Chapter 24
ISANG marahang pagyugyog sa balikat ang nagpagising kay Yzainna mula sa kanyang pagkakatulog. Dahan-dahang siyang bumangon sa pag-ubub sa kama ni Wren at tiningnan ang sinumang gumising sa kanya.
"Lucé?"
Ngumiti ito sa kanya. "Kumain ka muna. Dalawang buwan kanang walang maayos na kain."
"I'm not hungry." Muli na sana siyang babalik sa pagtulog nang pigilan siya nito.
"Inna, please huwag ka namang magpagutom. Sige na kumain kana, pagkatapos mong kumain ay mag-uusap tayo."
Tiningnan niya muna ito bago bumuntong hininga. Siguro nga ay kailangan nilang mag-usap. Tumango siya at tumayo, dumeretso siya mesa na naroon. May dalang pagkain ang Mommy Lyn niya kanina bago pumasok sa opisina. Ayaw sana nitong pumasok para bantayan si Wren ngunit pinigilan niya ito. Kaya naman niyang bantayan ito. Hindi na niya poproblemahin ang kanyang kompanya dahil naroon naman si Oxen para pangalagaan ito.
Kukuha na sana siya ng pagkain ng agawin ito ni Lucé. "Ako na,"
Kumunot ang kanyang noo habang nakatingin rito. "May kamay ako, Lucé, kaya kong kumuha ng pagkain ko."
Bahagyang ngumiti ito sa kanya. "Alam ko pero gusto ko. Sige na umupo kana roon, ako nang bahala."
Umiwas siya ng tingin saka tumungo. "Sige, salamat!" Saka siya nagtungo sa sopa.
Pinagmasdan niya si Lucé habang pinaghahanda siya nito. 'Do I need to say sorry to her?' Pero wala naman siyang ginawang masama except doon sa mga sinabi niya sa kanila ni Jashiel. She felt guilty about it but what she said to them is true. Alam din naman niya na sumubra siya 'don sa mga sinabi niya.
"Here," sabay lapag ng platong puno ng pagkain.
Nanlaki ang matang tumingala siya rito. "This is too much, Lucé."
"Pambawi sa mga araw na hindi ka masyadong kumakain." Nakataas ang kilay na sabi nito habang nakapamaywang pa.
Lukot ang noong tinitigan niya ang platong ibinigay nito. Punong-puno talaga iyon.
'Wala akong gana, eh.'
Bumuntong hininga siya saka dinampot ang kutsara at tinidor, then she start eating her foods. Naramdaman niyang umupo si Lucé sa tabi niya but she ignored it for a while. May nilapag ito sa mesa kaya tiningnan niya iyon. Tubig.
"Thanks!" she said without looking at her.
"Always welcome."
Ilang minuto pa bago siya natapos sa pagkain. Akmang tatayo na siya para ilagay ang pinagkain sa lalabo ng agawin ito ulit ni Lucé.
"Ako na," prisinta na naman nito.
Umiling siya at hinila pabalik ang pinagkainan, "No, ako na. Hindi naman ako baldado."
"Inna, maupo ka na lang diyan. Ako na nito." Inagaw nito ulit pero mahigpit niya iyong hinawakan.
"Lucé, I can---"
"Inna, just sit there."
"Pero Lucé---"
At dahil sadyang matigas ang ulo ni Lucé, hinila nito sa kanya ang pinagkainan niya kaya nabitawan niya na ito. Sumandal siya sa sopa habang hinihintay si Lucé. Tumingala siya at iniisip kung paano niyang sisimulan ang pakikipag-usap kay Lucé. She also need to talk to Jashiel. Gulat na napalingon siya sa pinto ng biglang bumukas ito, kaya napaayos siya ng upo. Pumasok mula roon si Jashiel, may hawak na mga prutas. Sinundan niya ito ng tingin nang dumeretso ito sa side table na nasa tabi ng higaan ni Wren, nilapag nito doon ang dala.
"Inna..." Pag-aagaw ni Lucé sa atensiyon niya.
"Hmm?"
Lumapit si Jashiel sa kanila, umupo rin ito sa tabi niya.
"I'm sorry!" sabay na sambit ng dalawa.
Napapikit siya nang maramdaman ang pamumuo ng kanyang luha. "Why?" Garalgal ang boses niya.
Naramdaman niya ang kamay ni Lucé sa kamay niya. "Yzainna."
Bahagya siyang tumingala para maiwasan ang pagtulo ng kanyang mga luha. "W-Why did you do that to me? Why did you be..betrayed me? W-Why did you hide my babies from me for fucking years? W-Why? I trusted you with all my heart but you broke it with all your might. May nagawa ba akong kasalanan sa inyo para gawin niyo sa'kin iyon?"
Hindi na niya napigilan ang kanyang mga luha, sunod-sunod iyong tumulo mula sa kanyang mga mata. Hanggang ngayon at hindi pa rin niya matanggap ang katotohanang trinaydor siya ng mga ito. Itinago nila ang mga anak niya. Naisip na rin niya na para lamang iyon sa kapakanan niya pero hindi pa rin niya maiwasang masaktan. Ang mga bata na kasi ang usapan rito. Ilang taon siyang nangulila sa mga ito. Ni hindi nga niya alam na nag e-exist pala ang mga ito sa mundong ginagalawan niya.
"We're very sorry, Inna. Sasabihin naman namin sa'yo eh, naghahanap lang kami ng tamang tiyempo. Wala kaming intensiyon na saktan ka. Natatakot lang talaga---" pinutol niya ang ano mang sasabihin ni Lucé.
"Marami kayong panahon, Lucé. Sa ilang taon natin magkasama marami kayong panahon para sabihin sa 'kin iyon, kaya huwag niyong sabihin sa 'kin na naghahanap lamang kayo ng tamang tiyempo. Sinadya ninyong sigurong saktan ako!" Akusa niya sa mga ito without knowing na nasasaktan din sila sa pinagsasabi niya.
Kung nasasaktan sila ay mas lalong nasasaktan siya. Siya ang mas nasasaktan sa kanila.
"Alam mong hindi totoo iyan, Inna. Hindi namin sinabi sa'yo dahil ayaw naming biglain ka. Tinangka kong sabihin sa'yo pero pinangungunahan kami ng takot...takot sa magiging reaksiyon mo. At takot sa pwedeng mangyari sa'yo. Alam naming pipilitin mong alalahanin ang lahat kaya napagdesisyunan nalang namin na kapag nakaalala kana ay doon namin sasabihin sa'yo. Ayaw naming nahihirapan ka, Inna." Nagsalita si Jashiel kaya doon natuon ang paningin ko.
Lalo siyang napaiyak. "Ngunit bakit niyo plinano niyong huwag kaming pagtagpuin ni Zarus?"
Nagulat naman ang dalawa. Nagtataka siguro sila kung bakit o paanong alam niya iyon.
"P-Paano mo.. Paano mong nalaman?" kinakabahang tanong ni Lucé.
Tumitig si Yzainna sa kanya. "Dapat ba ay hindi ko malaman iyon?"
"No, is not that! Ano..." Nagkanda-utal-utal na si Lucé.
"Bakit nga ba, Lucé? Dahil ba sa ginawa ni Zarus noon? Ano bang alam mo sa nangyari noon sa 'min? You're not even there nang mangyari ang away naming iyon."
Umiwas ng tingin ang dalawa sa kanya kaya bigla siyang naghinala. "N-Nandoon kami sa airport nang mangyari iyon. Papunta kami sa bahay niyo ni Wren ng araw na iyon but we saw your car so we followed you."
Tumango- tango siya habang matiim na nakatingin rito. Pinunasan niya ang mga luha. "Is that so?"
"Yeah. So, saan mo nalaman na gusto kitang ilayo kay Wren. Ako at si Jashiel lang ang may alam ng plano ko, Inna."
Bumuntong hininga siya saka mariing pumikit. "Did you still remembered the time when you went to my office in France? Iyong nalaman niyo na pupunta akong Pilipinas para sa isang proyekto," she open her eyes kaya nakita niyang sabay na tumango ang dalawa. "I heard you that time Lucé but hindi lahat. Hindi lahat narinig ko dahil sa antok ko noon. But it's enough para mapagtanto kong ayaw mong magtagpo kami. Nagtataka pa ako noon every time na may sasabihin ako about sa mga lalaki ay nagtatanong agad kayo kung ano ang itsura."
Biglang humagulgol si Lucé. "I'm sorry! We're very sorry, Inna." Niyakap pa siya nito, ganoon din ang ginawa ni Jashiel.
"Why Lucé... Jashiel?" she asked.
"Inna sorry..."
"Ang rason niyo lang ang gusto kong marinig, Lucé. Just tell me please. I want to heard it from you. I want to know the truth," pagsusumamo niya.
"Si Wren... siya at si Margaux ang dahilan kung bakit ka naaksidente at alam ko't alam mo na iyon. Natatakot kaming bumalik ka ulit sa dati at mangyari ulit iyon kapag nagkita kayo. Ayokong makitang nagpapakatanga ka na naman sa kanya tapos ay masasaktan lamang sa huli. Gusto kitang ilayo sa kanila..dito.. kase ayokong nasasaktan ka. I'm the only one who plan it Inna, please don't blame Jashiel," umiiyak na sagot ni Lucé sa kanya.
"Natatakot kaming masaktan ka ulit, Inna. May kasalanan rin ako dito, hindi ko man lang sinaway si Lucé sa plano niyang iyon. Pero alam naman natin na hindi ginawa in Lucé ang planong iyon. Ni hindi nga namin alam na magkasama na kayong dalawa. Gusto ka lang naming iiwas sa sakit. Natatakot kaming mawala sa samin!" Dagdag ni Jashiel.
Ang malakas niyang iyak ay mas lalong lumakas pa dahil sa sinabi nila. Oo, tama nga sila. Hindi nga ginawa ni Lucé ang plano niyang iyon. Lagi silang wala kaya hindi nila alam. And all this time siya pa rin ang iniisip ng mga ito. Siya ang inaalala ng mga ito pero anong ginawa niya? Pinagsalitaan pa niya ang mga ng masasakit na salita.
Umiling siya. "No.. Don't say sorry to me. Ako dapat ang nagsasabi niyan. Ako dapat ang humihingi ng tawad sa inyo. Sorry kung sobrang kitid ng utak ko. Sorry kung nagalit agad ako ng hindi pinapakinggan ang paliwanag niyo. Im sorry for the hurtful word that I said to the both of you. I'm sorry. I'm sorry! Nadala lang ako sa galit ko. Hindi ko sinasadya. Patawad!" Niyakap niya ang mga ito ng mahigpit. Jashiel kiss her forehead.
"Naintindihan ka namin, Inna. Kung ako man kasi sa posisyon mo ay magagalit rin ako sa inyo dahil itinago ninyo ng matagal ang anak ko sa 'kin. Kaya naintindihan namin. Nagtampo lang kami dahil hindi mo man lang pinakinggan ang explanation namin pero we're am okay now. Sorry again for not telling you about them.” Humigpit ang yakap ni Lucé sa kanya.
Tumango-tango siya at bahagyang ngumiti. "Apology accepted."
"We miss you, Yzainna Yuria," malambing na sabi ni Jashiel.
"I miss you too."
Humiwalay siya at hindi sinasadyang dumapo ang kanyang paningin sa prutas na dala ni Jashiel. Bigla siyang natakam habang nakatingin doon. She touch her stomach at nilabas ang dila para basain ang kanyang labi.
"I want to eat mangga, Jashiel." Natatakam na ani niya kay Jashiel pagkatapos niyang punasan ang kanyang mga luha.
"Hah?" Takang-taka ang dalawa.
"I said i want to eat mangga.” Itinuro niya iyon dito. "Samahan mo na din ng bagoong, ha!." Tumingin siya kay Jashiel. "I want it now, Jashiel."
"Ha? Ah.. Oo, oo. Sandali!" Tumayo ito saka nagtungo sa mesang nilagyan nito kanina ng prutas. Punong-puno ang mesa ng iba't ibang mga prutas.
"Huwag mong kalimutan ang bagoong," masayang sabi pa niya saka pumalakpak.
"Oo, wait lang." Pagkakuha ay nagtungo ito sa lababo at hinugasan ang dalawang manggang hawak.
"Jashiel?" Tawag niya rito, naiinip na siya.
"Wait lang," sagot nito.
Kumunot ang noo niya dahil talagang natatagalan na siya rito. Natatakam na siya sa mangga. Si Lucé naman ay nagtataka sa kinikilos niya. Kanina lamang ay umiiyak siya pero bigla lamang nagbago ito ng matuon ang paningin sa mangga.
"Jashiel, ang mangga ko," inip na inip niyang sabi.
"Binabalatan ko pa, Inna." Ngumuso siya at tumingin kay Lucé.
"Lucé!"
Tumayo naman ito agad. "Oo na, pupuntahan ko na ang mangga mo." Naglakad ito papunta sa mini kitchen, kaya naiwan siyang nakangiti roon.
Tumayo siya at akmang susunod sa mga ito nang makaramdam siya ng hilo. Naglakad siya para sana puntahan si Lucé at Jashiel ng bigla na lamang siyang natumba. Bago siya mawalan ng ulirat ay narinig pa niya ang pagsigaw ng kanya mga kaibigan.
"INNAAA!"
UNTI-UNTING iminulat ni Inna ang mga mata at nang makita iyon nina Lucé, Jashiel, Rietto at ang mga magulang ni Drage ay dali-dali silang nagtungo sa kanyang kamang hinihigaan.
"Inna anak, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Mommy Lyn.
Tumango siya at tiningnan ang mga nandoon. "What happened?" Nilibot niya ang paningin sa buong kwarto. "Nasaan si Zarus?"
Hinawakan ni Rietto ang kamay niya para pakalmahin. "Hey, hey Chérie! Calm down! Nandoon lang si Wren sa kwarto niya."
Nakahinga siya ng maluwag. "So, why I am here?"
"Nahimatay ka," sabi ni Jashiel at lumapit sa kanya.
Napatingin siya rito at inalala pagkatapos ang nangyari kung bakit siya nahimatay. "Nahilo ako then after that I don't know what happened na."
Niyakap siya ni Mommy Lyn. "Its okay, anak. Hintayin nalang muna natin ang doctor mo."
Muli siyang tumango at hindi niya namamalayan na napahawak na pala siya sa kanyang tiyan.
"May masakit ba sa'yo?" tanong ni Rietto ng mapansin iyon.
Umiling siya. "Wala naman pero---" hindi niya natapos ang kanyang sasabihin ng bumukas ang pinto. Pumasok ang babaeng doctor.
"Good afternoon, Doc." Lumapit si Mommy Lyn rito. "Okay na ba siya?"
Tumango-tango naman ito at ngumiti. "Yes, don't worry Mrs. Cardova." Lumapit ito sa kanya at malapad na ngumiti. "Hello Misis! Kamusta na ang pakiramdam mo? Nahihilo ka pa ba?"
Kumunot ang kanyang noo. "Miss pa lang po. Saka I'm okay na po ako, doc."
"Sorry for that. Anyway, I just want to remind you that avoid stress at ang laging pagpupuyat. Hindi maganda sa kalagayan mo iyon." Humarap ito kay Mommy Lyn. "Araw-araw niyo siyang pakainin ng mga masostansyang pagkain."
Napatanga siya rito. "Hindi ako nagpupuyat, doc. Why are you saying this? May sakit ba ako? But I am okay now."
Taas ang kilay na tumingin si Lucé sa kanya, hindi naniniwala. "Don't talk, Inna!"
"Hindi makakabuti sa bata ang stress at pagpupuyat. Iwasan mo nalang ang mga iyon. I'll gave you a list of medicine na dapat inumin," nakangiting sabi pa ng doktor.
Gulat silang napatingin rito. "Bata? What do you mean doc?" tanong ni Daddy.
"Congratulation Miss, your nine weeks and four days pregnant," sabi nito habang nakangiting nakatingin sa kanya.
Para iyong bomba na sumabog nalang bigla. Nanlaki ang kanyang mga mata. "WHAT?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top