Chapter 15

NANG magising si Yzainna ay parang binibiyak ang kanyang ulo. Dahan-dahan niyang nilibot ang kanyang paningin, nasa kwarto siya ni Rietto. May nakita pa siyang lalaking nakahiga sa sopa, natatabunan ang mukha nito ng buhok nito na medyo may kahabaan na.

Wren Lazarus Cardova, ito ang lalaking natutulog sa sopa. Dahan-dahan siyang umupo at tinitigan ito. Now she remembered everything. From the time she fell in love to him, when she was in high school until she followed him to the airport. She already remembered everything, every details of her past. She even remembered him cheating on her. Ang sakit sakit lang, kase lahat naman ginawa niya para rito pero niloloko pa rin siya nito.

Life has taught her that you can't control someone's loyalty. No matter how good you are to them, doesn't mean that they will treat you the same. No matter how much they mean to you, doesn't mean that they'll value you the same. Sometimes people you love the most, turn out to be the people you can trust the least.

Ang babaeng nasa airport ay iyon din ang babaeng pumunta sa bahay nito. Sila pa rin pala. Nakakatanga lang kasi habang nagtutungo ito roon sa kanyang opisina para baliwin siya sa mga pinagsasabi nito ay may babae pala itong kinakasama.

Eh' bakit pa siya hinahabol ni Wren? Bakit ito nangungulit sa kanya? Ano iyon, laro lang? Hindi na niya napigilan ang kanyang luha, sabay-sabay na tumulo iyon sa kanyang pisngi. She remembered what she said to Khaleesi long ago, when Khaleesi was broken because of his bastard ex-boyfriend.

If your heart hurts a little after letting go of someone or something, that's okay. It just mean that your feelings were genuine. No one likes end. And no one like pain. But sometimes we have to put things that were once good to an end after they turn toxic to our wellbeing.

Okay lang naman na masaktan siya because she's truly in love. Walang gusto ng katapusan. Walang gusto ng sakit. Iyon lang talaga ang itinadhana ng nasa taas. Isa lamang iyong pagsubok sa kanya. Sinusubok lamang siya kung papaano niya malagpasan ang ganoong klaseng pagsubok na dumating  sa buhay niya. It is okay kasi alam niyang malalampasan niya lahat ng iyon. At hindi ibig sabihin na okay lang eh' hindi na siya galit kay Wren. Ang puot na nasa puso niya para dito ay lampas na ng limampung palapag ng Renovette's Empire.

"Mommy?" Ang mahinhing boses ni Yza at Kaireo ang siyang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

Nakasilip ang mga ito sa pinto, nakatitig sa kanya. Sumenyas siyang huwang mag-ingay, tumango naman ang mga ito. Dahan-dahan siyang bumaba ng kama at nagtungo sa pinto. Bago siya lumabas ay isang galit na tingin ang ibinigay niya kay Wren na mahimbing na natutulog. Hinila niya ang mga anak niya sa kwartong tinutuluyan nila.

"Where is your Kuya Kaiden?" she asked them.

"In the kitchen po he get our breakfast," Kaireo stated then he jump to the bed.

"Kaireo, stop that!" saway niya.

He immediately sat on the bed, facing her. She turned her gaze to Yza as she stood up and went to the book shelves. Yza took a seat then climbed up and handed over a book.

"What are you doing, Yza? Bumaba ka riyan baka mahulog ka." Pinuntahan niya ito saka binuhat.

"Mommy, No! Put me down po. I'm not little girl na po, big na ako." Bumaba ito sa pagkakabuhat sa kanya habang hawak pa rin ang libro kinuha nito.

"Bakit kase umaakyat ka sa upuan na iyan, masyadong mataas," she snapped. Kinabahan siya dahil sa ginawa nitong pag-akyat doon. Paano kung mahulog ito?

"I want to read po, Mommy." Nagtungo ito sa kama, sa tabi ni Kaireo saka dumapa at binuklat ang hawak na libro.

"Ahh kaya na--- WHAT?" She took a deep breath when she realize that she's already shouting.

Her two babies chuckled. Pinagtawanan pa talaga siya ng mga ito.

"She's grade three na po, Mommy." Napalingon sila nang sabay na tatlo sa pinto nang marinig nila ang boses ni Kaiden. Nakatayo ito roon hawak ang dalawang tray.

Nanlaki ang kanyang mga mata. G-Grade three? Pero bata pa siya, paano nangyari iyon? She's only five years old.

"Masyado po daw kasing matalino si Yza kaya nilipat siya sa Grade three.  At yung teacher niya sa kinder hindi po daw kinaya ang katalinohan niya. Pati ang ibang teacher ganoon din. Iyong high school subject nga po ay alam na niya." Kwento ni Kaiden nang makita ang pagtataka at pagkalito sa kanyang mukha.

Mas lalo pa yata siya nawindang dahil doon. Tumingin siya kay Yza. Tutok ang paningin nito sa binabasang libro. "Hindi siya nakakatulog sa gabi kapag hindi siya makakabasa ng kahit anong libro. Kagabi lang yata siya hindi nagbasa, Mommy," sabi ni Kaireo at hinimas ang buhok ni Yza.

Para siyang maiiyak dahil roon. Ang sweet ng anak niya. Hindi siya makapaniwala na ganoon pala katalino si Yza. "Kayo grade three na rin?"

"No, Mom. We're grade one," sagot ni Kaiden saka nilagay ang tray sa kama. "Let's eat na po, Mommy."

Tumango siya at naupo na rin sa kama. Parang matured na mag-isip ang mga anak niya. Maayos ang pag-aalaga nila Lucé sa mga anak niya kaya natutuwa siya. Yung galit niya parang unti-unti na ring nawawala.

"Mommy, who's that guy sleeping in the  sofa po sa kwarto ni Tito Rietto po?" tanong ni Yza pero ang mga mata ay nasa libro pa rin. Sinusubuan ito ni Kaiden.

Napangiti siya, ganoon ba talaga ang mga ito sa isa't isa? Maalaga ang kanyang mga anak na lalaki sa kanilang kapatid na babae. Umiwas siya ng tingin ng mag- echo ang tanong nito sa kanyang pandinig.

"I don't know, baby." Tumayo siya, hinagkan ang mga noo nito saka naglakad papuntang pinto. "Dito muna kayo ha? Mommy will talk to your Tito Rietto and Tita Khaleesi, okay?"

"Yes, Mommy," sabay na sabi nila.

"WHERE IS SHE?" Ang malakas na sigaw na iyon ang bumungad sa kanya nang malapit na siya sa hagdan, pababa. Galing iyon sa living room. Mabilis siyang bumaba para tingnan iyon. It was Wren, he's gripping Rietto collar. Agad na namuo ang galit sa kanyang puso ngayon na naalala na niya lahat ay hindi na niya hahayaang guluhin siya nito.

"Let.Him.Go." Ang madiin at walang buhay na boses niya ay nag-echo sa buong living room. Lahat sila ay napalingon sa kanya. Si Wren ay padarang na binitawan si Rietto saka ito pumunta sa kanyang puwesto. Akmang hahawakan siya nito pero agad niyang itinabig ang kamay nito at isang malakas na sampal ang ibinigay rito.

"Don't you dare touch me, tricksier jerk!" Galit na sigaw niya. Nagulat ang mga ito dahil sa sinabi niya, pero hindi niya pinansin ang mga ito. "I remembered everything, all the single details of my past. Lahat-lahat ng iyon naalala ko pati noong panahon na pinagmukha mo akong tanga. Ang panahon na harap-harap mo akong ginago. Naalala ko na ang dahilan kung bakit ako naaksidente." Ang kanyang luha ay tuloy-tuloy na nalaglag sa kanyang mga pisngi. Naalala na naman niya ulit lahat. Bumalik na naman ang sakit na nawala kanina nang makaharap niya ang kanyang mga anak.

"I gave everything to you, as in lahat-lahat. Ibinigay ko na rin pati sarili ko pero hindi pa rin pala iyon sapat. Ibinigay ko ang buong pagmamahal ko sa'yo, ni hindi na nga ako nagtira para sa sarili ko," tumingala siya para maiwasan ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng mga luha niya. "I'm sorry i wasn't good enough that time. But I tried to be. I tried to change everything about myself  till i didn't know who was me. Nawalan na nga ako ng oras para sa mga kaibigan ko para lang samahan ka lagi kasi pati mga kaibigan kong lalaki ay pinaseselosan mo. I loved you enough. Siguro naman ay sapat na iyong pagmamahal na ibinigay ko noon sayo para iwan na ngayon ang alaala nating binuo, na siyang sakit lamang ang ibinigay sa puso ko. Tama na siguro iyon? Sobra-sobra na kase iyon, Wren. Dahil sa pagmamahal na iyon ay muntik ng mawala ang lahat...muntik na akong mamatay. Muntik ng mawala ang..." She didn't finish her word dahil ayaw niyang malaman nito ang tungkol sa mga anak niya.

He tried again to touch her but she avoid it, lumapit siya kay Rietto. "I'm happy with my life now. Nakaraan na rin naman ang nangyari sa atin kaya siguro kalimutan na natin iyon. I'm happy without you in my life. I'm happy even you're not beside me. I'm still alive you see? I am still breathing. Sorry, but I don't want to feel the pain you caused me long time ago so I begging you to stay away from me. Forget everything about us kase ikaw lang ang  mahihirapan. Forget and be happy with your own life." She saw the tears falling into Wren eyes so she firmly close her eyes because she's hurting seeing him like that. Hindi siya makakahinga nang mabuti.  "Pwede ba kapag umalis ka sa bahay na ito, umalis ka na rin sa buhay ko? Huwag ka ng bumalik, huwag ka nang manggulo." Umalis siya sa harap ng mga ito ng walang lingon-lingon.

IPINIKIT ni Yzainna ang kanyang mga mata habang dinadama ang simoy ng hangin na siyang tumatama sa kanyang mukha. Nasa park sila ngayon ni Khaleesi at Reitto, kasama ang mga bata. Buti na lamang at konti lang ang tao roon. Nasa sulok kasi sila ng park, hindi masyado matao sa puwestong iyon.

Dalawang araw pa lamang ang nakalipas ng mangyari ang masakit na katotohanang iyon. Sa dalawang araw na iyon ay noroon si Wren sa bahay ni Rietto kaya noong gumabi ay umuwi ito para kumuha ng damit, doon siya nakaisip na umalis sa bahay ni Rietto. Bago pa makabalik si Wren ng gabing iyon ay umalis na sila ng mga anak niya at umuwi siya ng mansion. Hindi pa nakikita ni Wren ang mga bata kase hindi naman ang mga ito lumalabas ng kwarto. Kumukuha lamang siya ng pagkain at doon sila sabay na kumaing mag-ina sa kwarto. Buti na lamang at soundproof ang kwartong iyon kaya hindi naririnig sa lahat ang mga boses tatlo kapag naglalaro.

"Mommy, can we eat ice cream?" malambing na tanong ng kanyang anak na si Kaireo.

Naging malapit na talaga siya sa mga ito. Hindi na mga ito nakakatulog nang hindi siya nayayakap. Malambing ang tatlo sa kanya. Nagpapasalamat lamang siya na hindi nila hinahanap sina Lucé at Jashiel.

Tiningnan niya ang tatlo at hinaplos ang mga mukha nila. "You want ice cream?" Tumango ang mga ito ng sabay-sabay. "Okay, Tito and Tita will buy you an ice cream."

Aangal na sana si Khaleesi ng pinandilatan niya ito. "Di ba, Khal? Ibibili mo sila?" Tumaas pa ang sulok ng labi niya.

Umirap ito. "May choice pa ba ako?" Tumayo ito at hinila si Rietto na kumakamot ng ulo, namumula. "Halika na nga."

Nang makaalis na ang mga ito ay nagkatinginan sila ng mga anak, tapos ay sabay silang tumawa. Kumuha siya ng tatlong towel at nilagyan ang mga likod nilang basa na.

"Masaya ba kayo?" she asked.

"Yes, Mommy. You're here with us, so we're very happy, right kuya's?" Yza asked her brothers with her melodious voice.

Masayang tumango ang kanyang mga lalaki at sabay na inakbayan si Yza. "Yes, Mom."

"Kuya's your arm." Pilit ni Yza na kinukuha ang braso ng mga kuya niya sa kanya balikat. "Get off, it's mabigat. Mommy help?!" Tumingin ito sa kanya ng nakanguso.

Tumawa siya at hinila ito para paupuin sa kanyang hita. "Ayan, stay ka diyan para hindi ka awayin nila kuya."

Lumapit rin ang dalawa sa kanya. Akmang kikilitiin nila si Yza ng mapatigil ang mga ito dahil sa isang boses na alam niyang kanino nanggagaling.

"Look, who's here." It was Margaux, Wren's  girlfriend. She's with her two clown-- I mean friends.

Margaux Czanae is a international model. Ganoon din ang kasama pa nito.

Tiningnan niya lamang ang mga ito, wala siyang pakialam. Huwag lang itong magkamaling gumawa ng eksina sa harap ng mga anak niya dahil papatulan niya talaga ito. Bumaba ang tingin nito sa kanyang anak at parang natuklaw na napaatras ito. Gulat dahil siguro sa itsura ng anak niya. Dahil kung titingnan mo ang mga ito ay malalaman mo na talaga agad na anak sila ni Wren lalo na si Kaiden na parang kinopya talaga ang mukha ng ama. Carbon copy nga eh. Lihim siyang napangisi. Ayan, magulat kang maharot ka.

"Anong ginagawa mo rito?" walang kaamor-amor na tanong niya.

"Sino ang mga batang iyan? Anak mo? Sinong ama?" Ngumisi ito,nagpapanggap na hindi alam kung sino ang ama.

"Yes, they're my babies. Who is the father? Kailangan ko ba bang sagutim iyan? Halata naman siguro sa mukha nila, ano?" May panunuya ang boses niyang sabi.

Ang ngisi na nasa labi nito ay unti-unting nawawala. Matalim ang tingin sa kanya. "You..." Tinuro pa siya nito. "You slut.. You flirt my honey," akusa nito.

Hindi siya nagpatinag. Kailangan niyang kontrolin ang saliri dahil nandoon ang mga anak niya. "Pwede ba kung gusto mong sumigaw huwag sa harap ng mga anak ko. Lumayo ka ng ilang metro sa amin tapos ay doon ka sumigaw. Masyado lang eskandalosa."

Galit na galit na ito, kita niya iyon dahil sa hindi na normal ang pamumula ng mukha nito. Hindi niya alam kung sobrang galit ba ito o talagang dahil lang sa kapal ng make up nito.

"How dare---"

"Mommy is she a clown?" Inosenteng tanong ni Yza habang nakatitig kay Margaux. Natigilan siya pero agad ring napangiti.

"Ye--- I mean No, Yza," natatawang wika niya.

'Yes baby, she's clown. Kalahi rin ito ng unggoy na nakaaway ko roon sa Ducasse Cuisine.'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top