Chapter 19
ANG saya sa pakiramdam na makasama ang taong mahal mo sa sandaling panahon. Kahit panandalian lamang iyon. Nakakalungkot man pero wala kang magagawa.
"Zarus, wake up!" Malakas na niyugyog ni Yzainna ang natutulog na si Wren. Ipinangako kase nito sa kanya kagabi bago sila matulog na mag-snokeling sila kinaumagahan.
"Hmmm.." Humarap ito sa kabila, patalikod sa kanya.
Ngumuso siya at inis na pinatihaya ito saka kinababawan. Hindi na niya pinansin ang hubad niyang katawan. Gusto na niyang mag s-scuba diving. Excited pa naman siya kagabi nang sabihin nito iyon.
"Zarus, ano ba tanghali na, eh." Mahinang hinila niya ang buhok nito. "Wake up na kase."
"Darling, masyado pang maaga. Hindi pa nga sumisikat ang araw." Inaantok nitong tugon habang nakapikit pa rin.
Napuyat yata ito sa ginawa nila kagabi. Paano ba naman kase at hindi siya nito tinigilan hanggang sa mag-umaga na. Alas dos na yata sila natapos dahil sa sobrang sabik na sabik sila sa isa't isa.
"Ayan, hindi mo kase ako tinigil hanggang sa mag-umaga na," sermon pa niya rito saka ito hinampas.
"Kasalanan ko ba kung masyado kang masarap." Nag-init ang mukha niya dahil sa sinabi nito dagdag mo pa ang husky ng boses nito ng sabihin iyon. "You can't blame me, darling. My buddy down there loves being inside you hmm..."
Mas lalong napula ang kanyang mukha ng maramdaman ang pagbuhay ng pagkalalaki nito. "Shut up!"
"Hmmm.." Hinawakan nito ang kanyang baywang kahit nakapikit pa rin.
"Let's go na," pangungulit niya.
"Maaga pa."
"Tanghali na kaya tingnan mo sa labas." Napanguso siya nang makitang inaantok na iminulat nito ang isang mata at tumingin sa sliding window.
"Darling, wala pang araw. Masyado ka namang excited." Hinila siya nito pahiga sa katawan nito. "Maya mo na ako gisingin. Dalawang oras pa lamang ang tulog ko."
"But you said, we---"
"Of course, gagawin natin iyon mamaya. Pero ngayong wala pang araw ay matulog muna ulit tayo." Inaantok ang boses nito. Hinagkan nito ang kanyang noo habang nakapikit saka mahigpit siyang niyakap.
"You promise that, ha?!"
"Yeah darling." At tuluyan na nga itong nakatulog. Siya naman ay itinapat niya ang kanyang tainga sa dibdib kung nasaan ang puso nito, pinakinggan ang tibok ng puso ni Wren. Ipinikit niya rin ang kanyang mata. Ilang sigundo bago siya dinalaw ng antok at saka nakatulog.
ANG tonog ng alarm clock ang siyang nagpagiging kay Yzainna. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at tiningnan si Wren na mahimbing na natutulog. Nasa taas siya ng katawan nito nakatulog. Hindi ito nagising sa tonog ng alarm clock. Inabot niya ang kanyang cellphone mula roon sa side table saka tiningnan ang oras. Alas diyes y medya na ng umaga. Tinangka niyang bumangon pero mas lalong humigpit ang yakap ni Wren sa kanya. Gising na ito.
"Zarus, ano ba! Bitaw na! Magluluto pa ako ng agahan natin." Pinalo na naman niya ang dibdib nito. Iyon ang paborito niya sa katawan nito, malapad kase iyon masarap higaan.
"Mamaya na. I want to cuddle," malambing nitong tugon.
"What?!" Pinandilatan niya ang binata. "Nakayakap kana sa'kin mula kanina. Bitawan mo na ako dahil nagugutom na ako."
Agad itong napabangon pagkatapos niyang sabihin iyon. Dahil nasa taas siya nito ay nadala siya sa biglaan nitong pagbangon. Ang mga hita niya ay nakabukaka at nasa magkabilang gilid nito iyon. Ang kanyang mga braso ay nakapulupot sa leeg nito.
"Abnormal ka!" Sabay hampas ulit sa malapad nitong dibdib. Libre tsanshing rin iyon.
"Bakit hindi mo agad sa'kin sinabing nagugutom kana?" Kunot ang noo nitong tanong sa kanya bago siya pangkuin at dinala sa banyo. Nakahubad pa rin silang dalawa.
"Kakagising nga lang natin 'di ba? Saka ayaw mo nga akong bitawan, eh." Pinandilatan niya pa ito.
Ibinaba agad siya ni Wren ng marating nito ang shower room. Binuksan nito iyon saka siya itinapat roon, ito na ang nagpaligo sa kanya. Nakagat niya ang kanyang labi ng maglakbay ang mga kamay nito sa kanyang buong katawan. Biglang uminit ang kanyang pakiramdam. Kinuha ni Wren ang sabon at ito na rin ang nagsabon sa kanya.
"Zarus, nagugutom na ako." Nakangusong sabi niya na siyang nagpagigil rito. Gusto niya man ang ginagawa nito pero talagang nagugutom na siya. Kagabi hindi sila naghapunan dahil pagpasok pa lang nila kahapon sa bahay ay agad na siyang inatake ni Wren.
Tumingin ito sa kanya saka bumuntong hininga. "Okay," binilisan nito ang pagsabon sa kanya. "Ako na ang magluluto. Kung gusto mo magsulat ka muna habang nagluluto ako, nandoon sa side table ang laptop ko." Tinapos na nito ang pagpapaligo sa kanya. At dinala siya closet nito.
Ngumiti siya at tumango-tango. "Copy that, darling. Password?"
"myzayndarling" humalik ito sa kanyang pisngi. "Small caps lahat." Saka ito nagtungo sa shower room.
Napatanga siya dahil roon. "myzayndarling? What the?!"
Hindi niya maiwasang mamula doon. Kinikilig siya roon. Pero ang kilig na iyon ay parang naglaho bigla. Oo nga pala, ngayon lang ito. Dahil kapag bumalik na sila sa maynila ay tapos na ang lahat na ito. Pero sana nga ay may magbago pagkatapos nito. Gusto na niyang makasama ng matagal si Wren pero parang hindi iyon mangyayari dahil may kasintahan na ito. Pinilig niya ang ulo saka kumuha ng damit sa closet ng binata. Isang kulay itim na damit ang kinuha niya at kulay inim ring boxer short. Hanggang hita niya ang haba ng damit nito. Pagkatapos mag-ayos ay nagtungo siya sa side table at kinuha ang laptop. Mabuti kung sa veranda siya magsusulat, makakapag-isip siya ng mabuti dahil sa sariwang hangin na nalalanghap niya roon. Pagkarating sa veranda ay agad niyang binuksan ang laptop ng binata. Namula at kagat ang pang ibabang labing nakatitig siya sa wallpaper nito. Matagal na ang litratong iyon. Four year ago pa iyon, noong sila pa. Ito iyong picture na kinuha ng binata noong nagpasya silang mag-live in na. Naka-upo siya sa gitna ng kama at nakangusong nakatingin sa kamera. Maaga siyang ginising ng binata noon para lang kunan nang litrato. Inirapan niya ang laptop ni Wren bago itipa iyon at nag-umpisang magsulat.
Mula ng dumating siya ng Pilipinas ay hindi na siya masyadong nakapagsulat man lamang. Palagi siyang busy. Busy sa pag-aaway at pagsusungit kay Wren. Pati ang dahilan kung siya umuwi ng Pilipinas ay hindi na niya naasikaso. Palaging si Oxen ang nagtatrabaho niyon. Parang ito pa yata ang may-ari ng kanyang kompanya. Umirap ulit siya.
"Anong ginagawa ng laptop sayo? Panay ang irap mo," napatingin siya sa sliding door ng beranda nang marinig ang boses na iyon ni Wren.
Ngumiwi siya at inirapan din ito. "Bakit ka pa nandito? Sabi mo ay magluluto ka?"
"Ayaw mo bang nandito ako?"
"Gusto pero nagugutom na nga ako. Saka 'di ba mags-scuba diving pa tayo?" Masungit niya itong tiningnan. "Ako nalang kaya ang magluluto?"
Agad itong umiling. "No," lumapit ito sa kanya saka siya hinagkan sa noo. "Nandito lang ako para gawin 'yan. Tatawagin na lang kita kapag tapos na ako." Ngumisi ito at tumalikod sa kanya para umalis.
Hindi na siya nagsalita. Pigil ang ngiting umiwas siya ng tingin. 'Oh Zarus, your gesture makes me fall to you more harder.'
Nang maramdamang wala na ito roon doon lamang niya ibinalik ang tingin sa laptop. Hindi niya maisawang kiligin ulit. Ang sarap sa pakiramdam niyon. Sana ay hindi na matapos ang pakiramdam na iyo pero alam niyang hindi mangyayari ang bagay na iyon. Sana kapag nagdito sila ay wala sanang Margaux na iiksena. Bumuntong hininga siya saka nagpatuloy sa pagsusulat.
Lagpas isang oras na yata siya roon sa harap ng laptop ng binata pero hindi pa rin siya nito tinatawag. Nagpasya siyang tingnan ito roon. Tumayo siya at niligpit ang ginamit na laptop. Pumasok siya sa loob ng kwarto pero agad namang napatigil ng mapansing may tao roon sa pinto ng beranda. It was Wren, nakasandal ito roon at naka-ekis ang mga braso sa ilalim ng dibdib nito. Nakatitig ito sa kanya habang may ngiti sa labi.
"Kanina ka pa diyan?" tanong niya at naglakad patungo rito.
Ngumiti ito sa kanya. "Hindi naman masyado."
"Bakit hindi mo ako tinawag?" Pinandilatan pa niya ito saka hinampas ng mahina sa dibdib.
"You're busy saka ang saya mong panuorin doon habang nagsusulat. Ang sarap mong halikan kapag kukunot ang noo mo tapos ay biglang lalabi." Hinuli nito ang kanyang baywang. "Can I kiss you, darling?"
Nanlaki ang kanyang mga mata. Bakit ba ito magtatanong?! Pwede naman sigurong gawin na lamang nito ang gusto. Nag-init ang kanyang pisngi saka umiwas rito.
"M-Mamaya na, n-nagugutom na ako." Gusto niyang batukan ang kanyang sarili ng mautal siya. Para namang unang halik niya iyon. May nangyari na nga sa kanila mahihiya pa siya.
Humalakhak ito kaya napanguso siya. "You're cute." pinisil pa nito ang kanyang ilong.
"Ano ba!?" Lumayo siya saka ito nilampasan, tinamaan siya ng hiya. "Lika na, gusto ko ng mag-snorkeling."
Hindi niya napigilang lingunin ito at samaan ng tingin nang humalakhak ulit ito. "Ohh! Hindi na nga ako tatawa. Halika na, gutom na gutom na talaga ang darling ko." Lumapit ito at inakbayan siya.
"Whatever," siniko niya ito saka sila sabay na nagtungo sa kusina.
Pagkatapos nilang kumain ay lumabas agad sila ng bahay nito. Nagtungo sila sa isang malaking resort na naroon para manghiram ng gagamitin nila sa snorkeling. Excited na excited na talaga siya. Gusto niyang makita ang mga isdang lumalangoy at ang mga magagandang corals. Hindi niya naiwasang pumalakpak ng makakuha si Wren ng mga gamit. Sinuot nila iyon at sumakay sa isang kulay puting bangka.
"Saan tayo, Zarus?" tanong niya habang nakatingin sa malinaw na tubig dagat.
"Basta." Sinabayan pa nito ng mahinang tawa.
"Siguraduhin mong maganda roon Zarus dahil kung hindi bibigwasan kita." Sinamangutan niya ito nang hindi inaalis ang tingin sa tubig ng dagat.
"Maganda roon at sigurado akong magugustuhan mo ang parteng iyon." Kumindat ito sa kanya ng iniangat niya ng bahagya ang tingin para tingnan ito.
Tumaas ang kanyang kilay. "Nadala mo na ba si Margaux doon?"
Natigilan ito tapos ilang sigundo ay malakas itong humalakhak. Walanghiya! "You're the only woman I bring there, darling. Saka bakit nasama si Margaux? Akala ko ba walang iba muna, tayo lang? Hmm!?"
Ngumuso siya at umirap. "Tsk! Tinatanong ko lang naman."
Hindi na ito sumagot pero humalakhak ito lalo. Hindi na lamang niya ito pinansin. Ilang minuto bago nila narating ang sinasabi nitong 'magandang parte'. Hindi naman sila masyadong malayo sa resort. May mga bato siyang nakikita sa parteng sinasabi ni Wren. Pwede iyong tapakan dahil parang mababaw lamang ang bato, malapad iyon.
"Hala!? Bilis Zarus, gusto ko nang sumisid." Nakangiting sambit niya habang nakadungaw sa mga bato. Gusto niyang tumapak roon.
"Oo na basta mamaya pasisid din ako." Sinamaan niya ito ng tingin kaya napanguso ito. Binitawan nito ang sagwa saka inalalayan siyang bumaba. Gumiwang ang bangka kaya muntik na siyang nabitawan ni Wren buti na lamang at nakababa na siya agad. "Mag-ingat ka darling, baka may mga tinik ang mga bato."
Tumango-tango siya rito. "Opo, bilisan mong bumaba riyan."
"Sandali lang kase," bumaba ito sa bangka at naglakad ito palayo sa kanya ng konti bitbit ang lubid ng bangka.
"Saan ka pupunta?" sigaw niya.
"Itatali ko lang ito." Doon ito nagtungo sa isang kahoy na nakatayo roon. Iyon lamang ang kahoy roon, parang nilagay talaga iyon para doon itali ang lubid ng bangka.
Nang matapos itong itali iyon ay agad itong bumalik sa kanya. "Ready?"
Masayang tumango siya. "Yeah."
Sabay nilang nilagay ang goggles, para iyong hindi sumakit ang mata mo kapag nasa ilalim kana at para malinaw mong makita ang gusto mong tingnan. Ang snorkeling gears at flippers ay kanina pa nila nasuot. Inayos na rin nila ang parang isang tank sa kanilang likuran. Pwede kang huminga sa ilalim ng tubig. (A/N: Sorry 'di ko alam tawag diyan eh.) Tumingin si Wren sa kanya saka sumenyas na kailangan na naming sumisid, nilahad nito ang kamay nito sa kanya. Tumango siya saka tinangap ang kamay nitong nakalahad. Sabay silang sumisid na dalawa. Masayang tiningnan nila ang mga corals sa ilalim ng dagat pati ang mga maliliit na isdang lumalangoy na parang naghahabulan. Ang iba ay nagtatago sa mga corals na naroon at kapag lalapitan naman niya ay biglang aalis o lumalangoy palayo. Natakot yata sa kanya. Isang oras ang tinagal nila roon nang magsawa ay umahon na sila.
"Ohmy!? That was awesome, Zarus. Can we do it next time? Ang saya, ang gaganda ng mga corals. Hindi ba pwedeng kumuha no'n?" Nakapaskil pa rin ang saya sa kanyang mukha.
First time niyang mag-scuba diving. Noon ay hindi nila ginawa iyon ni Wren dahil busy sila sa pagtupad ng pangarap at sa isa't isa. Hindi naman nila naisipang mag-scuba diving. Hiking lang ang nagawa nila at mag travel sa iba't ibang bansa hindi naman nila ginawa ito noon . At nang nasa France naman siya ay busy na siya sa kanyang career. Wala na siyang time gawin ito.
Tumawa ito sa kanya. "Okay, babalik tayo rito. And bawal kunin iyong mga corals. Nawawalan naman ng tahanan ang mga isda."
"Madami naman 'yon, eh." Lumabi siya at pinulupot ang braso sa braso nito. Nagustuhan yata nito ang ginawa niya dahil hinila pa siya nito palapit sa katawan nito. Pabalik na sila sa bangkang sinakyan nila kanina.
"No, darling. Are you hungry?" tanong nito.
Itinaas niya ang kamay at medyo pinagdikit ang hinlalaki at hintuturan nito. "Medyo lang,"
"Ipagluluto kita mamaya," sabi nito.
Mabilis siyang umiling rito. "Huwag na darling, sa Dianessx na lamang tayo kumain," suhesyon niya.
Dianessx Restaurant. Pinangalan daw ni Wren iyon sa Author ng story na ito. Naaawa raw ito dahil wala man lamang itong love life mula ng isulat ang Obscenity Of Memories. Tumango si Wren at inaalalayan siyang sumampa sa bangka. Sumakay na rin ito. Ilang minuto bago sila makabalik sa resort. Sinuli nila ang hiniram ni Wren, nagpalit sila ng damit at agad na dumeretso sa Dianessx Restaurant.
"Good afternoon, Ma'am, Sir!" Sabay silang tumango rito. "This way po."
Dinala sila ng waiter sa isang sulok, kita sa parteng iyon ang view ng dagat.
"Ang ganda dito, Zarus," manghang sabi niya.
Tumawa ito saka tumayo. "Banyo lang muna ako, darling. Ikaw na mag order." Hinagkan pa muna siya nito sa noo bago umalis.
Tumingin siya sa waiter. "Ano ang masarap niyong dish rito?"
"Tawalis Bouillabaise, Sausage Fajitas, Cashew and Herb crusted sole fillet with Edamame puree and Burnt Lem on Butter, and Pandan Sansrival and choco Lava for dessert." Nakangiti niyang sinabi iyon.
"Sige iyon na lang. Dalawang order ha, saka dalawang glass ng orange juice. Salamat!"
Isinulat nito iyon sa maliit na notebook saka nagpaalam sa kanya. Ilang minuto lang raw ay naroon na ang order nila kaya ngumiti siya at tumango. Umalis na rin ito at siya na lamang ang naiwan roon. Tumingin na lamang siya sa magandang tanawin sa labas.
"Yzainna?" Lumingon agad siya ng marinig ang boses ni Vansh. Kasama nito ang mga kabanda nito. Pinasadahan niya ng tingin ito, nakasuot lamang ng simpleng damit ang binata at iyon ang pinagtaka niya. Anak mayaman si Vansh at matagal na rin niya itong kilala, hindi ito sumusuot ng simpleng T-shirt at hawayan short. Lahat ng damit nito ay mamahalin, kahit ang mga pambahay nito.
"Vansh!" Tumayo siya at kumaway rito. Sana ay 'wag munang bumalik roon si Wren.
Lumapit ito sa kanya kasama ang kabanda. "Alone?"
Umiling siya "May kasama ako. Anong ginagawa niyo rito? Kakain din ba kayo?"
"Oo, saka kakanta kami mamaya. Tinawagan kami ng manager ng Dianessx Restaurant na kung pwede ay kumanta kami. Wala naman kaming ginagawa kaya pumayag nalang kami," sabi nito at tinitigan siya. "So, it's true na asawa mo na ang lalaking iyon kahapon?"
Napalunok siya. Hindi niya inasahan iyon. "Vansh kase..."
"Pinaasa mo lang ako, Yzainna!" Gulat siyang tumingin rito.
"Vansh, matagal ko ng sinabi sayo na 'wag akong ligawan pero nagpumilit ka. Ayaw ko naman na itaboy ka kase kaibigan kita. Hindi kita pinaasa Vansh dahil una pa ang ay alam mo na wala akong gusto sa'yo," mariin niyang sabi.
Napatiim bagang ito. "Wala na ba talaga akong pag-asa, Yzainna? Aagawin kita sa kanya kung kinakailangan."
"No, Vansh. Hindi mo gagawin iyon." Lumapit siya at hinawakan ito sa balikat. "Just stop, Vansh. You need to stop that... you need to stop that feeling you felt from me. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin. Ayaw kitang masaktan. I treasure you as my friend."
Napatungo ito habang nakatiim bagang pa rin. Mariin itong pumikit at saka tumingin sa kanya. "May choice ba ako? Mahal kita Yzainna pero kung masaya ka sa kanya irerespeto ko iyon, masaya na ako makita ka ring masaya."
"Salamat, Vansh! Maraming salamat!" Tinapik niya ang balikat nito. Ang mga kabanda ni Vansh ay nakatingin lang sa kanila.
"Can I hug you for the last time?" Nang tumango siya ay agad siyang niyakap nito pero mabilis lang iyon dahil bigla na lamang itong nahiwalay sa kanya.
"Zarus!" Tili niya. Sinugod nito si Vansh at sinuntok. Mabilis siyang nagtungo rito at hinila ito palayo kay Vansh. Hindi man lamang si Vansh bumawi, nagpasuntok lang ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top