Chapter 17

KAHIT anong pilit mong itago ang isang bagay ay hindi rin pala magtatagal at malalaman din nila iyon dahil sa isang pagkakamali lamang. Tama nga ang kasabihang 'Walang sekretong hindi nabubunyag' dahil ilang araw palang ng itago ni Yzainna ang sekretong may anak sila ni Wren ay nalaman agad nito dahil sa pagkakamali niya. Wala nang saysay ang paglilihim niya rito.

"Ano ba, Wren! Ayoko ngang sumama sa'yo. Hindi ka ba makakaintindi? Let me go! This is kidnapping!" sigaw ni Yzainna ng pilit siyang ipasok ni Wren sa kotse nito.

Hindi ito nagsalita, nakatiim bagang ito at matatalim ang mga matang nakatingin sa kanya. Hinila siya nito hanggang sa naipasok na nga siya nito sa kotse.

"I hate you!" galit na sigaw niya nang maisara na nito ang pinto. Sinubukan niyang buksan iyon ngunit naka-lock na ito. Kailangan niyang makaalis at makabalik agad sa mga anak niya.

Pumasok ito sa driver seat at bigla na lamang pinaandar ang kotse. Napakapit siya ng mahigpit sa kanyang kinauupuan. Pinikit niya ang mata dahil sa kabang nararamdaman. Galit ba ito? Galit ba ito kase pinahiya niya ang girlfriend nito? Iyon ba ang dahilan ng galit nito? Kasalanan naman ng kasintahan nito, ang babaeng iyon ang unang nanggulo. Wala silang kasalanan ng mga anak niya.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Pinakalma niya ang sarili, kailangan niyang maging kalmado. Walang magagawa ang pagsigaw-sigaw niya rito dahil para itong bingi. Ang atensiyon ay nasa daan lamang. "Wren, ano ba?"

"Shut up, Zayn!" malamig nitong singhal sa kanya.

May kirot siyang naramdaman sa malamig nitong pakikitungo. Nasasaktan na naman siya  sa simpleng salita at kilos nito.  Kumuyom ang kanyang kamay at mariing pumikit. Kung galit ito dahil sa ginawa niya sa girlfriend nito ay mas galit siya dahil sa panloloko nila ng girlfriend nito sa kanya. Hindi pa siya naka- move on sa bagay na iyon, sariwa pa sa isip niya kahit matagal na iyong nangyari.

"Shut up your face! Ano bang kailangan mo?" Hindi ito sumagot kaya mas lalo siyang nagngitngit sa galit. "Okay! I knew it. Galit ka kase pinahiya ko ang girlfriend mo? Kasalanan naman ng babae mo, siya ang unang sumugod. Pinalagpas ko lang ang ilang ulit na sampal niya sa'kin pero kapag nakita ko--- Shit!" Napasigaw siya sa gulat nang bigla itong pumreno. Sinamaan niya ito ng tingin pero hindi nito inalintana iyon. Kung hindi dahil sa seatbelt na suot ay baka napasobsob na siya. Hinampas-hampas niya ito. Walang hiya talaga. Hinuli nito ang kanyang kamay.

"What did you just say? She slap you?" Parang hindi ito naniniwala.

Sa tingin ba nito ay nagsisinungaling siya? Na sinisiraan lamang niya ang girlfriend nito? Sa tingin ba nito ay ganoon na lamang siya kababaw sa magsinungaling sa bagay na iyon? Sa mukha niyang ito pagkakamalan pa siya nitong sinungaling? Eh, mas mukha pang sinungaling ang kasintahan nito. Sa kapal palang ng make-up non mahahalata mo na.

"Bakit ka nagtatanong? Walang bang nag-upload ng pangyayaring iyon? At ano ang tingin mo sa 'kin, sinungaling? I'm not like you nor your girlfriend. Hindi ako manggagamit, despitada at mang---"

"ZAYN!" Malakas na sigaw nito.

Kagat ang pang-ibabang labing binawi niya ang kamay mula rito at tumalikod. Tuloy-tuloy na tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Ayaw nitong sinasabihan ang girlfriend nito ng masasakit na salita. At lalo siyang nasasaktan dahil roon. He even shout at her dahil sinabihan niya ng masasakit na salita ang kasintahan nito. Lalo niyang kinagat ang pang-ibabang labi pinipigilang huwag mapahikbi.

"Z-Zayn, I-l'm sorry."

Hindi niya ito pinansin. Paulit-ulit itong humingi ng tawad sa kanya pero nagpanggap siyang walang narinig. Ilang minuto bago ito tumigil, napagod na yata. Naramdaman na lamang niyang umaandar na ang kotse. Ipinilig niya ang kanyang ulo sa upuan at ipinikit ang mga mata upang matulog. Ayaw niyang pansinin ito dahil masasaktan lamang siya sa pagkampi nito sa kasintahan nito. Sinabi na niya na ayaw na niya itong makita, na umalis na sa buhay niya pero bakit nandito ulit ito? Unti-unti na siyang nagiging okay dahil sa mga anak niya. Kung hindi na sana ito magpakita pang muli ay makakalimutan na sana niya ito sa madaling panahon.

NAALIMPUNGATAN si Yzainna ng maramdamang parang lumulutang siya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Bumungad agad sa kanya ang gwapong mukha ni Wren at pangko-pangko siya nito. Gaano ba siya matagal natulog?

"Ibaba mo ako," walang emosyon niyang sabi.

Gulat na napayuko ito sa kanya. Hindi yata nito inaasahang magigising siya. Tinaasan niya ito ng kilay nang mapansing titig ito sa kanya. Pilit siyang bumababa pero hindi ito pumayag lalo lamang nitong hinigpitan ang hawak sa kanya.

"Stay, darling."

Umiling-iling siya. "Ayoko, iuwi mo na ako."

"No." He shake his head to disagree.

"Wren please, I want to go home."

Hindi nito pinansin ang pagmamakaawa niya. Kailangan na niya talagang umuwi baka hinahanap na siya ng mga anak niya. Kita niya ang pagtiim bagang nito.

"Kailan mo balak itago sa 'kin ang katotohanan?" galit nitong tanong.

Alam na nga nito ang totoo. Pero talagang ito pa ang galit? After what he done to her? Wala itong karapatang magalit sa kanya dahil sa umpisa pa lang ay kasalanan na nito kung bakit niya iyon tinago. Nag-init ang kanyang mga mata. Ang mga mata'y nag-aapoy na sa galit.

"Wala kang karapatang magalit sa kahit anong gagawin o desisyon ko. Sa tingin mo ba'y sasabihin ko sa'yo ang tungkol doon? After what you done to me? After making me a stupid, a fool? That's bullshit, Wren!" Pinilit niyang bumaba pero hindi siya nagtagumpay. "Put me down!" sigaw niya rito at malakas na pinalo ito sa dibdib.

"Hindi mo ba ako mapapa---"

Tinakpan niya ang dalawang tainga. "Blah..blah..blah.. Wala akong narinig.. Nyee!" Paulit-ulit niya iyong sinasabi ng malakas. Ayaw niyang marinig ang anumang sasabihin nito.

Dumilim lalo ang mukha nito pero wala siyang pakialam. Tumigil ito sa paglalakad nang nasa harap na sila ng pinto. Wala siyang ideya kung nasaan sila ngayon dahil natulog siya buong byahe at saka ayaw naman niyang tanungin ito. Naglumikot siya sa bisig nito kaya nabitawan siya nito, buti nalang at nakatayo siya agad pagkabitaw nito.

"Zayn," nag-aalalang sambit nito at akma itong lalapit ng iharang niya ang kanyang kamay.

"Huwag kang aalis diyan sa puwesto mo. Huwag kang lalapit sa 'kin."

"What the fuck? Zayn, pwede bang kahit ngayon lang ay kalimutan mo muna ang nangyari noon. Makinig ka sa'kin!" he frustratedly said.

"Bakit mo ako minumura? At ano kamo, kalimutan? Hindi ko yata magagawa 'yan. Hanggang hukay ko ay dala ko na ang lahat kaya kahit lumuhod ka pa sa harap ko ay wala kang mapapala."

"Zayn, please!" pagsusumamo na nito.

"No, iuwi mo nalang ako."

"Para ano? Para makasama mo si Rietto? Hindi kita iuuwi." Madilim ang mukha nito at ang mga mata'y walang emosyon ng nakatingin sa kanya.

Kumunot ang kanyang noo. "Bakit nasama si Rietto dito?"

"Bakit ayaw mo?" Dumilim lalo ang mukha nito na para bang  handang manuntok. "At talagang sa kanya mo pa iniwan ang mga anak natin."

Anak natin? Masarap iyon sa pandinig niya. Nakakagaan ng loob. Parang may kung anong humaplos sa puso niya. Paulit-ulit iyon na nag-replay sa kaniya yon hanggang sa may pumasok na eksina sa isip niya. Ang unang panloloko nito, ang nangyari sa airport noon at sa bahay nito nang  magtungo siya roon, lahat ng iyon ay naalala niya. Ang sayang naramdaman niya ay biglang naglaho nalang na parang bula. Ang sayang iyon ay napalitan muli ng galit.

"Anak natin? Talagang sinabi mo iyon sa harap ko.. sa pagmumuka ko? Anak ko lang sila Wren, baka akala mo. Sinabi ko na ba sayo na wala kanang karapatan sa kanila?"

"You can't do this to me, Zayn. Kahit anong gawin mo ay may karapatan ako sa kanila. Anak ko rin sila, sa akin sila nanggaling." Galit na rin ito.

Napapantiskuhang napatitig siya rito, mapanuyang ngumisi siya. "Karapatan? Pinipilit mo talaga iyan? Gusto mo bang ipaalala ko sayo ang ginawa mo sa 'kin noon? Nang lukuhin mo ako sa pangalawang beses ay nawala na ang karapatan mo sa mga anak ko. Because of you muntik ng mawala ang mga anak ko. At huwag mong sabihin sa 'kin na nanggaling sila sayo dahil sa akin sila nanggaling, ako ang nagdala sa kanila kahit wala akong malay tao, niluwal ko sila kahit na nasa coma ako."

Kumuyom ang kamay nito. Ang madilim na mukha at tiim ng bagang nito ay naroon pa rin. "Hindi kita niloko, hindi kita kayang lukuhin. Kung pinakinggan mo ako noon ay hindi na mangyayari itong lahat. You know how much I love you, Zayn. And you fucking know that."

Sinungaling. Gago siya! Paulit-ulit niya itong minura sa isip niya. Anong mahal ang pinagsasabi nito? Kung mahal siya nito hindi siya nito lolokohin. Napaka sinungaling.

"Ako ba ang sinisisi mo, ha? Ang kapal ng mukha mo." Sinampal niya ito at pumasok sa pintong nasa likuran niya. Agad niya iyong ni-lock.

Sunod-sunod na tumulo ang kanyang mga luha, hindi maiwasang mapahikbi. Siguro ay narinig nito iyon sa labas dahil sunod-sunod na katok ang narinig niya, masyadong malakas iyon. Hindi niya pinansin ito, nagtungo siya sa kama at dumapa roon. Binaon niya ang kanyang ulo sa unan at doon binuhos ang lahat ng luha.

"Zayn, open the door!" sigaw nito sa labas ng kwarto.

Nagbingi-bingihan siya. Ayaw niya itong makita, ayaw niya itong makausap. Kahit ngayon man lang ay mailabas niya ang sakit na nararamdaman, kahit sa pamamagitan lang ng pag-iyak ay okay na siya. Kaya sana ay pagbigyan siya nito dahil talagang pagod na pagod na siyang masaktan. Pagod na siyang umiyak at magalit. Kahit isang gabi lang sana ay hayaan muna siya nito.

"Zayn, please open this. I'm sorry darling. I'm sorry! Hindi kita sinisisi kaya pakiusap buksan mo 'to, Zayn." May pagsisisi ang boses nito, mahina at nagmamakaawa.

Tuloy-tuloy lamang siya sa pag-iyak hanggang sa makaramdam na siya ng antok. Ipinikit niya ang kanyang mata saka hinayaang tangayin siya ng antok. Pero bago pa siyang tuluyang makatulog ay narinig niyang bumukas ang pinto. Ilang sigundo bago niya naramdaman ang paglubog ng kama parang may umupo roon. Hindi na siya nagmulat ng maramdaman ang pagpulupot ng kung ano sa kanyang katawan at hinapit siya.

"I'm sorry for hurting you this much, darling. I do everything to win you back. I won't let anyone to take you away from me. Not that Vansh, your secretary nor Rietto. You only belong to me, Zayn. Mahal na mahal kita."

Hindi niya masyadong naintindihan ang sinabi nito dahil sa antok niya. Hinayaan niyang lamunin siya ng dilim.

ANG tonog ng cellphone ni Yzainna ang siyang nagpagising rito. Nakapikit na inabot niya iyon sa bedside table pero wala siyang nakapa roon. Sinubukan niyang kapain ang ilalim ng kanyang unan, pero wala rin doon. Tuloy-tuloy pa rin ang tonog kaya patamad siyang bumangon habang nakapikit. Naramdaman niya ang pag-vibrate nito sa bulsa ng kanyang suot na jeans. Kinuha niya iyon at sinagot, hindi na siya nag-abalang tingnan ang caller.

"What?" bungad niya.

"Mommy!" Agad siyang napamulat ng marinig ang sigaw ng kanyang mga anak. Si Kaireo at Yza.

She touch the loud speaker of the phone. "Babies?"

"Mommy, are you okay there?" tanong ni Yza.

"Yes baby, sorry kung hindi agad nakasunod si Mommy diyan, ha?"

"It's okay, Mom. Daddy called Tito Rietto kanina and he said magkasama daw kayo." Si Kaireo naman iyon.

"D-Daddy?" Nanlalaki ang kanyang mga mata.

"Opo, si Daddy Wren po. Why Mommy?" Alam niyang nakanguso na ngayon si Yza.

Napalunok siya. Tinawagan sila ni Wren? Biglang kumabog ang kanyang puso, masaya siya na nalulungkot. She don't know what she feel right now.

"Nothing anak. Where's Kaiden?" Pansin niyang hindi nagsasalita ito pero ramdam niya na naroon lang ito sa tabi ng dalawang kapatid.

"He's here beside us and he is giving me a death glare now,  Mommy," sumbong ni Yza.

Kumunot ang kanyang noo. "Kaiden?"

"Yeah?" Parang wala ito sa mood.

"May problema ba, anak?"

"Nothing, are you okay there?" Parang ang tanda na nito kung makipag-usap sa kanya. May problema ba ito? Nagtatampo?

"Yes anak. Kayo ba okay lang diyan? Did you sleep well? Do you want me to go home?"

Imbis na sagutin ang mga tanong niya ay nagtanong rin ito. "Where is that man?"

Man? Sino ang tinutukoy nito? Si Wren ba? "Sinong man, anak?"

"Mom, your companion there."

"Si Wren? Your dad?"

"Yes, that man." Wala nga ito sa mood.

Bago pa siya makasagot ay naunahan na siya ni Yza. Maingay talaga ang babae niya. "Kuya, that's daddy."

"Who care? He's the reason why mommy cried yesterday night. I hate him for that. True man didn't make girl cry."

Tapos nitong sabihin iyon ay natahimik siya. Iyon ba ang dahilan kung bakit kanina pa ito tahimik?

Dahil kay Wren? At alam nito na umiyak siya kahapon? Pero paano nito nalaman na si Wren ang dahilan no'n?

"How did you know that, baby?" Kagat labing tanong niya.

Galit ba ito kay Wren, sa ama nito? Anong gagawin niya? Kahit naman na may kasalanan ito sa kanya ay hindi niya naman maaatim na may galit ang anak nila rito. Kahit isumpa pa niya ito ng paulit-ulit o baliktarin man ang mundo ama pa rin nila si Wren. Hindi mababago ang katotohanang iyon. Nasabi lang naman niya kahapon kay Wren ang tungkol sa karapatan nito sa mga bata dahil sa kanyang galit.

"I'm awake that night so I heard you cursing him while crying. When he called a while ago and telling us that he is our dad. I know already that it's him... the reason why you're crying and hurting. I hate him, Mom. I don't want him to be our dad." She heard him sob. Umiiyak ang  anak niya. Narinig pala siya nito. Anong gagawin niya?

"Baby, listen to mommy okay? Don't hate your daddy because of what you heard from me, baby, dahil kahit balik-baliktarin man ang mundo he's still your dad. Don't hate him because you heard me cursing him. Mahal na mahal kayo ng daddy niyo," mahinahon niyang sabi. Sana ay maintindihan iyon ni Kaiden.

"I don't hate daddy, mommy. I love him po," sabad ni Yza.

"Me too mom." Si Kaireo naman iyon.

"And I don't, I still hate him," matigas na sabi ni Kaiden.

"Kaiden..." Hindi na ito sumagot sa kanya. "Kaiden, anak?"

"He already left, Mom. Galit na galit po si Kuya kay daddy. After daddy called a while ago, kuya become wild, mommy. He throw all the things he saw, pati po ang favorite vase ni Tito Rietto tinapon niya po. Hindi  po siya masasabihan nila Tita Khal at Tito Rietto dahil matigas po ang ulo no'n. Hindi po siya nakikinig," kwento ni Yza.

Bumuntong hininga siya. "Alam ko anak mana sa daddy niyo iyon, eh, matigas ang ulo. Sige na anak tatawag nalang mamaya si Mommy, okay? Huwag niyo munang iwan ang Kuya niyo, ha? Stay with his side."

"Okay po mommy, bye-bye!" Sabay pa ang dalawa.

Nang mamatay ang tawag ay lumabas siya ng kwarto. Pero nabigla siya ng makita sa labas ng kwarto niya si Wren. Nakakuyom ang kamay at mariing nakapikit. Narinig ba nito ang pag-uusap nila ng anak? Naaawa siya rito pero pinigilan niya ang kanyang sarili na huwag itong lapitan at yakapin. Kung ayaw nitong magalit ang anak nila eh 'di gumawa ito ng paraan. Bumuntong hininga siya bago ito lagpasan.

"Zayn..."

Hindi niya ito pinansin. Lumabas niya sa tinutuluyan at agad na bumungad sa kanya ang puting buhangin at ang kumikinang na dagat. Namilog ang kanyang mata.

Nasa beach ba kami? It is real?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top