Prologue

"So, this is the friend that you're talking about?" mapait na tanong ng dalagita sa binatilyong may kayakap ngayon na ibang babae.

Gulat na napalingon ang binatilyo sa mahinhing boses na iyon. Napalayo ito sa  kayakap na babae nang makita ang dalagita sa harap nila.

“Zayn, it’s not what you think,” agad na sabi ng binatilyo at lumapit sa dalagita ngunit lumayo lamang ito sa kanya.

"Ano ba ang nasa isip ko, Zarus?" malamig na tanong ng dalagita na siyang nagpakaba ng husto sa binatilyo.

“Z-Zayn, she’s just my frien—" naputol ang anumang sasabihin ng binatilyo nang sumabat ang kayakap nitong babae kanina lamang.

"I'm his girlfriend, bitch! Who are you?"

Natuon ang paningin ng dalagita sa babaeng nagsalita. "Girlfriend? So you're Zarus girlfriend? Oh! I see."  Nawala ang emosyon sa mukha ng dalagita. Wala kang mababasa kahit ano. Blangko lamang ito.

"Shut up, Margaux! D-Darling, don't believe her. She's not my girl---"

"Are you happy with her?" tanong ng dalagita na siyang nagpatigil sa binatilyo.

Naguguluhang napatingin ang binatilyo sa dalagitang may kulay  tsokolateng mata.

"What?" May takot sa boses nito. Takot na pilit nitong tinatago sa dalagita.  Natatakot itong iwan ng  babaeng mahal  dahil lamang sa pagyakap at paghalik ng ibang babae rito.

“I’m asking you again, Zarus, are you happy with her? Dahil kung oo, bibitawan na kita.”

Lalo naman nakaramdam ng paghihirap nang loob ang binatilyo nang makita ang mga luha sa mga mata ng dalagita. Ang tsokolate na mga mata nito ay punong-puno ng sakit at luha.

"Darling please, don't leave me!" Paki-usap ng binatilyo rito.

Hindi nito kakayanin kapag iniwan ito ng dalagita. Mahal nito ang dalaga at wala na itong ibang babaeng minahal kundi ang dalaga lamang.

Marahang pinunasan ng dalaga ang mga luha sa mga mata. "You hurt me Zarus, not once but twice. Now tell me, why I still have to be with you? Once is enough, twice is too much. Pagkakamali na 'yong una pero kung uulitin mo sa pangalawang pagkakataon? Hindi na iyon pagkakamali choice mo na iyon, Zarus." Garalgal ang boses ng dalagita.

"I want to be with you but my heart didn't want to. My choices have prevailed than what I want, Zarus. I want to stay beside you but I'll choose to leave. I choose to let go of you.  I want to love myself first before loving someone else. Mahirap kasing ibigay lahat ng pagmamahal mo sa isang tao, ni sa sarili mo wala kanang tinira. Kaya sa huli ikaw lang iyong nahihirapan ng sobra. " Bumuntong hininga ang dalagita at umatras ng ilang hakbang. 

Nakita ng dalagita ang pagtulo ng luha ng binatilyo pero hindi nito  iyon tinuonan nang pansin.
 
"P-please don't leave me, Zayn! W-wag ka namang sumuko agad." Pagmamakaawa pa ng binata sa dalagita.

Kung pwede lang. Kung pwede lang talagang huwag niyang iwan ang kasintahan ay mas pipiliin niyang manatili. But her man gave her the most outrageous reason to let go, the man she loved gave her all the reasons to leave.

Nahihirapan ang dalagitang iwan ito nang sunod-sunod na tumulo ang mga luha ng binatilyo. Umatras ng isang hakbang ang dalagita. Masakit man pero alam niyang kakayanin niyang wala ang binata sa tabi niya. Kakayanin niyang malayo rito.

"Be happy with her, Zarus. I know you will be happy with her." Umatras ulit ang dalagita.

"Z-Zayn please… No! I love you so much. You’re all I need." Umiling-iling ang binatilyo at sinubukang hawakan ang dalagita ngunit sa pangalawang  pagkakataon ay umiwas lamang ulit ito.

"Galit ako, Zarus. Hindi sayo kundi sa sarili ko. Bakit ba minahal pa kita ng higit pa sa sarili ko? Bakit ba minahal kita ng husto? Bakit nanatili pa ako sa tabi mo kahit ang hirap-hirap na? Galit ako sa sarili ko kase hindi kita kayang ipaglaban tulad ng pangako ko. Galit ako sa sarili ko kase minahal kita ng husto. Ngayon ay malaya kana, pinapalaya na kita." Tumalikod ang dalagita at tumakbo palayo sa taong minahal niya ng lubos.

Ang sakit at hirap na kinimkim niya  mula roon sa lugar na iyon ay dala-dala niya palayo. Walang tigil ang mga luha na  nagtungo ang dalagitang may tsokolateng mata sa sasakyan nito at mabilis na umalis sa lugar na iyon.

Agad namang tumakbo ang binatilyo para sundan ito. Pero paglabas nito ay hindi na nito nakita ang sasakyan ng dalagita. Nanlulumong sumakay ito sa sasakyan at mabilis na sinundan ang dalagita.

Mawala na ang lahat sa kanya pero 'wag lamang ito. Mahal niya ang dalagita at  gagawin niya ang lahat bumalik lamang ito sa kanya.

Sa mga tsokolateng mata ng dalagita ay ang mga luhang walang tigil sa pagtulo. Mabilis ang pagmamaneho at hindi  napansin ang isang truck na sumasalubong  sa mabilis nitong pagmamaneho.

Huli nang maramdaman ng dalagita ang pagbunggo ng truck sa kotse niya at ang pagtaob ng sasakyan niya. Malakas na tumama ang ulo nito sa isang bagay. Naramdaman pa ng dalagita ang pagkirot ng ulo bago unti-unting pagpikit ng mga mata.

She wished that she won’t survive to the car accident. She doesn’t want to feel any more pain, that will only kill her, again and again.

'Zarus, please be happy with her.  Sorry darling... Sorry if I broke my promise that I will fight you until my last breath. Forgive me If I didn't fight you. Be happy without me, Zarus. I love you. Te amo. I love you until my heart stops from beating.' Last thing she said in her mind before she lost her consciousness.
           

A/N: Itong prologue po ay hindi ko po sinama sa book hehe.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top