Chapter 28
PAGOD na pagod na umupo si Wren sa sofa ng makarating siya sa bahay niya. Galing siyang Korea para bumili ng mangga. Hindi naman Korean mangoes iyon kasi walang gano'n. Galing lang itong Korea. Nilagay niya ang kanyang dalang mangga sa kusina bago bumalik sa living room. Ipinikit niya ang kanyang mga mata para sandaling magpahinga.
Kagagaling lamang niya sa hospital, bum'yahe agad siya patungong Korea para sa mangga ng mahal niya. Ayaw naman niyang ibilin sa iba iyon dahil ito ang unang paglilihi ni Yzainna na kasama siya. Ito ang unang pagbubuntis ni Yzainna na kasama siya. Gusto niya lahat ng gusto nito ay siya ang gagawa.
"Zarus?" Agad niyang iminulat ang kanyang mga mata ng marinig ang malambing na tinig na iyon.
Umayos siya ng upo at tiningnan ito. "Hindi ka pa natutulog? Gabi na, darling. Iyong mga bata?" tanong niya.
Umiling ito saka tumakbo papunta sa kanya. Agad itong umupo sa kanyang kandungan, niyakap siya. "Kinuha nila Mommy Lyn kanina, doon daw muna ang tatlo." Ngumuso ito. "Hinintay kita. Akala ko ayaw mo na sa 'kin kase your so matagal. Akala ko ipagpapalit mo na ako kay Margaux." Humikbi ito bigla kaya nataranta siyang niyakap ito.
"Zayn, stop thinking about it. Sobrang tagal kong hinintay ang araw na ito, wala na akong planong pakawalan ka. Nagka-problema ang eroplano ko kaya natagalan ako." Hinagkan niya ang ulo nito. "You're better than Margaux, darling. She's nothing compared to you.”
Tumingala ito sa kanya kaya kitang-kita niya ang mga luhang umaagos sa mga mata nito. "Hindi mo siya babalikan? Hindi mo na ako ipagpapalit sa kanya?"
Hinagkan niya ang noo nito. Umapaw ang saya sa kanyang dibdib habang nakatitig sa maamo nitong mukha, na bahagyang nakanguso sa kanya.
"Bakit ko naman siya babalikan? Hindi naman siya ikaw at lalong-lalo na't hindi ko naman siya mahal para balikan ko." Hinawakan niya ang baywang nito at mas lalo itong hinapit palapit sa kanya.
"Je t' aime, Zarus." Hinawakan nito ang kanyang magkabilang pisngi at pinatakan ng halik ang kanyang labi, nagugustuhan niya ang gawaing iyon ni Yzainna.
"I love you more, darling," mahinang turan niya sa pamamagitan ng kanilang halikan.
Humiwalay ito sa kanya na siyang kinasimangot niya. "Kakain akong mangga." Tumayo ito mula sa kanyang kandungan saka nagtungo sa kusina. "Bumili ka rin ng bagoong, Zarus?"
Bumuntong hininga siya at pagod na tumayo mula sa pagkakaupo, nagtungo siya sa kusina kung nasaan si Yzainna. "Yeah."
Tumingin ito sa kanya ng mabosesan nito ang pagod sa kanyang boses. "Are you tired?"
Agaran naman siyang umiling dito kahit na pagod na pagod na talaga siya. "No, I'm not tired."
Sumimangot ito at sinamaan siya ng tingin. "Yes, you are." Tumalikod ito at kinuha ang plastic na puno ng mangga. "Umakyat ka na roon, magpahinga ka muna. Ako na magbabalat nitong mangga ko."
Bumuntong hininga muli siya. Lumapit siya at niyakap ito mula sa likuran. "Darling, I am not pagod."
"Pwede ba Zarus, lumayo ka ang baho mo!" Bigla itong nagtititili habang hinahampas ang kanyang braso.
Agad naman niyang binitawan ito. "Zayn naman!"
Hinarap siya nito at pinandilatan. "Huwag kang lalapit sa 'kin hangga't hindi ka naliligo, talagang sa labas ka ng bahay matutulog," Sabay duro pa sa kanya.
Ngumuso siya at akmang lalapit rito ng biglang napahawak ito sa bibig nito at tumakbo patungong lababo. Nagsuka ito roon pero walang lumalabas na kahit ano. Mabilis siyang lumapit rito pero agad siya nitong tinulak at sinamaan ng tingin. Ang mga mata nito'y naluluha na.
"I told you to stay away from me hangga't hindi ka pa naliligo. This is your fault, Zarus!" sigaw nito sa kanya.
Napamaang siya ng makita ang sunod-sunod na pagtulo ng luha sa mga mata nito. Gusto niyang lumapit pero agad niyang pinigilan ang kanyang sarili. Mahina siyang napamura ng sunod-sunod itong nagsuka sa lababo.
"Darling.." mahinang wika niya sakto lamang para marinig nito.
"Lumayo ka sa 'kin, Zarus," nahihirapan nitong turan.
Humakbang siya paatras habang nakatingin rito. Ang kanyang mga mata ay nagsusumamo rito. Umiling ito at tinaboy siya.
"Zarus please."
Mahina at sunod-sunod siyang napamura. "Damn. Fine." Tumalikod siya at umakyat sa kwarto nila para maligo.
'What's wrong with her? Kahapon naman ay gustong-gusto niya ang amoy ko. Tsk!'
Nakasimangot niyang hinubad ang kanyang damit at padabog na nagtungo sa shower. Pagkatapos niyang maligo ay mabilis siyang nagbihis. Hindi siya gumamit ng kahit anong pabango baka iyon ang dahilan kung bakit nagsuka si Yzainna. Pagbaba ay agad niyang nakita ito sa salas, ang mga paa ay nakapatong sa glass table sa hanap nito kandong-kandong nito ang isang pinggan na may lamang mangga. Tutok ito sa pinapanood nito kaya hindi nito napansin ang kanyang paglapit.
"Darling," humalik siya sa pisngi saka umupo sa katabi nito.
Tumingin naman ito sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Why are you here?"
"Nakaligo na ako," nakasimangot niyang turan at lumapit pa lalo rito.
Bigla siyang natigilan ng lumapit ito at inamoy ang kanyang leeg at kili-kili. Biglang bumuhay ang dapat na hindi mabuhay. Nakasuot lamang kasi siya ng puting sando at boxer.
"You're smell good. Anong pabango mo?" tanong nito habang inaamoy pa rin siya.
"Wala." Napapitlag siya sa kinauupuan nang patakan nito ng halik ang kanyang kili-kili. "Zayn, nakikiliti ako."
Humiwalay ito sa kanya at agad niyang napansin ang mga mata nitong naluluha na naman. "You don't love me? You don't love me, Wren Lazarus? Isusumbong kita sa kuya ko."
Nanlaki ang kanyang mga mata. Hinawakan niya ang braso nito at hinila ito palapit sa kanya. Niyakap niya ito para maramdaman ang katawan nito. Kahapon niya lamang nalaman na kuya nito si Rietto nang sundiin sila nito. Kinuwento ni Rietto sa kanya dahil ang dapat na magkukuwento sa kanya ay nakatulog sa kanyang balikat.
"I love you, Yzainna Aeu Yuria Renovette." Hinagkan niya ang noo at pinunasan ang mga luha sa mga mata nito. "You don't know how much you mean to me darling, and perhaps it may be the reason why you move even an inches away from me. I must tell you that I am already addicted to you-- only God has the power to remove your love from my heart."
Hinaplos nito ang kanyang pisngi. "You are my world, Zayn. I've honestly fallen deeply inlove with you and I am not afraid to say it. We have been through thick and thin and we are still going strong, after years you still mine. I can't imagine my life without you by my side, darling. I love you so much. I can't even explain it." Nang tumingala ito ay sunod-sunod niyang pinatakan ng halik ang mga mata nito.
Ngumuso ito habang tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha. "You don't know how much you mean to me too. All my life you are the only man I loved. Wala akong minahal maliban sayo. Hindi kita pinagpalit kahit kanino. Yes, hindi kita naalala but my heart beating only for you. Alam mo ang pinagdaanan ko habang pilit kang inaalala. Kahit mahirap para sa 'kin ay pilit kitang inalala kase gusto kung malaman kung ano ang papel mo sa buhay ko. When you propose me long ago ay akala ko iyon na ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko pero hindi pa pala. Having the triplet, you and our new baby is the best things that happened in my whole life. I-I'm also addicted to you, Zarus. I love you so much."
Isang malapad na ngiti ang kumawala sa kanyang labi. Dahan-dahan niyang binaba ang kanyang mukha para halikan ito, napansin naman iyon ni Yzainna kaya agad na sinalubong nito ang kanyang halik.
MABILIS na tumakbo si Yzainna sa kanilang banyo pagkamulat ng kanyang mga mata sa umangang iyon. Her morning sickness.
"Zayn darling, are you okay?" Hinimas-himas ni Wren ang kanyang likuran.
Tumango siya habang patuloy na pagsuka kahit wala namang lumalabas. Pagkatapos niyang magmumog ay inalalayan siya ni Wren patungo sa kanilang kama.
"Darling, I'm okay."
Nalukot ang mukha nito kaya nagtaka siya. "Stay here, I will cook for you."
"Darling..." She didn't finish her word because Wren kiss her forehead.
"Just stay!" Nginitian pa siya nito bago isara ang pinto ng kwarto.
Ngumuso siya saka inabot ang kanyang cellphone. Tinawagan niya si Mommy Lyn.
"Mommy Lyn?"
"Inna anak, napatawag ka?"
"Yung mga bata po, kamusta?"
"Okay naman sila. Sandali at tatawagin ko si Yza." Nakarinig siya ng ingay sa kabilang linya. Mga boses iyon ng mga bata. "Baby Yza, lika muna dito."
"Bakit po Lola Momma?"
Napangiti siya ng marinig ang boses ng anak na babae. "Your mom wants to talk to you, baby."
"Si mommy po?" Hindi niya marinig na sumagot si Mommy Lyn siguro ay tumango lamang ito. "Mommy!"
She chuckled, "Hello baby, how are you?"
"We're fine mommy. We love here already po. Susunduin niyo na po ba kami? We play with lolo Daddo po."
"That's good. Bakit gusto mo na bang sunduin namin kayo?" she asked.
"I love to be with you po mommy but you and daddy need a time po. Lola Momma said daddy really miss you so we can stay here for a while po."
Nakaramdam siya ng pagpitik ng kanyang dibdib. Sobrang saya niya kasi naiintindihan ng mga anak niya ang lagay nila ni Wren kahit na ngungulila rin sila sa daddy nila.
"But you also need---" her baby Yza cut her word.
"Mom, we're okay po. Don't worry, Lola Momma and Lolo Daddo can take care of us." Para itong matanda kung makipag-usap sa kanya.
"Okay, if that's really what you want. Next day ay susunduin na namin kayo, ha?" nakangusong sabi niya. Mas bata pa yata siya sa anak nila.
"Yes, mom. Bye na po mommy, we play chess pa po eh."
That is Yza favorite sport. You don't see her playing dolls because she loves playing what her kuya's playing. Basketball, Chess or whatever games that boys playing.
"Okay, bye baby. Say hi to your kuya's for me huh?!"
"Yes mom, bye." Then the line ended.
Nakasimangot niyang nilagay ang kanyang cellphone sa side table. Nakaramdam siya ng pagkailang kaya inilibot niya ang kanyang paningin hanggang sa matuon iyon sa pinto. And Wren eyes meet her.
"Hey!" Kumaway pa siya dito.
Mahina itong napatawa, saka lumapit sa kanyang higaan dala ang isang tray. Nilapag nito iyon sa tabi niya at inalalayan at inayos sa pag-upo.
"Eat, darling! Okay na ba ang nararamdaman mo? Hindi na ako papasok." Hinimas nito ang kanyang buhok saka inayos.
Umiling siya. "Darling, I'm okay now. Don't worry about me. Later, I'll come to your company."
"Really?" Nahihimigan niya ang saya sa boses nito, parang hindi yata ito makapaniwala.
"Hmm," Tumango siya ng paulit-ulit at mahinang tumawa.
"I wait for you then!" Hinagkan nito ang kanyang noo.
"Mag-ayos kana, darling. Okay na ako dito." Binigyan niya pa ito ng malawak na ngiti tanda na okay na talaga siya.
"Okay," tumayo na ito at dumeretso sa banyo.
Kumain na rin muna siya habang hinihintay ito. Matagal talagang maligo si Wren kaya hanggang matapos siya sa pagkain ay hindi pa rin ito lumalabas. Kinuha na muna niya ang laptop ni Wren at nagsulat. Napakunot ang kanyang noo ng nakakadalawang kabanata na ang naisulat niya ay hindi pa rin ito tapos.
"What the!? Bakit ang tagal naman niya masyado?" inis na tanong niya. Iniisip niya na baka ay may pinopormahan ito.
Akmang tatawagin niya ito ng biglang bumukas ang pinto ng banyo at bumungad si Wren na nakatapis ang pang-ibabang bahagi. Masama ang tinging ibinigay niya rito.
"Why? Why are you looking at me like that?" takang tanong nito.
"Bakit ang tagal mo maligo? May pinopormahan ka ba?" galit na sigaw niya dito.
Parang nabigla yata ito sa pagsigaw niya. Nanlalaki pa ang mga mata nito. Mabilis itong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. "Darling, what are you talking about? That was forty minutes."
"Forty minutes? Eh nakakadalawang kabanata na ako tapos sasabihin mong forty minutes lang?" galit na galit talaga siya.
"Mabilis lang talaga ang kamay mo kaya nakakadalawa ka kaagad. I'm pretty sure darling, forty minutes lang talaga ako naligo."
She look at the time. Its already 9:56am. Napakamot siya ng kanyang ulo. Forty minutes nga lang talaga. Mahina itong tumawa ng mapagtantong tama ito. Ginulo pa nito ang kanyang buhok bago tumungo sa closet nito. Mainipin ang buntis nito.
"Bye darling, take care. Hihintayin kita mamaya. I love you." Hinagkan siya ni Wren sa noo tapos sa labi bago ito umalis.
Pagkaalis nito ay nagtungo siya sa kusina para humanap ng pwedeng makakain. Kinuha niya ang mansanas at mangga bago nagtungo sa living room. Nagulat pa siya ng bumukas ang pinto, akala niya ay bumalik si Wren.
"Zarus may naiwan--- WHAT ARE YOU DOING HERE?" sigaw niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top