Chapter 10
LOVE is affiliated with pain. Kapag kasi nagmahal ka asahan mong masasaktan ka. Hindi mo maiiwasan ang sakit na iyon kapag totoong nagmamahal ka. Nasasaktan ka kasi sobrang minahal mo ang taong iyon. Love isn't always perfect. It isn't a fairytale or storybook. And it doesn't always come easy. Love overcoming obstacles, facing challenges, fighting to be together, holding on and never letting go. It is a short word, easy to spell, difficult to define, and impossible to live without.
It sucks when you know in your head that you need to let go of something, but you don't because you still have hope in your heart that the impossible might happen. Gusto mo man magalit sa kanila kasi sinaktan ka pero hindi mo magawa kasi mahal mo. Kaya nakakatakot talaga minsan magmahal kasi sakit lang ibinibigay nito pero ano nga bang magagawa natin? Wala tayong magagawa para pigilan ang puso natin sa pagtibok sa taong magugustuhan nito. Lahat ng tao naranasan nang masaktan kaya kung hindi mo pa naranasan iyon siguro ay hindi ka tao. Alien ka, tang'ina!
Sunod-sunod na nilagok ni Wren ang alak na hawak habang inaalala ang mga salitang binitawan ni Yzainna sa kanya. Kahit ganoon ay hindi niya magawang magalit rito. Hindi pa ito nakaalala. Hindi pa siya nito naaalala. You know the worst feeling isn't being lonely, it's being forgotten by someone you'd never forget.
“I'm somewhere between giving up and seeing how much more I can take but I choose not to give up on her because I'm fucking inlove with her,” pagsasalita niya.
"Dre, tama na 'yan." Pinigilan siya ni Saint nang akma niyang kukunin ang isa pang bote ng alak.
Sinamaan niya ito ng tingin at pilit na inaagaw ang bote mula rito. "Give it back, Saint."
Tumayo ito at nilayo ang boteng hawak. "Talk to that brute, Bright. Uupakan ko 'yan mamaya," sabi ni Saint kay Bright.
Kompleto silang apat ngayon. They cancel all their appointment para samahan siya. Kanina pa siya rito hanggang sa gumabi na. Umupo si Bright sa puwesto kung nasaan si Saint naupo kanina.
"What's the problem, brute?" Bright asked at dinungaw ang mukha sa kanya.
"Babae ba? Tinanggihan ka ng chicks, pare?" tanong ni Rietto sa siyang nagpasama nang timpla ng mukha niya.
Walang emosiyon niya itong tiningnam pero isang nakakainis na ngisi lamang ang ginanti nito sa kanya. Bumalik siya sa pagkatulala.
“Strange isn't it?” he suddenly asked.
“What is?” Bright.
Tumingala siya at sinabunutan ang buhok. “How can I be desperately inlove with someone even when I haven't spoken to or even seen her for years? I think it's incredible how despite the distance between two people, you'll never stop loving them. That's just how love works I suppose, you either love them forever or your never loved them to begin with. Love doesn't leave just because the person does,” wala sa sariling aniya.
"You look wasted, dre. Si Inna na naman ba ang problema mo?" Saint asked saka tinunga ang boteng inagaw nito sa kanya.
Binatukan ito ni Rietto. "Tang'na ka talaga. Si Inna naman palagi ang problema niyan, nagtanong pa kayo. Saka si Inna lang naman ang nakalimutan sa kanya. Tsk!"
Hindi siya sumagot dahil may katutuhanan naman iyon. Si Yzainna naman palagi ang problema niya. Mula noon hanggang ngayon. Walang pinagbago.
Tinapik ni Bright ang balikat niya. "Forget her, brute, that's your only choice. There are many beautiful girls out there. And there is Margaux, why don't you hang out with her? She's crazy in love with you, dude.."
"Ayoko sa babaeng 'yon." Agad na singhal ni Rietto at sinamaan pa ng tingin si Bright.
Napapantiskuhang tiningnan siya ni Bright. "Why? I'm I talking to you? I'm talking to Wren Lazarus so don't talk back to me like I am talking to you," tumaas ang sulok ng labi nito. "Bayaran mo muna ako ng utang mo bago ka sumabat sa usapan namin."
"Ayoko nga! Kasalanan mo kung bakit ako natalo. Dinaya mo ako, gago," sabi ni Rietto.
Kalimutan ang dalaga? Sinubukan na niya iyan noon pero wala namang nangyari. Hindi siya nagtagumpay. He dated many girls pero siya pa rin talaga. Si Yzainna pa rin ang laman ng puso't isip niya at ng iba pa.
“Magkano ang pusta?” Saint asked.
Sabay naman na sumagot ang dalawa. “Fifty pesos,”
Napasinghal si Saint sa kanila. "Ang yayaman niyong dalawa tapos fifty pesos lang ang pusta niyo? Ang kukuripot niyo, mga gago!"
Hindi niya pinansin ang mga ito. Nag-iisip siya kung anong gagawin niya kinabukasan. Iniisip niya kung anong hakbang ang gagawin niya para bumalik ang dalaga sa kanya. Gulong-gulo na siya. Nahihirapan. Nasasaktan.
"Hiyang-hiya naman kami sa'yo. Malala ka pa nga sa aming, tang'na ka! Limang Piso? Aanhin namin ang limang piso mo?" May panggigil na sabi naman ni Rietto kay Saint.
"Pambili ng kendi,” nakangising sagot ni Saint.
Walangyang Santo. Tatlong masamang tingin ang natuon kay Saint. Pero ngumisi lang ang loko at pinakyuhan pa sila.
"Pwede niyong ibigay iyan sa mga kadate niyo," sabi pa ni Saint.
Date? Nawalan nang emosyon ang mukha niya dahil doon. Bigla siyang tumayo kaya muntikan na siyang mabuwal kung hindi lamang siya agad naaalayan ni Bright. Napasobra yata siya ng inom. Umiling-iling na umayos siya ng tayo pero natutumba talaga siya.
"Dre, ano kaya pa ba? Mamamatay kana ba?" Lumapit si Saint at inalalayan din siya.
"Tang'na talaga! May namamatay ba sa muntikan lang na matumba?" singhal ni Rietto kay Saint.
Ngumuso si Saint rito. "Oo kaya. Itanong mo pa diyan sa Doctor nating kaibigan. Noong isang araw may namatay dahil natumba siya.”
Tumawa si Rietto, si Bright naman ay umiling-iling lamang. Lumapit si Rietto sa kanila saka panandaliang tiningnan siya bago ibinalik ang tingin sa dalawng umaalalay sa kanya. "Uwi na natin iyan."
Tumango ang dalawa at ginaya siya palabas. Pilit siyang kumawala sa dalawa pero hindi siya nagtagumpay dahil hawak ng mga ito ang dalawang braso niya nang sobrang higpit. "A-Ayokong umuwi. P-Pupuntahan ko pa si Zayn sa bahay niya. Fuck! Bitawan niyo nga ako."
"Manahimik ka, pare. Tulog na si Che-- I mean si Inna sa mga oras na 'to at---" Agad na napatigil si Rietto sa pagsasalita ng may napagtanto. Shit! "Ang ibig kong sabihin ay baka natutulog na si Inna sa mga oras na 'to. Gigisingin mo siya? Para ano? Mas lalo lang magagalit iyon sa'yo"
Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ang mga ito. "Brute, why?" Kunot ang noong tanong ni Bright.
Sinabi niya sa mga ito ang plano niya kinabukasan. Pumayag naman ang mga ito sa plano niya.
"Libre ko na ang pagkain niyo, just do your best para mapapayag siya," natatawang sabi ni Saint.
Napangisi si Rietto at seryoso siyang tiningnan. "Mahihirapan ka yata diyan, pare."
Masama niyang tiningnan ito. "Wala ka yatang bilib sa akin, Silvenia."
"Wala nga. Wala kang dugong Silvenia, eh." Tumawa ito saka tumakbo sa sasakyan nito.
"Bweset iyon! Bakit niyo ba ako inaalalayan? Hindi ako lasing, ah. Bitaw nga." Inagaw niya ang braso pero hinigpitan lang ng mga ito.
Dahil sa pagod ay hinayaan na lamang niya ang mga ito. Sana ay mapapayag niya bukas si Yzainna. Ang tigas pa naman ng ulo no'n.
NASA hagdan na si Yzainna pababa ng salubungin siya ng kanyang Nanay Rosa, asawa ito ni Tay Kador. Mayordoma niya ito sa mansion niya. Ang mag-asawang iyan ay matagal ng nagtatrabaho sa kanila. Nang mamatay ang magulang niya ay kinuha niya ang mga ito. Si Nay Rosa at Tay Kanor na ang pangalawang naging magulang niya.
"Inna anak, tumawag si Lucé kanina."
Nanlaki ang kanyang mata at mabilis siyang nagtungo rito saka hinawakan ang dalawang kamay nito dahil sa excitement. Ngumuso siya at tiningnan ito.
Bakit hindi sila tumawag sa kanya mismo? Galit pa rin ba sila?
"Bakit daw, Nay? Uuwi na po ba sila? Hindi na sila galit sa 'kin?" sunod-sunod na tanong niya.
Bagsak ang balikat niya ng umiling ito. "Tinatanong lang kung umuwi ka. Sabi mo raw kase sa Hotel ka muna tutuloy. Nang sabihin kong umuwi ka ay agad niyang pinatay ang tawag."
"Galit na naman yata iyon. Hindi kase sila tumatawag sa akin mula ng magkausap kami," ngumuso siya lalo. "Nay, alam mo po kung nasaan sila?"
"Hindi, anak. Wala naman silang sinabi sa akin."
Tumango siya at binitawan ang kamay nito. "Sige, Nay. Tatawagan ko nalang si Jashiel kapag hindi na ako busy."
Oh? Kailan ka pa ba naging busy? Wala ka namang ginawa kahapon kundi ang isipin si Wren. Si Oxen na nga ang gumagawa ng mga trabaho mo, eh. Pati 'yung project mo siya na rin ang nag-aasikaso. Kontra agad ng isip niya.
Bumuntong hininga siya at nagpaalam rito. "Alis na ako, Nay." Humalik siya sa pisngi nito bago lumabas ng mansion.
Dumeretso siya sa kanyang kotse. Nasa labas nito si Tay Kador, naghihintay sa kanya. "Tay, magpahinga po muna kayo. Ako na po ang magmamaneho."
Mabilis naman itong tumanggi. "Hindi, ako na anak. Baka ibangga mo na naman ang kotse mo dahil sa inip mo sa trapik."
Napakamot siya ng ulo nang maalala ang tungkol sa sinabi nito. Tatlong kotse na ang ibinangga niya noon dahil sa haba ng trapik. Nagmamadali kase siya sa mga araw na iyon. Kaya lahat ng nakaharang sa dinadaanan niya ay binabangga niya.
Kasalanan nila iyon, haharang-harang kase. Umirap siya saka ngumuso. "Hindi ko na po ibabangga ang kotse, Tay."
"Sigurado ka?"
Tumango siya. "Promise po, Tay."
"O' sige. Mag-ingat ka sa pagmamaneho ha?"
"Opo, Tay." Sumakay siya sa driver seat at nagmaneho palabas.
Pagdating niya sa parking lot ng Renovette's Empire ay nagmamadali siyang lumabas. Sinara niya ang pinto ng kotse at pag-ikot niya ay nabangga siya sa isang matigas na bagay. Wala namang poste rito, ah.
Napaatras siya ng may maamoy siyang pamilyar na pabango. Biglang bumilis ang kabog ng kanyang dibdib. Ano na naman ang ginagawa ng lalaking ito rito. Humugot siya nang malalim na hininga at inayos ang kanyang postura. Dapat hindi makita ng binata na malaki ang epekto nito sa kanya.
"What are you doing here? Sinabi ko na sa'yong 'wag kanang pumunta rito 'di ba? So, why are you here again?"
Yumuko ito pero bago iyon ay nakita na naman niya ang sakit na bumalatay sa mga mata nito. "I want to see you."
Ngumuso siya para pigilan ang ngiting gustong kumawala sa kanyang labi. Ipinilig niya ang kanyang ulo at tinaasan ito ng kilay para itago ang totoong nararamdaman. "Then, I don't want to see your face. I hate you!"
Mas lalo itong napayuko. Bumagsak ang mga balikat. Bumuntong hininga ito saka dahan-dahang inangat ang ulo para tingnan siya. Agad naman siyang nailang dahil sa klase ng tingin nito. Ugh! Bakit parang nang-aakit siya?
"Let's date," sabi nito na siyang nagpagulat at nagpatigil sa kanya.
Nanlalaki ang mga mata at nakaawang ang labing tumingin siya rito. Say what? Date? Gino-good time ba siya nito o baka naman namali lang siya ng dinig?
"What?"
Tumaas ang sulok ng labi nito. Wala na ang emosyong nakita niya kanina sa mata nito, ngayon ay may mapanglarong tingin na roon. "I said, let's date."
Hindi talaga siya namali ng dinig. "Date? No, I don't want." Umiling-iling pa siya.
Bakit ito nag-aayang mag-date? Ngumuso siya at sinamaan ito ng tingin.
Sumeryoso ang mukha ni Drage kaya nangunot ang kanyang noo. "Let's date, Zayn. Kapag natapos ang date at hindi mo iyon nagustuhan, iiwas na ako. Hindi na kita guguluhin."
"What if nagustuhan ko? What will happened?" Bakit niya itinanong iyon?
Ngumisi ito. "Ibig sabihin no'n, hindi kana makakawala sa 'kin. Mas lalo kitang kukulitin at aakitin hanggang sa maalala mo na ako at mahulog ka ulit sa 'kin. You can't run away to me this time, darling."
Agad siyang kinabahan dahil roon. "What are you saying? Hindi ako mahuhulog sa'yo. Kahit sino huwag lang sayo."
Dumilim ang mukha nito. "Sa tingin mo hahayaan kong mahulog ka sa iba? Walang kahit na sino, sa 'kin ka lang pwedeng magkagusto. Kahit ipagtulakan at iwasan mo ako, sa huli ay sa 'kin pa rin ang bagsak mo. Sa'kin lang at wala ng iba."
Nalukot ang mukha niya dahil sa mga sinabi nito. What the hell? Anong sa kanya lang? Oh! No, no, no, no. "Asa ka namang---Ano ba Zarus! Ibaba mo ako. Walang hiya ka!" Sigaw niya ng bigla siya nitong hinila at binuhat na parang sako ng bigas. She's facing his back kaya walang humpay niya itong sinuntok. Mahina lang naman. "Ohmy! Zarus! Put me down, you asshole!."
Tinampal nito ang kanyang pang-upo kaya mas lalo lang siyang nagwala. "Shut up, darling!"
"No, put me down. Put me down!" Paulit-ulit niya iyong sigaw. Naglalakad na ito palayo sa kanyang kotse. Siguradong siya papunta ito sa sasakyan nito.
"Mananahimik ka o bubuntisin kita ngayon, dito? You choose, darling." Pinalo nito ulit ang kanyang pang-upo.
Sinuntok niya ang likod nito dahil sa inis. "Can you stop slapping my butt?"
"Oh? Gusto mo talagang buntisin kita, ah."
"Tatahimik na ako." Mabilis niyang sabi at tumahimik.
"Good." Pagkarating sa sasakyan ay binababa siya nito. "Pasok."
She gave him a death glare but he just smirk at her. "Fuck you, Wren Lazarus Cardova!" At padabog siyang pumasok sa loob ng sasakyan.
"Later Yzainna Aeu Yuria Renovette. Later. In my bed." Then he close the door. Umikot ito papuntang driver seat. Pagpasok nito ay agad niyang hinampas ang braso nito.
Hindi na siya nagtaka kung bakit alam nito ang buong pangalan niya. Sigurado na siyang parte nga ito ng alaala niya. Basi na rin sa mga pinagsasabi nito sa kanya. Pero kahit isa ito sa mga alaalang nawala niya ay hindi pa rin niya ito hahayaang mapalapit sa kanya ng husto.
"Don't you dare mention my name again." Then she gave him a death glared.
Wren smirk as he start the engine of his car. "Hmm?"
"Anong hmm? Subukan mo talaga Wren Lazarus," nanggigigil niyang sabi.
"You started it, darling."
"Zarus!"
"What is it, darling?"
"Stop it."
"Stop what?"
"Agh! Stop calling me that endearment."
He shrugged. "Zayn, then."
"No. Call me Inna from now on."
"Hmmm," sinulyapan siya nito saka umiling.
His hardheaded monkey. Umirap siya rito bago tumalikod at tumingin sa labas ng sasakyan. Gigil na gigil na siya sa lalaki. Parang gusto na niya itong sakalin ng bunggang-bungga. Pero kapag gagawin niya iyon ay tinatraydor siya ng katawan niya. Nakakaloka.
Kumunot ang kanyang noo nang mapansin ang pamilyar na daan patungong Mcrea's Italian Cuisine. Hanggang sa tumigil ang sasakyan ni Wren ay nakakunot pa rin ang kanyang noo. Bumaba si Wren ng sasakyan at pinagbuksan siya. Gentleman naman pala ang walang hiya.
"What are we doing here?" Baling niya kay Wren ng igaya siya nito papasok.
"Tsk! Maliligo tayo siyempre." Nanunuyang sabi nito at hinapit siya sa baywang.
Sumama ang mukha niya saka bumaba ang tingin sa kamay nitong nakapalibot sa kanyang baywang. "No need to be sarcastic, asshole! Can you get your hand on my waist? Masyado kanang abusado."
"Abusado? I'm not abusado, darling. Tsk! Huwag kang lalayo sa 'kin baka mapatay ko lahat ng lalaking nakatingin sayo ngayon. How dare them looking at my girl." Sinamaan nito ng tingin ang mga lalaking nakatingin sa kanya.
Inilibot niya ang tingin at doon niya napagtantong lahat yata ng mga lalaki ay nasa kanya nakatingin kahit na may mga kasama itong mga babae. Hindi niya iyon pinansin kase sanay siya sa ganoon. Mapa- France o kahit saang bansang pupuntahan niya ay ganoon ang mga lalaki. Katulad ng magtungo siya Ducasse Cuisine ay walang lumapit sa kanya...kanila pero hawak na mga tao doon ang kani-kanilang cellphone at nakatutok sa kanila.
"Anong your girl? I'm not your girl, Zarus. Ilugar mo ang pagiging possessive mo. Wala tayong relasyon, huwag kang umasa ."
Dumilim ang mukha nito at umigting ang panga pero hindi ito nagsalita pa. Salubong ang kilay na iginaya siya sa isang VIP table.
How to pronounce their name:
Drage Knave Cardova- Dreyg Nayb Kardoba
Raece Efreem Syca Aragon- Reys Eprem Sayka Aragon
Rietto Silvenia- Riyato Silbeniya
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top