Chapter 21
TAMA nga ang sabi ng iba 'Iyong sayang nararamdaman mo ay may kasunod na lungkot at sakit'. Ito ang kinatatakutan ni Yzainna na mangyari sa kanya, ang masaktan ulit ng taong sinaktan na siya noon. Akala niya ay seryoso na si Wren sa kanya, na hindi na siya muling sasaktan pa nito. Pero naulit na naman ang nangyari noon, ang lokohin siya ulit nito.
Panay ang lingon ni Yzainna sa kanyang cellphone ng tumunog ito nang paulit-ulit. Kanina niya pa ito iniignora ngunit panay naman ang lingon niya. Alam niya kung sino ang tumatawag kaya ayaw niyang sagutin.
'I'm disappointed Zarus, very disappointed. Akala ko ay okay na talaga tayo. You hurt me again. Sobra-sobra na ito.'
Bumuntong hininga siya at mariing pumikit. Nasa bus siya ngayon, pauwi siya ng manila. Nakangusong napatingin siya sa labas. Malakas na ang ulan at para itong sumasabay sa nararamdaman niya. Mali ba siya ng desisyon na tanggapin ang alok nito? Mas lalo lamang niyang pinapahirapan ang kanyang sarili. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata ng sunod-sunod na tumulo ang kanyang mga luha. Ang sakit-sakit, parang sinaksak ng paulit-ulit ang kanyang puso.
Nang tumunog ulit ang kanyang cellphone ay sinagot na niya iyon, naririndi siya.
"Bakit?" bungad na tanong niya.
"Zayn darling, where are you?"
"None of your business," malaming niyang sagot rito.
"What happened? Please tell me where you are, pupuntahan kita?" Pagsusumamo nito.
Nagsalubong ang kanyang kilay. "Stop acting like you care dahil hindi na bibinta sa 'kin 'yan. Ano pa ba'ng kailangan mo? Nakuha mo na ang gusto mo, paulit-ulit mo nalang ba akong sasaktan, Wren?"
Pansin niyang natigilan ito dahil ilang sigundo itong natahimik. "Zayn, tell me where are you. Galit ka ba sa 'kin? Bakit?"
She firmly close her eyes and gritted her teeth. "Seriously? Really, you asked me that question? Hindi ba dapat at alam mo na iyon? Okay na Wren, eh. Unti-unti ko na talagang nakakalimutan ang lahat. Unti-unti na kita napapatawad sa ginawa mo noon. But I think hindi mo deserve iyon. You make me fool. Hindi ko alam kung tama bang pumayag pa ako sa deal na iyon kase ngayon ay unti-unti ko ng nararamdaman ang pagsisisi." Tumingala siya para hindi masyadong tumulo ang luha sa kanyang mga mata, pinigilan niyang huwag mapahikbi.
"I'm very repentance for letting you in, into my life again. Ang tanga ko lang kase akala ko ay seryoso kana. Naniniwala na akong kontento kana. I gave myself to you Wren, again and again. Pero masyado yata akong naging kampanti sa ilang araw nating magkasama kaya ngayon ay sobra akong nasasaktan. For the third time Wren, I want to say this to you. Sorry...sorry for not enough to you." Bumuntong hininga siya saka sinambit ang katagang alam niyang pagsisisihan niya sa huli. "From now on, don't let our paths meet again. I don't want to see your face. Huwag ka na rin magpapakita sa mga anak ko dahil mula ngayon ay wala ka ng karapatan sa kanila. Pinuputol ko na ang karapatan mo sa mga anak ko. Salamat sa lahat, at paalam Wren." Then she ended the call.
She should stop now calling him Zarus. She need to stop. Dapat na niyang sanayin ang sarili niya ulit.
Umagos ang luha sa mga mata niya. Sunod-sunod iyon, walang kupas ang pagtulo. Humihikbing niyakap niya ang kanyang cellphone. Inalala niya ang mga araw na masaya silang magkasama. Iyong araw na sila lamang na dalawa, walang Margaux na umi-eksina. Mga araw na gumagaan ang pakiramdam niya. Mga araw na akala niya okay na ang lahat. Alam na nito na may anak na sila kaya akala niya ay ayos na. Pero iyon yata ang malaking pagkakamali niya, ang umasang magiging okay na lahat. Kase parang lumala lang lalo ang nararamdaman niyang sakit.
'Sana ay matapos na ito kase masyado ng masakit. Para na akong sinasaksak nang paulit-ulit.'
Pagkatapos ng ilang oras na pag-iiyak ay muli niyang hinarap ang kanyang cellphone.
"Hello?!" sabi sa kabilang linya. Para itong bagong gising.
"N-Nagising ba kita?" mahinang tanong niya, nararamdaman niya muli ang pagtulo ng kanyang mga luha.
"Chérie?"
"Hmm.."
"Why did you called? Umiiyak ka ba? What happened?" sunod-sunod na tanong nito.
Napahikbi siya. "P-Please sunduin mo ako sa airport. Tumitila na naman ang ulan kaya pwede na rin naman bumyahe."
"What?! Bakit? Where is Wren?"
Lalong lumakas ang iyak niya. Mas lalo yata siyang nasasaktan kapag naririnig ang pangalan nito. "I tell you kapag nakarating na ako."
"What the hell was happening?! Sige, hihintayin kita sa airport. Sasabihin mo sa'kin ang lahat, naiintindihan mo ba?"
"O-Oo..Oo!" mabilis niyang sagot. Ramdam na kase niya ang galit nito.
"Sige na." Iyon na at pinatay na nito ang tawag.
MABILIS na pumasok si Wren sa ibang mga kwarto pero wala siyang makitang Yzainna roon. Bumaba siya ng second floor at aktong magtutungo siya sa greenhouse niya nang marinig niya ang boses ni Margaux, parang nasa garden ito banda. Dahan-dahan siyang nagtungo roon.
"I did it, Jess. Yes! Nakita ko si Inna sa likod ng puno kanina so I kissed Wren. I saw the pain on her eyes kanina kaya hindi ko maiwasang magsaya. Hindi naman ako tanga para hayaang kunin niya si Wren sa 'kin. Wren is mine. Of course hindi malalaman ni Wren iyon. Ako lang naman ang nakakakita sa kanya kase nakatalikod siya kay Inna. If you saw her face kanina ay baka pagtawanan mo din."
Biglag nandilim ang paningin niya nang marinig iyon kay Margaux. Kaya pala kahit anong hanap niya sa bahay ay hindi niya makita si Yzainna.
"That bitch! Akala mo kung sino siya. Did you see what she did to me? Pinahiya niya ako sa lahat. Pati ang mga bastardong anak niya ay gumaya sa kanya. Nasira ang career ko dahil sa video'ng iyon. Wala nang company ang kumukuha sa'kin even my manager disgrace me. Hindi ko mapapalampas iyon. Pati ang bastardong---Araay!" Malakas niyang hinablot ang braso nito.
Mapapalampas niya pa ang ginawang paghalik nito sa kanya kanina pero ang tawaging bastardo ang mga anak niya kay Yzainna ay ibang usapan na. Nag-iinit ang ulo siya.. Nanginginig ang kamay niya, parang gusto niyang saktan ito.
"You! Ikaw pala ang may kasalanan kung bakit wala si Zayn dito ngayon." Diniinan niya lalo ang pagkakahawak rito. "Mapapalampas ko ang paghalik mo kanina pero ang sabihing bastardo ang mga anak ko ay nandidilim ang paningin ko. How dare you!?" galit niyang sigaw.
"A-Araay! W-Wren nasasaktan ako," natatakot nitong sabi.
Sumama ang mukha niya. "Masasaktan ka talaga sa'kin kapag hindi ka pa umalis rito. Kapag may nangyari kay Zayn ay humanda ka sa'kin dahil hindi mo magugustuhan ang magagawa ko sayo."
"W-What?! G-Girlfriend mo ako bakit mo ako ginaganyan?" sigaw nito sa kanya.
Napangisi siya dahil sa sinabi nito, "Alam mong hindi kita girlfriend. Ikaw lang ang nagpapalabas na girlfriend kita kahit hindi naman talaga. Mula noon ay alam mong iba ang mahal ko pero pinagsisiksikan mo pa ang sarili mo. Pangalawang beses mo nang ginawa ito, dahil sayo kaya niya ako iniwan ulit. Lahat ng nangyayari sa buhay ko ay kasalanan mo!" Madiin at galit na sigaw niya, habang hawak pa rin ang braso nito. Pabalang na binitawan niya iyon. Muntik na itong matumba dahil doon.
"W-Wren, please!"
"Umalis ka na." Mariin pa ring sabi niya pero hindi ito natinag. "UMALIS KA NA!" sigaw na niya at mabilis naman itong umalis sa harap niya.
Bumalik siya sa kwarto at kinuha roon ang kanyang cellphone. Tinawagan niya si Yzainna ng paulit-ulit, pero hindi nito sinasagot ang kahit anong tawag niya. Pabalik-balik siyang naglakad sa kanyang kwarto, masyado siyang kinakabahan. Kinakabahan siya baka may mangyaring hindi maganda sa babaeng mahal niya. Nakita sila nito kanina at hindi niya iyon alam kung hindi niya lamang narinig si Margaux. Akala niya ay natutulog pa ito kanina. Tumawag si Margaux kanina na naroon ito sa labas ng bahay niya, at hindi niya alam kung bakit alam nito na naroon siya sa Antique. Wala siyang ni isang sinabihan sa lugar na ito kundi ang mga kaibigan at magulang lamang niya. Hindi niya rin inasahang hahalikan siya ni Margaux kanina pero talagang tinulak niya ito.
"Please darling, answer my call," bulong niya.
Kinakabahan siya Ilang ring pa bago sinagot na nito ang tawag niya.
"Bakit?" bungad tanong nito sa kanya.
"Zayn darling, where are you?" kinakabahang tanong niya.
"None of your business," malaming nitong sagot.
"What happened? Please tell me where you are, pupuntahan kita?" pagsusumamo niya.
"Stop acting like you care dahil hindi na bibinta sa 'kin 'yan. Ano pa ba'ng kailangan mo? Nakuha mo na ang gusto mo, paulit-ulit mo nalang ba akong sasaktan, Wren?" Ramdam niya ang sakit sa boses nito.
Natigilan siya at ilang sigundong natahimik. Binundol ng kaba ang puso niya. "Zayn, tell me where are you. Galit ka ba sa 'kin? Bakit?"
"Seriously? Really, you asked me that question? Hindi ba dapat at alam mo na iyon? Okay na Wren, eh. Unti-unti ko na talagang nakakalimutan ang lahat. Unti-unti na kita napapatawad sa ginawa mo noon. But I think hindi mo deserve iyon. Again, you make me fool. Hindi ko alam kung tama bang pumayag pa ako sa deal na iyon kase ngayon ay unti-unti ko ng nararamdaman ang pagsisisi." she said painfully.
Mas lalo siyang natigil dahil sa sinabi nitong iyon. Sunod-sunod na mahinang mura ang pinakawalan niya. Alam niyang nasasabi lamang nito ang mga iyon dahil sa galit nito pero ang sakit pa rin pala. Unti-unting nadudurog ang puso niya. Gusto niyang magsalita pero pinigilan niya lang. Gusto niyang marinig pa ang mga masasakit na salita nito. Gusto niyang marinig ang nararamdaman nito.
"I'm very repentance for letting you in, into my life again. Ang tanga ko lang kase akala ko ay seryoso kana. Naniniwala na akong kontento kana." Rinig niya ang mga hikbi nito.
'I'm serious and contented to you, darling.' Gusto niya iyong isantinig pero natatakot siyang baka hindi ito maniwala sa kanya. At isumbat sa kanya ang nangyari kanina.
"I gave myself to you Wren, again and again. Pero masyado yata akong naging kampanti sa ilang araw nating magkasama kaya ngayon ay sobra akong nasasaktan. For the third time Wren, I want to say this to you. Sorry...sorry for not enough to you." Bumuntong hininga ito saka sinambit ang katagang ikinatigil ng mundo ko. Hindi niya iyon inasahan. "From now on, don't let our paths meet again. I don't want to see your face. Huwag ka na rin magpapakita sa mga anak ko dahil mula ngayon ay wala ka ng karapatan sa kanila. Pinuputol ko na ang karapatan mo sa mga anak ko. Salamat sa lahat, at paalam Wren." Then she ended the call.
Nabitawan niya ang kanyang cellphone. Napaatras siya at napaupo sa kama. Hindi niya namalayan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa pagkirot nito. Pakiramdam niya ay durog na durog na siya. Wasak na wasak. At parang gumuho talaga ang kanyang mundo dahil roon. Hindi siya makapaniwalang nasabi ni Yzainna iyon sa kanya. Muling tumunog ang kanyang cellphone kaya mabilis niya itong kinuha dahil akala niya ay si Yzainna iyon. Pero ganoon na lamang ang panlulumo niya ng hindi ito iyon.
Sinagot niya ang tawag at walang ganang nagsalita. "Rietto?"
"What did you do?" galit nitong sigaw.
Natahimik siya. May alam ba ito? Did Inna tell him?
"Wren! Anong ginawa mo? Bakit umiiyak si Inna? Bakit siya nagpapasundo sa'kin? Ano na namang ginawa mo?" galit na galit talaga ito.
Lalong tumulo ang mga luha niya. "Hindi ko alam.. Hindi ko alam.. Please tell me kung nasaan siya ngayon. Hindi ko sinasadya."
"You hurt her again? Sinaktan mo na naman siya? Hindi ka ba nagsasawang saktan siya ha, Wren?! Kapag may mangyari sa kanya, tandaan mong buwag na tayo. Tandaan mo yan Wren, buwag na tayo," sigaw nito.
Mas lalo siyang natigilan, "Bakit mo sinasabi to? Bakit galit na galit ka sa'kin? Hindi ko sinasadya iyon, kasalanan ni Margaux iyon at hindi ako. Bakit ganoon mo nalang nasasabi sa'kin ang salitang buwag, Rietto? Nang makita ko kayong magkayakap sa bahay mo, sinabihan ba kitang buwag na tayo? Yes, I punch you but i didn't said those word to you. At bakit ba masyado kang nag-aalala kay Zayn? Ano ba talaga ang relasyon niyong dalawa," walang emosyong tanong niya.
"Wala kang pakialam. Sobrang mahalaga sa 'kin si Inna na kahit pagkakaibigan natin ay kaya kong buwagin para sa kanya. Bilisan mong pumunta dito sa bahay baka kapag nagtagal ka pa diyan ay ilayo ko siya ng tuluyan sayo. Hindi mo gugustuhin iyon Wren, dahil kapag ginawa ko iyon ay hinding-hindi mo na siya makikita pa. Bilisan mo, sa bahay ka dumeretso." At nawala na ito sa kabilang linya.
Paulit-ulit na nag-replay sa'kin ang sinabing iyon ni Rietto. Anong ibig sabihin nito? Kumuyom ang kanyang kamay at tumayo, mabilis na kinuha ang susi at nagtungo sa kanyang kotse. Madulas ang kalsada dahil sa ulan kanina pero wala lamang iyon sa kanya. Kailangan niyang sundan ang babaeng mahal niya. Ayaw niyang ilayo ito ng tuluyan ni Rietto kahit na nagtataka pa rin siya kung ano ang relasyon nito kay Yzainna.
Mabilis niyang pinatakbo ang kanyang sasakyan, walang pakialam sa mga sasakyang nakaharang sa dinadaanan niya. Ilang oras ang byahe niya, mabuti na lamang at naroon ang piloto niya kaya nakaalis agad sila sa Antique. Nang makarating sila roon sa airport ay mabilis siyang nakababa agad sa kanyang pribadong eroplano niya. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Saint.
"Dre, pakidala naman sa airport ang kotse ko na naiwan ko diyan sa bahay mo. Bilisan mo," nagmamadaling sabi niya.
"Dre, bakit? Di ba nasa---"
"Saint, faster! Kailangan ko siyang maabutan bago pa mailayo siya sa'kin ni Rietto. Faster, please." Naluluhang pakiusap pa niya.
"Oo, sige. Hintayin mo nalang ako diyan, dre. Five minutes ay nandiyan na ako."
"Salamat, dre." Pinatay niya ang tawag at lumabas ng airport. Roon siya naghintay sa kaibigan.
Saktong five minutes ay dumating si Saint. Lumabas ito at ibinigay sa kanya ang susi. Nagpapasalamat siya at hindi ito nagtanong pa sa kanya. Kinuha niya ang susi at sumakay sa kotse.
"Thank you, dre!" Tumingin pa siya rito mula sa nakabukas na bintana at pilit na ngumiti.
Tumango ito, "Mag-ingat ka, madulas ang kalsada."
Ngumiti siya at tumango-tango, "Sige, salamat ulit." Binuhay niya ang makina at pinaandar ito.
Mabilis niyang minaneho iyon at aktong paliko na siya para makaalis na siya sa airport nang may sumalubong sa kanyang na mabilis rin ang pagmamaneho. Hindi niya iyon naiwasan hanggang sa bumangga na nangtuluyan ang kotse siya sa kotse nito. Masyadong malakas ang pagbangga nito.
"DREEEEEEEEEE!" Ang malakas na sigaw na iyon ni Saint ang huli niyang narinig bago dumilim ang kanyang paningin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top