Chapter 4
YZAINNA'S forehead puckered and her brows snapped together because of the caller.
Nagtungo siya sa living room at naupo sa kulay itim na sopa. Itinaas niya ang dalawang paa sa glass table na nasa kanyang harapan.
"Pardon? I think you made the wrong call," she said.
Nagsimula na siyang mainis rito nang hindi man lang ito nagsalita. Ilang minuto pa ang hinintay niya hanggang sa narinig niya ang pagbuntong hininga ng taong nasa kabilang linya.
"Wala ka bang planong magsalita?" she asked frustratedly.
Konti lamang ang nakakaalam ng kanyang numero kung kaya't gusto niyang malaman kung saan nito nakuha iyon.
"Zayn, its me." Narinig na naman niya ang pangalang iyon.
She let out a heavily breath. "Zayn? Sorry but doesn't my name. Can you tell me where did you get my number?"
"To my friend," he answered.
"What is your friend name?" she questioned using french.
"You didn't know him. Anyway, how are you?"
"You understand french? I'm good! By the way do I know you?"
Hindi siya makapaniwala na nakipag-usap siya sa hindi niya kilala. Kapag kase unknown ang tumawag ay agad niyang pinapatay ang tawag o kaya ay hinahayaan lamang niya iyon. She don't know now, why she's talking to this unknown guy.
"Of course I can understand. I'm Wren Cardova."
Sasagutin na niya ito ng muling nag-echo sa kanyang isip ang pangalan nito. Agad niyang sinapo ang kanyang ulo dahil sa biglaang pagsakit nito. Pamilyar sa kanya ang pangalan na iyon. Parang narinig na niya iyon somewhere pero hindi niya alam kung saan.
"Awww! Shit!" Napamura siya nang mas lalong kumirot ang kanyang ulo.
"Zayn darling, are you okay?" may pag-alala sa boses nito.
Why he calling me Zayn? Is he the man that I bump earlier? she asked in herself.
"S-Stop calling me t-that name please," nahihirapang sambit niya.
"Are you okay?"
"Agh! W-Who are you?" Iyon na lamang ang naging sagot niya habang sapo pa rin ang kanyang ulo.
Hindi na ito masyadong masakit katulad kanina, may konting kirot na lamang iyon.
"I'm the one you bump earlier in the airport, did you remember?"
She's right. "Gray eyes guy?"
Napabuntong hininga siya nang mawala na ang kirot na iyon. Umayos siya ng upo. Napapadalas na yata ang pagsakit ng kanyang ulo mula ng tumungtong siya sa Pilipinas.
"You knew that's gray, huh?"
Nahihimigan niya ang saya sa boses nito pero hindi na lamang niya iyon pinansin.
"Eh, of course. Why?"
Natitigan niya kase ang mga mata nito kanina. It's a gray eyes that have a flecks of brown and gold. That's a rare eyes. At ang mga matang iyon ay parang nakita na niya iyon sa kanyang panaginip. That's weird thought.
"Everyone mistaken it as a blue. Ikaw lang talaga ang mabilis na nakakapansin na kulay abo ito."
May huling sinabi ito ngunit hindi niya narinig dahil sa mahina ang boses nito. Hinayaan na lamang niya iyon kung kaya't tumango na lamang siya. "Ah, noong una akala ko nga ay kulay asul iyon pero ng matitigan ko ito nang mabuti ay nalaman kong kulay abo ito. Well, it will mistaken it as blue if you didn't pay attention with it and stare it intently."
"As expected to my Zayn."
Kumunot ang noo niya dahil sa sinagot nito. Pero imbis na tanungin kung anong ibig sabihin nito ay iniba na lamang niya ang kanyang topiko. Nag-aalala siya baka mas lalong sumasakit ang kanyang ulo dahil sa mga sagot nito sa kanya.
"So, why did you called?"
The guy chuckled. "Hmm, I just want to hear your voice."
Sandali siyang natigilan kasabay ng pagtibok ng kanyang puso. Umiling siya at iwinaksi ang kung anong nararamdaman. "Anyway, I notice that your eyes changed of color dark blue when I push you away from me earlier. It's really changed, right?" she asked with her forehead furrowed.
"Ah, you noticed it again, huh." He chuckled. "My eyes color change depending on my mood. Such this eyes are rare. I don't know if I am lucky or unlucky having this eyes."
"It's beautiful. I already seen that kind of eyes in my dreams. Haha it's weird, right? You're lucky to have that eyes color you know."
"You seen my eyes on your dreams?" gulat na tanong nito.
Napalunok siya. She bit her lower lips because of her garrulity. Did she really say it? Gosh! She didn't know kung bakit komportable siyang kausap ito.
"Oh well...hmm yeah."
"M-may iba ka pa bang napapaginipan maliban sa mata?" Nahihimigan niya ang pagkasabik sa boses nito.
"Bakit?" may pagtatakang tanong niya rito.
Oo, may napapaginipan pa siyang iba maliban sa mga matang iyon. Sa katunayan ay gabi-gabi siya nananaginip pero hinayaan na lamang niya iyon dahil isang panaginip lang naman iyon. Or maybe it is her memories but it's blurr so she just ignore it.
"Nothing, I just want to know. So?" anito. He's also weird, eh.
Sasagutin na sana niya ito ng marining niya ang mga yapak patungo sa kanyang puwesto. May hula na siya na mga kaibigan niya iyon. Agad siyang nagpaalam sa kausap niya.
"Sorry Wren, but I will end this call na. Ang mga kaibigan ko ay pupunta na dito baka magalit na naman ang mga iyon kapag nadatnang may kausap ako. Bye!" Hindi na niya hinayaang sumagot pa ito, agad na niyang tinapos ang tawag.
Nilagay niya ang cellphone sa mesa pagkatapos ay sinandal ang buong katawan sa sopang inuupuan habang hinintay ang mga kaibigan na dumating. Wala sa sariling napapangiti siya habang inaalala ang mukha ng lalaking nakabangga niya sa airport.
Mataas si Wren sa kanya, kung tutuusin ay hanggang balikat lamang siya nito. Ang mga kulay abong mata nito ay para kang hinihipnotismo sa klase ng tingin nito. Ang may kahabaang nitong itim na buhok na halos natatakpan na ang kanyang noo ay siyang lalong nagpatingkad sa kagwapuhan nito. Ang matangos na ilong, ang mapupulang labi, ang makapal na mga kilay at ang mahahabang pilik mata nito na siyang nagpadagdag ng kaperpektuhan nito. Kahit saang angulo tingnan ay talagang hahangaan mo talaga ito. Masyado itong perpekto sa paningin niya. Kaya habang inaalala ang bawat angulo ng mukha nito ay awtomatikong gumuguhit ang ngiti sa labi niya. Nababaliw na yata siya. Hindi niya alam kung bakit nararamdaman niya ito sa lalaki dahil kung tutuusin ay kanina niya lamang ito nakilala. Pero may pakiramdam siyang matagal na niyang kilala ang lalaki. Naguguluhan siya.
Imposible ba iyon? Iyong sa maikling panahon na nakilala mo ang isang tao ay may agad kang nararamdaman para rito?
Umiling-iling siya habang tumatawa. Pakiramdam niya ay parang gusto na niyang makita ulit ang binata. May nag uudyok sa kanyang yakapin ito ng mahigpit at paulanan ng halik ang mukha nito.
"Ang saya mo yata."
Gulat na napaangat siya ng tingin, kung saan nangagaling ang boses na iyon. Nakita niya si Lucé at Jashiel na nakatayo sa kanyang harapan, nakatitig sa kanya.
Nguso siya at sinamaan ng tingin ang mga ito. "Bakit ba nangugulat kayo?"
Tinitigan siya ng mga ito at sabay na nag kibit-balikat. Pabagsak na umupo si Lucé sa kanan niya habang sa kaliwa naman si Jashiel. Pinagigitnaan siya ng dalawa. Napalingon siya kay Jashiel nang bigla na lamang itong humilig sa kanyang balikat. Agad ding naalis ang tingin niya rito at nabaling ang tingin kay Lucé na yumakap sa kanya.
"What are you two doing?" nagtatakang tanong niya sa mga ito.
"Inna, you're not lying to us right?" mahinang tanong ni Lucé na siyang nagpakaba sa kanya.
May alam ba ang mga ito tungkol sa nagyari sa airport kanina? Kahit na kinakabahan ay hindi niya iyon pinahalata sa mga ito. Ang bilis makabasa ng kilos si Lucé kaya kailangan niyang mag-ingat rito para hindi siya mahalatang nagsisinungaling. Bigla naman siyang napaisip kung bakit kailangan niya pang itago iyon sa dalawa.
Kunwaring sinamaan niya ng tingin si Lucé. "Kailan pa ba ako nagsinungaling sa inyo?" mataray na tanong niya rito.
"Bakit nagtataray ka diyan?" kunot-noong tanong ni Lucé sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
"Pake mo ba!"
"Galit kana niyan?" Luce asked again. Inaasar na naman siya.
Nagtataka siya kung bakit ang tahimik ngayon ni Jashiel. Hindi nito inaasar si Lucé ngayong araw. Marahas siyang lumingon sa binata at sinilip ito, napaawang na lamang ang kanyang labi nang makitang mahimbing ang tulog nito habang nakasandal sa kanya.
"Shut up, Lucé! Masyado yatang napagod itong si Jashiel," turan niya.
Agad namang umayos ng upo si Lucé at sinilip rin si Jashiel. Napabuntong hininga ito ng makitang tulog nga ang binata.
"Ikaw ba naman ang kumuha ng apat na luggage at magbuhat ng mabigat na babae patungo sa huling palapag ng mansion na ito, eh, ewan ko lang kung hindi ka mapagod don."
Agad niyang sinamaan ng tingin ang kaibigan. "I'm not heavy! Saka bakit ba kase dalawang maleta ang dala mo? Eh, samantalang isa lang 'yong amin."
"What? I just brought my half books na hindi ko pa nababasa. One luggage for my books and one for my things." Lucé hissed and give her a leered look.
Lucé loved reading books. Kahit saan ito magpunta ay may bitbit talaga itong libro.
Nag-cross arm siya at tinabingi ang ulo para mas lalo itong matitigan. "You can freely buy a books in national books store here anytime, Lucé. Hindi mo na kailangan pahirapan si Jashiel."
"Hindi ko siya pinahihirapan, noh. He volunteer to get our luggage kahit na may mga tauhan ka naman," angal nito at sinamaan pa siya ng tingin.
Tumaas ang sulok ng labi niya na siyang nagpainis lalo sa kaibigan. "Because you knew that Jashiel don't want anyone to touch your luggage because of your kaartihan."
"Excuse me!"
Humalukipkip siya sa harap nito. "What? Walang daanan dito."
"Shut up, Inna!" Inis siya nitong inirapan.
Tumayo siya at padarang na kinuha si Jashiel. Napailing na lamang siya dahil sa ginawa nito. Naalimpungatan naman si Jashiel dahil sa ginawa niya.
"Be careful, Lucé."
Hindi na siya nito sinagot. Bago ito maglakad paalis ay siniringan pa muna siya nito. Nang mawala sa paningin niya ang mga dalawa ay kinuha niya agad ang kanyang cellphone. She smile widely then immediately call someone.
"We're here!" masayang bungad niya nang sagutin nito ang tawag niya. She use french language while talking to the this person.
"Chérie?" Sweetheart.
She pouted when he called her that. "Can i ask a favor to you?"
"Of course, what is it?"
"Can you buy me a Mille-Feuille in L 'Amandier Restaurant? I want it the day after tomorrow."
Mille-Feuille is a French dessert with three layers of buttery golden puffpastry baked until golden and crisp. The layers are then filled with pastry cream. This dessert is her favorite in L 'Amandier Restaurant.
L 'Amandier Restaurant that located in Mougins near on her Mega Mansion in France.
"That's it, Chérie?
She nodded. "Yes, Thank you!"
"Anything for my Chérie."
"See you soon, Rietto!" She laugh before ending a call.
Tumayo siya saka nagtungo sa elevator na nasa gilid ng hagdan. She waited hanggang sa magbukas iyon. She press the last floor and then she cross her arm below her chest. She boredly look at the elevator's ceiling until the door open in her room floor. She hurriedly run to her queen-size bed at tumalon roon. Ibinaon ang ulo sa unan saka pinikit ang mata. Hanggang sa makatulog siya at managinip ulit.
YZAINNA rested her back on the swivel chair and massage her temple. She's in her office facing to the many pile of documents about to her new project. She has many company here in the Philippines, and her butler manage it all.
Dalawang araw lang siya nagpahinga bago siya nagtungo sa opisina. Pagbaba niya kanina ay agad na siyang binungangaan ng kaibigang si Lucé. Bakit raw magtatrabaho agad siya, eh, dapat daw magpapahinga muna siya ng isang linggo. Ano bang problema ng mga kaibigan niya? Eh trabaho naman ang ipinunta niya sa Pilipinas at hindi pahinga. Two days is enough. She want to go back in France, ASAP.
"Gorgeous Inna?" Boses ng kanyang secretary iyon kasabay no'n ay ang mahinang katok nito sa pinto ng kanyang opisina.
Gorgeous Inna ang tawag nito sa kanya imbis na Ma'am or whatsoever. Ayaw nitong tinatawag siya ng kung ano dahil hindi daw iyon nababagay sa ganda niya.
"Come in." Sinulyapan niya ito bago bumalik sa binabasang dokumento.
Yumuko ito sa bago inibot sa kanya ang dalawang folder na hawak nito. "This is the lists of Engineers that you looking for and the pund that you might spend to your big project." May ibinigay ulit itong isang folder sa kanya. "Also this, ang mga lokasyon na kung saan pwede niyong pagpilian. And Ma'am, the other investment offered their help to your project."
She looked at his secretary and smiled widely. "Thank you, Oxen!"
Tumawa ito at ginulo ang kanyang buhok.."May gusto ka pa bang ipapagawa?"
Umiling siya saka ibinalik ang atensyon sa binabasang dokumento. "Nope hehe. Thank you again!"
"Okay sige." Muli nitong ginulo ang buhok niya bago lumabas ng kanyang opisina.
Pagkatapos basahin ang dokumentong hawak ay kinuha niya ang folder na may lists ng mga Inhinyero. She scan it carefully when her eyes suddenly stop to the familiar name. Kumabog ng malakas ang kanyang dibdib habang nakatingin sa pangalan nito.
Wren Cardova
So, his a Engineer? She asks to herself while looking at the file. Inignora niya ang kabog na nararamdaman para rito. Agad niyang siniringan ang dokumentong hawak.
She jump to her seat when her intercom rang loudly. She immediately press the answer button. Her intercom is only connected to his secretary.
"Oxen?"
Sa katunayan ay kaibigan niya rin ang kanyang sekretaryo. Mayaman din ito pero nag-presinta itong maging sekretaryo niya. Hindi niya alam kung ano ba ang trip nito sa buhay.
Oxen Ducasse is the owner of Ducasse's Hospital. He also have an Restaurant, Beach, Hotel and Digital Mall all over the world. You see how rich he is? Isang bilyonaryo ang nag presintang maging secretary niya. Tatlong taon na itong secretary niya at kahit ni minsan ay hindi siya nito binigo. He said gusto raw nito ma-experience magtrabaho sa iba.
"Gorgeous Inna, someone is looking for you."
"Who?"
"Wren Cardova, he wants to talk to you."
Her eyes immediately wided. Naghuhulimintado agad ang kanyang puso na hindi man lamang niya alam kung bakit. Sobrang bilis ng kabog nito na para nagkakakerahan. Shit! Bakit nandito 'yon? Kakabasa pa nga lang niya sa pangalan nito.
"No, 'wag mong papasukin!" she yelled.
Bumukas ang pinto ng kanyang opisina kaya doon natuon ang kanyang tingin. Ang nakangising si Wren ang agad na bumungad sa kanya.
"Napapasok ko na Gorgeous Inna. He told me that he is your fiance kaya pinapasok ko na. Hindi mo naman sinabing may fiance kana pala. Tsk!"
Inis niyang pinatay ang tawag nang hindi ito sinasagot saka masama ang tinging binalingan ang binata.
"What are you doing here?" she scolded.
Sa dalawang araw niyang pamamahinga ay palagi siya nitong kinukulit na para bang close sila. Kapag lumalabas siyang hindi kasama ang mga kaibigan ay ito naman ang sumusulpot at kinukulit siya. He always calling her Zayn na mas lalong kinainis niya. Noong una ay akala niya matino ito pero nagkamali siya. Sintu-sinto, abnormal, makapal ang mukha at lahat ng pangit na katangian na ayaw niya ay nasa lalaking 'to. Sa dalawang araw na iyon ay para itong baliw na sunod ng sunod sa kanya.
"Oh, relax Zayn darling." Itinaas pa nito ang dalawang kamay tanda ng pagsuko saka siya nito kinindatan.
Sumama ang mukha niya dahil sa muling tinawag nito sa kanya. Naiirita talaga siya habang naririnig iyon. "Get out Mr. Cardova!"
"That's impossible, darling. I am the engineer hired by Mr. Gonzales for your project. And I already signed the contract that he sent to my office yesterday. Hmm?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top