Chapter 5
IYONG feeling na okay na siya kanina as in super okay. Maganda na ang mood niya kaso biglang nawala bigla dahil sa presinsiya ng taong nasa harap niya ngayon.
Halos umusok ang ilong ni Yzainna dahil sa itinuran nito. Tumaas pa ang sulok ng labi nito nang makita ang gulat at inis sa kanyang mukha. Itinaas niya ang daliri at itinuro ang walang hiya.
"You're not serious, right? You can't be my engineer. So please leave me alone!" sigaw niya saka hinampas ang kanyang lamesa habang nakaupo pa rin.
Isang ngisi lamang ang itinugon ng binata sa kanya bago ito umupo sa kanyang harapan. Wala talagang hiya.
"Can I see the location, darling?" Hindi nito pinansin ang kanyang masamang tingin.
"Huwag mong sagarin ang pasensiya ko, Zarus! Noong isang araw pa kita gustong banatan." May diin ang bawat letrang sambit niya.
Napaangat ang tingin niya ng bigla na lamang itong napatayo at nanlalaki ang mata habang nakatingin sa kanya. Ang mga labi nito ay nakaawang habang nakatitig sa kanya. Hindi niya alam kung nagulat ba ito dahil sa sinabi niyang gusto niya itong patayin o dahil sa pangalang isinambit niya.
Napanaginipan niya ang pangalan na iyon kaya sinubukan niyang itawag iyon dito, nagbabakasakali na iyon din ay pangalan ng binata.
"W-What did you c-called me?" nagkandautal-utal pa ito ng itanong iyon sa kanya.
Kumunot ang kanyang noo, ang kilay ay kumurba pataas. "Why? Zarus isn't your name?"
Umiling ito. "No... I mean yes that's part of my name. Did you remembered anything?"
Kahit nagtataka ay sinagot niya ito na para bang obligasyon niyang sabihin rito ang totoo.
"Sometimes I dream about my past but it's still vague." Tumango pa siya bago ngumuso.
After the accident happened four years ago her doctors in France said, she has a temporary amnesia. Unti-unti naman itong babalik kaya hindi na lamang niyang pinilit na alalahanin ang kanyang nakaraan. Ang sabi rin ng mga kaibigan niya ay 'wag na niyang alalahanin ang mga iyon dahil iyon daw ang naging dahilan kung bakit siya naaksidente. First, she agreed with it kase no'ng sinubukan niyang alalahanin iyon ay sumakit ang kanyang ulo at dumugo din ang kanyang ilong. But now she wanted to know everything...to remember everything her past.
Aligaga pa rin itong nakatingin sa kanya. Hanggang ngayon ay gulat pa rin ito. Iyon ang pinagtataka niya. "I thought it was just a temporary amnesia? Why until now you don't remember everything?"
Gulat siyang napatingin rito. "H-how did you know that? Sino ka ba talaga?"
Ang pagkakaroon niya ng amnesia ay itinago nilang magkakaibigan. Isang sekreto iyon mula sa mga taong nakakilala sa kanya sa Pilipinas. Kaya nga doon na sila sa France at hindi na bumalik sa Pilipinas pagkatapos niyang maka-recover. So, paano nalaman nito ang bagay na iyon?
Umiling-iling ito saka marahang ngumiti sa kanya. "I told you i'm your fiance, but you didn't believe it. And darling, I know everything about you."
If he's really her fiance so why Lucé and Jashiel didn't tell her about it? This man is fucking annoying.
Agad na sumama ang kanyang mukha. "You're annoying. Get out, Mr. Cardova! You're wasting my time."
"Zayn naman. Hindi mo lang ako naalala ganyan kana."
"Isang salita mo pa diyan, basag yang bungo mo. Makikita mo."
"Paano mo babasagin?"
"I have my gun here," she lied.
Tumaas ang sulok ng labi nito. "Really? Can I see it?"
“ 'Wag mo kung subukan at baka kusang gumalaw itong kamay ko.”
"Ang sungit mo!"
"Sayo lang naman."
"Talaga? Sa'kin ka lang masungit? I feel special, darling."
She smirked. "Yeah you're special. Special child."
"Anong special child? I'm not child, ah."
"Then, you're special gay."
Napamaang naman ito dahil sa sinabi niya. "Anong....I'm not gay!"
Tumayo siya at naglakad patungo sa pinto, hindi niya pinansin ang binata.
"Oxen, can you buy me a lunch? Dito na lamang ako kakain sa opisina."
Kahit na may intercom naman siya sa kanyang mesa ay siya na lamang ang nagtungo at sabihin iyon sa sekretaryo para maiwasan ang binata. Agad namang tumalima ang kanyang sekretaryo. Napatawa siya ng mahina nang itaas nito ang kamay at sumaludo sa kanya.
"I don't like your secretary, Zayn. Find a new girl secretary, please?!"
Tumindig ang kanyang balahibo ng maramdaman ang binata sa kanyang likuran. Tumatama ang mainit nitong hininga sa kanyang tainga na siyang nagbibigay sa kanya ng kakaibang kiliti. Lumakas na naman ang tibok ng kanyang puso ng ilapit pa nito lalo ang katawan sa kanya.
"W-what are you... You're too close," mahinang sabi niya rito.
Sinubukan niyang lumayo pero halos mahilo at mabuwal siya sa kinatatayuan nang ipalibot ni Wren ang mga braso sa kanyang maliit na baywang at bahagyang hinapit siya palapit dito. Her knees were trembling because of their closeness.
"I miss you damn much, darling," he said huskily.
Napakislot siya ng halikan nito ang kanyang sintido. Hinigpitan ang yakap sa kanya at hinapit siya lalo sa katawan nito.
"W-what are you doing?" mahina at may halong kaba ang pagkakasabi niya no'n.
Gusto niya itong itulak pero hindi sumang-ayon ang katawan at ang puso niya sa gustong gawin. Mas nananaig ang puso niya sa sandaling iyon. Ang kanyang katawan ay parang komportable sa yakap nito. Napamaang siyang napatingin sa kanyang kamay ng kusa lamang itong gumalaw, hinawakan nito ang braso ni Wren at hinimas-himas.
Wren pursed his lips, trying to suppress a damn smile because of her act. Hindi man siya kilala ni Yzainna, ang puso naman nito ay talagang kilala siya.
"Hugging you?" patanong nitong sagot sa kanya.
Kusang itinabingi niya ang kanyang ulo nang maramdaman ang mukha ng binata sa kanyang leeg. Kusang tumaas ang kanyang kamay at hinawi ang kanyang buhok sa kabilang bahagi ng kanyang balikat para mabigyan laya ang binata sa kanyang leeg.
"Z-Zarus..."
Haplos palang ng labi nito sa kanyang leeg ay nakikiliti na siya. Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso sa ginagawa nito.
"Ahmmm..."
Ang kamay nitong nakapalibot sa kanya ay humaplos na sa kanyang katawan. Ang isang kamay nito ay bumaba sa tiyan niya, pumasok iyon sa kanyang dress na suot at hinahaplos ang kanyang tiyan. Ang isa pa nitong kamay ay nasa kanyang hita na, humahaplos rin iyon doon pataas at pababa.
Bago pa nito maabot ang kanyang iniingatan ay bigla na lamang may kumatok. Napahinga siya ng malalim nang bahagyang lumayo ang binata ngunit ang kamay nito ay nasa baywang na niya, doon na nanatili.
"Zaicy? Are you there?"
Nanlalaki ang kanyang mata ng marinig ang boses ni Khaleesi. Agad siyang napalingon kay Wren na matiim lamang na nakatitig sa kanya. Sigurado siyang kasama rin nito si Jashiel at Lucé.
Natatarantang hinila niya ang kamay ni Wren, dinala niya ito sa kwarto niya roon sa opisina upang itago sa kanyang mga kaibigan. Sigurado siyang magagalit ang mga iyon sa kanya kapag makita ang binata sa opisina niya. Okay lang sana kung naka office attire ang binata para hindi maghinala ang mga ito pero hindi eh. Wren wearing a plain V-neck shirt and jeans, he looks handsome effortlessly.
“ 'Wag kang lalabas rito hangga't hindi ko sinasabi. Hindi ka nila pwedeng makita," aniya.
Napalunok siya ng hapitin nito ulit ang kanyang baywang. Seryoso ang mukhang nakatitig sa kanya.
"Z-Zarus, ano ba!" Buong lakas niya itong itinulak pero hindi ito natinag man lamang.
She like calling him Zarus, so starting from now on she will call him that name.
Nangunot ang noo nito dahil sa ginawa niyang pagtulak. "You're pushing me again."
"Tsk! Let me go, Zarus. My friends waiting for me."
"Promise me, you will come back to me after they leave," he said.
"Ayoko---"
"Please, darling."
Napabuntong hininga siya. Bakit ba hindi niya matanggihan ito.
"Fine!" Pagsuko niya.
Bago siya nito pakawalan ay hinagkan pa nito ang kanyang noo at ilong that make her heart beat erratically. Agad niya itong tinalikuran at lumabas ng kwarto para itago ang pamumula ng kanyang pisngi. Dumeretso siya sa pinto niyang naka-lock saka ito binuksan. Nakita niya ang kanyang mga kaibigan na nakatalikod na sa pinto. Siguro ay aalis na.
"Hey!" she said lazily.
Mabilis namang lumingon ang mga ito, lalo na si Khaleesi. Malalawak ang ngiting dinambahan siya nito ng yakap na para bang ilang taon silang hindi nagkita samantalang nagkita na sila kaninang umaga sa bahay niya.
"Zaicy, akala namin ay wala ka rito. Bakit ang tagal mong buksan ang pinto?" nakangusong turan ni Khaleesi. Pumasok na rin ang dalawa.
Si Khaleesi Chivaaree ay isang Psychiatrist sa sarili nitong Hospital, Chivaaree's Hospital. Hospital lang iyon ng mga taong may sakit sa pag-iisip. She also has a Jewelry Mall all over the world.
Sa kanilang magkakaibigan si Khaleesi 'yong isip bata. Kapag pagod na pagod sila galing sa trabaho, at nagsimula nang dumaldal ito ay kusa nang nawawala iyon. Stress reliever nila ito.
"I'm sorry, I was in my room when you knocked and I really meant to delay it so that you would be annoyed." Pilit siyang tumawa para pagtakpan ang kaba na nararamdaman.
"You're so bad, Zaicy." Hinampas pa siya nito sa kanyang braso.
Napaatras siya saka nginiwian ang kaibigan dahil sa pangalang itinawag nito sa kanya. "Stop calling me that, Khaleesi."
Ang hilig talaga nitong mag-imbento ng mga mababantot na mga pangalan.
"It is pangit ba?" Humarap ito kay Lucé na nagtatago na ngayon sa likuran ni Jashiel. "Lulu, 'di ba cool naman 'yon? What are doing there?" inosente nitong tanong.
Kinagat niya ang kanyang labi para pigilan ang tawang gustong kumawala. Mas malala ang pangalang ibinigay nito kay Lucé. Lulu? Ang bantot pakinggan niyon. Nakita niyang sumama ang mukha ni Lucé at ang matalim na tingin nito kay Khaleesi. Si Jashiel at siya ay nagpipigil lamang ng tawa. Matagal na itong tinatawag ni Khaleesi sa pangalan na iyon ngunit hindi pa rin yata ito nasasanay. Will siya rin naman.
"A-aray naman, Lulu!" daing ni Jashiel ng hampasin ito ni Lucé. Ginaya pa nito ang tono ni Khaleesi sa pagsambit ng mabantot na pangalan na iyon.
Sa oras na iyon ay hindi na niya napigilan pa ang kanyang tawa, hindi niya pinansin ang matatalim na tingin ni Lucé. Si Khaleesi naman ay inosenteng nakatingin sa kanila na siyang nagpatawa lalo sa kanya.
"Shut up, Inna!" Hindi pa rin inaalis ni Lucé ang matalim na tingin nito sa kanya.
Namumula na ang mukha nito tanda na naiinis na ito sa kanila. Poor Lucé Towler. Poor Lulu. Umiwas siya ng tingin at kinagat ng mariin ang labi.
"Gorgeous Inna, ito na po ang lunch mo." Nabaling ang tingin niya kay Oxen ng magsalita ito mula sa labas ng pintong nakabukas.
Tumingin din roon ang mga kaibigan niya.
"Bro/Oxenny!" Sabay na sigaw ni Khaleesi at Jashiel. Dinamba din ng yakap ni Khaleesi si Oxen. Si Jashiel nakipag- fist bump kay Oxen at si Lucé ay nakipagbeso.
Oxenny naman ang tawag ni Khaleesi rito. Pero bakit yumakap rin ang babaitang ito kay Oxen? Eh, lagi din naman ito narito dahil sa inuutusan niyang magtungo ito palagi dito. Umiling-iling na nagtungo siya sa puwesto nito at kinuha ang paper bag na hawak.
"Inna, hindi ka talaga sasama sa'ming lalabas? Doon kami sa Restaurant ni Oxen magla-lunch para libre." ngingisi-ngising sabi ni Jashiel habang nakatingin kay Oxen na nakasimangot.
"Fuck you, Morfe!" angil nito.
"Sorry dude but I'm straight," mabilis na sagot ni Jashiel rito at sinabayan pa ng tawa.
"Ayoko. I have many work pa, eh.”
Tinalikuran niya ang mga ito saka nagtungo sa kanyang mesa.
"Sure kang ayaw mo?" pilit pang tanong ni Lucé.
"Yeah." Itinuro niya ang mga papeles na nasa kanyang mesa.
"Okay! Anyway baka gabi o bukas pa kami makakauwi. May pupuntahan kasi kaming importante ni Jashiel," sabi ni Lucé.
Nagtataka man ay tumango na lamang siya. Anong importanteng pupuntahan? Where is it?
"Okay, ingat." gamit ang salitang pranses.
"Mauna na kami, Zaicy," sabi naman ni Khaleesi.
"Isasama na namin itong bilyonaryo mong sekretaryo. Magpapalibre lang kami." Hinila ni Jashiel si Oxen saka ito inakbayan.
Nakangiwing tumango ulit siya. "Okay, ibalik niyo iyan pagkatapos."
Sumaludo si Oxen sa kanya. Lumingkis si Khaleesi rito bago silang sabay na lumabas pero bumalik si Jashiel.
"Anyway Inna, can you please try to use tagalog or english more often? Nasa Pilipinas kasi tayo ngayon wala sa France. Not all people here can understand you. Do you get it?"
Ngumuso siya bago tumango-tango rito. "Okay!"
Lumabas na ulit ito ng kanyang opisina. Humarap siya sa kanyang mesa upang inilagay ang paper bag na hawak. Pagkatapos ay nagtungo siya sa kanyang kwarto para tingnan si Wren. Nakita niyang nakaupo ito sa kanyang kama habang nakatulala. Sigurado siyang hindi nito napansin ang kanyang pagpasok.
"You can go out now. They're already leave," masungit niyang turan rito.
Gulat na napatingin sa kanya ito. Dagli itong tumayo at niyakap siya nang mahigpit.
"B-bakit... W-what are you doing?" Pilit niyang tinutulak ito pero mas lalo lang nito hinigpitan. Parang ayaw na siyang pakawalan.
"Come back to me, Zayn. Please, remember me."
Napapikit siya sa sinabi nito. So, he's part of her past? Ano ang relasyon nilang dalawa? He's really her Fiance? Asking herself sa mga bagay na hindi niya rin naman kayang sagutin ay parang binibiyak ang kanyang ulo. Nasapo niya bigla ang kanyang ulo dahil sa sakit na bumalatay roon. Madiin niyang hinilot iyon. May mga imahe siyang nakikita, magulo ito kaya mas lalong sumakit ang ulo niya. Hindi pa rin klaro ang mukha ng lalaki roon.
"Agh! A-aaraay! Shit! Shit!" sunod-sunod na mura ang pinakawalan niya.
Napahiwalay si Wren sa kanya at nag-aalalang tiningnan siya.
"Zayn darling, what happened? Are you okay?"
Napaupo siya habang sapo pa rin ang kanyang ulo. Ngayon ay parang mabibiyak na ang kanyang ulo dahil sa sakit. Hindi siya katulad noon na agad nalang huhupa. Gusto niyang alalahanin si Wren kaya ganito na lamang kasakit ngayon dahil ayaw niyang itigil. Gusto niyang malaman kung sino ito sa buhay niya.
"Fuck Zayn, stop it! Don't force yourself. Please, please stop! Fuck!" Masuyo siya nitong niyakap, hinihimas ang kanyang likod para pakalmahin.
Nag-aalala ito sa kanya. Ramdam niya iyon. Mas lalo tuloy siyang naging determinadong alalahanin ito.
"Zayn, your nose is bleeding. Stop it, darling." Kinuha nito ang panyo sa bulsa ng jeans nito at nilagay sa kanyang dumudugong ilong.
Nahihilo siya at parang umiikot na rin ang kanyang paningin.
"Zayn!" sigaw nito sa kanyang pangalan nang mawalan siya ng malay.
MABILIS na binuhat ni Wren si Yzainna at tumakbo palabas ng opisina nito. Labis ang kabang naramdaman niya nang bigla na lamang itong nawalan ng malay. Sinisisi niya tuloy ang kanyang sarili dahil sa sinapit nito.
"Open the door. Faster!" sigaw niya sa guard na nakatayo sa entrance ng building.
Mabilis naman itong gumalaw patungo sa passenger seat saka binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan. Nilagay niya si Yzainna roon pagkatapos ay dagling umikot papuntang driver seat. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang kaibigan na alam niyang matutulungan siya sa oras na iyon.
"Bright, in my house pease!." Agad niya iyong pinatay.
Agad na pinaharurot niya ang sasakyan patungo sa kanyang bahay. Pagkarating niya ay nakita niya agad ang sasakyan ng kaibigan. Pinangko niya muli si Yzainna at pumasok sa kanyang bahay. Masyado siyang nag-alala sa dalaga kaya hindi na niya pinansin ang mga kasambahay na bumabati sa kanya. Dinala niya si Yzainna sa kanyang kwarto at doon niya nakita ang kaibigang doktor.
"Raece Aragon? Where did you saw her?" Agad na tanong ni Bright ng makita kung sino ang hawak niya.
Bright Vachirawit is a CEO of Vachirawit's hotel and resort. Isa din ito sa mga matalino at magaling na doktor sa Pilipinas.
Dahan-dahan niyang nilapag si Yzainna sa kanyang kama. "Later, Bright."
Tumango ito sa kanyan at nilapitan si Yzainna. "She can't still remember you, huh?" tanong nito.
Malungkot siyang tumingin sa dalaga. "Yeah,"
"Oh, I see."
Pagkatapos nitong i-check ang dalaga ay tumingin ito sa kanya. "She lost her consciousness because of too much force. Are you forcing her to remember you, brute? Next time, don't let her. Because when she tried to continue it she would bleed her nose again, may posibilidad na matatagalan ang pag-alala niya. So, don't try to force her to remember you again, brute. She will suffer from the headache, and I tell you its really hurt, dude. You better just wait for it to come back on its own."
"What if it doesn't come back? Paano kung hindi na nga niya ako maalala?" walang emosyong tanong niya sa kaibigan pero naroon ang kaba sa dibdib .
Ngumiwi ito sa kanya ngunit ang mukha ay seryoso. Lumapit ito at tinapik ang kanyang balikat. "It can no longer be called temporary amnesia if she can't remember it. Just don't force her, dude. Saka kumalma ka nga diyan kasalanan mo naman ito."
"Yeah, yeah! Don't remind me of that, brute." Masama ang tinging ibinigay niya rito pero nag kibit-balikat lamang ito at lumabas sa kanyang kwarto nang hindi nagpapaalam.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top