Chapter 13
IF someone really wants to see you, they'll find a reason, they'll find a way, and they will make the effort to see you. Yzainna expected that Wren will follow her yesterday, to explain his side again but he didn't do that. Akala niya ay siya ang mahal nito pero bakit ganoon? Ganoon ba ang mga lalaki? Kapag nagawa na nilang akitin, o pa-inlabin ang isang babae ay iiwan.. isasawalang bahala na lang nila? They love playing girls heart. And this is the problem with getting attached to someone. When they leave, you just feel lost.. you feel hurt.
Patungo na si Yzainna sa kanyang opisina nang makasalubong niya ang taong hindi niya inaasahan, may bitbit itong pungpong ng kulay pulang rosas. Napatigil siya sa paglalakad at walang buhay na napangiti. This is it, disidido na siyang iwasan ito. May girlfriend na ito kaya wala na siyang dahilan para lumapit at makipag-usap pa dito. Ayaw niyang makasira nang relasyon.
Pumihit siya patalikod. Akmang babalik na siya ng elevator nang makita siya nito. "Zayn?"
Pukengnining naman, oh. Agad na siyang pumasok sa elevator bago pa siya maabutan nito.
"Zayn, wait!" Bago pa ito makalapit ay sumara na ang pinto ng elevator.
May mga tanong na nabubuo sa kanyang isip na hindi niya kayang sagutin. Bakit ito nandito sa kanyang opisina? Anong kailangan nito sa kanya kung mero'n na pala itong girlfriend? Paano nito nagawang lokuhin at paasahin siya? Oo, umasa siya kase lahat nang pinapakita nito sa kanya ay parang may kahulugan. Ramdam niya ang pagkagusto ni Wren sa kanya o talagang guni-guni na lamang niya iyon? She saw in his action, every time they along with each other. Ang laki niyang tanga dahil doon. Talagang nalinlang siya nito?
Not every act is true, not every word he said is fucking true. Ang salita kung hindi sasamahan ng gawa, wala din. Hindi nakakapaniwala. Pero sa kaso ni Drage, hindi niya alam kung saan at ano ang totoo sa pinapakita at sinasabi nito. Masakit sa dibdib kapag naaalala niya ang pangyayari kahapon para siyang sinasaksak nang ilang ulit. Ramdam niya ang pagkawasak niya nang malamang may kasintahan na ito. Bakit nagbigay ito sa kanya ng motibo? Bakit kailan siya niyong paglaruan?
Tumingala siya para iwasan ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. She need Lucé and Jashiel, kailangan niya ng kaibigan ngayon. Mabilis na kinuha niya ang kanyang selpon at tinawagan si Lucé, pero hindi nito sinasagot ang tawag hanggang sa magsalita ang opereytor. Ilang minuto lamang ay tumunog ang kanyang selpon.
From Lucé:
Inna, mamaya kana tumawag. May ginagawa pa kami.
Naluluhang tiningnan niya ang kanyang selpon. Kung saan kailangan niya ng karamay..ng kausap ay wala ang mga ito.
She texted her back.
To Lucé:
Lucé, I need you now. Please go home. I'm in pain. I really need you both.
From Lucé:
I'm really sorry Inna, but we can't. We're busy right now. I'm sorry, babawi nalang kami ni Jas. Tatawagan ko si Khaleesi para samahan ka.
She texted her 'OK' . Mabilis siyang lumabas ng elevator nang bumukas ito. Nang nasa parking lot na siya ay luminga-linga muna siya bago mabilis na nagtungo sa kanyang sasakyan. Pero bago pa siya makapasok sa sasakyan ay may humawak na sa kanyang braso. And her heart already know who is that person.
"Wren, nagmamadali ako." Nagpumiglas siya pero masyado itong malakas.
"Zayn, mag-usap muna tayo please. Iyong kahapon, you mista---"
"Please, Wren! Khaleesi needs me more than you now. She have a problem right now. She's my bestfriend, and you are... nothing." She lied. She need to lied para bitawan siya nito at para makaiwas na rin rito. Iyon naman ang plano niya 'di ba, ang iwasan ito. "Hindi ka ba nahihiya? May girlfriend kang tao, kaya bakit ka narito? You explaining for what? Wala naman tayong relasyon para mag- explain ka sa 'kin ng mga bagay na wala naman akong pakialam. Ayokong makasira ng relasyon, Wren, kaya kung pwede lang lumayo kana, layuan mo na ako. I make our deal yesterday kaya sana gawin mo rin ang sayo. I didn't like the date." May luhang tumulo sa kanyang mata pero mabilis niya iyong pinunasan. Mabuti nalang at nakayuko ito. Alam niya sa sarili niya na nagustuhan niya ang date nila kung hindi lang dumating ang babaeng piling close na iyon.
Humigpit ang hawak nito sa kanyang braso, hindi naman siya nasaktan sa klase ng hawak nito. Umangat ang tingin nito sa kanya. His eyes was already dark blue at ang mas nagpabigla sa kanyang ay ang makita ang luha sa mga mata nito. He's crying and she know that is a fake. She didn't believe it.
"You hurt me again. Why is everything that comes out from your lips was an hurtful words? Tagos na tagos, Zayn. Since you came back I have heard nothing from you, but a painful words. I understand that you don't remember anything but it's really hurt, Zayn. Of all the people you are the only one who knows me best. I am hurting but I don't want to give up, I don't want to give up on you. Even though I'm hurting, I still love you. I will never tired loving you. Kasalanan ko naman ito so I can handle it. Darling --- "
Hindi na niya kayang marinig pa ang sasabihin nito. Lahat ng sinabi nito ay naiintindihan niya. Malinaw na malinaw. Malinaw pa sa mga luha nito. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya o hindi. Gusto na niyang maniwala rito pero natatakot siya.. ayaw niyang sumugal hangga't hindi pa niya naalala lahat. Kagabi lamang ay may napapaginipan siya at alam niyang unti-unti ng bumabalik ang alaala niya. Hihintayin niya muna iyon bago sumugal rito.
"Wren, I'm sorry but i need to go." Kinuha niya ang kanyang braso mula rito at sumakay sa kanyang sasakyan. She check her cellphone ng tumunog ito.
From Khaleesi:
Zaicy, sa mall ni Oxen na tayo magkita. Lucé asks me kung pwede kitang samahan kaya pumayag na ako. Wala din naman akong gagawin sa hospital. Gusto kong gumala kasama ka hehe. See yah.
She sighed before she start her engine. She give Wren one last glace bago niya ito patakbuhin.
"ZAICY!" Ang malakas na boses ni Khaleesi ang bumungad sa kanya ng makapasok siya sa Mall. Marami tuloy ang napapalingon sa kanya, may mga kislap sa mga mata nila. Sinamaan niya ng tingin si Khaleesi. May gustong lumapit sa kanya pero pinipigilan ng mga ito ang sarili. May nakapalibot din namang mga bodyguard sa kanya kaya hindi pa rin sila makakalapit.
"Khal, ang ingay mo talaga," sabi niya nang makalapit siya rito.
"Eh, excited lang ako, Zaicy. Saka namiss kita." Nakangusong turan nito at yumakap sa kanyang braso.
Her lips curve into a smile. "I miss you too, Khal." Humiwalay siya rito, at hinawakan ang kamay nito. "Let's eat, kanina pa ako nagugutom eh."
Lalo itong ngumuso. "Bakit hindi ka kumain? Lucé will be mad to you if she knew that you're not eating."
"Hindi naman niya malalaman kung walang magsasabi kaya ikaw itikom mo iyang bibig kung ayaw mong ipalapa ko kay Gureum 'yan." She leered before she dragged Khaleesi inside the Mcdo.
"Waahh! Why here, Zaicy? Gusto ko sa Jollibee!" Sumigaw ito kaya agad siyang napalayo.
The costumers who eating inside the Mcdo was looking at their spot. Oh, why Khaleesi so embarrassing to be with? Bigla-bigla nalang itong sumisigaw.
"Khal, ano ba? Will you stop shouting?"
"Eh, ayaw ko nga rito." The corners of her eyes crinkled.
Agad niya itong nilapitan. "Khal, don't cry. I'm not mad at you, kung iyan ang iniisip mo. Next time, you don't need to shout. Tell me directly kung ayaw mo, okay?"
Tumango ito, hinala niya ulit ito patungo sa Jollibee. Pagkarating roon ay naghanap agad sila ng mauupuan. Hinayaan na niya itong mag-order, baka sumigaw na naman ito bigla kapag hindi nagustuhan ang pinili niya.
"Sa grocery tayo pagkatapos," sabi niya rito habang nginunguya ang fries.
Nagtataka itong tumingala sa kanya. "Shopping, Zaicy."
Umiling siya. "Khal, grocery muna. Sa Penthouse ako matutulog mamaya."
"Okay!" Saka ito bumalik sa pagkain.
After eating they go to the grocery store. Parte pa rin ang grocery na ito ng Mall ni Oxen. Ang yaman talaga ng sekretaryo niya. Khaleesi get a blue pushcart at nagtungo sa kung saan, nagtatakang sumunod siya rito. Sanay na siyang mag-grocery dahil siya naman ang gumagawa no'n sa France kapag busy si Lucé at Jashiel.
"Seriously, Khal? Chocolate? Hindi ako kumakain niyan."
Inosenteng tumingin ito sa kanya saka lumabi. "Hindi naman kase ikaw ang kakain nito, Zaicy. Akin 'to, doon rin ako matutulog sa Penthouse mo."
Umawang ang labi niya at tinitigan ito. Ilang minuto bago siya tumango rito. "Ikaw ang bahala."
Pumalakpak ito bago itulak ulit ang cart. Lahat ng klase ng chocolate ay kinuha nito kaya naghihinang sumunod siya rito. "Khal, tama na. Marami na iyan saka marami pa akong bibilhing pagkain."
Hindi ito nakinig sa kanya. Para itong batang tumatakbo sa kung saan-saan habang tulak ang cart. Nang lumiko ito ay hindi nito namalayan na may nabangga na pala ito. Mabuti na lamang at nakita niya kaya agad niyang naalalayan ang batang lalaki.
"Khal, look what you did? Bakit ka ba kase tumatakbo?" She emphatically asked to Khaleesi before she help the boy to stand up.
"Are you okay little boy?" She look at his face ngunit napaatras siya nang makita ang mukha nito.
Parang nasa apat na taong gulang na ito at ang siyang nagpagulat sa kanya ay dahil may kamukha ito. Si Wren. Si Wren ang kamukha ng batang lalaki. Lahat yata ng parte ng mukha nito at ni Wren ay talagang may pagkatulad. Parang carbon copy lamang ito ni Wren.
Nakatitig rin ito sa kanya ngunit ang mga mata'y may luhang namumuo. May nagtutulak sa kanyang yakapin ito kaya niyakap niya ang batang lalaki. Hindi niya alam kung anong gagawin. Ang puso niya sobrang lakas ng tibok.
"M-Mommy!" He hug her tight and buried his head on her stomach. Hindi na siya makahinga sa klase ng yakap nito. Sobrang higpit. Imbis na magtaka sa tinawag nito sa kanya ay may parte sa kanyang puso ang sumaya. She want to hear that again. Gusto niyang marinig ito ng paulit-ulit. Yumuko siya at niyakap rin ito ng mahigpit.
"Zaicy, I'm sorry. I didn't---Zaicy!" She ignored Khaleesi. Nasa batang lalaki na ang buong atensiyon niya.
"M-Mommy, I miss you- we miss you so much." Umiiyak na ito sa kanyang tiyan. Hinaplos niya ang buhok nito hindi niya pinansin ang luhang tumulo sa kanyang mga mata.
"Shhh! M-Mommy is here. Stop crying na." Wala sa sariling sabi niya.
Mommy? Masarap marinig ang katagang iyon galing rito. Ang sarap sa pakiramdam.
"Sasama ka na po samin? Magsasama na po tayong apat?" tanong nito na siyang nagpagulat sa kanya.
Anong apat? "Ha?"
Tumingala ito, may luha pa ring tumutulo sa mata nito. "Magsasama na po tayong apat nina Kaireo at Yza---"
"Kaiden, juskong bata ka! Saan ka ba nagpupunta? Pinag-alala mo kami." Hinila ng isang matandang babae ang batang lalaki kaya napabitaw ito sa kanya.
"Yaya, I saw our Mommy na. Tell Kaireo and Yza to go here, and also tell to Tito pogi at Tita ganda na rin." Kumawala ito sa yaya nito at nagtungo sa kanya.
"Kaiden, mapapagalitan ako ni Ma'am Lucé." Tumingin ang yaya nito sa kanya tapos ay nanlalaki ang mga mata. "M-Ma'am Inna?" Para itong natuklaw ng ahas habang nakatitig sa kanya.
Ma'am Lucé? Kumunot ang kanyang noo. "Manang Vergie?"
Ito ang Yaya ni Lucé mula ng bata pa ito. Bakit ito nasa Pilipinas? Nasa France dapat ito binabantayan ang bahay ni Lucé doon.
"Ma'am a-ano po k-kase... S-Si ano po.." Kinakabahan ito at ramdam niya iyon.
"Manang bakit---"
"MANANG VERGIE, ANO NAKITA MO BA SI KAI---Inna?" Ang malakas na boses ni Lucé ay biglang humina ng makita siya nito. May kasama itong batang babae at nasa likuran nito si Jashiel na may buhat na batang lalaki.
Bumaba ang tingin niya sa batang babae. Sobrang kaba na ang naramdaman niya, parang kamukha niya ito noong bata pa siya. She remembered the memories noong bata pa siya kaya alam niya ang mukha niya noon. Nang lumipat ang tingin niya sa batang buhat ni Jashiel ay napaiyak na siya. Bakit mukha nila ni Wren ang bata? Anong--bakit?
"Mommy," sabay sa sigaw nilang dalawa at tumakbo papunta sa kanya, at niyakap siya. Walang humpay sa pagtulo ng mga luha niya. Niyakap niya ang tatlo. Bakit ganito ang nararamdaman niya sa mga bata? Sino ang mga ito? Bakit kamukha nila ni Wren? Lahat ng mga tanong niya ay ang dalawang kaibigan niya lamang ang makakasagot. Pero paano niya haharapin ang mga ito kung pakiramdam niya ay trinaydor siya?
"Inna, let us explain." Lumapit si Lucé pero umiling siya rito para patigilin ito sa paglalakad.
Suki na yata siya ngayong araw ng Explain-explain na iyan. Ayaw niyang marinig ang mga paliwanag nila. Isa lang ang gusto niyang malaman. Iyon ay...
"Anak ko ba sila? Anak ba namin sila ni Wren Lazarus?"
Gusto niyang malaman ang totoo kase may pakiramdam na siya. Naririndi na siya sa mga kasinungalingan ng mga nakapaligid sa kanya. Pagod na pagod na siyang maniwala. Kapag nalaman niyang anak nga niya ang tatlo ay hindi na niya alam ang gagawin niya.
Gulat na napatingin sila sa kanya. "P-Paano mo nalaman ang tungkol kay Wren---"
"Hindi iyan ang tanong ko, Lucé. Gusto kong marinig mula sa inyo ang katotohan. Katotohanan, Lucé. Katotohanan," she said firmly habang yakap pa rin ang tatlo.
"Mommy, don't cry please. Tito pogi, Tita ganda don't make our mommy cry," sabi ng batang babae.
Mahina siyang napahikbi. Iyon ang boses na narinig niya noong tumawag siya kay Jashiel. That angelic voice behind the phone. Marahan siyang tumango at pinunasan ang mga luha.
"Mommy, wasn't crying na." Tumingin siya sa dalawang kaibigan niya. Si Khaleesi ay tumabi sa kanya at kinuha muna ang tatlo. Tahimik lang ito mula kanina. Sumama naman ang mga bata sa kanya. Hindi naman sila lumayo nasa likuran lamang niya ang mga ito. "Lucé? Jashiel? What now?"
Yumuko si Lucé kaya nilapitan ito ni Jashiel. "I want to hear the answer of my question, Lucé. You can't answer me? Ilang taon pa ba ang hihintayin ko para malaman ang katotohanan? Sa apat na taon ko kayong kasama, niloloko na pala ninyo ako?"
Umiling-iling si Lucé. "No, it's not like that. Ginawa lang naman---"
"Eh' ano? Anong ginawa niyo? I just want to know the truth, Lucé. Iyon lang ang gusto kong malaman. I don't need your explanation why you keep it to me. It just a damn answer to my question. It is yes or no. Iyon lang ang sagot na gusto kong marinig." Tumingala siya para iwasan ang pagtulo ulit ng kanyang luha. Nang tumingin siya sa mga ito ay tumutulo na ang luha ni Lucé at si Jashiel ay nakatingin lamang sa kanya, may lungkot ang mga mata nito. "Anak ba namin sila ni Wren?" Pag-uulit niya sa tanong niya kanina.
Nang dahang-dahan na tumango ang mga ito ay bumigay na ang mga tuhod niya. Matutumba na sana siya nang may mabilis na umalalay sa kanya bago pa siya bumagsak.
"Chérie!" Si Rietto iyon.
Pilit siyang ngumiti habang tumutulo pa rin ang kanyang mga luha. It hurts. She feel betrayed. "I trusted you. Lahat ng tiwala ko ibinigay ko sa inyo. Why, Luce, Jashiel. Why now? Bakit ngayon niyo lang sinabi? In that damn years ay tinago niyo sa'kin ang katotohanan. Marami pagkakataon na dapat ay sinabi niyo but you choose to keep it to me. You make me stupid. Ginawa niyo akong tanga. Itinago niyo sa 'kin ang mga anak ko. Pinagkait niyo sa 'kin ang katotohanan na may anak ako."
"Inna---"
"No, Jashiel. Ayokong pakinggan ang paliwanag niyo. Pagod na pagod na ako. Sarado ang puso ko sa mga paliwanag ninyong lahat. You're my friends, best friends to be exact pero bakit ganito? I feel betrayed, guys. Sobrang sakit. Kayo na itinuring kong pamilya ko? Kayo na sobrang pinagkakatiwalaan ko? Paano niyo nagawa sa'kin ito? Paano niyo nasisikmurang itago ito sa'kin? Anak ko sila kaya may karapatan ako, pero pinagkait niyo sila sa'kin. Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin at gagawin ko. Huwag muna kayong magpapakita sa'kin baka may masabi pa akong masasakit na salita. Kaibigan ko pa rin naman kayo kahit na ginago niyo ako. Sa'kin na muna ang mga anak ko." Tumalikod siya at pinuntahan ang mga anak niya.
"Inna, please! I'm sorry." Sumunod si Lucé pero pinigilan ito ni Rietto.
Hindi niya alam kung ano ang sinabi ni Rietto sa kanila. Naglakad na sila paalis doon kasama ang mga bata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top