi namin alam na nagsusugal sa isang sikat na casino si Tiyo sa ibang bansa, madalas ang pagkatalo ka'ya nangutang na ito sa pag-asang mababawi ang naitalo.

Si tiya Miranda ay panganay na kapatid ng aking pumanaw na Ina. My mother died when giving birth to me while my father was away, and later on met an accident.

Ang Business ng aking mga magulang ay tuluyang na-banckrupt parehas noon, kaya wala akong trust funds o kahit isang kusing dahil ipinambayad sa mga taong nag-invest sa proyektong nabigo. Kaya wala akong pinansyal na maibigay sa aking tiyuhin at tiyahin dahil d'on.

Ikinuwento saakin ng aking tiya Miranda ang nangyari saaking mga magulang ng magka-isip ako.

Pinalaki ako ng aking lola sa Cagayan napakalayo kung saan ako ipinanganak sa Biliran.

Inilayo daw ako ni Lola sa kapahamakan noong araw na ipinanganak ako pero kahit kailan ay hindi n'ya sinabi kung anong panganib iyon. si Lola Florencia Villaver ang Ina ng aking ama.

"Apo ko, palagi kang mag-iingat, huwag kang basta basta magtitiwala sa kahit kanino." Paalala iyon saakin ng aking Lola ng siyam na taong gulang pa lamang ako na hanggang ngayon ay pinanghahawakan ko.

I was then ten years old when my Beloved grandma passed away after battling a Brain tumor for the past three years.

Nang walang kahit isang kamag anak ang gustong kumuha saakin ay kinupkop ako ni Tiya Miranda at Tiyo Enrico at dinala ako sa Maynila. Pinag-aral ako sa magandang paaralan, binihisan at pinakain, itinuring na parang sariling anak, kaya napakalaki ng utang na loob ko sa mag-asawa.

May dalawang anak ang mag-asawang Noble. Mas matanda ng dalawang taon saakin. Limang taon ko nang pinag-titiisan ang mga ugali.

"Bakit kasi tinanggap mo 'yan dito noon, Mama."

"Oo nga! She's a bad luck! Minamalas tayo ng dahil sakanya!"

Nakaraang dalawang buwan lamang na-banckrupt ang pinagtatrabauhan ni Tiya Miranda bilang isang Sales manager.

Ang sumunod namang trabaho nito ay sa mas napakalaking Corporation ay parehas ng kanyang posisyon sa nauna ay isa s'ya sa pinagsu-suspetsiyahan sa pagnanakaw ng napakalaking halaga ng pera sa nasabing kumpanya ka'ya na-banned s'ya sa paga-apply sa ibang kumpanya habang iniimbestigahan.

At ngayong buwan. Si Tiyo Enrico namatay at nag-iwan ng napakalaking halaga ng pagkakautang.

Maybe I am a bad luck. I am bringing them a bad luck.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata pinipigilan ang pag-agos ng panibagong luha, hirap na hirap pinipigilan ang nagtitimping hikbi, I released a heavy deep sighed, I am catching my breath because of so much crying.

"Elsa! Delia! magtigil ka'yong dalawa! Malaki ang naitutulong sainyo ng pinsan ninyo sa araw araw!" maluha luhang sigaw ng ginang sa dalawa na hindi na nakapagsalita. Alam kong marami pa silang gustong ibato saaking masasakit na salita. Hindi sila masasatisfied hangga't hindi ako nawawala sa paningin nila.

Ginagawa akong alipin ng magkapatid araw araw. Ang pagtitiklop ng mga damit paga-ayos ng kanilang mga buhok, ako rin ang gumagawa ng assignments o mga project o kahit anong iutos nila ay agaran kong sinusunod dahil sinasaktan nila ako.

Hindi ako pwedeng tumanggi dahil malaki ang utang na loob ko sa kanilang mga magulang.

Hindi kailanman nalaman ni Tiya na madalas akong saktan ng mga anak n'ya.

Nilapitan ako ni Tiya at hinawakan ako sa aking magkabilaang balikat, she's crying hard too while caressing my both shoulders.

"Ayokong mapalayo ka saakin Fiana, para na kitang anak alam mo 'yan dahil lalo lang akong malulungkot sa pagkawala ng Ina mo, ni Clementiana..." She sobbed.

Kamukhang kamukha ako ng aking namayapang Ina, palagi kong tinitignan ang litrato ng mga magulang ko, para kahit papaano ay napapawi ang lungkot sa kadahilanang hindi sila nakasama.

"Masaya ako dahil kamukhang kamukha mo s'ya, pakiramdam ko ay buhay parin ang mahal kong kapatid dahil sa'yo," Tumango tango ako at itinago ang mukha sa aking mga palad.

Isa sa dahilan ng galit saakin ng aking dalawang pinsan ay ang 'pagbibigay ng sobrang atensyon ng Ina, 'na dapat ay ibinubuhos nalang nito para sa dalawang anak.

"Gustong gusto kong manatili ka pa rito anak, pero alam mo ang sitwasyon natin,"

Walang pang trabaho si Tiya at maaari pang makulong. Dalawa ang binubuhay na anak at kamamatay lang ng asawa na nag-iwan ng napakalaking halaga ng pera.

Next school year ay Senior high student na si Delia na gustong mag-aral ulit isa sa sikat na Private school dito sa Maynila.

Naiintindihan ko kung bakit ipapaampon ako sa ibang pamilya, dahil kahit ako ay ayokong mas mahirapan pa si Tiya kung ipipilit ko pa ang sariling manatili.

"Mas mabibigyan ka ng magandang buhay ng pamilyang tumanggap sa'yo,"

Mukhang wala na akong magagawa kundi ang sundin si Tiya na sumama sa ibang pamilya para mapagpatuloy ang buhay.

Napamahal na saakin ang pamilyang Noble kahit pa ang mga pinsan ay galit saakin, naiintindihan ko naman sila.

Nakakalungkot na kakarampot ang atensyon na ibinibigay sa'yo ng mga magulang mo.

Nakakalungkot at nakakasama ng loob ang sobrang pagseselos, ka'ya naman naiintidihan ko sila.

Pero ang mas masakit sa lahat ay hindi mo manlang naranasang makapiling ang mga magulang mo.

Bukas kami bibyahe ni Tiya patungo sa Samar Leyte Biliran, kung saan nakatira ang kukupkop saakin ng pansamantala.

Ang sabi saakin ni Tiya ay sa Samar Leyte Biliran sila nakatira n'on, ng makapangasawa ng Manileno ay parehas silang dinala sa Maynila para bumuo ng sari sariling pamilya.

Nagkahiwalay ang aking Ina at Tiya ng landas patungo sa Maynila.

Si Lola naman ay madalas ang pagdalaw sa bahay ng aking mga magulang kaya naman ay s'ya ang kumupkop saakin pagkamatay ng aking mga magulang.

Napagdesisyunan ng aking mga magulang bumalik sa Biliran ka'ya d'on na ako ipinanganak.

Ang pamilyang Theodorsson ang pansamantalang kukupkop saakin na Family friend ng pamilya ng aking Ina. Mabait raw ang mga ito ang kaso ay may usap usapan sa kanilang lugar tungkol sa buhay ng pamilya.

Pero kahit ganoon ay sikat at tinitingala parin sila sa kanilang lugar maski sa Maynila.

Pagsapit ng hapon ay nagtungo ako sa playground ng subdibisyon kung saan kami nakatira, mahigit isang oras na akong nakaupo dito sa seesaw tulala malalim ang iniisip.

Hindi ko na nga napagbibigyan ang iilang mga batang gustong sumakay rito, ang iba'y umiiyak ka'ya iniirapan ako ng mga nanay o bantay ng mga bata.

Umihip ng malakas ang panghapong simoy ng hangin, I released a deep heavy sighed.

Paunti unti ng nawawala ang mga batang naglalaro hanggang sa ako na lang ang mag-isa dahil dumidilim na, paunti unti ng kinakain ng kadiliman ang haring araw, unti unti naring sumisindi ang mga street lights.

Kailan ka'ya magliliwanag ng kagaya ng mga street lights rito ang buhay ko? Lagi na lang akong malungkot buong buhay ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top