Chapter 27
SABAY-SABAY silang lahat na napatingin sa pinto nang marinig ang mga maliliit na boses na iyon. Mabilis na napatayo si Yzainna ng makilala ang mga ito.
"Daddy!" Tumakbo ang tatlo palapit sa ama nilang nakatulala at naluluha habang nakatingin sa kanila.
Nag-unahan ang mga ito sa pag-akyat sa kama ng ama. Lumapit siya kay Yza at inalalayan itong umupo sa tabi ni Wren. Umupo rin siya roon. She smiled when she saw Yza touch her dad face.
"Daddy, are you okay now?" nag-aalalang tanong nito.
Wren smile at her saka masuyong niyakap si Yza, "Yes honey, daddy is okay."
"Are you still hurt then?" Tanong ni Kaiden na siyang kinalingon ni Wren dito. Hindi na galit ang naroon sa mukha nito kundi pag-aalala para sa ama.
Umiling si Wren, ginulo nito ang buhok ng anak. "No buddy, you see daddy is strong." Ipinakita pa nito sa mga anak ang muscle nito na siyang kinaiwas niya ng tingin.
"Daddy, can we hug you?" Nakanguso namang sabi ni Kaireo.
Natawa silang naroon. Cute na cute ang mga ito sa anak nila.
"Of course," he spread his arm sa harap ng mga ito. "Come here to daddy."
Lumapit pa ang tatlo sa ama at niyakap ito ng mahigpit. Siya ay tiningnan ang mukha ni Wren. She saw the tears that flowing into his eyes. Nakatingin ito sa kanya then he mounted "Thank you!"
"Daddy, hindi mo na po kami iiwan? Can you stay with us, daddy?" Narinig nila ang hikbi galing kay Yza kaya natuon roon ang paningin nila.
Lumapit siya sa mga ito at kinuha ang anak na si Yza pero masyadong mahigpit ang yakap nito sa ama.
"Daddy!" sigaw nito at saka lalong niyakap ang ama.
"Baby, calm down okay? Daddy will stay with us kaya tanan na. Hindi na tayo iiwan ni daddy mo," mahinahon niyang sabi at hinimas ang likod nito.
Lalo itong sumiksik sa ama nito kaya lahat sila ay malungkot na ngumiti. Halatang sabik ang mga ito sa ama.
"Daddy will stay honey," hinagkan nito ang noo ang babae nila. "Hindi ko kayo iiwan. I'm promise."
Tumango ang mga ito ng sabay-sabay. Ngumiti siya at pumunta sa likuran ni Wren at hinimas ang buhok nito. Tumingala ito sa kanya at saka ngumiti. Maaliwalas ang mukha nito na siyang kinaluwag ng ngiti niya.
"I love you."
Sandali siyang natigilan ng sambitin nito ang salitang iyon. Namula ang kanyang mukha at tanging maluwag na ngiti lamang ang kanyang itinugon rito. Ngayon ay nahihiya na siyang sagutin ito dahil lahat ng naroon ay nasa kanila ang atensiyon. Mas lalong namula ang kanyang mukha nang makita ang mapanuksong tingin ng mga ito.
Lumapit siya sa tatlong anak. "Kaireo, Kaiden, Yza, bumaba na muna kayo riyan magpapahinga na ang daddy ninyo."
Mabilis naman na humiwalay ang mga ito sa ama. Namumula ang mga mata nila dahil sa kakaiyak.
"Daddy, rest kana po para mabilis ka po gumaling. Maglalaro po tayo paglabas mo, ha?" nakangusong sabi ni Yza.
Wren chuckled. "Okay, bukas magaling na siguro si Daddy. Sasabihin ko ang doktor ko na ilabas na ako bukas para makapaglaro na agad tayo."
"Wren/Zarus!" sabay na singhal nila ni Mommy Lyn.
Tiningnan siya ni Wren saka ito ngumuso at umiwas ng tingin. "Next day pala, honey."
"Tsk!" Sinamaan niya ito ng tingin kaya mas lalo itong sumimangot. Ang tatlo nilang anak ay palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.
"Fine! After one week. Okay na?" Baling nito sa kanya.
Tumaas ang kanyang kilay. "Kapag talagang maayos na ang lagay mo sa isang linggong iyon ay pwede ka nang lumabas."
"Magaling na ako no'n, darling." pangumbinsi nito sa kanya na naging dahilan nang paghalakhak ng mga kaibigan at pamilya nila.
"Wala ka pala, dre," natatawang sambit ni Saint sa kaibigan.
Sinamaan naman ito ng tingin ni Drage. "Sino ka nga ulit?" Pang-aasar nito sa kaibigan.
Pabirong hinawakan ni Saint ang dibdib at umarteng nasasaktan. "Ouch! Hindi mo na agad ako naalala? Pagkatapos mo akong paglaruan at saktan? Pagkatapos mong kunin ang pagkatao ko ganyan ang igaganti mo?" Madrama nitong sabi pero ang pigil na pigil nitong hindi matawa.
Sumama ang mukha ni Wren saka nandidiring tiningnan ang kaibigan. "Fuck you, Santo! Nakakadiri ka!" singhal nito sa kaibigan.
"Nandidiri---" hindi na natapos ni Saint ang sasabihin ng biglang sumabad si Yza.
"Mommy, he's gay po?" Inosenteng tanong nito sa kanya.
Biglang natahimik ang lahat dahil sa katanungang iyon ni Yza hanggang sa sunod-sunod na mahinang boses na mura ang narinig nila mula kay Saint at ang malakas na halakhak mula sa mga kaibigan nila. Ang tawa yata ni Wren ang siyang pinakamalakas sa lahat.
"Good question, honey." Tumatawang sabi ni Wren at naki high-five pa sa mga anak nilang lalaki.
"He is, daddy?" Si Kaireo na iyon, nakatingin ito sa daddy nito tapos ay nilipat ang tingin kay Saint na nakasimangot.
"Y-Yes Kaireo, your Tito Saint is gay kaya huwag kayong lalapit diyan baka mahawaan kayo," nakangising sabi ni Drage sa tatlong anak.
She cross her arms then she smirk, hinihintay niya ang sasabihin ni Yza sa ama. Nakita niyang medyo lumayo si Yza sa ama nito. Kunot ang noo saka lumabi.
"Daddy, its bad. LGBT is fun to be with po. We have a gay and lesbian friend po in France and they're all nice. Don't say that we distance ourselves to Tito Saint because we can't do that. I'm sorry, daddy! Mommy said na huwag daw namin lalaitin at i-judge ang mga gay kase bad daw iyon. Hindi ka love ni Papa Jesus," nakangusong sabi ni Yza.
Napatingin si Wren sa kanya kaya inirapan niya ito. Nilibot niya ang tingin sa mga kasama at doon niya napansing lahat sila ay nakatangang nakatingin kay Yza.
Ngumisi si Saint, "Tama iyan Yza, pero I am not a gay. Siraulo lang talaga ang daddy mo."
Lalo siyang napangisi. Hindi pa pala niya nasabi sa mga ito na masyadong matalino ang anak niya. At ang mga salitang panlalait na naririnig nito ay kinaiinisan nito. Alam nito ang mga lumalabas na salita sa mga labi ng nakapaligid sa kanila. Kaya siya, maingat kapag nagsasalita siya dahil lahat ng lumalabas sa mga labi niya ay mabilis nito naiintindihan.
"That's bad Tito Saint, 'wag po kayong magsalita ng ganyan kay daddy." Inis na sabi pa ni Yza saka sinamaan ng tingin si Saint.
Humalakhak si Wren na siyang kinalingon nilang lahat rito. Abnormal talaga.
"Why daddy?" takang tanong ni Kaireo.
Pansin niyang kanina pa tahimik si Kaiden na nakatingin lamang sa ama nito. Titig na titig ito sa ama nito kaya nilapitan niya ito at hinimas ang buhok na may kahabaan na.
"May problema ba Kaiden?" nag-aalalang tanong niya sa anak.
Tumitig ito sa kanya at dahan-dahang umiling. "No, mom."
Ngumiti siya at hinagkan ang sentido nito. "You don't miss your, dad?" tanong niya.
Sunod-sunod itong umiling habang nakanguso. "I miss him, mom. I really do."
Ginulo niya ulit ang buhok nito saka mahinang tumawa. Ang cute talaga ng anak niya kapag nakanguso, gigil na gigil na siyang kurutin ang pisngi nito.
LUMIPAS ang isang linggo ay maayos na rin ang lagay ni Wren, pinayagan na ito ng doktor na makalabas. Naroon si Yzainna sa kwarto nito inaayos ang mga gamit nila.
"Tulungan na kaya kita, darling?" Lumapit si Wren sa kanya at akmang kukunin ang damit na tinutupi niya.
Iniwas niya ang hawak at agad na sinamaan ng tingin ito. "Pwedeng maupo ka nalang Zarus? Matatapos na ito kaya huwag kang makulit."
"Kaya ko naman kase, ako na---"
"Lazarus!" Singhal niya na may tono ng pagbabanta.
Ngumuso ito na mas lalong kinairita niya. "Tutulong lang naman---"
"Isang angal mo pa diyan Zarus, ibabalik talaga kita sa higaan na ito," mariing sabi niya.
"Sabi ko nga mauupo na ako doon." Bagsak ang balikat at nakasimangot itong bumalik sa sopa na inuupaan nito kanina.
Inirapan niya ito ng tumingin ito sa kanya. "What are you lookin' at?" mataray niyang tanong.
Umiling ito saka umiwas. Takot naman pala ito, tsk! Pagkatapos niyang ayusin ang gamit nila ay kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang Kuya Rietto. Nakita niya ang pagkunot ng noo ni Wren habang nakatingin sa kanyang cellphone.
"Sino ang tinatawagan mo?" Madilim ang mukhang tanong nito.
"Rietto," pagkasambit niya ng pangalan ng Kuya niya ay mas lalong dumilim ang mukha nito.
"Bakit mo siya tatawagan?" Inis pa nitong tanong sa kanya.
Tumaas ang kanyang kilay habang nakatingin rito. At napagtanto niyang hindi pa nito alam na Kuya niya ang lalaking tinutukoy.
"Manahimik ka!" Singhal ulit niya.
"Darling naman," tumayo ito at akmang lalapit ng sinamaaan niya ito lalo ng tingin, napahinto ito sa kinatatayuan. "Bakit nga kase?"
"Magpapasundo, malamang." Lalo itong sumimangot.
"Bakit sa kanya? Pwede naman kay daddy." May napansin siyang selos sa tono nito.
"Kase siya lang ang gusto ko, pwede ba Zarus manahimik ka nalang." Inis niyang tinalikuran ito.
"What happened?" tanong ni Rietto hindi niya napansing nasagot na pala nito.
"Wala, pakisundo kami ngayon."
"Huh? Sunduin? Bakit?" takang tanong nito kaya napakunot ang noo niya.
"Malamang uuwi na kami, ano ba?!"
"Bakit ka galit? Nagtatanong lang, eh."
"Nakikinig ka ba sa'kin nang isang araw? Sinabi kong makakalabas na siya ngayon 'di ba?! You're not listening to me, Rietto." Mas naiinis niyang turan.
"Hey, don't shout at me! Baka nakakalimutan mong Kuya mo ako."
Ngumuso siya, bago sagutin ito ay sinulyapan muna niya si Wren. Sobrang dilim na ng mukha nito at masama ang tingin sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay at saka inirapan. Bago ibalik ang atensiyon sa kausap ay nakita niyang naglakad ito palapit sa kanya. Naramdaman niya ang pagpulupot ng mga braso nito sa kanyang baywang.
"I gave you a 5 minutes to come here. Faster! Bye!" Seryosong sabi niya at agad niyang pinatay ang linya at hindi na rin niya hinintay ang sagot nito.
Pagbaba ng cellphone ay hinarap niya si Wren. Malapit ang mukha niya sa mukha nito ng tuluyan na siyang makaharap rito.
"What are you doing?" Taas ang kilay na tanong niya rito habang nakatingin sa mga braso nitong nakapalibot sa kanya.
"Hugging you?" Mas lalo siya nitong hinapit. "Do you like Rietto? He's my friend, darling."
"Oh tapos? Eh ano naman kung kaibigan mo? Tinanong ko ba? I already know that, Zarus," mataray niyang sagot.
Tumiim ang bagang nito. "Block him then!"
"Bakit ko naman gagawin iyon, aber?"
"Because I said so," malamig pang sabi nito.
Biglang nagbago ang mood niya. Hindi na siya nagtaka dahil siguro iyon sa pagbubuntis niya. Naluluhang tumingin siya sa mga mata nito, kita niya ang paglaki ng mata ni Wren at parang nataranta.
"You don't love me!" sigaw niya at nagpumiglas sa hawak nito.
"Darling..."
Lalo siyang nagpupumiglas. "Let me go! I hate you!"
"Darling, what... I'm sorry." Umiling-iling siya at biglang pumalahaw ng iyak.
Siguro ay hindi na siya mahal nito. Malamig na ang pakikitungo nito sa kanya. Pangit na ba siya? Hindi na ba siya sexy? Baka pinagpalit na siya nito ulit kay Margaux. Gago kasi ito, bakit siya nito binuntis?
Niyakap siya nito ng mahigpit kaya napatigil siya sa pagpumiglas. "I'm sorry, darling."
"You don't love me!" wika niya.
Hinagkan nito ang kanyang noo. "I love you so much."
Tumingala siya para makita ito. "Really?"
Nang tumango ito ay ngumiti siya ng malapad at pilit na kumawala sa yakap nito. Nang makawala ay humagikhik siya sa harap nito at pinunasan ang kanyang mga luha.
"Okay," hinagkan niya ito sa pisngi kaya natigilan ito. "I want to eat pizza, Zarus." Malambing niyang sabi.
"Bibili tayo mamaya," Hinila siya nito at kinuha ang bag nila. Naglakad ito palabas ng kwarto, akay-akay siya.
"With bihon topping, please." Dagdag niya saka humagikhik muli.
Sandali itong natigilan hanggang sa bumaba ang tingin nito sa kanyang tiyan. Ngumiti ito at tumango-tango. Sinabi na niya ritong buntis siya noong nag usap sila ng sila lang.
"May gusto ka pa ba?"
Tumingala siya at nag-isip ng mga gustong kainin. Lumabi siya, "And I want a.. Korean mangoes, Vanilla ice cream and---"
"Korean mangoes? Darling walang gano'n." Kunot-noong sabi pa nito na kinanguso niya.
"Korean mangoes nga kase ang gusto ko. Pumunta kang Korea!" Naluha niyang sigaw na siyang kinataranta na naman ito.
"Okay, I will get that for you. That's it?"
Gusto pa sana niyang kumaiin ng Kulay Pink na santol kaso masyado na siyang natakam sa Korean mangoes. Sa susunod na lamang niya sasabihin iyon kay Wren.
Humagikhik ulit siya kaya napangiti si Wren na tiningnan siya. Lumabi siya at niyakap ang baywang nito.
"I love you, Zarus ko."
Yumuko si Wren at hinagkan ang kanyang labi ng mariin. "I love you more, Zayn darling."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top