Chapter 29
HUMAKBANG paatras si Yzainna ng mabilis na lumapit ito sa kanya. Hindi niya agad napigilan ito ng hablutin nito ang kanyang buhok.
"Do you think hahayaan kong sumaya kayo ni Wren? I'm not stupid to let that happened, Bitch." Galit na sigaw nito sa kanya habang hinihigpitan ang paghawak sa kanyang buhok.
"M-Margaux, please let me go!" Napaigik siya nang sampalin siya nito. Ramdam niya ang pagmanhid ng kanyang pisngi dahil sa lakas ng sampal nito.
Gusto niyang lumaban ngunit nag-aalala siya sa baby nila ni Wren. Isang pagkakamali lamang niya ay baka mawala ito sa kanila. Hindi niya gustong mangyari iyon. Nasa taas ang kanyang cellphone kaya wala siyang mahingian ng tulong, mabuti sana kung bumalik si Wren sa bahay. Kailangan niyang mag-ingat. She need to keep her baby safe. But how? She don't know what to do. Kinakabahan siya.
"Let you go? Hindi ako tanga para gawin 'yon. Pagkatapos mong agawin si Wren sa 'kin? Fuck you! Wren is mine. Only mine! Do you heard that?" Napapikit na lamang siya nang sumigaw ulit ito.
Hindi niya alam kung dahil lamang sa buntis siya o ano pero ng sabihin niya ang huling salita na iyon ay talagang nagpantig ang kanyang tainga. Kumulo ang kanyang dugo, nakaramdam siya bigla ng galit. Sa kanya lamang si Wren at walang pwedeng umangkin dito. Kumuyom ang kanyang mga kamay at nanlilisik ang matang tiningnan si Margaux.
"He didn't love you," mariing sigaw niya rito. Hindi na niya naisip ang kung anong pwedeng gawin ni Margaux sa kanya. Nilamon na siya ng selos at galit niya. "He never did. Noon pa lamang ay alam mo ng ako ang mahal niya. You knew from the very start na wala kang pag-asa sa kanya."
Patagal ng patagal ay nakita niya ang pagbago ng emosyon sa mukha nito lalong sumama ang tingin nito sa kanya. Namumula ang mukha nito sa galit. Nanlaki ang kanyang mata at napahakbang paatras ng mabilis na bumunot ito ng baril mula sa likuran nito. She have a gun!
"How dare you to say that to me?! He's mine first, bitch! Baka nakakalimutan mong kababata ko si Wren. He didn't told you that I am his ex? And I am also his first love so ako ang una niyang minahal Yzainna, kaya huwag mong ipagbalandakan sa 'kin na una siyang naging sayo." Isang hakbang ulit paatras ang ginawa niya ng lumapit pa ito sa kanya. And she's smirking na siyang kinakaba niya nang husto. The gun that she's holding was pointing to her belly.
Si Margaux? Si Margaux ang first love ni Wren? Why she didn't know that? Why Wren didn't told her about that. Hindi naman niya tinanong si Wren noon kung sino ang una nitong minahal kasi akala niya ay siya. She was wrong? She expected that she is Wren first love tapos sa iba pa niya malalaman na hindi pala.
'Akala ko ay kilala ko na siya, akala ko lamang pala iyon. Hindi lahat ay alam ko tungkol sa kanya. Wala man lamang akong alam sa nakaraan niya. Its okay na hindi ako ang una niya pero ang itago mula sa'kin ang tungkol sa kanila ni Margaux noon?'
Margaux smirk widely when she saw a confusion to her face. "Wala kang alam? That's very sad. Iyan ba ang sinasabi mong mahal ka niya, ni ang nakaraan nga ng lalaking pinagbabalandakan mong mahal ka eh walang sinabi tungkol sa nakaraan niya. Do you think mahal ka talaga niya?"
Lalong kumuyom ang kanyang kamay. Nanlulumo siya dahil lahat ng sinabi nito ay may katutuhanan, tinamaan siya do'n. Pero ramdam niyang mahal siya ni Wren kaya ayaw niyang magalit rito ng hindi naririnig ang paliwanag nito. She's hurt damn much but she knew Wren has a explanation why he didn't told her about Margaux. "I trust my man and I know that he loves me. Hindi naman doon nasusukat ang pagmamahal ng isang tao."
Nawala ang ngisi sa labi nito at ang mga mata nito ay nanlilisik na rin habang nakatingin sa kanya. Sinulyapan nito ang kanyang tiyan at biglang ngumisi. "Ay! Buntis ka pala kaya siguro gano'n. Paano kaya kung unahin ko 'yan bago ka? It is great? At kapag nawala kayo ay mapupunta sa 'kin si Wren. I will kill the two of you first tapos ay isusunod ko ang tatlong anak niyo. Do you like it? Eh 'di sama-sama kayong mag-ina sa impyerno. Isa kayong mga tinik sa buhay namin ni Wren."
Agad siyang nakaramdam ng galit nang marinig ang sinabing iyon ni Margaux. Ang triplet nila. Ikinuyom niya lalo ang kanyang kamay at pilit nilalabanan ang galit na nararamdaman. Kapag nagpadala pa siya sa galit niya ay baka ngayon ay nakabulagta na siya. May hula siyang kapag ginalit pa niya ito ay ipuputok na talaga nito ang baril. Kinagat niya ang kanyang labi para mapigilan ang sariling huwag magsalita.
"You can't talk?" Ngumisi ito sa kanya at inayos ang pagkakahawak sa baril. "Any last word, bitch?"
She step backward again habang nanlalaki ang mga mata, she shake her head not because she's afraid to Margaux kundi dahil nakita niya si Lucé at Jashiel na dahan-dahang lumalapit sa kinaroroonan nila. Bakit sila nandito? Paano sila nakapasok? Hindi naman nila narinig na bumukas ang pinto. Malapit na si Jashiel kay Margaux.
"Margaux please---" hindi na niya natapos pa ang sasabihin ng bigla na lamang nito kinalabit ang baril. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at hinarang ang kamay sa kanyang tiyan.
Isang putok ng baril ang namutawi sa buong kabahayan. Nagtataka siya kung bakit wala man lamang siyang naramdaman.
"JASHIEEELLLL!" Ang sigaw ni Lucé ang narinig niya.
Hindi pa rin niya binubuksan ang kanyang mga mata hanggang sa marinig niya ang sigaw na iyon ni Lucé. Biglang sumikip ang kanyang dibdib at bigla siyang naluha sa hindi niya malamang kadahilan. No! Hindi pwede ang iniisip niya. Walang nangyayaring masama kay Jashiel. Not him, no! Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at natuon iyon doon sa lalaking nakabulagta sa sahig habang naliligo sa sariling nitong dugo. Bumuhos ang kanyang luha ng mapagsino ito.
Lumapit siya at lumuhod sa tabi nito. "NO, JASHIEL!"
Kinuha niya ang ulo nito at nilagay sa kanyang hita. Nanginginig ang kanyang isang kamay ng itinakip niya iyon sa dibdib nito kung saan may tama para mapigilan ang pagdugo. "Jashiel, w-wake up! Please open your eyes."
"Walang hiya kang babae ka!" May narinig siyang ingay pero hindi niya iyon tinuunan ng pansin. "Anong ginawa mo? Demonyo ka! Papatayin kita!"
Isang malakas na tawa ang narinig niya mula kay Margaux. "Haharang-harang kasi anong akala niya sa sarili niya super hero--- Ugh!"
Nag-echo na naman ang malakas na putok ng baril kaya gulat niyang itinaas ang kanyang paningin.
"Lucé!" gulat niyang sabi.
Walang emosyon ang mukha nito ng bumaling ito sa kanya. "Call an ambulance, Yzainna."
Umiling siya at sinulyapan si Margaux na nakabulagta din sa sahig, wala na itong malay. Bumuhos na naman ang kanyang mga luha ng bumaling siya kay Jashiel.
"N-No, ikaw na ang tumawag." Tinapik-tapik niya ang mukha ni Jashiel. "Jas, please wake up. Don't do this to us. Huwag na huwag mo kaming iiwan. Please don't. P-please, please.. I'm begging you! Open your eyes, Jashiel."
Lalo pang lumakas ang kanyang iyak ng maramdaman ang sobrang hina ng pulso nito. "Lucé si Jashiel! His pulse slowly beating. Lucé, he can't leave us like this. Nooooo!"
Mabilis na lumapit si Lucé at pinulsuhan ito. Bumuhos din ang mga luha nito. Sumakit ang dibdib niya dahil alam na niya kung ano ang ibig sabihin no'n.
"Lalaban pa siya, Yzainna. Alam kong lalaban pa siya. Hindi niya tayo iiwan." Pinunasan nito ang luha pero patuloy pa rin ang pagtulo nito. "Let's go. Maaagapan pa natin 'to."
"Jashiel please lumaban ka, for us. We need you." Hinagkan niya ang noo nito at tinulungan si Lucé.
PABALIK-BALIK na naglalakad si Yzainna sa labas ng emergency room. Kanina pa sila roon pero hindi pa rin lumalabas ang doktor.
"Zayn darling!" Napalingon siya sa pamilyar na boses na narinig niya at ang humahangos palapit na si Wren ang nalingon niya.
Umiiyak na sinalubong naman niya ito ng yakap. Doon niya ibinuhos ang kanyang hinanakit. Kanina pa niya sinisisi ang kanyang sarili sa nangyari kay Jashiel. What happened to Jashiel is her fault. Kung sana ay hindi na siya nagtungo sa Pilipinas edi sana ay hindi umabot sa ganito. Hindi niya dapat masisira ang relasyong meron sila ni Wren at Margaux. At hindi ito magagalit.
"Its my fault, Zarus. Kasalanan ko lahat ng ito." Kanina pa sinasabi ni Lucé na hindi niya iyon kasalanan pero hindi niya iyon pinakinggan.
Hinimas ni Wren ang kanyang buhok at isiniksik pa lalo siya sa katawan nito. "Huwag mong sisihin ang sarili mo, darling. Hindi mo iyon kasalanan, wala kang kasalanan."
Umiling-iling siya, "It's mine. Kung hindi na sana ako nagpunta dito sa pilipinas ay hindi mangyayari ito. Hindi ko sana masisira ang relasyong meron kayo ni Margaux. Hindi na sana siya nagalit pa." Humiwalay siya kay Wren at mariin niya itong tiningnan sa mga mata. "Kapag may mangyaring masama kay Jashiel ay hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko at ang babaeng 'yon. Si Jashiel nalang ang meron kaming tatlo ni Lucé at Khaleesi, ayokong pati siya ay mawala pa sa amin. Ayoko ng mawalan pa, Zarus. Not Jashiel, not my friends." Tumalikod siya rito at nagtungo kay Lucé na nakatulala sa upuan sa harap ng emergency room.
"WHERE'S JASY?" Ang malakas na boses ni Khaleesi ang pumukaw sa kanila ni Lucé mula sa pagkakatulala. Kasama nito si Oxen, Rietto at Saint.
Si Wren ay nasa tabi niya hawak-hawak ang kanyang kamay. Nag umpisa na namang umagos ang kanyang mga luha. Wren hug her tightly.
"Nasa loob pa rin." Si Wren ang sumagot.
Nagtungo si Khaleesi sa pinto ng emergency room at tumingin sa loob nito. Nag umpisa na ring tumulo ang kanyang mga luha. "Hindi pa ba lumalabas ang doktor?"
Umiling siya. "N-No, he's in critical Khal."
"W-Who did t-this?" garalgal na tanong nito.
Walang gustong sumagot sa tanong na iyon. Kahit siya ay kumukulo ang dugo niya kapag sasambitin pa lang ang pangalan ng babaeng iyon parang gusto na niyang tuluyan ito. Buhay pa rin ang babaeng iyon.
"Lucé, Yzainna? W-Who? Who the fuck did this to him?" May halong galit at diin na ang boses nito.
Tumungo siya at sinagot ang tanong nito kahit na ayaw niya. "S-Si Margaux,"
Mabilis itong bumaling kay Wren saka binalik ulit sa kanila ni Lucé. Kitang-kita niya ang pag-apoy ng galit sa mga mata nito.
"THAT BITCH!" Nangangalahating sigaw niya at akmang aalis ng pigilan ito ni Rietto sa pamamagitan ng yakap nito.
"Sshhh! Calm down, Khal." Kuya Rietto kissed her forehead.
"I'll kill that bitch." Nagpupumiglas ito sa yakap ni Kuya Rietto. "Let me go, Rie. Ako ang papatay sa babaeng iyon."
Tumayo siya at lumapit rito. Umalis si Kuya Rietto niya kaya siya ang yumukap kay Khaleesi. "Khal, calm down please."
"Tell me, magiging okay si Jasy 'di ba? He can't leave us, Inna." Humagulhol ito sa kanyang balikat at ganoon din siya.
"Of course. Malakas si Jashiel 'di ba? Lalaban siya!" mahinang sabi niya rito.
"I'll kill that bitch, Inna, if something happened to Jasy." Galit na sabi nito saka humiwalay sa kanya.
"K-Khal,"
Umiling ito at naupo sa sahig malapit sa pinto ng emergency room. Nanlaki naman agad ang kanyang mga mata. She's an doctor tapos ay gagawin niya iyan.
"Khal tumayo ka diyan!" sabi niya.
Tumingin ito sa kanya at agad niyang nakita ang galit at lungkot sa mga mata nito. "Maupo kana roon Inna, saka kumalma ka baka mapaano pa ang baby niyo."
Napatungo siya sandali bago bumalik sa kinauupuan. Pagka-upo niya ay agad siyang niyakap ni Wren. "Don't worry darling, mananagot ang gumawa nito."
Natigilan siya, "She's your ex-girlfriend and first love."
Ramdam niyang natigilan ito sandali saka nakita niya ang pagkuyom ng mga kamay nito. Nang tumingala siya para tingnan ito ay nabigla siya dahil nakatiim-bagang at nanlilisik ang mata nito sa galit.
"I don't care if she is pero kapag may nangyari sa inyo ng anak ko ay ako na mismo ang papatay sa kanya," galit na sabi nito.
Hinawakan niya ang mga kamao nito at pilit na binubuka. "We're okay Zarus, pero gusto ko siyang makulong for doing this to Jashiel."
Tumango ito sa kanya ang hinagkan ang kanyang noo. "Of course, makukulong siya."
"So, why you didn't---" tatanungin sana niya kung bakit hindi nito sinabi sa kanya ang tungkol kay Margaux pero biglang bumukas ang pinto ng emergency room.
Sabay-sabay silang tumayong lahat. Nagtungo si Bright sa pwesto nila saka tinanggal ang mask nito. Ngumiti ito sa kanila kaya parang gumaan ang kanyang pakiramdam.
"How is he, doc?" tanong agad ni Lucé.
"Okay na ba siya?" Si Khaleesi naman iyon.
"Pwede na ba kaming pumasok?" tanong naman niya.
"He is fine now. Lumalaban yata ang kaibigan niyo. Wala na siyang pulso ng dalhin siya rito sa hospital. Parang lumalaban yata siya dahil sa taong paulit-ulit na sinambit ni Yzainna kanina. So, when we operate him pinapasambit ko ang pangalang iyon sa mga nurses ko. Lumalakas kasi ang heartbeat niya." Umiiling-iling siyang sumulyap kay Lucé. "Ililipat nalang namin siya sa private room para pwede niyo siyang mabisita."
Nakahinga naman sila ng maluwag. Pero napanguso siya mg sabay na lumingon ang mga ito sa kanya.
"What?" Takang tanong niya.
"Sino iyon?" Tanong ni Khaleesi, lumapit pa talaga ito sa kanya.
"What are you talking about?" Kumunot ang kanyang noo dahil sa tanong na iyon ng kaibigan.
"Ang tinutukoy ni Doc. Bright."
Tumingin siya kay Lucé kaya tumingin din sila do'n. Pangalan kasi nito ang sinasambit niya ng papunta sila dito.
"Ohh! We knew it!" Nakangising asar nila kay Lucé.
Nahihiyang yumuko naman si Lucé, namumula ang pisngi nito ng talikuran kami.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top