Chapter 25
NAKATULALA pa rin si Yzainna hanggang sa umalis ang doktor. Hindi pa rin siya pakapaniwala. Paanong buntis siya? Sa ilang linggong sinabi ng doktor ay wala man lamang siyang naramdaman. Ilang linggo na pero ngayon pa lamang lumabas ang sintomas na buntis siya. Ganoon ba iyon?
"Ohmy! My Baby Wren is the father, right? May bagong apo na na naman tayo, honey." Naluluhang tumingin si Mommy Lyn sa asawa nito bago lumapit lalo sa kanya. "Inna anak, may gusto ka bang kainin?"
Tumingin siya rito, ngunit ang mga mata'y parang hindi makapaniwala. "Mommy, I'm pregnant."
Tumango-tango ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "Yes Inna, you're pregnant. We're very happy for you... for the both of you," she kissed her forehead.
Dahan-dahang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Tumingin siya kay Lucé, itinaas ang kamay para abutin ito. Inabot naman iyon ng kaibigan.
"L-Lucé.."
Lumapit ito sa kanya. Humiwalay si Mommy Lyn sa kanya at nagtungo sa asawa nito. Niyakap din siya ni Lucé.
"Congratulation, Inna." nakangiting sambit nito at hinigpitan ang yakap sa kanya.
"Thank you!"
Lumapit din si Jashiel sa kanila at niyakap silang dalawa.
"Thank you to the both of you," humihikbing sabi niya.
Humiwalay sila. "We're happy for you, Inna," sabi ni Jashiel.
Ngumiti siya sa mga ito bago tumingin kay Rietto. "Kuya.."
Yes, Rietto is her brother. Hindi alam nang iba iyon, even Wren and her friend. Nalaman lamang nila ito nang ikwento ni Rietto sa kanila noong unang araw nila sa hospital. Rietto use their mother surname kaya magkaiba sila ng apelyido.
Bata pa lamang sila ay itinago na ng magulang nila si Rietto dahil ito ang magmamahala ng kanilang kompanya kapag nawala ang kanilang magulang. Maraming kalaban ang Daddy nila kaya nagplano rin ang mga magulang nila na itago siya ngunit tumanggi ang Lola, ang Mommy ng Daddy nila. Dinala ng mga magulang nila si Rietto sa France, doon sa Lola nila. Namatay ang magulang nila dahil sa car accident. At swerte naman na dahil nang maaksidente siya noon ay doon siya dinala ng mga kaibigan niya sa France. Tadhana na ang gumawa ng paraan para magkita ulit silang magkapatid. Akala nila Lucé at Jashiel ay boyfriend o ex niya si Rietto dahil mabilis niya lamang itong nakagaanan ng loob. She lost her memories about Wren pero ang alaala niya sa pamilya ay nanatili. She has temporally granded retrograde amnesia. It's a type of amnesia where she will forget the memories in the past maybe a year or two prior to the incident. Akala nila Jashiel at Lucé ay lahat hindi niya maalala dahil iyon ang pinalabas niya. She told them that she can't remembered anything but the truth is ang tanging hindi niya naaalala ay nong mula ng panahon na nakilala niya si Wren.
Lumapit ito sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Sobrang higpit. "Congrats, baby sis."
Naramdaman niyang nabasa ang kanyang balikat kaya humiwalay siya rito. Tiningnan niya ang mukha nito at laking gulat niya nang makita niya ang luha sa pisngi nito na agad naman nitong pinunasan.
Dinaan niya sa pagngisi ang nararamdaman, pinipigilang huwag maiyak sa harap ng Kuya niya. "You're crying, Kuya," pang-aasar niya rito.
Tumawa ang mga naroon kaya sumama ang mukha nito. Nakikita niya ang pamumula ng mata nito. Masama ang tingin na ibinigay sa kanya. "I'm not!"
Lalo siyang napangisi. "Oh, yeah?" Pang-aasar pa niya lalo rito.
Lumayo ito sa kanya saka ngumuso. "I said I'm not, Yzainna Aeu Yuria."
Tumawa siya ng tumawa. "Don't deny it, Kuya. Aminin mo nalang kase."
"Tsk!" Tinalikuran siya nito. "You're annoying."
Nakangising lumingon siya kay Mommy Lyn at Daddy France. "Pupuntahan ko po si Zarus."
Sabay ang mga itong tumango at inalalayan siya pababa ng kama. "Sana kapag sinabi ko na sa kanya ito ay imumulat na niya ang kanyang mga mata."
"I'm sure, anak. Paniguradong magigising iyon agad," nakangiting sabi ni Daddy France.
Bumungisngis siya. "Sana nga po." Sabay hawak sa kanyang tiyan.
Lumabas silang lahat at nagtungo sa kwarto ni Wren na may kalayuan sa kanyang kwarto. Si Lucé at Rietto ang nakaalalay sa kanya habang si Jashiel ay nasa likuran nila. Si Mommy Lyn at Daddy France ay nasa unahan. Nang marating ang kwarto ni Wren ay agad na binuksan iyon ni Daddy France.
Pagkapasok nila ay biglang sumama ang pinta ng kanyang mukha nang makita kung sino ang naroon.
"What are you doing here, Margaux?" Kunot ang noong tanong ni Mommy Lyn kay Margaux na malapit ang mukha sa mukha ni Wren.
Plano ba niyang halikan si Wren? She little bit annoyed when she asked herself na para bang sasagutin siya nito. Kunot ang kanyang noo, namumula ang mukha sa inis saka bahagyang sumimangot.
"Pinigilan ko na siya kanina tita pero talagang nagpupumilit siya,” sabi ni Bright na kakalabas lamang mula sa isa pang kwarto na nasa likuran nila.
Pumasok ito sa kwarto at tumingin sa kanyan kaya inirapan niya ito para ipaabot na naiinis siya rito. Umiling-iling ito saka umiwas ng tingin sa kanya. Alam na nitong magkapatid sila ni Rietto.
"Dinadalaw ko lang po ang boyfriend ko." Sabay tingin sa kanya ng masama.
Boyfriend, ha! Makapal ang mukha mong haliparot ka.
Tinarayan niya ito. "Don't look at me like that. Baka hindi mo alam na lahat ng ginawa mo ay alam ko. What happened to Zarus is your fucking fault. Kung hindi dahil sa ginawa mo hindi mangyayari kay Zarus iyan." Taas ang kilay at nanggigil na sabi niya rito.
Lalong sumama ang tingin nito sa kanya na siyang kinataas ng kilay niya lalo. "It's your fault, bitch! Kung hindi ka umalis hindi ka sana niya susundan."
Isang ngisi ang namutawi sa kanyang labi. Kung noon ay madali lamang siyang bumitaw at nagpaubaya pero ngayon ay hindi na. Magkamatayan man pero hindi niya isusuko ulit si Wren. "He followed me because he's into me. Did you think hindi ko pa alam ang plano mo? Kung hindi mo plinanong halikan si Zarus eh 'di sana ay hindi ako aalis roon. Noon pa lang plano mo ng agawin siya sa 'kin 'di ba? Nagwagi ka na noon, isinuko ko si Zarus sayo dahil akala ko mahal ka niya. Pero parang nagkamali yata ako ng akala. Masyado ka lang talagang desperada na makuha siya mula sa 'kin." Mas lalong sumama ang tingin nito. Galit na ang nababasa niya sa mga mata nito. "Kahit bigyan mo pa ako ng ganyang tingin hindi mo makukuha sakin si Zarus. He's belong to me mula noon hanggang ngayon. He is mine Margaux, at alam mo iyon."
May narinig siyang mga pagsinghap. Hindi alam nang lahat ang dahilan kung bakit ganoon na lamang niya pakawalan si Wren. Hindi nila alam kung bakit ganoon na lamang siya kadaling sumuko rito.
Sinuko niya noon si Wren dahil akala niya mahal ito ni Wren. She give up easily because she think that is the right thing to do. Ayaw niyang papiliin si Wren kaya siya na mismo ang bumitaw. Nakikita niya sa mga mata noon ni Wren na may kung anong emosyon habang nakatingin kay Margaux. She think Wren was happy with Margaux so she let Wren go.
Dinuro siya ni Margaux habang masama pa rin ang tingin nito sa kanya. "You bitch! How dare you! Wren is only mine. Sa 'kin lang ang boyfriend ko," sgaw nito.
"Walang sayo Mar---" hindi na niya natapos ang sasabihin nang biglang sumabat si Lucé.
"Ikaw!" Sumugod ito kay Margaux at hinila nito bigla ang buhok ng babae. "Ikaw ang dahilan kung bakit naaksidente si Inna! Halika ritong maharot ka. Alam mo bang muntik nang mawala ang kaibigan ko at ang triplet dahil sayo. Pati ang batang walang malay dinamay mo sa kalandian mong maharot ka. I'll kill you, bitch! Tang'ina ka!" Mahigpit ang hawak nito sa buhok ni Margaux at gigil na gigil nito iyong hinila.
"A-aaarraaayy! Hey! Let me go! O-ouch!" Histerikal nitong sigaw habang pinipigilan ang kamay ni Lucé.
Sila ay nakatingin lamang sa dalawa. Si Mommy Lyn ay nakatakip ang dalawang kamay sa bibig nito, gulat na gulat sila sa narinig mula kay Lucé. Ang triplets nila ni Wren ay muntik nang mawala dahil sa aksidenteng iyon. Ang triplets nila na walang kamalay-malay ay nadamay sa pangyayaring iyon.
"Pagbabayaran mo ang lahat." Pinakawalan ito ni Lucé at sinampal ng paulit-ulit. "Maharot kang gaga ka! Taste my sweetest slap, bitch. Matagal na akong nanggigigil sayong, bwiset ka!"
"O-ouch! Stop it! Stay away, ugly-bitch!" sigaw nito at lumayo kay Lucé.
"Ugly-bitch? Makapal ang mukha mo para tawagin ako niyan. Lumapit ka rito ng makita mo kung anong itsura ng Ugly-bitch na sinasabi mo," gigil na gigil na sabi ni Lucé at akmang hihilahin ulit si Margaux nang pigilan ito ni Jashiel. Pumulupot ang braso nito sa baywang ni Lucé at hinila palayo kay Margaux.
"Stop it, Lucé!" Hindi nakinig si Lucé rito. Nagpumiglas ito sa mga bisig ni Jashiel.
"Bitawan mo ako, Jashiel. I will kill that, bitch!" Patuloy lamang ito sa pagpupumiglas.
Bumuntong hininga siya saka nilingon ang kaibigan. "Tama na, Lucé."
Pagalit siyang nilingon ni Lucé at saka kumalma. Paglingon niya kay Margaux ay masama na ang tingin nito sa kanya.
"Don't look at her like that dahil talagang mauubos iyang buhok mo sa 'kin," galit na singhal ni Lucé ng makita ang masamang tingin na iyon ni Margaux.
Umiwas naman ito, lumingon ito kay Mommy Lyn at bigla namang umiyak sa harap nito.
"Tita, she slap me." Sabay turo pa nito kay Lucé na nagpupuyos pa rin sa galit.
Tumalim ang tingin ni Mommy Lyn kay Margaux na siyang kinakuyom ng mga kamay niya. Katulad ni Mommy Lyn ay galit na galit rin siya. Gusto niyang saktan ito pero hindi niya magawa. Hindi naiibsan ang galit niya para rito. Nandidilim ang paningin niya, nanginginig na rin ang buong katawan niya dahil sa galit. Pero hindi niya kayang sampalin ito, baka kung ano pa ang mangyari sa anak nila ni Wren.
"Ikaw pala ang dahilan kung bakit nawala na lamang bigla si Inna. Ikaw ang dahilan kung bakit nagbago ang anak ko. Nakita mo kung paanong nasira ang buhay ng anak ko, Margaux. Nakita mo kung paano siya nagdusa sa pagkawala ni Inna. Nakita mo lahat niyon pero ngayon malalaman ko lamang na ikaw ang dahilan? Margaux, bakit?" Akmang lalapit ito kay Margaux nang pigilan ito ni Daddy France. "Pati ang mga apo ko! Pasalamat ka at walang nangyaring masama sa kanila dahil kapag mayroon man ay hindi ko na alam ang magagawa ko sayo. Walang kamuwang-muwang ang dinamay mo, Margaux. Ganyan ka na na talaga ka walang puso? Paano mo nagawa ito? Paano mo ito nagawa sa 'min...sa anak ko?"
Lumapit si Margaux pero umiwas rito si Mommy Lyn. "Tita, I'm sorry... I'm very sorry! Please let me explain." Lumuhod ito sa harap nila pero tingnan lamang ito ng mag-asawa.
Itinuro ni Mommy Lyn ang pinto. "Get out!" Hindi naman kumilos si Margaux. Umiiyak pa rin ito at panay ang hingi ng sorry kay Mommy Lyn at Daddy France. "I said get out!" Muling sigaw ni Mommy Lyn.
"Tita, please!" Nakakaawa siya.
"Hindi kami makapaniwala na magagawa mo ito sa anak ko. Napakawalang puso mo," galit na galit na sabi ni Mommy Lyn. "Umalis kana bago pa mandilim ang paningin ko.... GET OUT!"
Dali-dali namang lumabas ng kwarto si Margaux. Sobrang lakas ng boses ni Mommy Lyn, kahit sino ay matatakot roon. Minsan lang talaga niya ito nakikitang nagagalit pero kailan man ay hindi pa siya nito pinagalitan. Si Wren ang palagi nitong nakikita kapag kasalanan niya. Si Wren pa rin ang pagagalitan nito. Kahit siya ay takot kapag galit ito para kase itong mananakmal bigla.
"Honey, calm down." Pinakalma ito ni Daddy France.
Sinamaan nito ng tingin ang asawa. "Huwag mo akong kausapin."
Napakamot naman ng ulo ang asawa. "Anong... Bakit parang galit ka sakin? Anong kasalanan ko?"
"Wala, pero manahimik ka France Knare Marquez." Hinampas pa ni Mommy Lyn ang asawa nito dahil sa inis kay Margaux.
"Tsk! Oo na nga."
Napayuko siya at nilaro ang mga daliri. Siguradong uulanin siya ng tanong ni Mommy Lyn. Sigurado siya roon.
"Inna," tawag ni Mommy Lyn sa kanya na siyang kinakaba niya. Ito na nga ba ang sinasabi niya eh.
Inangat niya ang tingin rito. Lumunok muna siya bago ito sagutin. "Po?"
Suminyas ito na lumabas. "Mag-uusap tayo."
Tumango siya saka tumingin sa mga kaibigan. Tumango rin ang mga ito sa kanya. Sumunod siyang lumabas kay Mommy Lyn.
Bakit ba ako kinakabahan? Magtatanong lang naman siguro ito sa kanya, 'di ba?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top