Chapter 3

NANLULUMONG naglakad si Wren palabas ng airport dahil sa pangyayaring iyon.

Nagmadali siyang nagtungo sa airport nang marinig ang balitang papunta ng Pilipinas ang isang sikat na manunulat.

Sa sobrang pagmamadali niya kanina ay may nabangga siya. Hindi niya inaasahan na mababangga niya ang dalaga. Ang dalaga na siyang dahilan kung bakit siya naroon sa lugar na iyon. Hindi niya maalis ang tingin rito. Malaki ang pinagbago nito. Hindi niya maipagkailang mas lalong gumanda ito ngayon.

Ang noong hanggang balikat nitong kulot na buhok, ngayon ay humaba at naging tuwid, na siyang bumagay sa itsura nito. Maalon na ang mahaba nitong pilik mata. Wala na ang masayahin at maamo nitong mukha, nakikita niya ang bahid ng katarayan at bagsik ng mga mata nito kahit na ang hinhin ng boses nito. Ang namumutla nitong labi noon ay namumula na ngayon, lalo pa itong pumuti.

Dahil sa naramdamang pagkamiss sa dalaga ay hindi na niya napigilan pa ang sariling yakapin ito ng mahigpit. Ngunit ng itulak siya nito at tanungin kung sino siya ay parang gumuho na ang mundo niya. Hindi niya inasahan na lalabas ulit iyon sa labi ng dalaga. Tinanong niya ito kung nagbibiro ba ito ngunit nadismaya lamang siya sa naging tugon nito. Hindi pa rin talaga siya naaalala nito.

"Dre, nakausap mo ba?" pagtatanong ng kanyang kaibigan ng makalabas siya ng airport.

Saint Mcrea, isang tanyag na car racer. Sikat ito sa buong Asya bilang isang magaling at eksperto sa karera. May sariling mga negosyo na rin ito ngunit tutok ito sa career nito sa pagkarera.

Tiningnan naman niya ito at nanlulumong tumango. "Yeah,"

"Bakit ganyan ang mukha mo?" Nilapitan siya nito at tinitigan ang kanyang mukha. "Mukha kang inagawan ng babae, dre," natatawang dagdag pa nito.

Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. "Shut up, Santo! I'm not in the mood."

Tumatawang itinaas ni Saint ang dalawang kamay. "Halata nga, eh. Ano bang nangyare?"

Bumuntong hininga siya at nagtungo sa kanyang sasakyan. "I don't fucking know! What the hell! Bakit hindi niya pa rin ako naaalala? Bakit?" Walang awa niyang pinagsisipa ang gulong ng kanyang sasakyan.

Kumuyom ang kanyang kamay habang inaalala ang pangyayaring iyon sa pagitan nila ng dalaga. Bakit ganoon? Bakit hindi pa rin siya naaalala nito?

"Maybe she's just pretending that she didn't know you, dre" Hinawakan ng kaibigan ang balikat niya.

Umigting ang panga niya dahil sa sinabi nito. "Sana nga ay gano'n lang Saint, pero kasi hindi eh. She was looking at me like I am nothing to her, and it hurts. There's no intensity on her stares anymore, no love and adoration in her eyes. I just saw a confusion on it while looking at me. She's not my darling, she's not my Zayn. My Zayn, she never look at me like that. What happened, Saint? Why she still didn't recognize me?" garalgal ang boses niya ng itanong iyon sa kaibigan.

Hindi sa lahat ng oras ay babae lang 'yong nasasaktan. Hindi sa lahat ng oras babae lang 'yong nahihirapan. There's a time na nasasaktan at nahihirapan din ang mga lalaki. Hindi lang iyon halata dahil magaling silang magtago ng nararamdaman nila. Kabaliktaran ng mga lalaki ang mga babae. Ang mga babae ay harap-harapan nila iyong pinapakita, hindi sila marunong magtago o kaya'y nahihirapan silang itago iyon. Mahina ang mga babae sa mga nararamdaman nila, oo nga't ang iba ay kaya iyon ngunit karamihan sa mga babae ay hindi kayang magtago sa kung anong nararamdaman nila. Sa mga lalaki kasi ay may pride silang pinapahalagahan. Ayaw nilang ipakita iyon dahil ayaw nilang magmukhang mahina sa harap ng iba. Swerte mo nalang kung ikaw ang dahilan ng pakumbaba nila.

Nakayuko ang ulo ni Wren bagama't nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa gulong ng kanyang sasakyan, just like he wants to destroy it.

Napangiwi naman si Saint dahil sa kadramahan ng kanyang kaibigan. Kung naroon pa siguro ang iba nilang kaibigan ay baka aasarin lamang nila ito. Ngunit sa totoo lamang ay apat na taon nang naging miserable ang buhay ni Wren dahil sa isang babae. Halos mabaliw ito noon nang malamang walang maalala ang babae tungkol dito. Pati rin siya ay hindi nito naalala, sa katunayan ay marami silang hindi nito naalala. Dinagdagan pa ng mawala ang babae na parang bula sa hospital noon. Nalaman na lamang nila kung nasaan ito ilang taon ang nakakalipas dahil sa isang news. Isa na itong tanyag na manunulat.

"Hindi mo siya masisisi na kalimutan ka at ayaw nang maalala pa. Masakit para sa kanya ang ginawa mo, dre. Oo nga't hindi mo iyon sadya pero kasi dre, pero wala tayong magagawa sa iisipin niya. Nagiging iba ang takbo ng isip nila kapag nasasaktan na. Dalawang beses mo siyang sinaktan dre, kaya sigurado ay ayaw ka na niyang alalahanin. First, you cheated her with her friend noong nagtatrabaho pa siya sa opisina mo at pangalawa naman ay nakipaghalikan ka sa ibang babae ilang araw pagkatapos mong magpropose sa kanya. Kung ako man kasi dre ay nanaisin ko ring hindi na alalahanin ang pangyayaring iyon. Iyon lang kase ang paraan para mawala ang sakit na nararamdaman ko. Forgetting the painful phenomenon is the easy way to deliver the pain," sabi ni Saint sa kaibigan.

"But I didn't cheat on her and you know that, brute. Oo mali ako nang hayaan kong gawin ni Margaux iyon but its nothing. I didn't cheat her! Hindi ako ang humalik at lalong hindi ako tumugon sa halik na iyon," malakas na sigaw niya sa kaibigan.

"I know, brute. I know. But we can't do anything about it if she choose to believe what she saw on that day. Wala din tayong magagawa kung nanaisin niyang huwag ka ng alalahanin. Wala tayong magagawa sa desisyon niya lalo na kung ikaw ang sinisisi ng mga kaibigan niya sa nangyari sa kanya. Hindi na ako magtataka kung dahil sa kanila kaya hindi ka pa rin naaalala hanggang ngayon ni Inna."

"What if she's still inlove with me? Hindi ba niya pipiliting alalahanin ang mga nawala niyang memorya?" Wren asked frustratingly.

Saint nodded. "If I am her? Yes, dre! Kahit mahal pa kita, hindi ko pipiliting alalahanin pa 'yon kung hindi naman kita agad  makikilala at saka hindi ko naman alam kung may mahal ako kasi nga wala akong naaalala. At kung pakiramdam ko ay iyon ang dahilan kung bakit ako naaksidente ay hindi ko nanaising maalala pa iyon. Did you realize now why she still can't remember you? Dre, she choose not to remember her past. She choose not to remember you because she don't want to get hurt again."

"What should I do then?"

"If you really love her then chase and fight her. Kung mahal mo, eh 'di ipaglaban mo. Your a Cardova, dre, baka nakakalimutan mo na iyon. Ang isang Cardova ay hindi agad-agad sumusuko. Try to give up,  isusumbong kita kay Tito. Gawin mo ang ginawa mo noon para makuha ulit siya. Paghirapan mong ibalik ang alaalang nawala sa kanya pati ang tiwala niya. Advice ko lang dre, bilis-bilisan mo lang baka may mahanap agad siyang magpapasaya sa kanya.” Tinapik pa ni Saint ang balikat niya bago siya iniwan at agad na sumakay sa sasakyan nito.

Tinitigan niya ang kaibigang umaalis. Tumingala siya bago mag buntong hininga. Saint is right. If he love Yzainna, then he will fight her. He sighed heavily before he enter into his car.

PAGOD na sumandal si Yzainna sa sopa na nasa sala ng kanyang mansiyon. Kakarating lang nila at talagang napagod siya sa haba ng byahe nila.

"Yzainna, go to your room. You can rest there. I'll just call you when the dinner is ready,” Lucé said habang pinagmamasdan ang pagod niyang mukha.

"Later Lucé, give me five minutes to rest here." She cross her arm when she close her eyes.

"Inna please, don't be stubborn," inis na sabi ni Lucé.

"Hmmm." Iyon na lamang ang naging tugon niya bago tuluyang makatulog.

Bumuntong hininga ang dalawang kaibigan niya dahil sa ginawa niyang iyon. Binalingan ni Lucé si Jashiel na nakatingin lamang kay Yzainna na natutulog. Tumingin si Jashiel sa katabi ng maramdaman niyang nakatingin ito sa kanya.

"Why?" nagtatakang tanong niya kay Lucé.

Nginuso nito si Yzainna na nasa sopa at binigyan siya nang makahulugang tingin. Agad naman niyang naintindihan ang pinahiwatig ng tingin ni Lucé.

"Sige na. Isusunod ko nalang doon ang maleta niya."

Lumabas ulit si Lucé para kunin sana ang kanilang mga maleta pero hindi pa ito nakaabot sa pinto ng bumukas ito at doon pumasok ang mga tauhan ni Yzainna, dala-dala ang mga maleta nila. Si Jashiel naman ay tinitigan muna si Yzainna bago ito pangkuin. Higit ang hiningang naglakad ito paakyat sa ikalawang palapag.

"Ma'am Lucé, saan po namin ilalagay itong maleta?" tanong ng isang tauhan kay Lucé na ngayo'y nakataas ang kilay at nakapameywang.

At iyon ang huling narinig ni Jashiel bago siya pumasok sa elevator. Nang makapasok ay pinindot agad niya ang huling palapag kung saan naroon ang kwarto ni Yzainna.

Ang mansiyon ni Yzainna ay may anim na palapag. Ang huli o ang pang-anim na palapag na iyon ay ang kwarto nito. Buong palapag ay kwarto lamang nito. Ang ikalimang palapag naman ay ang mga special rooms at guestrooms. Sa ikaapat na palapag ay mga gym room, gadget rooms at ang music room nito. Sa ikatatlong palapag naman ay ang library, office and etc. Ang ikalawang palapag ay ang visiting room at hanggang doon lamang ang mga bisitang pumupunta sa bahay nito. Hindi pwedeng umakyat ang mga ito sa taas bagaman hanggang visiting room lamang sila. Ang unang palapag nito ay ang kusina, sala at iba pa.

Sobrang laki at ang lapad nitong mansiyon ni Yzainna kahit ang mga kaibigan niya ay talagang namamangha pa rin dahil sa ganda nito. Ito ang bagong mansiyon na pinagawa ng dalaga sa pinaka-magaling na Inhinyero. At kung titingnan mo ang mansiyon sa labas ay hindi mo aakalaing may mga palapag ito. Pinaghalong ginto, puti at itom ang kabuuan ng mansiyon. May malaking swimming pool sa gilid na may mga sari-saring desinyo. Ang malaking garahe nito na kahit ilang sasakyan pa yata ang ipapasok mo roon ay hindi dali-daling mapupuno dahil sa laki nito.

Pagdating sa huling palapag ay agad na pumasok si Jashiel sa kwarto ni Yzainna. Dumeretso siya sa malaking kama nito at dahan-dahang ibinaba nito ang dalaga. Kinumutan niya ito at pabagsak na umupo sa pang-isahang sopa na malapit sa kama nito.

"Ayokong maniwala sa kanya kanina. I saw the confusion on her face Jashiel, when she told us that it was just an old man. Do you think it's him?"

Napalingon bigla si Jashiel sa kung saan nanggagaling ang boses na iyon. Napabuntong hininga siya nang makita si Lucé na nasa hamba ng pintuan, nakasandal ito at naka-krus ang kamay sa ilalim ng dibdib nito.

"Me too. Bakit naman siya magsisinungaling sa atin? Wala akong maisip kung sino iyon maliban sa lalaking iyon pero pwede ring hindi siya," sagot niya rito.

Lucé dark eyes darted on him. "If it was him I would not let him get close to Inna again. Ang kapal naman yata ng mukha niya para magpakita pa. After what he done to our Inna?" Wala ng kahit anong emosyon ang mukha nito.

"Even if he shows up, Inna can't remembered him." Umiling-iling na sagot niya at sumandal sa sopa.

Hindi siya napagod sa byahe, napagod yata siya sa pagbuhat sa dalaga. Maliit lamang ito ngunit masyadong mabigat.

"I know that but..."

Tumingin siya kay Lucé na naroon pa rin sa pintuan. Ganoon pa rin ang posisyon nito mula kanina.

“ Huwag ka nang mag-alala hindi pa naman tayo sigurado kung ang lalaking iyon ba ang nakabangga ni Inna,” sabi niya rito bago tumayo at naglakad patungo rito.

"Paano nga kung siya 'yon?" inis na tiningnan nito si Jashiel.

"Ewan ko sayo, Lucé! Just do your plan while we're here." Lumapit siya rito at hinagkan ang noo ng dalaga. “Mauna na ako, napagod ako sa pagbuhat kay Inna. Agh! Ang bigat talaga ng babaeng 'yan.” Lumabas na ito nang kwarto.

"What about you? What's your plan?” tanong ni Lucé na siyang nagpatigil sa kanya sa paglalakad.

Nilingon niya ang dalaga. Umiling siya nang makitang nakatitig din ito sa kanya. Gusto sana niyang magbiro at inisin ito kaso ay kailangan niyang magpahinga. "I have no plan. Or better say, I'm not planing anything. Narito ako dahil narito kayong dalawa. I came here to watch over you. I did not come to separate the two of them. Just make your plan, and i will not interfer with you." Nginitian niya ang dalaga bago lumisan at nagtungo sa sariling kwarto sa ikalimang palapag.

Nakatingin lamang ang walang emosyon na mukha ni Lucé sa papalayong binata. Pilit na ngumiti ito saka nilingon ang natutulog na si Yzainna. She walk towards Yzainna queen- size bed. Umupo siya sa gilid ng kama at hinaplos ang mukha ng kaibigan.

"Don't worry Inna, I'll protect you...even my life in exchange it." Then she kissed Yzainna forehead.

Tumayo siya at nagtungo muli sa pinto. Isang sulyap pa ang ibinigay nito kay Yzainna bago tuluyang lumabas.

YZAINNA awake from her sleep when her phone rang.

"Oh! Give me a break people," she sleepily said with her frustrated voice.

Talagang inaantok pa siya dahil ilang araw na siyang walang maayos na tulog, ngayon lang. Ilang oras pa nga lang siya natutulog ginising na siya agad. Kinuha niya ang isang unan at itinakip iyon sa kanyang tainga nang hindi tumigil sa pagtunog ang kanyang cellphone.

Nang hindi pa rin ito tumigil sa pagtonog ay inis na hinablot niya ito sa study table na malapit sa kanyang kama.

"Yes? Thank you for your inconvenience, fucker! Bye!" Pinatay niya ang tawag.

Babalik na dapat siya sa pagtulog nang tumunog ulit ang cellphone niya.

She answer it again. "Yes, hello? Thank you for calling again! You just already fucking ruin my sleep. Fuck you!" she exclaimed because of frustration.

This time she didn't cut the call because she  knew it that the caller will call her again. Bakit ba nang-iistorbo ito? Hindi ba ito naisip na baka natutulog ang tatawagan niya or maybe busy? If this is her secretary or her employees then she will fired them all.

"Hey sleeping beauty, get up and go downstairs. The dinner is ready." It was Jashiel voice.

She open her eyes at inis na umupo. "What the hell, Jashiel?! Do you know that i'm tired?"

Jashiel chuckled. "Yes, of course."

"Fuck you! I don't want to eat, l want to sleep!" she hissed.

"Then, talk to Lucé and tell her what you said to me."

"Agh! Don't you dare fucking give that fucking phone to Lucé. Give me ten minute to dressed up." She end the call afterward.

Iyon ang kinaiinisan niya kapag sinisira ang tulog niya, maraming lumalabas na mura sa bibig niya. Minsan lang siya nag mumura pero once you ruin her sleep then ready your ears. She will cuss you non-stop.

Nagtungo siya sa banyo at agad na naligo. Sampung minuto bago siya natapos at sa paglabas ay dumeretso siya sa kanyang walk-in closet saka kumuha ng pantulog. She didn't dry her hair hinayaan lamang niya iyong basa at nakawayway. Nagmadali siyang bumaba.

"Ten minutes, huh?" bungad sa kanya ni Jashiel.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Don't talk to me, asshole!"

"Look, I'm sorry for ruining your sleep okay? I just follow my babe's order," binulong lamang nito ang huling salita.

She glared him then she smirk. "Hmm, what if I tell her that you---"

"Shut up, Inna!"

"Ano kaya ang magiging sagot sayo ni Lu---" Again he cut her off.

"Inna, manahimik kana! Next time hindi na kita gigisingin."

"Really? Then good." Ngumisi si Yzainna saka naglakad papuntang dining table.

Sumunod naman si Jashiel sa kanya at inalalayan siyang umupo sa silyang para sa kanya. Naroon na din si Lucé na nakatingin sa kanila habang kunot ang noo. Sa harap niya ito naka-upo. Napabaling ang tingin niya kay Jashiel ng umupo rin ito sa silyang nasa tabi niya.

"What are you doing?" she asked.

Nagtatakang tumingin naman sa kanya si Jashiel. "Umuupo? Didn't you see?" She heard the sarcasm in his voice.

Anong problema nito? Palaging sa tabi ni Lucé ito umuupo kapag sabay silang kumain at himala naman ngayon na sa kanya ito tumabi.

"I know. What I mean is bakit ka dito umupo?"

"Masama bang dito umupo?"

"Hindi naman pero di ba---" Lucé cut her.

Kumunot ang noo niya. Bakit ba ang hilig nilang mamutol nang salita?

"Tama na iyan. Let's eat bago pa lumamig itong pagkain."

Tumango siya at tiningnan si Jashiel na nakatingin kay Lucé. Inirapan niya ito ng tumingin ito sa kanya. Itinuon na lamang niya ang buong atensiyon sa kanyang pagkain.

Saktong natapos siyang kumain ng tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ang cellphone at tiningnan ang caller. It's unregistered number.

Kumunot ang noo niya habang nakatingin rito. Sasagutin ba niya? Of course she won't, she's didn't talk to stranger.

"Yzainna Aeu Yuria, do you have no plans to answer that call?" Lucé frustratingly asked.

Tumayo siya at tinarayan ito. "Excuse me!"

Nang makalayo ay sinagot niya ang tawag. "Hello? Who fucking is this?"

"Zayn.."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top