Epilogue

HUWAG  magpadala sa selos at galit na nararamdaman kung ayaw mong pagsisihan sa huli ang mga ginawa mo. Pakinggan muna ang paliwanag nila bago ka gumawa ng aksiyon. Iyon ang natutunan ni Yzainna sa mga nangyari sa kanya.

Ang utak makalimot man ginagawa naman ng puso ang lahat para maipaalala ang pagmamahal na nakalimutan. Napakasaya ni Yzainna dahil sa pagtungo niya sa Pilipinas ay nakilala niya si Wren na siyang dahilan ng pagbalik ng mga alaala niya.

At ngayon ay hindi niya lubos maisip na mangyayari ang lahat ng ito sa kanya. Wala na silang problema. Margaux is now in mental hospital, sabi ng doktor ay lumala raw ang sakit nito mula ng iwan ito ni Wren sa Antique. At lalo pa itong lumala pagkatapos nitong  binaril  si Jashiel.

🎵Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw
Ang iniisip-isip ko
Hindi ko mahinto, pintig ng puso
Ikaw ang pinangarap-ngarap ko
Simula nang matanto
Na balang araw iibig ang puso🎵

Siya naglalakad papuntang altar kung saan naghihintay si Wren. Who really look handsome, standing there and waiting for her. Araw na ng kasal nila.

🎵Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay nang kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na ikaw
Ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw🎵

Hanggang ngayon ay nawiwindang pa rin siya. Hindi makapaniwala na magpapakasal na sila. Sa katunayan ay namamangha siya sa ganda ng nasa paligid nila, kahit isang detalye kasi ng kasal nila ay wala siyang inasikaso. Si Wren lahat ang gumawa katulong si Mommy Lyn, Daddy France, her friends and his friends. Isa itong beach wedding.

🎵Humihinto sa bawat oras ng tagpo
Ang pag-ikot ng mundo
Ngumingiti ng kusa aking puso
'Pagkat nasagot na ang tanong
Kung nag-aalala noon
Kung may magmamahal sa 'kin ng tunay🎵

Si Lucé ang siyang kumakanta ng kanilang wedding song. Blue at pink ang motiff ng kanilang kasal. Tanging siya at si Wren lamang ang nakasuot ng kulay puti. She and her friends are good now. They just ignored her because that is part of the plan. Wren plan. Napapasimangot talaga siya kapag naiisip ang plano na iyon ni Wren pero dahil kasal nila ngayon ay isasawalang bahala muna niya iyon.

🎵Ikaw ang pag-ibig na hinintay
puso ay nalumbay nang kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na ikaw
Ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng maykapal, biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw
At hindi pa 'ko umibig ng gan'to at nasa isip
Makasama ka habang buhay🎵

Ang kanyang wedding gown ay isang off-shoulder na umabot hanggang ilalim ng kanyang tuhod. May suot-suot siyang koronang bulaklak sa kanyang ulo. Dahil nasa beach sila ay nakapaa lamang siya, hawak-hawak ang bouquet of pink roses niya. Dito sila unang nagkita sa beach ni Wren kaya naisipan niyang beach wedding na lamang. Tanging suot niyang alahas ay ang diamond earing na ibinigay ng kanyang mama noon at ang necklace na ibinigay naman ng kanyang kuya Rietto sa kanya. Simple wedding lamang ito. Silang-sila lamang ng kapamilya at ibang kakilala nila.  Ang sabi ni Wren ay magpapakasal muli sila, iyon naman ay enggrande.

🎵Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay nang kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw🎵

Kasama niyang naglalakad papuntang altar si Kuya Rietto niya. Although wala na ang kanyang daddy para ihatid siya ay hindi man lamang siya nakaramdam ng lungkot dahil naroon naman ang kanyang Kuya Rietto at si Wren na siyang naghihintay sa kanya sa altar. Nakahawak siya sa braso ng kanyang Kuya habang papalapit kay Wren. Hindi niya maiwasang maiyak. Mabuti na lamang at nakisama ang panahon sa kanila. Mahangin at hindi nakakapaso ang init ng araw.

🎵Puso ay nalumbay nang kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw
Pag-ibig ko'y ikaw...🎵

Sakto pagtapos ng kanta ay ang pagdating nila sa harap. Ngayon ay kitang-kita niya ang mga luha sa mga mata ni Wren habang nakatingin sa kanya. Nakangiting ibinigay ng Kuya Rietto niya ang kanyang kamay rito.

"Ingatan mo ang kapatid ko, brute, kung hindi ay sa akin ka malalagot. Kapag nagtungo sa akin iyang umiiyak dahil sinaktan o niloko mo ay ako makakalaban mo. Hindi na hospital ang pupuntahan mo kundi punerarya na," pagbabanta pa nito bago sila iwan nito.

Ang ibang nakarinig sa sinabi nito ay tumawa naman. Nakangusong lumingon siya kay Wren na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa kanya.

"Narinig mo ang sinabi ng Kuya ko? Subukan mo lang talaga, Knave ko."

Tumawa naman ito saka hinagkan ang kanyang noo. "Loud and clear, darling. Masyado kitang mahal para saktan lang."

"Good! I love you! "

"I love you too, darling."

Inalalayan siya ni Wren patungo sa harap. Nang mag-umpisa na ay hindi niya maiwasang maluha. Ito na talaga. Sa wakas ay magiging Mrs. Cardova na rin siya. When they take their vow ay doon na talaga bumuhos ang lahat ng luha niya. Kinuha ni Wren ang isang singsing at tumingin ng madamdamin sa kanya.

"Darling, did you remembered what I said to you bago kami umalis noon patungong US? Dito sa puwesto itong, dito sa tinatayuan natin ngayon. Do you remembered na sinabi kung babalikan kita at sisiguraduhin kong magiging Mrs. Cardova ka? Bata pa lamang tayo ay gustong-gusto na kita. Labis ang lungkot ko ng umalis kami, I even cried that night when my father said that we migrate in US for good. Akala ko ay hindi na kita makikita pang muli. Sobrang hirap. Nangungulila ako sayo. When I'm reach 22 pinayagan na rin nila akong umuwi ng pilipinas at dito ulit sa lugar na ito tayong muling nagkita. Destiny right? Kahit nagkakalayo man tayo gumagawa talaga ng paraan ang tadhana na paglapitin tayo. Naging masaya tayo. Minahal natin ang isa't isa kaso nagkahiway ulit tayo. Nang mahuli mo kami ni Margaux sa airport  at akala mo siya ang mahal ko, na masaya ako sa kanya.  You're dumping me nang hindi pinapakinggan ang paliwanag ko. Tapos malalaman ko na lamang na naaksidente ka." Tumulo ang mga luha sa mata ni Wren kaya sandali itong tumigil at tumingala. Hindi niya magawang punasan ang kanyang luha dahil parang nanghihina siya. Hindi niya kayang magalaw ang kanyang katawan.

"Nang puntahan kita sa hospital ay sampal at suntok ang sumalubong sa akin galing sa mga kaibigan mo. Sinisisi nila ako sa nangyari sayo. Nang magising ka tatlong araw ang nakakalipas ay doon na gumuho ang mundo ko. You asking me who the hell I am, that's really hurt darling. But when I said my name ay bigla ka na lamang nahimatay. Doon ko nalaman na may temporary amnesia ka. Your friend asked me na pwedeng umuwi mula ako para kumuha ng gamit mo ay umalis agad ako ngunit pagbalik ko ay wala na kayo. Sobrang sakit darling, hindi ko alam kung anong kasalanan ko para mangyari iyon sa akin. Sa pangalawang pagkakataon nawala ka ulit sakin. Pero super worth it naman ng paghihirap ko dahil nandito kana ulit sa harap ko. Ilang oras nalang magiging asawa na kita. Sa dami ng pinagdaan natin ay dito rin pala ang bagsak nating dalawa." Unti-unti nitong pinasuot sa kanya ang singsing. "I want you to know that you are the most important things in my life. You're the reason I do everything. When i get up in the morning. I feel so grateful for every second I have with you and have here on earth. You give my life meaning, you give my days such joy, you are the reason I smile. Thank you for being with me, for joining me on this journey through life. I would say it a billion time but I would still not be enough to show the depth and breadth of my love for you. I love you, darling. I love you so much." At tuluyan na nitong pinasuot ang singsing sa kanya.

Now, its her turn. Kinuha niya ang singsing na para dito at huminga ng malalim.

"It's my turn now? Haha why I feel so nervous? Did you feel it when you say your vow to me?" she asked Wren while pouting her lips.

Everyone laugh even Wren kaya sinamaan niya ito ng tingin.

"I freaking feel it too, darling," natatawang sagot nito.

Mas lalo siyang ngumuso. "Saan ba ako magsisimula? Ahh, yeah don muna sa babae mo. Alam mo ba ang pakiramdam ko nang makita kayo ni Margaux na naghahalikan? I'm broke. My heart broke into pieces you know that. You let her kiss you, Zarus, ni hindi mo man lamang siya tinulak. You even laugh after she kiss you, you asshole! Durog na durog ako ng lisanin ko ang lugar na iyon. Papunta ako kila Jashiel that time but I didn't know na sobrang bilis pala ng pagmamaneho ko at nanlalabo pa ang paningin ko. Hindi ko na napansin ang sasakyang nasa harap ko. I didn't remembered when i ask you 'who are you' in the hospital. Wala akong naalala doon. Lucé and Jashiel said to me that i am in a coma for one year. And I'm pregnant that time, Zarus. Nang bumalik ako dito sa pilipinas ay ginulo mo ulit ang puso ko. Inakit mo akong animal ka but hindi ko naman pinagsisihang nagpaakit ako sayo. Sobrang saya ko ngayon, Zarus, Im still can't believed na magiging Mrs. Cardova na ako. Akala ko ay ang bruhang iyon na ang pipiliin mo. Mabuti nalang ay mas kaakit-akit ako kaysa sa kanya." When she said the last part ay inirap niya si Wren at sinapak ang dibdib nito. Tumawa na naman ang mga tao.

"People always say one shouldn't put all egg in one basket, as a means of security. But darling, I gave you all my heart and love, and you have prove to be worthy of it all, and much more. You are simply one of a kind and one in billion. I have never had a reason to regret saying Yes to you five years ago and last month, and I just want to say thank you for being the most amazing partner ever." Unti-unti na rin niyang sinusuot ang singsing rito habang nagsasalita. "There are thousands of ways to say I love you. But the only way to truly tell you is by showing you. I hope you will continue to let me show you how much I love you every single day."

Punong-puno ng luha ang mga mata nilang dalawa ni Wren. Nakikita niya ang pagkasabik ni Wren na halikan siya ngayon. She smile and mouthed him 'wait a little minutes' then she gave him a wink.

"Now I pronounce you, husband and wife. You may kiss the bride," sabi ng pari na nagkasal sa kanila.

Lumapit si Wren sa kanya at mabilis na itinaas ang kanyang belo. Natawa ang mga tao dahil roon at lalo pa silang natawa ng umungot ang Kuya Rietto niya at malakas na nagsalita.

"Huwag mo namang ipahalata na sabik na sabik ka sa kapatid ko, brute. Binuntis mo na nga nang pangalawang beses iyan, tsk!" May halong inis ang boses nito.

Hindi iyon pinansin ni Wren. Nang maitaas ang belo ay sinapo nito ang kanyang mukha.

"Now, you're officially mine." At mariin siya nitong hinagkan. Magaan at Matagal.

Napuno ng palakpakan at hiyawan ang beach kung saan sila kinasal.

Humiwalay lamang sila ng may naglayo sa kanya kay Wren. Nang tignan niya ay nakita niya ang Kuya Rietto niya na masama ang tingin kay Wren.

"Uubusin mo ba labi ng kapatid ko? Kahit asawa mo na ang kapatid ko babanatan talaga kita, brute. One pick kiss is enough but a kiss like  no tomorrow is not okay for me. Tsk!" Inambahan pa nito si Wren bago sila iwan.

Tumatawang inakban siya ni Wren at lumapit  sa kanyang tainga. "Later, hindi kita titigilan."

Natatawang hinampas niya ang dibdib nito.

"I heard you brute."

Agad silang napalingon ng marinig ang galit na boses na iyon ng kanyang Kuya Rietto. Nasa likuran nila ito at naka cross-arm habang masama ang tingin kay Wren.

"Kuya?" Paano napunta iyon sa likuran nila. Nasa harap ito kanina.

Sinamaan din siya ng Kuya niya at tuluyan na nga itong umalis sa pwesto nila.

"Si Kuya talaga." Umiling-iling siya bago bumaling ulit kay Wren. Nakangiti ito sa kanya kay tumingkayad siya at mabilis na hinalikan ito sa labi. Mabilis lang iyon. "I love you, Wren Lazarus Cardova."

Hinalikan rin siya nito. "I love you more Yzainna Aeu Yuria Renovette-Cardova."

Lumapit ang tatlong anak nila at niyakap silang dalawa.

"We love you too mommy, daddy!" sabay-sabay sa sabi ng tatlo.

Ngayon masasabi niya talagang sobrang saya niya. Kontento na siya kung anong meron siya ngayon, at wala na siyang mahihiling pa roon. Sa dami ng pinagdaanan nila ay ito sila sobrang saya pa rin. Hawak ang kamay ng isa't isa at sabay na lumalaban.

Yzainna Aeu Yuria Renovette-Cardova, the wife of the ever possessive engineer Wren Lazarus Cardova is now signing off.

T H E    E N D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top