Chapter 26

NAKAYUKO lamang si Yzainna sa harap ng Mommy ni Wren, kinakabahan siya na hindi niya maipaliwanag. Tumikhim ito kaya dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang ulo mula sa pagkakayuko. Pero agad rin niyang iniwas iyon dahil mariin ang klase ng pagkakatitig nito sa kanya.

"So, si Margaux ang rason kung bakit mo iniwan ang anak ko?" malumanay ang tono ng pagkakatanong nito sa kanya.

Ngumuso siya at nilaro ang kanyang mga daliri. Biglang namasa ang kanyang mga mata. "I'm sorry, Mommy!"

Umiling ito saka hinawakan ang magkabilang balikat niya. "Just tell me everything, Inna. I want to hear what happened to the both of you. I want to know everything why you left my son para maintindihan ko," pagsusumamo nito sa kanya.

"You know Zarus proposed to me after I graduated, right mom?" panimula niya habang pinipigilan na mapahikbi.

Tumango-tango ito. "Yeah! He told us his plan before he proposed you."

Mapaiit siyang ngumiti. "After he proposed to me doon na ako tumira sa pinagawa niyang bahay. Ilang araw ang nakakalipas ng  magpaalam siya sa 'kin na pupuntahan niya ang kaibigan niya. Hindi ko mapigilang  makaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman iyon. Gusto ko siyang tanungin kung babae ba o lalaki ang kaibigan niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka isipin niya na wala akong tiwala sa kanya. He left that day, so I followed him." Doon na tumulo ang kanyang mga luha ng sabay-sabay. "Nagtataka ako kung bakit papunta siyang airport. Sinundan ko pa rin siya hanggang sa pumasok siya roon. Lalong tumindi ang kabang naramdaman ko. May nararamdaman na rin akong takot. Takot na hindi malaman kung para saan. Takot na noon ko lamang naramdaman. Takot na ayaw kong maramdaman, mom. Hindi ko gusto ang takot na iyon, pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda."

"Inna anak, tama na. Your hands is shaking." Pigil ni Mommy Lyn sa kanya ng mapansin ang panginginig ng kanyang mga kamay.

Umiling siya sabay punas ng kanyang luha. Naalala niyang bawal pala siyang ma-stress. But she can't stop herself from being emotional. "I followed him hanggang sa salubungin niya ang isang mestisang babae. The girl kissed him pero hinayaan niya lamang iyon. Tumawa pa siya na parang wala itong fiance. They hug each other at lahat iyon kitang-kita ng dalawa kong mata. Gusto ko silang sugurin pero bigla akong napahawak sa tiyan ko. I asked myself 'Paano kung buntis ako?'  Nakaramdam na rin naman ako ng mga sintomas pero hindi ko iyon sinabi kay Zarus." Patuloy pa rin niyang pinupunasan ang kanyang mga luha.

"Ang ginawa ko ay hinarap ko silang dalawa. Ang sabi niya ay kaibigan lamang niya ito pero kabaliktaran naman iyon ng sinabi ni Margaux. She's Zarus  girlfriend, Mom. Biglang gumuho ang mundong ginawa ko para saming dalawa dahil roon. Sobrang sakit, Mommy. Para akong sinasaksak ng paulit-ulit. I'm his fiance pero parang ako 'yong sabit. Ayaw kong makipag-agawan pa. Ayaw kong makipagtalo. Hindi iyon ang unang beses na nangyari iyon kaya siguro ganoon ko lamang siya kabilis pakawalan." Tumingala siya. "I love him so much. Mahal na mahal ko siya, Mommy. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya isinakripisyo ko ang kaligayahan ko para sa kanya.. sa kanila. Pinaubaya ko siya kay Margaux kase akala ko mahal nila ang isa't isa, na masaya sila sa piling ng isa't isa. I don't deserved the pain that I was feeling that day. Nagmahal lang naman ako, Mom. Minahal ko lang naman siya."

"Iyon din ang araw na naaksidente ako. Nang magising ako ay nasa hospital na ako ni Bright, without my memories. Kasabay ng masakit na pangyayaring iyon ay nawala ang alala ko sa kanya. Lahat ng kinalaman sa kanya at sa inyo ay nakalimutan ko. Nagwala ako noon dahil kay Zarus na patuloy akong niyayakap. Wala akong maalala kaya pinagtabuyan ko siya. Third days ko palang noon sa hospital ng ilipat ako ng mga kaibigan ko sa France, walang may alam..walang nakakaalam. Pero pagdating doon ay na coma ako. Nalaman nila na may dugo ang loob ng ulo ko. Kailangan daw iyon kunin. Doon din nila nalaman na buntis ako. Alam ng doktor ni Bright iyon kaya nagtaka ako kung bakit wala pa rin kayong alam sa pagbubuntis ko no'n."

"Alam ni Bright na buntis ka?" May galit na tanong nito.

She shake her head. "No, wala daw noon si Bright dahil may emergency sa bahay nila."

"Sino ang doctor mo?" she asked angrily.

"Si Doktora Margiel."

Kumunot ang noo ni Mommy habang nakatingin sa kanya. "Ang Mommy ni Margaux?"

She parted her lips. "Yes po."

Ilang minuto itong natahimik bago siya hinila ni Mommy Lyn at niyakap ng mahigpit. "I'm sorry, Inna. I'm sorry!"

"No, Mom. Stop saying sorry to me, Mom, kasi wala ka namang kasalanan. I am the one who wants to say sorry." Niyakap niya ito pabalik, tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng kanyang mga luha ngunit hinayaan na lamang niya iyon. Siya din naman ang mahihirapan kapag patuloy niya iyong pupunasan. "Sorry Mommy! Sorry kase sinukuan ko agad si Zarus. Sorry kung hindi ko man lamang siya ipinaglaban. Kung pinakinggan ko rin sana si Zarus ay hindi nangyayari ito sa kanya. Kaya Mommy, patawarin niyo po ako."

"No Inna, it's not your fault. Walang may gustong mangyari ito."

"M-Mommy---"

"Zaicy.. Tita!" Ang malakas na boses ni Khaleesi ang siyang magputol sa kanyang susunod na sasabihin.

Bakit nandito ang babaeng ito? She asked herself habang kunot ang noong nakatingin rito. Pinunasan niya ang mga luha.

Tumatakbo ito palapit sa kanilang puwesto. Nang makarating na ito sa harap nila ay itinukod nito ang dalawang kamay sa tuhod habang humihingal.

"What? Why are you running? May nangyari ba?" she asked at saka tumingin sa kwarto ni Wren kahit hindi na niya ito maabot ng kanyang paningin. Malayo sa kwarto kasi ni Wren sila nag-usap ni Mommy Lyn. She touch her chest when she felt her heart beat so fast.

Itinaas ni Khaleesi ang kaliwang kamay at winagayway ito sa harap niya. Ibig sabihin niyon ay 'sandali lamang'.

Lumapit siya rito at hinimas-himas ang likuran nito. Ilang sigundo bago ito umayos sa pagkakatayo.

"Bakit ka ba kasi tumatakbo?" takang tanong niya rito.

"Si Wren..."

"What happened to Zarus?" biglang sigaw niya.

"H-He's awake,"

"Gising na siya? Ohmygod!" Tumingin siya kay Mommy Lyn. "Mommy, let's go na."

Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito. Tumakbo na siya patungo sa kwarto ni Wren, and she's not minding that she's pregnant. Napatigil lamang siya sa pagtakbo dahil sa sigaw ni Khaleesi at Mommy Lyn.

"Inna, stop running. You're pregnant."
Tumango siya at naglakad nang mabilis. Napahinga siya ng malalim ng marating ang kwarto ni Wren. Hawak ang kanyang tiyan nang pumasok siya sa kwarto. Pagpasok ay sabay na napatingin sa kanya ang nga tao roon. Ang kanyang paningin ay kay Wren agad natuon. Finally, he's awake.

"Zarus!" bulalas niya.

Nakaupo ito sa hospital bed habang kinakausap si Rietto, Saint at Bright pero ng marinig and kanyang boses ay mabilis nitong itinuon ang paningin sa kanya. Nakangiti ito ng sobrang lapad sa kanya. Ngumuso siya saka suminghot, nag uunahan sa pagtulo ang kanyang mga luha. Tumakbo siya palapit rito at sinalubong naman siya nito ng mahigpit na yakap.

"Zayn darling!"

"Zarus," Binaon niya agad ang kanyang mukha sa leeg nito. "You awake."

Napatawa ito. "Of course, I just can't leave my darling alone."

Hinampas niya ang braso nito. "You scared me."

Hinimas nito ang kanyang likuran para patahanin siya. "I'm sorry, darling. Please, tahan na. You are the center of my life now so please stop crying, darling. Nasasaktan din ako kapag umiiyak ka."

Hindi siya sumagot pero humigpit ang yakap niya rito. "I'm sorry! Forgive me, Zarus."

"You're forgiven." Humiwalay siya at ininpeksyon ang katawan nito. Ang mga kasama nila roon ay tahimik lamang na nakikinig at nakatingin sa kanila. "Are you okay? May masakit pa ba sayo? Nagugutom ka? You want water? Juice? Pizza? What do you want?"

She heard a laughs kaya natigilan siya. Nilingon niya ang mga nandoon at nakitang tumatawa ang mga ito. Si Saint ang may pinakamalakas na tawa kaya sinamaan niya ito ng tingin bago nilingon ulit si Wren.

"What are laughing at?" mataray na tanong niya rito.

Umiling ito saka hinawakan ang kanyang kamay at hinila siya palapit sa katawan nito. Bahagya siyang nakadagan kay Wren.

"Ano ba Zarus? Baka mabinat ka eh," nakangusong sabi niya. "Baka bumalik ang girlfriend mo rito, yari ako do'n."

"Girlfriend?" takang tanong nito.

Hinampas niya ang likuran nito at mas lalong ngumuso. "Ngayon idi-deny mo siya."

Nilayo siya ng konti ni Wren at sinilip ang mukha niya. "What are you talking about, darling? Are you talking to yourself?"

She ignore his last question. "Margaux. 'Di ba girlfriend mo iyon?"

"What? I told you she's not my girlfriend." Medyo tumaas na ang boses nito.

Kumawala siya sa mga bisig nito saka sinamaan ito ng tingin. "Sinisigawan mo ba ako?"

Napatanga naman si Wren habang nakatingin sa kanya. "Wha-- of course not, darling."

"Pinagtataasan mo ako ng boses," akusa pa niya.

"Your makulit kase, eh."

Sumama ang mukha niya. Tuluyan na siyang lumayo rito nakita niya ang pagkataranta ni Wren. "Darling? Where are you going? Come back here."

Umiling siya at nag cross-arm sa harap nito. "I don't want. Diyan ka lang, huwag kang aalis sa kamang iyan Wren Lazarus. Sige, subukan mo lang talaga." Banta niya ng tangkain nitong umalis sa kama para lapitan siya.

"Darling naman," nakanguso na ito ngayon.

Tumalikod siya at akmang lalabas ng magsalita ulit ito. "What happend in the airport four years ago is just an unexpected, darling. Margaux is my childhood friend. Doc. Margiel is my mother bestfriend kaya naging magkaibigan din kami ni Margaux. Galing America siya, kakauwi lang niya rito noong nakita mo kami sa airport. And that kiss hindi ko alam na gagawin niya iyon. That kiss is nothing to me, darling. Gusto ko siyang pagalit pero pinigilan ko ang sarili ko. May sakit na sa pag-iisip si Margaux at ayoko naman na ma triggered iyon kaya pinalampas ko na. I'm sorry kung dahil doon nasira tayong dalawa. I'm very sorry, darling. Pero Margaux is just my friend, wala akong gusto sa kanya." Nang lingunin niya ito ay nakayuko na ito.

This is what she want. Gusto niyang marinig ang paliwanag nito. Pero ngayong sinasabi na nito ang mga gusto niyang nalaman ay parang gusto niyang magwala. Gusto niyang sampalin ang sarili ng paulit-ulit. All this years siya talaga ang may kasalanan. She never let Wren explained his side. Hindi man niya  ito pinaliwanag about doon. Nagtatamang hinala lang siya.

"What about the kiss noong nasa Antique tayo?" she asked habang hindi inaalis ang tingin rito.

Iniangat ni Wren ang tingin sa kanya. "I don't know kung paano nalaman ni Margaux ang lugar na iyon. Sekreto ko ang lugar na iyon, darling. Alam ng pamilya at kaibigan ko ang tungkol doon pero hindi pa sila nakapunta doon. Ikaw lang ang tanging dinala ko kaya hindi ko alam kung paano niya nalaman. Tumawag siya sa 'kin at sinabing nandoon siya sa labas ng bahay. Pinuntahan ko siya at hinila sa puno kung saan mo kami nakita dahil ayokong makita mo siya doon. Sinabi kong umuwi na siya but she's a hardheaded girl. Nagulat nalang ako ng higitin niya ako at halikan, iyon ang nakita mo. Sandali lang iyon dahil agad ko siyang tinulak. P-pumasok ako agad ng bahay at hindi na kita nakita roon sa kama. Doon nalaman kung plinano iyon ni Margaux." Namasa ang mga mata nito ng tingnan siya. "Darling, I'm sorry."

Pinunasan niya ang kanyang mga luha at  tumingala, upang hindi iyon dumami. Pero parang hindi yata nakikisabay sa kanya ang kanyang mga luha, lalo itong umagos.

Ang nangyayari sa kanila ngayon ay dahil sa katangahan niya. Dahil sa kababawan niya. Kung pinakinggan niya lang ang paliwanag nito kung nakinig lang sana siya hindi mangyayari sa kanila ito.

"Sorry!" Lumapit siya at umupo sa kama nito,  agad namang hinawakan ni Wren ang kanyang kamay. "Kung hindi ko man pinakinggan ang paliwanag mo noon. Nasaktan kasi ako nang makitang ang halikan ninyo kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sorry sa mga sinabi ko dala lang 'yon ng galit ko. Sorry sa pagiging mababaw ko. Mahal ba mahal kita, Zarus."

Nakagat niya ang pang ibabang labi ng makita ang pagtulo ng mga luha nito. Wren is crying in front of them, wala itong pakialam kung nandoon man ang kaibigan at pamilya nito. Napasinghap pa ang iba ng makita ulit ang pagluha nito pero hindi iyon pinansin ni Wren.

"Thank you for coming back to me, darling. Mahal na mahal din kita." Then he kissed her.

Nang maghiwalay ang kanilang labi ay agad siyang niyakap nito. Mahigpit niya ring niyakap si Wren habang nakangiti.

"Mabuhay ang bagong kasal!" Hiyawan ng mga kaibigan nila na kinatawa nilang dalawa.

Natigil lamang iyon ng bumukas ang pinto. At pumasok ang hindi nila inaasahang bisita.

"MOMMY, DADDY!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top