Chapter 14
THE saddest thing about betrayal is that it never comes from your enemies. It comes from to your friends and love ones. Nakakagalit talaga kapag ikaw nagpakatotoo ka sa kanila at nag-expect ka na totoo din sila sa'yo pero sa huli they will just betrayed you. You gave your fully trust to them but they break it like a shit. Better to have an enemy who slaps you in the face than a friend who will stab you in the back.
Doon dumeretso sila Yzainna sa bahay ni Rietto, kasama si Khaleesi at ang tatlong bata. Hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ni Yzainna ang nangyari sa pagitan nila ng kaibigan. Hindi niya matanggap na ang taong itinuring niyang pamilya ay siya pang gagawa sa kanya ng ganito. Mas masakit pa ito sa nalaman niyang may kasintahan si Wren. Mas sobra pa ito.
"Okay lang ba kayong apat dito?" tanong ni Rietto sa kanya.
Tumango siya at malungkot itong tiningnan. "Oo, I'm sorry kung naistorbo ka namin."
"It's nothing, Chérie."
Biglang umatungal ang tatlong bata pagkatapos sabihin iyon ni Rietto. Agad naman siyang nataranta, pati si Khaleesi na nasa tabi niya ay biglang nagulat.
Pinatahan niya ang mga ito. "Why my babies crying?" nag-aalalang tanong siya.
"W-Why that guy called you sweetheart?" sigaw ni Kaireo.
Napakamot siya ng ulo at umangat ang kanyang ulo kay Rietto na natatawa. Pinandilatan niya ito. "It's nothing, baby. Ku---"
"Maganda kase ang Mommy niyo kaya dapat sweetheart ang itawag sa kanya." Pinutol pa ni Rietto ang dapat na sasabihin niya.
Napatitig ang tatlo rito. "You like our Mom?" tanong ni Yza.
Ngumiti si Rietto saka siya kinindatan. "Maybe yes?"
Tumatawang yumuko siya sa mga anak niya. "Don't believe your Tito Rietto."
"Lalabas muna kami ni Khaleesi, para makapag-usap kayo." Tumango lamang siya kay Rietto.
Nang tumingin siya kay Khaleesi ay nakatingin din ito sa kanya. Khaleesi smiled at her sadly.
"We talk later," sabi niya kaya tumango ito.
Nang lumabas na ang mga ito ay tumingin siya sa tatlong anak niyq. "Can you tell Mommy the whole story? Mula noong nandoon kayo sa France hanggang sa nakita ko kayo sa grocery," malungkot na turan niya.
They hugged her before nodding at the same time, as if they were very eager for her. What she wondered was is why they knew she was their mother. Did Lucé and Jashiel told them?
"If we tell you everything to you mom, magsasama na po tayo? Hindi mo na po kami iiwan kila Tito pogi?" Yzavine Syra asked her with her teary eyes.
Sinabi na ng mga bata ang buong pangalan nila sa kanya. Ang galit niya kila Lucé ay medyo nabawasan na. Dahil siguro sa naalala niya roon sa bahay ni Wren. Doon sa kubong nasa likuran ng bahay nito. Ang pinangalan ni Lucé sa mga ito ay katulad ng nasa alaala niya. Sasabihin ba niya ito kay Wren o itatago na muna? Mas mabuti na sigurong itago nalang niya. Wren has a girlfriend, ayaw niya naman na maghiwalay ang dalawa dahil lang sa may anak silang dalawa. Kahit masakit para sa kanya iyon ay tatanggapin niya.
"Oo, magsasama na tayo. Hindi na aalis si Mommy sa tabi niyo, hindi ko na kayo iiwan pa." Hinaplos niya ang buhok ni Yza.
"Sige po. Kuya Kaiden ikaw na po ang mag-tell kay Mommy." Humiga si Yza sa hita niya.
Nangunot ang noo niya. "Kuya? Triplets kayo di ba? Bakit nagkukuya ka kay Kaiden?"
"Tita ganda said we called him Kuya because si Kuya Kaiden po daw kase ang unang lumabas sa amin," sabi naman ni Kaireo at ginawa din ang ginawa ni Yza, nahiga din ito sa kanya.
Tumango-tango siya. "Okay! Let's start na. Tell mommy the whole story."
NAMATAAN ni Yzainna si Rietto at Khaleesi sa sofa na nasa Living room nang pababa na siya. Magkatabi ang mga ito at masinsinang nag-uusap. Pagkatapos mag-kwento ng mga anak niya ay nakatulog agad ang mga ito. Sobrang saya niya dahil sa mga ito. Hindi siya makapaniwala na may anak sila ni Wren. Kaya pala wala siyang masyadong naramdamang sakit ng ibigay niya ang sarili rito. Matagal na pala siya nito nakuha. Pero nakapaghinayang lang dahil hindi niya masabi kay Wren na may anak sila.
"Hey!" Umupo siya sa sopa na nasa harap ng dalawa.
"Zaicy," Lumipat si Khaleesi sa tabi niya at yumakap agad sa kanya. "nakatulog na sila?"
"Yeah." Tumango siya at buntong hininga.
"What are you going to do now?" tanong ni Rietto.
She shrugged, and rested her back to the sofa. "I don't know. Gusto ko lang muna makasama ang mga anak ko. Babawi sa taong nasayang ko dahil sa kanila."
"Bakit hindi mo sila pakinggan, Zaicy? Baka may rason sila kung bakit ginawa nila iyon. I know them--we know them Zaicy, kaya alam kong may rason sila," seryosong sabi ni Khaleesi sa kanya. She's serious now. Wala na ang isip batang Khaleesi na lagi niyang nakikita.
"Paano ko gagawin iyon kung sa bawat buka ng bibig nila ay siya namang galit ang nararamdaman ko? Gusto ko silang pakinggan pero nananaig talaga ang galit ko. Magpapalamig muna ako. Ire-ready ko muna ang sarili ko bago sila haraping dalawa."
"Ayokong kumampi sa isa sa inyo kase pareho ko kayong kaibigan, at pareho kayong may mali. Mali sila kase tinago nila sayo ang anak mo at mali ka din kase hindi mo man lang pinakinggan ang paliwanag nila. Pareho kayong maling tatlo pero sana ay maayos niyo ito. Kase Zaicy, sayang eh.. yung ilang taong pagkakaibigan ninyong tatlo. Sa aming tatlo na kaibigan mo ay silang dalawa ang mas nakilala at nakasama mo ng matagal. Kaya kapag ready kana, please kausapin mo sila. Pakinggan mo ang paliwanag nila." Nandoon pa rin ang seryosong mukha ni Khaleesi habang sinasabi iyon. Doon na siya nagulat rito. Parang hindi na ito si Khaleesi. Para itong ibang tao.
"Khal..."
"Tama siya, Chérie. Pag-usap niyo kung ano man iyan. Pakinggan mo sila malay mo may mabigat pala silang rason. Huwag kang mag desisyon agad ng hindi pinapakinggan ang pagliwanag nila," sabi ni Rietto saka tumayo at tumabi rin sa kanya.
Awtomatikong yumakap siya rito. "Sige, kapag maayos na ako ay kakausapin ko sila. Kahit na---"
"Brute?" Biglang bumukas ang pinto ng bahay ni Rietto. At doon pumasok ang kaibigan nitong si Saint, Bright at... Wren?
Hindi agad nakakilos si Yzainna ng makita ang binata. Ang mata nito'y biglang dumilim nang matuon ang tingin nito sa kanya--sa kanila ni Rietto. She still hugging Rietto. Bigla niyang kinalas ang yakap niya nang makitang kumuyom ang kamay nito at sumasama ang tingin sa kanila.
"Rietto? Inna?" Saint asked surprisingly. Nakaawang ang mga labi nila.
Tumayo si Rietto at lumapit sa mga ito. "What are you do--- Shit!" Agad itong natumba nang sumugod si Wren at walang serimonyas na sinutok ito.
"Dre!" Agad na pinigilan ni Bright at Saint ito.
Siya at si Khaleesi ay nabigla dahil sa mabilis na kilos nito. Hindi niya iyon inasahan. Nang makabawi sa pagkabigla ay mabilis silang tumayo ni Khaleesi at dinaluhan si Rietto.
"Ohmy! Are you okay, Beau?" she asked him. Hindi niya namalayan na natawag niya ito sa endearment niya rito. Wala namang kahulugan iyon.
"Bea-- what? Rietto, what is this? What the meaning of this?" tanong ni Saint. Si Bright ay tahimik lamang. At si Wren ay ganoon pa rin ang mukha. Parang handa na ulit itong sumugod kung hindi lang ito hawak ni Saint at Bright.
Hindi sumagot si Rietto, hawak nito ang panga nito. Bigla siyang nainis dahil roon. Ayaw niyang makitang ganoon si Rietto, ayaw niyang sinasaktan ito. Pagalit siyang tumayo at lumapit kay Wren.
PAAAAAKKK
Mabilis na dumapo ang kamay niya sa pisngi nito, sobrang lakas. Ang mga kasama nila ay nabigla sa ginawa niya. Si Rietto ay mabilis na tumayo at hinila siya palayo kay Wren.
"Chérie!" tawag nito pero hindi siya lumingon dito dahil kay Wren ang paningin niya.
"How dare you to punch him. What are doing here at bigla ka nalang manununtok? Sino ang nagbigay sa'yo ng karapatan para saktan siya? Kahit kaibigan ka niya wala ka pa ring karapatan." Galit siya, as in galit na galit.
Pero ang galit na iyon ay bigla na lamang nawala ng makita ang sakit sa mga mata nito. "Siya ba? Kaya ba pinagtutulakan mo ako palayo dahil sa kanya? Bakit siya? Bakit kaibigan ko pa Zayn?"
"Wala kang pakialam. Huwag mo akong pakia---"
"May pakialam ako! Lahat ng nandito ay alam na may pakialam ako! Ikaw lang ang walang alam. Ilang taon na ako nasasaktan hanggang ngayon ba naman?" Lumapit ito sa kanya kaya napaatras siya. "Sagutin mo ako, siya ba ang pinalit mo sa'kin?"
"Brute, she's my---"
Agad siyang sumabad. "It's not of your business."
Hinawakan siya ni Wren sa braso, sobrang mahigpit. "Zayn, answer me!" Galit na galit din ito.
"Bitawan mo ako, Wren." Umiling lang ito at mas lalong hinigpitan ang hawak sa kanya.
"No!"
Nagpumiglas siya pero hindi pa rin ito bumibitaw. "Brute, let her go. Nasasaktan na siya." Pigil ng mga kaibigan nito pero hindi nito pinakinggan iyon.
Napangiwi siya. "I hate you!" sigaw niya rito. "I hate you.. I hate you.. I hate you!" Paulit-ulit na sigaw niya.
Parang napapaso na bumitaw ito sa kanya. Ang mata'y parang nagsusumamo. Maluha-luhang tiningnan niya ang kanyang braso. Namumula at may bakat na kamay ito.
"I-I'm s-sorry, Zayn---" Lumayo siya rito.
"Umalis na kayo, pakiusap." Niyakap siya ni Rietto kaya mas lalong nagwala si Wren.
"Rietto! Don't touch her!" May babala sa boses nito. Madilim ang mukha at nakatiim ang bagang na nakatingin sa kanila. "Yzainna Aeu Yuria." Siya naman ang binalaan nito.
Dahil sa pagsambit nito ng buong pangalan niya ay bigla niyang nasapo ang kanyang ulo, kumirot ito bigla. "Ugh! A-araaayy! " sigaw niya.
"Z-Zayn, why?" nag-aalalang tanong ni Wren. Lahat sila ay lumapit sa kanya, nag-aalala. Si Bright ay kalmado lamang parang alam na ang nagyayari.
"Ahhhhhh.. Z-Zarus masakitttt!" Ang pangalan ni Wren ang unang nasambit niya.
Sunod-sunod na sigaw ang huling narinig niya bago mawalan ng malay.
---
Nang-umalis si Wren sa bahay ay sinundan niya ito. Para kasing nagmamadali ito. Nang sumakay ito sa kotse ay agad din siyang sumakay sa kanyang kotse.
Hindi niya alam kung bakit siya kinabahan. Tumigil ang kotse ni Wren sa airport kaya nagtaka siya. Mabilis niyang pinark ang kanyang kotse. Sinundan niya ito hanggang sa marating nila ang waiting area sa loob. Nakita niyang pumunta ito sa isang matangkad na babae. Nang makita ito ng babae ay agad nitong niyakap si Wren at hindi niya kinaya ang sunod na ginawa ng babae. The girl kissed Wren in the lips. Hindi man lang ito tinulak ni Wren, he even laugh at her. Hindi niya kilala ang babae kaya sigurado siyang hindi ito kapamilya ng kanyang kasintahan. Tumulo ang kanyang luha pero agad niya iyong pinunasan. Sobrang kirot ang nararamdaman niya. Nagtungo siya sa puwesto ng mga ito.
"So, this is the friend that you're talking about?" mapait na tanong niya sa kanyang kasintahan na nakayakap ngayon sa ibang babae.
Gulat na napalingon ito sa kanya. Napalayo ito sa kayakap na babae ng makita nito kung sino ang kaharap nito.
“Zayn, it’s not what you think,” agad na sabi nito at lumapit pa sa kanya ngunit lumayo lamang siya rito.
"Ano ba ang nasa isip ko, Zarus?" malamig na tanong niya na siyang nagpakaba ng husto rito.
“Z-Zayn, she’s just my frien—" naputol ang gusto nitong sasabihin nang sumabat ang kayakap nitong babae kanina lamang.
"I'm his girlfriend bitch. And who are you?"
Natuon ang tingin niya sa babaeng nagsalita. "Girlfriend? So you're Lazarus girlfriend? Oh! I see." Nawala ang emosyon sa mukha niya. Wala kang mababasa kahit ano. Blangko lamang ito. Nasasaktan na siya pero parang kaya pa naman niya. Hindi niya pwedeng ipakita sa mga ito na nasasaktan siya. Ayaw niyang magmukhang kawawa.
"Shut up, Margaux! D-Darling don't believe her. She's not my girl---"
"Are you happy with her?" tanong niya na siyang nagpatigil rito.
Naguguluhang napatingin ito sa kanya, titig sa kanya kulay tsokolateng mata. "What?" May bukas ng takot sa boses nito.
Bakit ito natatakot? Dahil ano? Tang'na nasasaktan siya. Sobrang nagsasaktan siya dahil ilang araw pagkatapos nitong mag-propose sa kanya ay lolokuhin pala siya nito. Halo-halo ang nararamdaman niya.
“I’m asking you again, Zarus, are you happy with her? Dahil kung oo, bibitawan na kita.” Kusa lamang na lumabas iyon sa kanyang labi.
Umiling-iling ito sa kanya."Darling please, don't leave me!" paki-usap nito.
Ayaw na niyang maniwala rito. Sapat na ang nakita niya, sapat na ang nalaman para bumitaw. Sapat na ang lahat para sumuko.
Marahang pinunasan niya ang mga luha sa kanyang mga mata. "You hurt me Zarus, not once but twice. Now tell me, why I still have to be with you? Once is enough, twice is too much. Pagkakamali na 'yong una pero kung uulitin mo sa pangalawang pagkakataon? Hindi na iyon pagkakamali choice mo na iyon, Zarus," garalgal ang boses niya. Hindi niya napigilang umiyak sa harap nila. Masyado siyang mahina pagdating kay Wren. Akala niya mapipigilan niyang huwag umiyak pero hindi.. dahil sobrang nasasaktan siya.
"I want to be with you but my heart didn't want to. My choices have prevailed than what I want, Zarus. I want to stay beside you but I'll choose to leave. I choose to let go of you. I want to love myself first before loving someone else. Mahirap kasing ibigay lahat ng pagmamahal mo sa isang tao, ni sa sarili mo wala kanang tinira. Kaya sa huli ikaw lang iyong nahihirapan ng sobra. " Bumuntong hininga siya at umatras ng ilang hakbang.
Nakita niya ang pagtulo ng luha ni Wren pero hindi niya iyon tinuonan pa ng pansin. Baka bigla na lamang niya itong yakapin at sabihing okay lang ang lahat. Na hindi niya ito iiwan. Hindi pwede ang ganoon. Masyado na siyang marupok pag-nagkataon.
"P-please don't leave me, Zayn! W-wag ka namang sumuko agad," pagsusumamo nito sa kanya.
Kung pwede lang. Kung pwede lang talaga na wag niyang iwan ito ay hindi niya iyon gagawin. But her man gave her a reason to leave. Her man gave her a reason to let go. Ito na ang gumawa ng rason para iwan. Kaya hito siya, sukong-suko na.
Nahihirapan siyang magdesisyon na iwan ito nang sunod-sunod na tumulo ang mga luha sa mata nito. Umatras siya ng isang hakbang. Masakit man pero alam niyang kakayanin niyang wala si Wren sa tabi niya. Kakayanin niyang malayo rito.
"Be happy with her, Zarus. I know you will be happy with her." Umatras muli siya.
"Z-Zayn please… No! I love you so much. You’re all I need." Umiling-iling ito at sinubukang hawakan ulit siya pero umiwas lamang siya.
"Galit ako, Zarus. Hindi sayo kundi sa sarili ko. Bakit ba minahal pa kita ng higit pa sa sarili ko? Bakit ba minahal kita ng husto? Bakit nanatili pa ako sa tabi mo kahit ang hirap-hirap na? Galit ako sa sarili ko kase hindi kita kayang ipaglaban tulad ng ipinangako ko. Galit ako sa sarili ko kase minahal kita ng sobra-sobra. Ngayon ay malaya kana, pinapalaya na kita."
Tumalikod siya at tumakbo palayo sa taong minahal niya ng lubos. Sa lalaking inalalayan niya ng sarili. Sa lalaking pinangakuan siyang pakasalan. At sa lalaking nangako sa kanya na siya lang ang tanging mamahalin nito.
Ang sakit at hirap na kinimkim niya mula roon ay dala-dala niya papalayo. Walang tingil ang luhang nagtungo siya sa kanyang sasakyan at mabilis na umalis sa lugar na iyon. Mahal na mahal niya si Wren pero sobrang sakit na. Parang dinurog ang puso niya. Paano nito nasasabi ang salitang I love you araw-araw? Paano ito nakatulog sa gabi ng hindi nakokonsensiya sa panloloko sa kanya? Ang sakit no'n para sa kanya. Mahal niya ito pero niloloko lang pala siya nito.
Sa mga tsokolateng niyang mata ay ang mga luhang walang tigil sa pagtulo. Mabilis ang kanyang pagmamaneho at hindi na niya namalayan ang isang truck na sumalubong sa mabilis niyang pagmamaneho.
Huli nang maramdaman niya ang pagbunggo ng truck sa kotse niya at ang pagtaob ng sasakyan niya. Ramdam niya ang malakas na tumama ang ulo niya sa isang bagay. Hindi siya nakasuot ng seatbelt kaya malakas ang pagtama ng bagay na iyon sa ulo niya. Naramdaman pa niya ang pagkirot ng ulo bago unti-unting pumipikit ang mga mata.
She wished that she won’t survive to the car accident. She doesn’t want to feel any more pain, that will only kill her, again and again. Ayaw niyang makitang masaya na si Wren sa iba. Ayaw niyang makitang kinakasal na ito sa ibang babae, sa totoong mahal nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top