Chapter 30
TATLO silang babae ang nasa tabi ni Jashiel, si Lucé ay hawak-hawak ang kamay ni Jashiel habang siya ay nakaupo sa kama nito habang nakatingin sa mga mata ng kaibigan na nakapikit pa rin at si Khaleesi naman ay nasa tabi lamang niya.
"Bakit ang tagal niyang magising?" Takang tanong ni Khaleesi.
Malungkot siyang nagkibit-balikat. "Ewan ko!"
Napalingon siya ng may humawak sa kanyang mga balikat. "Darling, magpahinga ka muna."
Umiling siya at ibinalik ang tingin sa kaibigan. "Ayoko! Hihintayin ko munang magising si Jashiel."
"Darling, masama sa'yo---"
"Zarus, mamaya na." Nakangusong putol niya rito.
"Masama sa baby natin, darling." Pangungulit pa nito sa kanya.
Sasagot pa sana siya ng sumabat na si Lucé. Mula kaninang pagpasok nila sa kwarto ni Jashiel ay hindi ito umiimik. Kaya napatungo na lamang siya ng magsalita na ito.
"Tatawagan kana lamang namin kapag nagising na siya. You need to rest Inna, for your baby." Hindi ito nakatingin sa kanya habang sinasabi iyon.
"Pero Lucé..."
"Sige na Gorgeous Inna, kami na ang bahala dito." Napalingon siya kay Oxen nang sumabat ito.
Bagsak ang balikat na tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo saka lumapit kay Wren na naghihintay lamang sa kanya. Agad nitong hinawakan ang kanyang kamay at inalalayan siyang maglakad. Bago tuluyang makalabas sa kwarto ni Jashiel ay lumingon siya sa mga kaibigan.
"Tawagan niyo ako, ha!" Naluluhang paalala niya sa mga ito.
Sabay na ngumiti at tumango ang mga ito sa kanya. "Makakaasa ka."
Habang naglalakad sila ay tahimik lamang siya, pinapakiramdaman si Wren sa kanyang tabi.
"I'm sorry!" Napatingala siya ng magsalita ito.
Agad siyang napaiwas ng makasalubong niya ang tingin ni Wren. "Sorry for what?"
"Sorry if i am the reason why that happened to your friend. I'm sorry for not telling you the truth. I'm sorry, darling." Mahina ang boses nito ng sabihin iyon at lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang kamay parang wala na itong planong bitawan iyon.
Kagat ang pang ibabang labing tumingala siya rito. Nakikita niya ang lungkot sa mukha nito. "Bakit nga ba hindi mo sinabi sa 'kin iyon, Zarus? Sa tatlong taon natin noon ay hindi mo man lamang sinabi ang tungkol sa kanya. Wala kang planong sabihin sa 'kin?" Nasisiguro niyang nabosesan nito ang hinanakit sa kanyang boses dahil bahagya itong tumigil at tumingin sa kanya.
"I'm sorry..." Iyon lamang ang nasabi nito kaya nakaramdam na siya ng inis.
Bakit ba sorry ito ng sorry sa kanya? Ang gusto lang naman niyang marinig ay ang dahilan nito kung bakit hindi nito sinabi sa kanya ang tungkol kay Margaux.
"I don't need your sorry, Zarus. I just want to hear from you the reason why you keep it to me! Why you didn't tell me? Hanggang ngayon ba ay ipagdadamot mo pa rin sa 'kin iyon? Gusto mo ba ay sa iba ko pa itanong iyon?" Hindi na niya napigilan ang paglakas ng kanyang boses, kasabay ng paghinila niya ng kanyang kamay. Madami tuloy ang napapatingin sa kanila.
Akmang hahawakan nito muli ang kanyang kamay ng umatras siya. Nakita niya uli ang takot sa mukha nito, ang takot na nakita niya noong nahuli niya ito at si Margaux sa airport.
"Darling.."
"Huwag kang lalapit sa 'kin hangga't hindi mo sinasabi ang lahat." Matalim ang tinging ibinigay niya rito bago ito talikuran.
"D-Darling, sasabihin ko na."
Agad siyang napahinto ng marinig ang sinabi nito. Lihim naman siyang napangiti. Nilingon niya ito ng nakakunot ang noo. "Sa bahay na."
KASULUKUYANG nakahiga ngayon si Yzainna sa kanilang kama habang si Wren naman ay nakatayo sa kanyang gilid. Kapag sinusubukan nitong umupo ay agad niya itong sinasamaan ng tingin. Kaya hanggang ngayon ay nakatayo pa rin ito sa kanyang gilid.
"Why you didn't tell me?" matalim na tanong niya rito.
"Hindi ko na iyon sinabi kasi hindi naman na iyon mahalaga, hindi na siya mahalaga."
"Kahit hindi na iyon mahalaga ay dapat na sinabi mo. Kung wala kami sa sitwasyong iyon siguro ay pinagtatawanan na ako ng babaeng yon dahil wara man lamang akong alam tungkol sa sinasabi niyang iyon. Para akong tangang ipinaglalaban sa kanya na ako ang una mong minahal, tapos malalaman ko na lamang na may nauna na pala! Akala ko ay kilalang-kilala na kita pero hindi pa pala," naluluhang sigaw niya pa.
Ang sakit lang isipin na may nauna pala itong minahal. Pinaniwala pa siya nitong siya ang una nitong minahal. Ang sarap nitong sabunutan! Tapos itinago pa nito sa kanya ang tungkol sa kanila ng babaeng iyon. Akala niya ay kababata lang, higit pa pala roon.
"Darling, hindi naman sa gano---" agad niyang pinutol ang anomang sasabihin nito.
Tinaasan niya ito ng kilay. "Ganoon 'yon! Sa tagal natin noon hindi mo man lamang sinabi sa 'kin ang tungkol sa kanya? Tatlong taon tayo, Zarus, pero wala kang sinabi! Imagine ha, ang dami mong pagkakataon para sabihin sa'kin but you choose to keep it to me. Nakaka- tang'ina ka, Zarus!" Inis na sigaw niya rito.
"Sorry.."
"Sorry? Sorry lang ang sasabihin mo?" Naalala niya ang sinabi ni Margaux sa kanya. "She's your ex and you first love? Akala ko ba ay... Fuck you!" Napayuko ito ng mabosesan ang galit sa kanyang boses. Para itong batang pinagalitan ng nanay nito.
"Darling, ikaw nga 'yong unang minahal ko. Bata pa lang tayo ay gusto na kita. Manhid ka lang, eh," nakangusong sabi niya.
Magkababata rin sila nito. Siya ang una nitong nakilala bago si Margaux. Nagkahiwalay lang naman sila noon dahil nag-migrate sila Wren sa US at doon nga siguro niya nakilala si Margaux na 'yon.
"Bakit kayo naghiwalay?" diretsang tanong niya.
"Do I need to answer that? Pwede bang kalimutan nalang natin 'yon, darling? Matagal na rin naman iyon." Nakayuko pa ring sagot niya.
Sumama ang mukha niya, sinamaan niya ito ng tingin. "Sasabihin mo o sa labas ka matutulog?"
"Zayn naman!" Agad nitong nagtaas ng tingin sa kanya.
"Then, tell me!" mariing singhal niya.
"Ehh..." Ayaw talaga ha!
"Get out!" Tinalikuran niya ito at nagtalukbong ng kumot.
"Darling ano kasi.."
"I said, get out Wren Lazarus! Huwag na huwag mo akong kakausapin at lalapitan," galit na sabi pa niya.
Akala niya ay talagang lumabas ito ng kwarto dahil narinig niya ang yapak nito papalayo at ang pagsarado ng pinto. Sunod-sunod na tumulo ang kanyang mga luha. Wala talaga itong planong sabihin sa kanya. Hindi pa ba ito naka move on?
"We broke up because I saw her making love to her ex-boyfriend." Biglang may nagsalita kaya napakislop siya. Akala niya ay lumabas na ito ng kwarto? Gusto niyang harapin ito pero natatakot siyang makita ang mukha nito. Paano kung makikita niya ang sakit sa mukha nito? Paano kung hindi pa ito naka-move on? Hindi na lamang muna siya sumagot. "It's our first anniversary that time. And I just remembered she said to me that she wants a simple dinner to our first anniversary so I brought her favorite teddy bear, a bouquet of flower and the cake. I'm planning to cook to her condo, doon na lamang kami magdi-dinner. I'm expected that she will surprise but i am wrong dahil sa aming dalawa ay ako ang nasorpresa. I saw her making love to her ex-boyfriend in her kitchen."
Hindi niya alam kung ano ang expression ng mukha nito habang kinukwento ang nangyaring iyon kaya mabilis siyang humarap rito at nakita niya itong nakatayo ulit sa tabi niya habang nakangiwi at nagkakamot ng batok. Anong klaseng expression iyan?
"Darling, dahan-dahan lang naman baka mapano si baby." Nakita yata nito ang mabilis na pag-ikot niya paharap rito. Hindi niya ito pinansin.
"Is it hurt?" nagtatakang tanong niya.
"No!" Mabilis na sagot nito kaya mas lalo siyang nagtaka.
"What do you mean by that? Hindi ka man lang nasaktan ng makita mo 'yon ng harapan?" Nang umiling ito ay sinamaan niya ito ng tingin. Niloloko yata siya nito.
"Hindi naman kasi talaga, darling. Hindi ko nga naramdaman na nasaktan ako. Nagalit lang ako ng time na 'yon dahil natapakan niya ang ego ko. Kami iyong may anniversary pero sila ng ex niya ang nag- celebrate." Nakangiwi pa rin ito habang nagsasalita.
Napalabi siya ng makaramdam na siya ng antok pero hindi niya iyon pinahalata sa kaharap. "Pero minahal mo siya?"
Umiling na naman ito, "Hindi rin."
"That's impossible! Aabot ba kayo ng isang taon kung hindi mo siya mahal? Huwag mo nga akong niloloko, Zarus." Inis na bulyaw niya.
"Darling, 'wag ka ngang sumigaw baka mapaano na si baby, eh. Saka nakikita lang kita sa kanya noon kaya ganoon. Akala ko nga matutunan ko rin siyang mahalin, eh, pero hindi mas lalo pa nga kitang nagugustuhan sa ginagawa kong magpilit na mahalin siya."
Umiwas siya ng tingin rito at pilit tinatago ang ngiting gustong lumabas sa kanyang labi. "Talaga?"
Tumango ito "Oo naman, darling."
Ngumiti siya rito kaya nakita niya ang pag-aliwalas ng mukha nito. "Naniniwala naman ako."
"Talaga? So, pwede na akong tumabi sayo?"
"Sige!"
Mabilis naman itong umikot at agad na tumabi sa kanya, ang mga braso nito ay pumulupot sa kanyang baywang. Sumiksik siya sa katawan nito.
"Zayn?"
Ipinikit niya ang kanyang mga mata bago ito sagutin. "Hmm?"
"I love you!"
Ngumiti siya at lalong isiniksik ang sarili rito. "I love you more."
Antok na antok na talaga siya. Hindi naman na nagsasalita si Wren kaya matutulog na lamang siya. Tuluyan na siyang makakatulog ng magsalita ito ulit pero hindi niya iyon masyadong narinig.
"Will you marry me, darling? Can you be my wife forever?" he asked.
Ang tanging narinig lamang niya ay ang darling at forever. Did he asked her ba kung naniniwala siya sa forever? Of course yes! Wala sa sariling napatango siya.
"Yeah.."
Naramdaman niyang gumalaw ito at mas lalong humigpit ang yakap sa kanya. Nagsalita ulit ito pero hindi na niya narinig ang sinabi nito, tuluyan na siyang nakatulog.
"Mahal na mahal kita, Zayn! Promise, gagawin ko na ang isa sa mga pangarap mo. Ang makasal sa lugar kung saan tayo unang nagkita."
KANINA pa masama ang tingin ni Yzainna sa kanyang mga kaibigan lalong-lalo na kay Jashiel na nakatitig pa rin kay Lucé.
"Kakain ka ba o tititigan mo nalang si Lucé?" Kahapon pa raw ito nagising pero hindi sila tumawag para makapagpahinga siya. Pero mula pa kaninang dumating siya ay hindi nito inaalis ang tingin kay Lucé.
Sumulyap ito sa kanya kaso bigla naman nitong ibinalik ang tingin kay Lucé na ngayo'y nakayuko at pulang-pula. "Later, Inna!"
"Jashieeelll!" Inis na bulyaw niya rito.
"Inna, mamaya na. I'm busy!" masungit na sagot nito sa kanya.
At mula pa kanina ay sinusungitan at kung hindi naman ay hindi nito siya pinapansin. Sinisisi ba siya nito sa nangyari? Nanlulumo siya!
"I know you're blaming me for this..for what happened.. so I'm sorry. Sorry kung ako 'yung dahilan kung bakit ito nangyayari sa'yo." Tumulo ang kanyang luha kaya agad siyang tumalikod. Mabuti na lamang at hindi sumama si Wren sa kanya sa loob. Nasa labas lamang ito ng kwarto ni Jashiel. "I'm leaving. Please, take care of your self."
"Inna? What are you saying?" nagtatakang tanong ni Jashiel, nahihimigan niya ang pagtaranta at pag-alala sa boses nito.
Hindi na niya ito hinarap pa, binuksan niya ang pinto at tuluyang lumabas ng kwarto. Patuloy pa ring tumutulo ang kanyang luha. Nang makita siya ni Wren ay mabilis itong lumapit sa kanya at nakita ang lumuluhang mata niya.
"Are you okay?" Pinunasan nito ang kanyang luha, niyakap siya ng mahigpit.
"Umuwi na tayo, Zarus. Ayoko na dito." Umiiyak na sabi niya.
Humiwalay ito at inalalayan siyang maglakad. "Okay!"
"Zaicycy/Inna?" Boses ni Khaleesi at Lucé iyon kaya napatigil siya sa paglalakad.
Gusto niyang lumingon pero agad niyang pinigilan ang sarili. Bumuntong hininga siya bago nagpatuloy sa paglalakad. Muli siyang tinawag ng mga ito ngunit isiniwalang bahala niya lamang iyon.
Pagdating nila sa bahay ay agad siyang dumeretso sa kwarto nila at doon ibinuhos ang lahat. Pakiramdam niya ay galit si Jashiel at Lucé sa kanya, isama pa si Khaleesi na hindi rin siya pinansin kanina. Pagdating nila ni Wren sa bahay ay sakto namang tumawag ang secretary nito. May problema daw sa company kaya pinayagan niya itong umalis. Papupuntahin nalang daw niya ang mga bata kasama si Mommy Lyn rito.
Patuloy pa rin siyang umiiyak ng biglang may kumatok sa kwarto nila.
"Inna anak?"
"Mommy?"
Nandito na sila. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang luha, nagtungo sa banyo upang mag-ayos. "Wait lang po."
"Ayos ka lang ba anak?"
Pagkatapos niyang ayusin ang itsura ay binuksan niya ang pinto. "Opo, mom." Ngumiti siya ng makita ang triplet. Isa-isa niya itong hinagkan sa noo. "Hello my babies!"
"Did you cry, mom?" Kunot ang noong tanong ni Kaiden. "Daddy hurt you?"
Mabilis naman siyang umiling dahil sa tanong ng anak. "Of course not, baby."
"So, why did you cry?" Si Yza na ang nagtanong niyon.
Pilit siyang ngumiti sa nga ito. "I'm watching tragic movie kasi kaya umiyak ako."
"Are you sure, mom?" Kaireo asked, parang hindi naniniwala.
"Oo naman," tumingin siya kay Mommy Lyn at nakita niyang umiling-iling ito.
"Kids, huwag niyo ng kulitin ang mommy niyo."
"Baka magalit kayo sa Tito pogi at Tita ganda niyo kapag sinabi kong sila nagpaiyak sa'kin." Nakangusong bulong niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top