Chapter 2
PABABA na si Yzainna at ang kaibigan sa eroplanong sinasakyan nang magpaalam si Jashiel sa dalawa upang kunin ang kanilang mga bagahe.
Nilingon ni Yzainna ang kaibigang si Luce. "Hindi mo ba talaga gusto si Jashiel?" tanong niya nang mahuling sinusundan nito ng tingin ang papalayong bulto ni Jashiel.
She saw the side of Lucé's lips curve up smugly. "Of course not! Sa itsura niyang 'yan, sino ang magkakagusto diyan? Saka bakit ako ang tinatanong mo niyan? Ang ganda ko ay hindi nababagay sa mukha ng lalaking iyon."
She chuckled when she saw how serious her friend is. Hindi naman yata ito tonong defensive ano? "Why so braggart, Lucé? Ang defensive mo naman masyado. Tinatanong ko lang naman kung talagang hindi mo siya gusto. Oo at hindi lang ang sagot do'n, Lucé. Saka gwapo naman si Jashiel, ah. Mapili ka! O, baka gusto mo na rin siya pero dini-deny mo lang?" she said playfully.
Napatawa siya lalo nang umasim ang mukha ng kaibigan. "Ano? I'm not braggart. Really, j don't like him. Hindi din ako mapili it just...."
"Just what?" natatawang tanong niya.
Lucé give her a death glared. "I'm just telling the truth. Saan banda sa sinabi ko ang kahambugan roon? Stop irritating me!"
"Asus! Baka malaman---" Hindi na niya natapos pa ang dapat na sasabihin nang may mga liwanag na tumama sa kanyang mukha.
"Miss Inna, totoo po ba ang balita na kayo na si Vansh Orlandez?"
"Miss Inna, talaga bang dito mo isusulat ang iyong huling akda na pinamagatang 'Rhythm of my Heart'?"
"Huling libro niyo na po ba talaga ang 'Rhythm of my Heart' bago kayo tumigilan sa pagsusulat?"
"Bakit po Publishing House ang gusto niyong ipatayo?"
Sunod-sunod na tanong ng mga reporter kay Inna. Karamihan sa mga tanong ng mga ito ay ang tungkol sa huling isusulat niyang libro at sa ipapatayo niyang publishing house. Mayroon namang nagtatanong kay Lucé tungkol sa mga composed nitong kanta ngunit natatabunan ang mga iyon dahil sa dami ng reporters na nagtatanong tungkol sa kanya.
Ang Rhythm of my Heart ay ang huling librong ilalabas niya bago siya titigil sa pagsusulat. Ilang taon na rin siya sa pagiging manunulat kaya panahon na rin siguro para itigil iyon para maka pokus na siya sa kanyang pagmomodelo at sa kanyang kompanya. Nahihirapan siya sa dami ng responsibilidad niya. Nagiging toxic na din kasi ang ibang mga tagahanga niya, masyado rin silang demanding. Kakatapos mo palang gumawa ng akda ay gusto na nila nang kasunod, parang ayaw ka nilang pahingahin. Kung hindi mo agad nagagawa ang gusto nila o hindi mo na-reach ang expectations nila ay agad ka na nilang iba- bash.
Ang tinutukoy naman nilang si Vansh Orlandez ay ang isang sikat na Rockstar na matagal nang nanliligaw sa kanya. Hindi niya gusto ang lalaki ngunit ayaw niyang itaboy ito. Naging kaibigan din naman niya ito kaya nakakahiya kung ipagtabuyan niya ito nang hindi ito binibigyan ng chance para patunayan ang sarili. Mabait si Vansh, gwapo, sikat, gentleman at lahat na yata ng hahanapin mo sa isang lalaki ay nasa kanya na pero parang may kulang pa rin sa puso niya. Parang may hinahanap ang puso niya at hindi niya iyon nakikita o nararamdaman sa lalaking rakistra.
At ang Publishing House naman ay ang malaking proyektong sinasabi niya. Iyon ang dahilan kung bakit siya umuwi ng Pilipinas. Sobrang mahal niya ang pagsusulat kaya ang ginawa niya ay magpapatayo na lamang siya ng Publishing House. Konektado pa rin naman iyon sa libro at hindi lang iyon, nakakatulong pa siya sa ibang manunulat na gustong matupad ang kanilang pangarap.
Agad na nagsidatingan ang kanyang mga tauhan para alalayan siya at ang kanyang kaibigan. Hindi niya inasahan na marami palang reporter ang sasalubong sa kanya sa Airport.
"Ang bilis naman yatang kumalat ng balita tungkol sa huling librong isusulat mo," Lucé hissed.
"Agree, I did not expecting it," nakangusong sagot niya rito.
"Do you really want to stop your writing career-- I mean that is the first dream you been achieved.. you reached.. so why you give it up easily?" Lucé asked her.
She just shrugged and breathed out loudly. "It's hard for me to give up my first dream, Lucé."
"Then, why you giving it up?"
She heard the frustration of Lucé's voice. Anong isasagot niya? Alam naman niyang hindi din siya maiintindihan ng kaibigan. Ang pagsusulat niya ay ang labis nitong hinahangaan.
"I want to focus on my modeling and to the company," iyon lamang ang sagot niya dahil iyon naman talaga ang totoo.
Sumama ang mukha ni Lucé dahil sa sagot niya. "Idlegossip reason! Why don't you give up that modeling of yours?" matabang nitong singhal sa kanya.
Hindi niya sinagot ang kaibigan at hinayaan lang itong bungangaan siya. Ayaw na ayaw talaga nito ang pagmomodelo para sa kanya.
Nakaalalay pa rin sa kanila ang mga tauhan niya hanggang sa makalabas sila ng airport. Lumingon-lingon pa siya para hanapin si Jasiel na kanina pa umalis. Kung tutuusin ay dapat nandito na ang kaibigan nila. Siguro ay hinarang na din ito ng ibang reporters.
"Nasaan na ba ang lalaking iyon?" inis na tanong ni Lucé sa kanya.
Nagkibit-balikat siya. "I don't know! He said he would just take our luggage. Let's wait a little more minutes at kung hindi pa siya dumating ay ipapasundo ko na siya sa tauhan ko."
She signed. "Okay!"
Luminga-linga siya bago hinarap si Lucé. "I've to go to comport room first."
"Samahan na kita," Lucé said.
"No, don't. Stay here and I think paparating na din si Jashiel," she said and tap Lucé's shoulder.
Agad namang kumilos ang ibang tauhan niya para igaya siya sa pupuntahan niya.
Mas dumami na rin ang humarang sa kanya. Dumagsa ang mga tagahanga niya nang malamang nasa airport siya. Nagkakagulo na sila.
Ngiti at kaway lamang ang ginaganti niya sa bawat tagahangang madadaanan niya. Nangangalay na nga ang bunganga niya kakangiti eh. Ang iba pa ay may mga hawak na libro, may hinala na siyang iyon ay ang kanyang mga librong isinulat.
Yzainna stop from walking when a chubby little boy appeared in front of her, holding a three books. Yumuko siya para tingnan ito. She chuckled softly when she saw the little boy cheeks heated. Para itong nahihiya na kinikilig.
Umupo siya para mapantayan ito."Hello handsome,"
Nanggigigil na kinurot niya ang mga bilugang pisngi nito. Mas lalo naman itong namula at sandaling yumuko, na siyang nagpatawa ulit sa kanya.
Hindi pinansin ni Yzainna ang mga liwanag na nanggaling sa mga kamerang nakatutok sa kanya. Tinaas ng bata ang mga kamay nito at inabot sa kanya ang mga libro.
Nagtatakang kinuha niya naman ito mula sa bata. Hindi ito nagsalita ngunit sumenyas naman itong pirmahan niya.
She smiled. "You want my sign?"
She knew it but she like to ask the little boy. Tumango ang bata habang nakayuko. Mas lalong lumuwag ang ngiti niya dahil sa inakto nito. Tinaas niya ang kaliwang kamay at pinatong ito sa ulo ng bata pagkatapos ay ginulo ito.
She really like kids. Magaan ang loob niya sa mga ito. In fact, she own a orphanage name Yuria's Care. Lahat ng mga batang nakikita niya sa kalye o naulila ay dinadala niya doon.
Lumakas ang tawa niya nang mahuling mas lalong namula ang mukha ng bata. Sa pagtawa niyang iyon ay mas dumami ang kislap ng kamera pero hindi niya iyon tinuunan man nang pansin.
"You're so cute little boy," she chuckled.
Pinirmahan niya ang mga libro nito. After she signed it she look at the little boy who's staring at her now. She smile widely when the little boy smiled at her with his shining eyes.
"You're so pretty, Ate Inna," he said shyly then he bow his head again.
Kinurot niya ulit ang pisngi ng bata. Ang cute talaga nito.
"Really?" natatawang tanong pa niya.
The boy nodded. "Yes po."
Hindi mawala ang ngiti sa labi niya habang nakatingin dito. "Thank you for that. Come here handsome, let Ate Inna hug you."
Namula ulit ito at nagkamot ng ulo. Tinitigan muna siya nito bago dahan-dahang lumapit para yakapin niya.
The boy kissed her cheek. "Salamat po, Ate Inna."
Tumango siya at pinakawalan ang bata. Tumayo siya at sa huling pagkakataon ay ginulo niya ang buhok nito bago magpaalam.
"See you again, little handsome."
Pagkarating sa comport room ay agad siyang dumeretso sa salamin na naroon. She look at her face habang nakakunot ang noo. Nagpaalam siya kay Lucé na magbanyo dahil sa biglaang pagkirot ng kanyang ulo. Pagbaba pa lamang nila ng eroplano ay kumirot na ito but she ignore it. Ayaw niyang mag-alala ang mga kaibigan at paniguradong sesermunan na naman siya ni Lucé pag nagkataon. Pinaglihi pa naman sa sama ng loob iyong kaibigan niya. Parang laging may dalaw.
"Who is that Zarus?" She asked the mirror na para bang sasagutin siya nito.
Her heart is pounding so fast after she said that name. She saw a scenario of a man and woman. Sobrang sweet ng mga ito. Siguro ay mag kasintahan ang mga iyon. Parang mahal na mahal talaga nila ang isa't isa. Ang kinaiinis niya lamang ay hindi niya makita ang mukha ng lalaki dahil malabo ang mga iyon. Ngunit nararamdaman niya ang lakas ng tibok ng puso niya ngunit hindi niya alam kung bakit.
Yzainna knew that she's the girl in that scenario. The way she smile.. laugh.. giggle.. and the gesture. Alam niyang siya ang babae.
Ginulo niya ang buhok dahil sa inis na nararamdaman. Naguguluhan, nalilito at lalong nagtataka siya.
Sino ang lalaking iyon? Tanong niya sa sarili niya.
She suddenly wince when her phone rang. She bit her lower lip and nervously answer the call. "Hello, this is---"
"Nasaan kana? Jashiel is already here."
"L-Lucé?"
"Oh, why?" mahinahong tanong nito sa kanya.
"Hmm.. Ano kase..."
"What? Do you want me to pick you there?" Nag-uumpisa na itong mag-alala sa kanya.
"Hindi na, Lucé. I'll be back there. Wait for me!" Pinatay niya na agad ang tawag bago pa ito makapagsalita.
Agad siyang lumabas ng banyo at dali-daling umalis para bumalik sa mga kaibigan. Sumunod din naman ang mga tauhan niya. Nilagay niya ang cellphone sa kanyang bag habang naglalakad. Hindi niya namalayang may nabangga na pala siya. She close her eyes when she nearly lose her balance but a strong arm encircled around her waist.
"Are you okay, Miss?" Someone asked her with a baritone voice.
Her heart pouding so fast, again. Para siyang kakapusin nang hininga when she heard that familiar voice. She calm herself before she slowly preened standing. She faced him. Napalunok siya at parang may mga pusang naghahabulan sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung bakit parang hinuhukay ang kanyang tiyan nang makita ang mukha nito. Bigla siyang kinabahan sa gwapong kaharap niya. Pinilit siyang ngumiti pero ngiwi ang nagawa niya.
"I-I'm okay. Thank you!" nakagat ang labing ani niya.
Lumayo siya sa lalaki para maiwasan ang bagay na hindi niya dapat gawin. May nag-uudyok kasi sa kanyang yakapin ito. Hindi niya alam kung anong nagyayare sa kanya ngunit natatakot siyang baka gawin niya nga kung ano ang nararamdaman niyang iyon. Hindi niya ito kilala pero parang pamilyar ito sa kanya. Nang tingnan niya ito ay laking gulat niya nang makitang nakatitig ito sa kanya habang nakaawang ang mapupulang labi nito.
Naging alisto ang mga tauhan niya ngunit sinenyasan niya ang mga itong huwag nang lumapit. She can handle herself, anyway.
"Z-Zayn?" sambit ng lalaki habang nakatitig pa rin sa kanya.
Sinamangutan niya ito. Hindi niya kilala ang pangalang isinambit nito. "What?"
"M-My Zayn!"
What is he talking about? Who's Zayn? So, kaya ito nagkakaganito sa harap niya dahil sa Zayn na iyon?
"Who are you?" takang tanong niya rito. Hindi niya alam kung bakit iyon ang lumabas sa kanyang labi.
His eyes are still wided habang nakaawang ang labi nito.
"Hey, I asked you who are you? Didn't hear what I'm sayin'?" Sa puntong ito ay nakakunot na ang kanyang noo.
Hindi niya pinansin ang nararamdaman niya. Ang kaba sa kanyang dibdib ay hinayaan na lamang niya. Hindi niya alam kung bakit ganoon nalang ang naramdaman niya sa lalaking kaharap. She don't know this man. Ngayon niya ngalang ito nakita. Siguro ganoon ang naramdaman niya dahil sa taglay nitong itsura. Gwapo ang lalaki at inaamin niya iyon.
She surprised when the guy suddenly hug her. Mahigpit iyon na para bang ayaw na siyang pakawalan nito. Nahihirapan na rin siyang huminga dahil sa higpit nang yakap ng lalaki. Umiling siya sa mga tauhan ng akmang lalapit na naman ang mga ito sa kanila.
"C-can't breath," nahihirapang bulong niya at tinapik ang likuran ng lalaki.
Agad naman nitong niluwagan ang pagkakayakap sa kanya. Naramdaman niyang yumugyog ang mga balikat nito.
"Hey, what are you doing? Let me go." Tinulak niya ito ngunit hindi man lang ito natinag.
Sumubsob ang lalaki sa leeg niya at doon naramdaman niya ang pamamasa ng kanyang leeg. Lalong kumunot ang kanyang noo.
"A-are you crying?"
She feel her heart crack. Hindi niya alam kung bakit ito umiiyak. Pero ramdam niya...ramdam niyang nasasaktan ito. Pero bakit? It is because of that Zayn he talking about? And why he's hugging her? At bakit pakiramdam niya ay nasasaktan din siya?
"Please, let me hug you for a while. I miss you, Zayn!" garalgal ang boses nito.
"Did we meet before?" she asked.
Mas lalo namang humigpit ang yakap nito sa kanya. Gusto man niya itong yakapin pabalik ay hindi niya magawa. Naguguluhan siya kung bakit nakakaramdam siya ng kirot sa dibdib kapag iisiping ginawa lamang ng lalaki ito dahil akala nito ay siya si Zayn. Hindi siya ang Zayn na sinasabi nito at lalong-lalo na ay hindi niya kilala ang taong iyon. Labag man sa loob ay buong lakas niyang tinulak ang lalaki na siyang napahiwalay agad sa kanya.
"Don't go near me! Sorry but I really don't know you and that Zayn you talking about. And please sir, don't hug me again." She give him a death glare but the man ignore it.
Akmang lalapit muli ito sa kanya nang humarang na ang mga tauhan niya. Napabuntong hininga siya. Mabuti na lamang at humarang agad sila dahil talagang hindi na niya mapipigilan ang sariling mayakap ang lalaki kahit na niya ito kilala.
"Z-Zayn please don't do this to me," nagmamakaawang sabi nito.
Ano ba ang pinagsasabi nito sa kanya? Bakit kung magsalita ito ay parang kilala siya nito? And she's not that fucking Zayn.
"Can you please stop?! Stop calling me a name! And do I know you? Are you one of my admirer's?" she's annoyed right now.
Muli ay nanlaki ang mga mata nito at para bang hindi nito inaasahan iyon. She saw a pain in his eyes na agad namang nawala ng kumurap ito. He's eyes become blank.
Sasagot na dapat ito ng tumunog ang kanyang cellphone. She groaned and glanced at him.
"I have to go. I'm sorry again but I really don't know you. Anyway, thank you for catching me earlier." Nang sabihin iyon ay agad na siyang lumayo rito.
"Zayn darling!" bulong nito na hindi na niya narinig.
Habang pabalik sa mga kaibigan ay iniisip pa rin niya ang lalaki. May pakiramdam talaga siya na kilala niya ito pero saan at paano? Umiling-iling siya at agad na winaksi ang mga iyon sa kanyang isip. Mabilis ang mga hakbang niya patungo sa kanyang mga kaibigan.
"Why are you took so long?" bungad agad ni Lucé sa kanya.
Ngumuso siya. "I bump someone nang papunta na ako dito kaya ako natagalan."
Sasabihin ba niya sa mga kaibigan ang tungkol sa lalaking iyon? Gusto niyang ibuka ang bibig para sabihin sa mga ito ngunit ayaw bumuka no'n. Kinagat niya ang ibabang labi para pigilang mag kwento sa mga ito. Mas mabuti siguro kung itatago niya muna ang tungkol doon.
"A man? Ano ang itsura niya?" sabay na tanong ng dalawa at agad ding nagtinginan.
Agad siyang nagtaka. "Why?” gamit ang wikang pranses.
Umiwas ang mga ito ng tingin sa kanya. "Basta. Can you describe him, Inna?" tanong ni Jashiel sa kanya.
Nagkibit-balikat siya. "He's too old to me. He was looking for his child and because his in a hurry he accidentally hit me," she lied.
Hindi niya alam kung bakit niya ginawa iyon. Iyon ang unang beses na nagsinungaling siya sa mga ito. Nakokonsensiya siya pero ayaw naman niyang sabihin sa mga ito ang nangyari sa pagitan nila ng lalaking iyon. May pakiramdam siyang hindi iyon magugustuhan ng dalawang kaibigan niya.
Napabuntong hininga naman ang mga ito na para bang nabunutan ng tinik. Mas lalo siyang nagtaka dahil sa inakto ng dalawa. Ngunit ayaw niyang usisain pa ang mga ito.
"Let's go, para makapagpahinga ka na kaagad," Jashiel said.
Tumango sila ni Lucé at nagtungo sa kotseng nakaparada sa harap nila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top