Chapter 23
NAKAKASAWA din pala minsan na maghintay sa taong hindi mo alam kung kailan magigising pero wala kang magagawa kundi ang maghintay. Ngayon ay nararamdaman na ni Yzainna ang pakiramdam ni Wren ng hintayin siya nito ngunit hindi pa siya nakakalahati sa nararamdaman nito. Si Wren ay apat na taong naghintay sa kanya pero siya buwan pa palang. She wish waiting for him to be awake is worthy.
"Inna anak, magpahinga ka muna. Dalawang buwan ka na ring walang maayos na tulog," nag-aalalang turan ni Mommy Lyn sa kanya.
Tiningnan niya ito bago ibalik ulit ang tingin kay Wren. Dalawang buwan na ang nakakalipas pero hindi pa rin ito nagigising. Hindi na siya nakakatulog ng maayos at nakakain sa tamang oras dahil sa gusto niyang palagi siya nasa tabi nito. Gusto niya siya ang unang makikita nito paggising nito. Dumalaw ang mga anak nila kahapon sa daddy nila, nakilala na rin nila ang Lola at Lolo nila. Si Kaiden ay hindi na galit sa daddy nito dahil kinausap na niya ito ng masinsinan.
"Mommy Lyn, kailan kaya siya magigising? Dalawang buwan na mom pero hindi pa rin niya minumulat ang mga mata niya. I already miss my Zarus, Mom. Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako sanay na nakikita siya sa lugar na ito. Lalong hindi ako sanay na makita siyang nakahiga sa kamang ito." Nagsimula na naman siyang umiiyak. Nakasubsob siya sa kama ni Wren at doon umiyak ng umiyak.
Lumapit si Mommy Lyn sa kanya at bahagyang niyakap siya, "Alam kong mahirap para sayo ito, anak. Mahirap din para sa amin ito. Mahirap para sa isang Ina na makita ang anak niya sa ganitong kalagayan. Sinisisi ko ang sarili ko kase dapat ay obligasyon kong tutukan siya. Obligasyon kong damayan at kausapin siya. Obligasyon kong alagaan siya kase anak ko siya. Pero imbis na gawin iyon ay inuna ko pa ang pag-shopping at pag-asikaso sa nga business namin. Hindi ko man lang napansin na may problema na pala ang anak namin, na kailangan niya pala kami. I didn't know kase busy ako eh."
Mas lalo siyang napaiyak roon, "M-Mommy..."
"Shhh! Alam ko. Wala akong kwentang ina. Nagsisisi talaga ako. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa'kin kapag nawala ang anak ko sa'kin. Hindi ko kakayanin iyon." At doon nga ito humagulgol sa likuran niya. Humarap siya rito at niyakap ito.
"Mom, hindi siya kukunin satin. Dalawang buwan siyang tulog pero alam kung gigising din siya. Hindi man ngayon baka po bukas o sa makalawa. Mahal niya po kayo kaya hindi niya kayo iiwan agad." Naluluhang sabi niya habang hinahagod ang likuran nito. "He's strong man, mom, he will fight for you, for us."
"Sana nga anak, dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag nawala sa'kin ang anak ko." Niyakap lamang niya ito para gumaan ang pakiramdam nito.
"Sigurado po ako, mommy. Soon he will awake, wala din naman siyang choice kundi ang magising. Our babies waiting for him. " Pilit siyang ngumiti rito.
Napahiwalay silang dalawa ng bumukas ang pinto at pumasok roon si Daddy France kasama si Bright at Rietto, wala si Saint.
"Honey, why are you crying?" nag-aalalang tanong agad ni Daddy France ng makita si Mommy Lyn na umiiyak. Pinuntahan niya ito at niyakap.
"Chérie?" Lumapit din si Rietto sa kanya para yakapin siya. "Why you crying?"
Nakita niyang nakatingin si Bright sa kanilang dalawa ni Rietto, masama ang tingin nito. Hindi pa nito alam kung ano nga ba niya si Rietto dahil nung sinabi niya kung ano ang relasyon nila ni Rietto ay wala ito. May trabaho pa ito kaya hindi nito alam. Yumuko siya at niyakap pabalik si Rietto.
"I miss his smile, his hug and kisses, Rietto. Everytime na ipipikit ko ang mga mata ko ay siya ang nakikita ko. Iyong mga araw na magkasama kami, iyong mga nakaraan namin nanumbalik sakin. I really miss my Zarus," humihikbing sabi niya.
Hinagod ni Rietto ang kanyang likuran. "Everything will be okay, Chérie."
Akmang hahalikan ni Rietto ang kanyang noo nang bigla silang napahiwalay na dalawa.
"Huwag kayong humarang." Dumaan sa gitna nila si Bright, masama pa rin ang tingin sa kanilang dalawa.
"Dre, don't be---"
"Kung maglalandian kayo huwag sa harap ni Wren. Lumabas kayo!" galit na singhal nito sa kanila.
Napatigil siya sa pag- iyak, na pansin rin niyang napatigil din si Mommy Lyn dahil sa sinabi ni Bright.
"Bright hijo, what are you talking about?" takang tanong ni Mommy Lyn rito.
Siya ay napayuko naman. Hindi siya makapaniwala na nasabi iyon ni Bright. Alam naman niyang wala pa itong alam pero hindi naman okay na sabihan sila nito na naglalandian. She's not like that.
"You didn't saw it, tita? Bakit parang wala lang sa inyo na nagyayakapan ang dalawang ito?" Duro nito sa kanilang dalawa ni Rietto.
"What?" Kunot na ang noo ni Mommy Lyn. "Siyempre dinadamayan niya si Inna, hijo. Ano ba iyang pinagsasabi mo?"
"No tita! Alam niyo po bang sila ang dahilan kung bakit nandiyan sa kamang iyan si Wren? Because of them, Tita Lyn." Galit na galit talaga ito makikita mo iyon sa talim ng tingin nito sa kanila.
Dalawang buwan na rin itong ganoon. Araw-araw ay ganoon ang pakikitungo nito sa kanilang dalawa ni Rietto. Minsan na rin silang nag-away ni Rietto at Bright but thanks god mabilis laging umaawat si Saint sa kanilang dalawa.
Tumingin si Mommy Lyn sa kanilang dalawa ni Rietto. "He didn't know?"
Umiling silang dalawa ni Rietto. "Hindi po, Mom. Wala po siya 'di ba nang sabihin ko iyon."
Bumuntong hininga ito saka tumingin kay Rietto, "Tell him first, Hijo. Baka sakaling mawala ang galit nito. Kayo talagang mga bata kayo, oh."
Alanganin namang tumango si Rietto bago tumingin kay Bright na lukot ang mukha.
"I don't want to talk to you," agad na sabi ni Bright.
"Bright hijo, sige na." Mommy Lyn said.
"No, Tita!" Matigas itong umiling, masama pa rin ang tingin sa kanya.
"Bright, Rietto have something to tell you. Sige na mag-usap na kayo doon sa labas."
"Tsk! Fine." Sinamaan muna nito ng tingin si Rietto bago naglakad.
Pinigilan ito ni Rietto pero iwinaksi lamang nito iyon. "Don't touch me!" Saka ito umalis na harap nila at lumabas.
Mariing napapikit si Rietto saka tumingin sa kanya, "Kakausapin ko lang."
Tumango siya. "Okay, explain to him everything please."
Pagkalabas ni Rietto ay umupo siya sa upuan kung saan siya umupo kanina. Hinawakan niya ang kamay ni Wren at hinagkan ito. Nag-umpisa na namang tumulo ang kanyang mga luha. Bawat tingin niya talaga kay Wren ay hindi niya maiwasang maiyak. Kung sana narito si Jashiel at Lucé para sandalan niya.. Oh! Bakit ba niya iniisip ang dalawa?
"Zarus, wake up na. Miss ka na namin eh." Paulit-ulit niyang hinagkan ang kamay nito. "Mahal na mahal kita kaya gumising kana, please. Hinihintay kana ng mga anak natin."
Natigilan siya ng biglang tumunog ang monitor na naroon. Napatayo siya at tiningnan ito, "What happened?"
Kita niya- nila ang unti-unting pagtuwid ng linya sa monitor. Lumakas ang pag-iyak niya, si Mommy Lyn naman ay lumapit kay Wren at niyakap ito. Si Daddy France ay mabilis na pinindot ang button na naroon sa tabi ng kama ni Wren saka tinawag si Bright. Dumeretso si Bright kay Wren kasabay nito ay ang pagdatingan ng mga nurses.
"ZARRUUSSS!" sigaw niya at akmang lalapit na rito ng pigilan siya ni Rietto. "Let me go!"
Nagwawala na siya. Si Mommy Lyn ay hinihila ni Daddy France palayo kay Wren. "WREN ANAK!" sigaw ito ng sigaw.
"NO, ZARUS! LET ME GO! LET ME GO!" Nagpumiglas siya sa hawak ni Rietto pero masyado itong malakas, hindi niya magawang makawala.
"Ma'am, Sir, sa labas po muna kayo," sabi ng isang Nurse.
Umiling siya habang umiiyak. "NO,"
Pero wala na siyang magawa ng buhatin siya ni Rietto at dinala sa labas. Nagpumiglas siya ng paulit-ulit pero wala pa ring nangyari dahil mas malakas pa rin si Rietto sa kanya.
"France, ang anak ko. Ang anak natin." Yumakap si Mommy Lyn kay Daddy habang paulit-ulit na sinasambit iyon.
"Ssshhh!" Alo nito kay Mommy Lyn pero kitang-kita nila ang pagluha nito habang nakatingin sa nakasaradong pinto ng kwarto ni Wren.
Lalong lumakas ang iyak niya. Nilapag siya ni Rietto sa upuang naroon. Hinilamos niya ang dalawang kamay sa kanyang mukha. Hindi niya kayang mawala si Wren sa kanya.
'Ama, sa dinami-nami ng tao bakit si Zarus pa? Alam kong may nagawa siya pero huwag mo naman po muna siyang kunin sa amin. Please, kailangan pa siya ng mga anak namin.'
Tumayo siya at tumakbo palayo. Narinig pa niya ang pagtawag ng mga ito sa kanya pero hindi niya iyon pinansin. Tumakbo siya patungo chapel na naroon. Nakabukas ang pinto kaya agad siyang pumasok roon.
'Ama, bakit? Bakit Iyong taong mahal ko pa? Bakit sa dinami-raming tao bakit si Zarus pa? Huwag mo naman po sanang kunin samin si Zarus ng ganito kaaga. Gusto pa siyang makasama ng mga anak namin.' Dahan-dahan siyang napaluhod habang matuloy pa rin sa pagtulo ang kanyang mga luha. 'Please, huwag mo siyang kunin. Nagmamakaawa po ako sa'yo. '
Tinakpan niya ang kanyang mukha. 'Zarus, please lumaban ka. Lumaban ka para amin ng mga anak mo. Lumaban ka para sa magulang mo, gusto pa nilang bumawi sa'yo. Pinapangako ko kapag nagising ka ay magpapakasal ako sayo kung ako talaga ang mahal mo. Taos puso kitang palalayain kapag si Margaux ang mahal mo. Kaya, pakiusap lumaban ka. Hindi mo pwedeng iwan ang mga anak natin. Ngayon ka lang nila nakasama, gusto mong bumawi sa kanila 'di ba? Ito na iyon, Zarus. Lumaban ka lang makakasama mo na rin sila. Hindi ko sila ilalayo sayo, pangako yan.'
Lumakas ang iyak niya ng may yumakap sa kanya, "Inna, tahan na."
"Lucé..." Napayakap siya sa kaibigan. Kailangan niya ng masasandalan ngayon, kailangan niya ang mga kaibigan niya. "Lucé, si Zarus."
"Ssshh! Lalaban siya, Inna Lalaban siya." Hinagod nito ang kanyang likuran.
"Malakas si Wren, Inna. Alam kong lalaban siya para sayo, at sa mga anak niyo." Yumakap din si Jashiel sa kanya.
"Nandito lang kami, Zaicy. Sasamahan ka namin," sabi ni Khaleesi, niyakap din siya. Lalo tuloy siyang napaiyak.
Kahit na pinagtabuyan na niya ang mga ito, nandito pa rin sila at dinadamayan siya. Nandito sila para yakapin siya at ipaalalang nandito pa rin sila sa tabi niya kahit na ano pa ang mangyari. Niyayakap pa rin siya ng tatlo kahit na pinagsabihan niya ng masasakit na salita ang mga ito.
"Hindi ko kayang mawala siya. Pakiramdam ko ay kasalanan ko lahat ng ito. Kung sana ay pinakinggan ko muna ang paliwanag niya hindi sana siya magmamadaling puntahan ako. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nawala siya samin ng anak ko." Umiiyak na sabi niya. Ngayon pa nga lang ay sinisisi na niya ang kanyang sarili dahil sa nangyaring ito.
Umiling-iling si Lucé, "No, hindi mo kasalanan. Kung ano man ang nagawa niya at nakita mo ang mga iyon, wala kang kasalanan. Nasaktan ka lang. Kung ako man ang nasa kalagayan mo ay gagawin ko rin ang ginawa mo. Hindi mo naman alam na mangyayari ito sa kanya." Hinagkan nito ang kanyang ulo. "Wala kang kasalanan, okay? Huwag mo nang sisihin ang sarili mo."
Inalalayan siyang tumayo ng tatlo. Inakbayan siya ni Jashiel. "Puntahan na natin siya. Dapat ay ikaw ang nandoon, na siyang naghihintay sa kanya."
Tumango siya kaya hinila siya ng mga ito patungo sa kung nasaan ang mga kasamaha . Agad niyang nakita sila Mommy Lyn, Daddy France at ang mga kaibigan ni Wren maliban kay Bright na nasa kwarto pa ni Wren.
"Inna anak," Nilapitan siya ni Mommy Lyn at niyakap. "Ligtas na si Wren lumalaban ang anak ko, Inna."
"Ohmygod!? Where he is? Can I see him?"
Umiling si Mommy Lyn. "No Inna, mamaya pa natin siya makikita," malungkot na turan nito.
Napatingin siya sa kay Rietto. Tumango ito sa kanya bago itinaas ang mga braso at ibinuka iyon para sa kanya. Kumalas siya kay Mommy Lyn saka tumakbo papunta sa nakabukang braso ni Rietto.
"R-Rietto." Niyakap niya ito ng mahigpit. Sobrang higpit.
"Okay na, Chérie. Ligtas na siya hintayin nalang natin siyang magising. Alam kong lalaban siya para satin, sa mga anak niya." Hinaplos nito ang kanyang buhok.
NASA loob na sila ng kwarto ni Wren. Siya ay nasa tabi nito hawak ang kamay nito. Hindi pa rin nito iminumulat ang kanyang mga mata.
"Okay na po siya 'di ba? Bakit hindi pa rin niya iminumulat ang mga mata niya?" Kinakabahang tanong niya, ang mga mata ay kay Wren pa rin nakatuon.
"We don't know. Sabi ni Bright ay gumalaw daw ang kamay niya kanina," sagot ni Saint.
Napatingin siya rito. "Gumalaw?"
"Oo."
"So, why he's still sleeping pa rin?" takang tanong niya.
Si Mommy Lyn at Daddy France ay umuwi muna para maligo at kumuha ng kakainin nila. Si Rietto naman ay kumuha ng gamit niya, mga gagamitin habang nandito siya. Nagprisinta siyang siya ang magbabantay rito. Ang mga anak nila ni Wren ay nandoon kila Lucé at Jashiel. Hindi pa sila nakapag-usap ng maayos.
Nagkibit balikat si Saint. "Hindi ko alam." Seryoso itong tumingin sa kanya. "Mahal mo pa rin ba si Wren?"
Umiwas siya rito, itinuon niya ang tingin sa kamay ni Wren. "Hindi naman nawala iyon, eh. Kahit nawala ang memorya ko alam kong hindi nawala iyon sa puso ko. Utak ko lang ang hindi nakaalala pero 'yung puso ko siya pa rin ang sinisigaw nito. Noong nagkabangga kami sa Airport nang umuwi ako dito ay doon palang ay alam ko nang mahal ko siya. Mahal ko siya mula noon hanggang ngayon. Kahit na niloko niya ako, siya pa rin talaga. Nasaktan man ako ng ilang ulit at umalis nang walang paalam pero alam kong.. alam kong sa kanya pa rin ang bagsak ko," madamdaming sabi niya at hinagkan ng paulit-ulit ang kamay ni Wren.
"Hindi ka niya niloko noon, Inna. Sobrang mahal ka niya kaya hindi niya magagawa ang mga bagay na iniisip mo."
Natigilan siya. What? Anong sinasabi nitong hindi niloko? Mabilis siya napalingon ulit rito. "What did you mean? Nakita ko. I saw it with my two eyes kung paano niya ako niloko ng harap-harapan. Nakita ko kung paano niya pinutol ang kung ano mang meron kami ng araw na naghalikan sila ng babae niya."
Ngumiti ito ng pilit. "Wala ako sa lugar para sabihin iyon sayo. Kapag nagising si Wren, ay siya ang tanungin mo. Alam kong sasabihin din niya iyon sa'yo. Subukan mong pakinggan ang paliwanag niya. Alamin mo na rin kung anong dinaranas niya nang iwan mo siya." Humakbang ito patungo sa pinto at binuksan iyon. "Pupunta muna ako sa canteen." Pagkatapos ay lumabas ito.
Naiwan siyang nakatulala roon. Ano ba ang sinasabi nito? Tumingin siya kay Wren. "Ano ang ibig sabihin niyang sabihin, Zarus? Please gumising kana, gusto kong marinig ang paliwanag mo."
Mariin niyang ipinikit ang mga mata. 'Kasalanan ko ba ang nangyayari ngayon sa atin? Kasalanan ko ba dahil hindi ko man lamang pinakinggan ang paliwanag mo?'
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top