CHAPTER 8


DELIA

Nandito kaming lahat sa set. Nag uusap kaming lahat kung ano ang gagawin dahil sa isyung biglang pumutok sa social media.

"Isn't clear na sinabi namin na idelete 'yong clip video na 'yon!? Bakit lumabas pa rin!?" singhal ni Ate Jessica, ang Film Producer namin.

Lahat kami ay natahimik. Nakakahiya, pakiramdam ko ay kasalanan ko.

"Na saan si Primo!?"

Na saan na nga ba 'yon? Nilibot ko ang aking tingin ngunit wala akong Primo na nakita. Late na naman ang tukmol.

"I'm here." Napatingin kaming lahat sa kaniya na kararating lang. Dumapo ang kaniyang tingin sa akin kaya mabilis kong inilihis ang aking paningin sa ibang direksyon.

Pakiramdam ko ay namumula ako. Naalala ko na naman 'yong kahapon.

"Kiss me." Napalunok ako at aatras na sana nang hawakan niya ang ulo ko at angkinin ang mga labi ko. Napawak ako sa laylayan ng kaniyang damit dahil parang nalulunod ako sa kaniyang mga halik.

*Peep! Peep!*

Bigla ko siyang naitulak palayo habang habol ang aking hininga nang may biglang bumusina sa labas.
"Si Luna na yon. Aalis na ako!" 'Di ko na nakita ang kanyiang reaksyon dahil mabilis na akong tumakbo palabas ng bahay niya.

Tatlong beses niya na akong nahalikan at may kakaiba na akong nararamdaman. Taena, naman Delia. Hinalikan ka lang bumibigay ka na? Alalahanin mo, play boy ang Primo na 'yan.

Mukha akong tanga na nakikipag talo sa sarili ko. "You're crazy Delia, " i uttered.

"So anong plano mo sa issue na kalat na kalat na ngayon? Kung hindi ka ba naman uminom ng totoong alak, edi sana matino ang pag uutak mo sa mga oras na 'yon! singhal sa kaniya ni Ate Jessica.

Napakamot lang ng batok si Primo. Pawang pinalabas lang sa kabilang tenga niya ang mga sinabi ni Ate Jessica.

"That's why I'm her." A sexy woman came out. Siguro mga mid 40's, pero ifairness ha ang ganda at parang ang bata pa.

"Oh, hello Manager Amanda, you're here." Pag bati ni Ate Jessica at nakipag beso sa babae, gano'n din ang ginawa ni Luna at ate Rafaela na Production manager namin.

"Yes, I'm her to help you guys, dahil sa gulong pinasok ni Primo."

"Who is she?" pabulong na tanong ko kay Emily na nasa tabi ko.

"She's Amanda Beunavista, manager of Primo at aunt niya, " mahinang sagot nito.

"Ahh..." Muli kong tinapunan ng tingin si Ms. Amanda. Medyo may hawig nga sila ni Primo pag sinuri ng mabuti.

"So dahil nga trending ang video ni Primo with..." Inikot niya ang kaniyang tingin at dumapo ito sa akin. "With her, ikaw si Delia tama?" tanong niya sa akin. Napatango ako bigla kahit parang kakainin ako ng lupa dahil sa hiya.

Tumango tango lang ito at muling nag salita.
"Kailangan gumawa tayo ng alibi para sumara ang issue na 'to. Kaya nag patawag ako ng conference to clarify this."

Napasinghap si Luna dahil sa narinig.
"You mean, magpapaconference ka without telling us first?" Luna asked.

" Ms.Villafuerrte, we don't have enough time. P'wedeng hindi matuloy ang project na 'to pag hindi inaksyonan agad. Artista si Primo at may scandal siya sa isa sa mga staff ng set. Ano ang magiging impact nito sa project niyo? Do you think na magakaka-interest pa ang taong manood ng movie na 'to kung alam nilang may relasyon o ano man si Primo sa PA niyo?"

Napayuko ako sa sinabi niya. Yeah, she's right ako ata ang makakasira ng lahat.
"Kung hindi sana kumerengkeng ang PA na yan edi sana walang problema diba!?" Napalingon ang lahat kay Molly.

"Shut up Molly! You're not helping!" singhal sa kaniya ni Luna.

Napatingin sa akin si Primo na bakas ang pag aalala sa kaniyang mukha ngunit yumuko lang ako para pigilan ang pag tumulo ng mga luha ko.

Yea, it's my fault. Bakit ba kasi ako napasok sa ganitong gulo? Hindi ko naman masisisi si Primo dahil lasing siya sa mga oras na iyon at wala siya sa tamang pag iisip. Pero ako, ako 'yong nasa tama ang pag iisip sa mga oras na 'yon pero wala man lang akong ginawa para mapigilan siya. Hinayaan ko lang siya. Oo aaminin ko, nagustohan ko ang ginawa niya at 'yon ang pagkakamali ko.

"So what's your plan?" tanong ni Ate Jessica kay Ms. Amanda.

Huminga muna ito ng malalim bago nag salita. "Sa gagawin nating 'to meron tayong itataya. May mga pag pagbabago sa play na dapat isa alang-alang. We need to show that Primo and Delia is the twist of this movie." Lahat ay natahimik na pawang nagugulohan sa kaniyang sinabi. Kahit ako ay hindi ko rin naintindihan.

"What do you mean by that?" Luna asked.

"Kung gagawin natin 'to. Kailangan natin ipasok sa cast si Delia at siya ang magiging leading-lady ni Primo sa film. Para ipalabas na behind the scene cuts ang kumalat sa social media."

Lahat ay nagulat sa kaniyang sinabi. Kahit ako ay parang hindinnag sink in sa utak ko ang mga narinig ko. Paanong ipapasok ako bilang cast eh hindi naman ako artista?

"Excuse me, Ms.Amanda! Are you out of your mind!? Gagawing leading-lady si Delia, e hindi naman 'yan artista. At ano ako? Papalitan niyo!?" galit na anas ni Molly.

Tama nga naman. Hindi naman p'wedeng palitan ang leading-lady ng ganun-ganun na lang tapos hindi pa ako artista.

"I'm sorry Ms. Amanda pero imposible ang sinasabi niyo. Hindi ako papayag," saad ni Luna at tinignan ako. "Delia is not an artist at wala siyang pinirmahang kontrata. Kahit saan tignan ay impossible ang sinasabi mo. Hindi tayo nag r-role playing dito na parang highschool students, Ms. Amanda."

Tama ang sinabi ni Luna. Hello, illegal immigrant nga ako at bago ako pumasok sa industry ng pag a-acting ay kailangan ko muna pumirma ng kontrata sa isang kompanya o network na mag h-handle sa akin.

"Iyon nga, Ms. Villafuerte. That's why I'm here. I can handle your P.A.. That's not a problem. I can be her manager."

"Ms. Amanda, hindi naman ganun kadali ang lahat ng sinasabi mo, " protesta ni Luna.

"Direk, we don't have any choice. Hahayaan niyo na lang ba na hindi matuloy ang project na 'to? Iyon lang ang naisip king paraan. Kung papayag kayo ngayon, aasikasohin ko kaagad 'to para tuloy-tuloy ang taping at ma i-palabas ang movie sa releasing date nito."

Napahilamos ng mukha si Luna habang si Ms, Jessica ay napailing. "Ms. Amanda you're making you're own decisions. Alam niyo ba na ang hirap ng gusto mong mangyari? Hindi artista si Delia mahihirapan siya. Okay lang sana kung may experienced siya sa pag arte, kahit walang workshop ay p'wede siyang isalang sa actingan, " Ms. Jessica said.

"C'mon, Ms. Amanda. Gagawin niyo bang dog show ang project na 'to? " sabat ni Molly at tumawa. "Si Ms. P.A gagawin niyong artista? Nag papatawa ka ba? " Halata sa mukha ni Molly ang pagkairita

"Bakit may naisip ka bang mas maayos na paraan, Ms. Molly? Kung kaya mong sulosyonan 'to, edi sige, gawin mo, " sarkastikong sagot ni Ms. Amanda sa kaniya.

Molly rolled her eyes at inilihis niya ang kaniyang tingin kay Ms. Amanda.

Napapikit na lang ako dahil mas lalong nagiging komplikado ang lahat.

"Tita, p'wede bang tanongin muna natin si Delia kung papayag bago tayo mag desisyon dito?" ani Primo at tinignan ako.

Lahat sila at napatingin sa akin. "Ms. Delia, what can you say? Kaya mo ba umarte?" tanong ni Ms. Amanda.

" I can act." Pinandilatan ako ni Luna ng mata na parang sinasabi na 'wag ako mag salita ngunit hindi ko iyon pinansin. Kailangan kong gumawa ng paraan para matapos 'to. "I can act. Nag acting workshop ako sa london at ilang beses rin akong naging supporting role sa mga movie ma ipinalabas sa london."

"Oh, that's great! Tapos ang problema!" natutuwang anas ni Ms. Amanda.

Humalakhak si Molly. "Seriously? Ikaw marunong umarte? Baka mamaya mas lalong bumigat ang taping dahil sa 'yo?" saad nito na paranf minamaliit ang kakayahan ko.

"Molly!" saway ni Luna. It's okay," I mouted.

"Kung yan ang paraan para mawala ang issue at matuloy ang project na 'to ay gagawin ko."

Ngumiti si Ms. Amanda habang si Primo naman ay nakatingin lang sa akin.

"Ayon naman pala. She can act, so the problem is solve, " saad ni Ms. Jessica.

"So mag babago ang character role?" Emily asked.

"Yes, exactly. Si Delia na ang magiging leading-lady at si Molly ang magiging second-lead."

"Ano? Nababaliw na ba kayo!? " Biglang tumayo si Molly. "It's fvcking freaking no way!" galit na sabi nito.

"Molly, can you please calm down? Umupo ka nga muna! " pag saway sa kaniya ni Ms. Jessica.

Padabog itong umupo at tinignan ako ng masama.

"Magkaka problema pa rin tayo sa changes of role. Si Emily ang second lead tapos si Molly ang leading-lady, e saan natin ipapasok si Emily kung magiging second lead si Molly? Hindi naman p'wedeng tanggalin natin si Emily sa film," ani ate Rafaela. Sa wakas ay nag salita na rin siya. Kanina pa kasi siya tahimik at walang imik.

"I can revise the script. Kaya kung bagohin. Hindi naman tayo mag kaka-problema sa plot. Ganun pa rin naman may kaunti lang na aayosin. Si Molly ang magiging second- lead which is magiging ex ni Primo sa movie at si Delia na hahalikan ni Primo sa bar ay ang magiging leading-lady niya. Ganun lang ka simple 'yon. Kung pinoproblema niyo ang character ni Emily, madali lang bagohin ang character niya. Hindi tayo magkakaproblema ro'n," saad ni kuya Kenny, ang screen writer namin.

Napaawang ang labi ni Molly at lumapit kay kuya Kenny. "Kuya! Don't do this to me! Babagohin niyo talaga ang chatacter roles? I'm the leading-lady of this movie 'wag niyo namang bagohin para lang sa Delia na 'yan!" inis na protesta ni Molly.

"Molly, I'm doing this not for Delia, I'm doing this to save this project. Lahat tayo ay p'wedeng mawalan ng trabaho dahil sa scandal na 'to," Mahinahon na turan ni Kuya Kenny.

"Kung alam ko lang na ako ang malalaglag, edi sana 'di ko na lang pinost 'yong video!" sigaw niya habang nangingilid ang mga luha nito.

Lahat ay napatingin sa kaniya at nagulat dahil sa sinabi niya.
Napaiwas siya ng tingin nang mapagtanto niya kung ano ang mga salitang lumabas sa bibig niya.

"Ikaw ang nag post ng video!?" Nanlilisik ang mga mata ni Ate Jessica. Hindi nakapag-salita si Molly. "Hindi mo ba alam kung anong gulo ang ginawa mo!? You almost ruined this project!" sigaw ni Ate Jessica na ikinahikbi niya.

"I-I didn't mean it. I posted it j-just for fun," she uttered.

Nahilamos ni ate Jessica ang mga palad nito sa kaniyang mukha.
"Alam mo napaka-iresponsable mong artista! Do you think its fun!?" Galit na galit si ate Jessica. Hinawakan ito ni ate Rafaela para pakalmahin.

Ang hikbi ni Molly ay naging hagulgol na.
" I'm sorry! Hindi ko naman intensyon 'yon eh!" anito habang umiiyak.

Mag sasalita pa sana si Ate Jessica nang mag salita ako.
"Enough ate, papayag naman na rin naman akong pumalit kay Molly, e. No need to scold her. "

"Pero hindi ako papayag!" biglang sigaw nito.

"You're being selfish Molly! Kung hindi mo sana ginawa 'yon, edi sana walang problema!?" inis singhal ni Luna. "Ikaw ang sinunog ng sarili mong apoy, Molly."

"Bakit ako lang ang sinisisi niyo? May kasalanan din naman si Primo at Delia ha!?" Napapikit na lang si Ate Jessica para pigilan ang inis niya.

"If I were you Molly, tatahimik na ako. Mas lalo mong ginagawang komplikado ang lahat, e, " saad ni Primo habang hawak-hawak ang batok nito.

Nilapitan siya ni ate Rafaela at hinawakan sa balikat.
"Molly, please, If you want this project, please cooperate, okay?" Mahinaon na wika niya rito. Bumalik si Molly bsa kaniyang upuan at hindi na nag salita.

Ate Jessica sighed deeply bago binalik ang tingin kay Ms.Amanda. "So anong oras ang pres-conference?" Mahinahon niyang tanong.

"Sandali, mag papa-pres-conference tayo na hindi pa naayos ang papers at kontrata ni Delia? " Luna worriedly asked.

"Gagawin natin 'yan before pres-conference, " sagot sa kaniya ni Ms. Amanda.

Napatingin ako kay Luna. Patay! Wala akong maipapakitang personal information ko sa kanila. Wala akong record dito sa Pilipinas dahil hindi naman ako ipininanganak rito at lalong-lalo na na hindi nila p'wedeng malaman kung sino talaga ako.

Lumapit si Luna sa akin at bumulong. "Mag-usap tayo mamaya. " Tumango na lang ako bilang sagot .

" Alright! Mamaya, 3p.m., dito mismo sa set gaganapin ang pres-conference," ani Ate Jessica.

"Alright, then mag handa na tayo, " saad ni Ate Rafaela at tumayo sa silya niya.

"Delia, mag usap kayo ni Ms. Amanda para i-process ang contract mo. And kayo Primo Molly, Emily and Aaron, mag handa kayo," anas ate Jessica bago umalis kasama si Ms. Rafaela. May pag-uusapan ata.

"Delia, hihintayin kita sa office ko. Aayosin natin ang contract mo," ani Ms. Amanda bago umalis.

Damn it! Ano na ang gagawin mo, Delia.
Nagulat ako nang may humawak sa kamay ko at hinila ako palayo ro'n. It's Luna.

"Bakit ka pumayag!? " mahina niyang singhal sa akin. "Ikaw lang ang hinihintay kung humindi kanina, Delia. Wala rin naman silang magagawa kung aayaw ka sa gusto ni Ms. Amanda, e. Ipapahamak mo ang sarili mo. "

" Luna, I'm doing this to save this project. Ayoko na ako ang magiging dahilan kung bakit mawawalan ka ng trabaho, " saad ko.

Napahilamos siya ng kaniyang mukha. " Delia, 'di mo alam ang pinapasok mo! Delia ma-eexpose ka sa TV. Alalahanin mo, isa kang PRINSESA NA TUMAKAS SA BANSA NIYO!" she emphasis the last words she said.

Oo delikado nga 'tong gagawin ko. Pero ayoko rin na mawala sa kanila ang project na 'to. Pinag hirapan nila ito lalong-lalo.

"Delia listen." Hinawakan niya ako sa balikat. "Ang trabaho dadating lang sa amin. Kahit 'di matuloy 'to director pa rin ako. Madami pang projects na dadating. Kung sila man ang inalala mo sasabihin ko sa 'yo, mga artista ang mga 'yan. Marami pa silang projects na matatanggap. Pero ikaw, isa kang takas na prinsesa na nag tatago. Gugustohin mo bang mawala ang lahat ng pinag hirapan mo sa pag takas doon? Gusto mo bang bumalik ka ulit sa dati mong buhay?"

May point siya. Ngunit napaka selfish ko naman ata kung uunahin ko ang sarili. Ang dami nilang mawawalan ng trabaho dahil sa akin. Kaya hindi ko maatim 'yon.

Pumikit ako at humugot ng hangin 'tsaka ko tinignan si Luna.

"Kung mangyayari man 'yon, utang ko pa rin sayo ang lahat. Pinaranas mo sa akin ang maging malaya kahit sa ikli lang na panahon," saad ko at mapait siyang nginitian.
"P-Pero Delia..."

"It's okay Luna. Trust me." Hinawakan ko ang kaniyang pisngi. Tinignan niya lang ako at unti-unting nahulog ang mga luha niya sa kaniyang nnga mata.

Yumoko ito para hindi ko makita angmukha niya. "Ayoko lang na bumalik ka roon at mahirapan na naman." Napahikbi siya kaya niyakap ko ito.

Aww... I'm so lucky to have this woman.
Pinunasan ko ang mga luha kong kumawala sa mga mata ko bago ko siya hinarap ulit. Suminghap siya at tinuyo ang mga luha niya 'tsaka nag salita.

"Alright, gawin mo lahat ng gusto mong gawin hanggat nandito ka. Be free," anito at niyakap ako.
"Thank you. You're the best friend I ever had," bulong ko sa kaniya.

Matapos ang kadramahan namin ni Luna ay sinamahan niya ako kay Ms. Amanda. Bago pa man ako makuha ng kontrata ay pinag-usapan muna namin ang tungkol sa mga legal papers ko. Pineke ni Luna ang mga papeles ko dahil hindi naman ako p'wedeng malantad. Buti na lamang ay marami siyang connection kaya na i-process agad ito ng mabilis.

After maayos ang lahat ay agad akong pumirma ng kontrata at si Ms. Amanda ang ang naging Manager ko. Everything is set now. Wala na akong ibang iisipin pa kundi ang pagiging successful ng project.

"You look so gorgeous." Napalingon ako sa likod ko and that was Primo.
Katatapos ko lang kasi ayosan at nandito pa ako sa harap ng salamin. Ilang minuto na lang ay mag uumpisa na ang pres-conference

"Nervous?" he asked.

Tumango-tango ako. Sanay naman na ako sa mga camera dahil nga Prinsesa ako. Pero ang ikinakaba ko baka umabot 'to sa bansa namin.

"Don't be nervous, I got you." Bahagya akong napangiti dahil sa sinabi niya.
Mga banat talaga ng isang Primo Youseff ano?

"What was that look?" Bigla akong napalihis ng tingin. Taena nakatitig pala ako sa kaniya.

"Bakit nandito ka pa? Mauna ka na ro'n. Hello ladies dressing room kaya 'to." Pag iiba ko ng topic.

"Asus, akala mo naman hindi pumasok sa men's dressing room noon habang nag bibihis ako, ah."

Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Leshe! Pinaalala pa kasi eh! Nakita ko talaga ang mga pandesal niyang kumikinang- kinang noon.
Gosh Delia! Ginawa mo naman atang diamonds?

"Are you blushing?" He laughed.

"Lumabas ka na nga nakakadagag ka ng init dito sa loob, eh!" Tumayo ako at itinulak tulak siya.

"Mainit talaga, because I'm hot." Pag mamayabang niya.

"Mag kaiba ang hot sa mahangin Mr. Youseff kaya labas na." Muli ko siyang itinulak-tulak palabas.

Huminto muna siya at biglang nilevel ang mukha niya sa akin.

"Nabitin ako kahapon," bulong niya at tumawa. Pakiramdam ko ay nangangamatis na ang mukha ko.

"Layas na nga!" Inis na singhal ko sa kaniya.
"Bye, see you later," saad niya at kumaway-kaway pa habang papalabas.

Napatakip ako ng mukha para pigilan ang sarili kong sumigaw sa asar.
Primo Youseff napaka manyak mo!

Nag palipas muna ako ng ilang minuto sa loob ng dressing room bago lumabas dahil mag sisimula na ang pres-conference.

Pag labas ko ay napapikit ako dahil sa liwanag ng flash ng camera.
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at napansin kong may palad nang nakaharang para hindi ako masilaw .

"Walk," tipid na saad ni Primo at inalalayan ako hangang makaupo sa tabi ni Emily.

Pinagpapawisan ng malamig ang aking mga palad dahil sa kaba.
Bakit ba ako kinakabahan? Hindi naman ito ang first time na humarap ako sa pres, a.
Nagulat ako nang ilapit ni Primo ang kaniyang mukha sa akin. "Don't be nervous. I got your back," bulong nito.

Dug..dug dug.. dug dug.

Mas lalo ata bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya, e.

Nginitian niya ako 'tsaka nilayo ang mukha sa akin.

Naku! Primo bakit ba ganito ang dating mo sa 'kin?
Umiling ako at huminga ng malalim 'tsaka ko inayos ang aking sarili.

Nagsimula na ang Pres-conference at sinabi lahat ni Ate Jessica at nila Luna ang mga pinag-usapan namin. Pinalabas na isa ako sa mga cast ng movie at ako ang ang naging twist. Pinalabas din na behind the scene cuts ang aksidenteng naipalabas sa social media. Madaming mga tanong ang mga binato sa amin at nasasagot ko rin naman ng maayos iyon dahil na rin sa tulong nila Primo at nila Luna.

Nag tagal ng isang oras ang Pres-conference at balik na kami sa dati. Malinaw na ang lahat at isa na nga ako sa cast ng movie na 'to. Imagine, ang isang Production Assistant ay naging artista at ang malala, e leading-lady pa.

" So everything is under control na. Sana ay wala ng gagawa ng ikakagulo ulit ng project na ito. Maliwanag?" ani Luna.

"Yes, Direk! " sagot ng lahat.

"So any questions, clarifications?" tanong ni Ate Jessica. Wala namang sumagot kaya tumango-tango siya

"For now, you can rest. Bukas na tayo ulit mag re-resume. Iyon lang and have a good day, " saad ni Luna.

Nag sialisan na sila hangang kami na lang ni Primo at Luna ang natira.

"Delia mauuna na ako sa labas ah. May tatawagan lang ako, " paalam ni Luna sa akin.

Nag aayos ako ng mga gamit ko nang maramdaman kong lumapit si Primo sa akin at kinalabit ako.

"What?" tanong ko na 'di man lang siya tinapunan ng tingin.

"I'm excited," wika nito.

Inangat ko ang tingin sa kaniya at tinaasan ng kilay.

"Excited saan?"

Ngumisi ito at inakbayan ako na agad ko namang tinanggal.

"Ang touchy mo, ah," sabi ko at binalik ang aking tingin sa pag aayos.

"Asus, excited lang ako sa kissing scene sa bar. Remember, hindi nag bago ang plot i-reretake ang scene na iyon."
Napaatras ako nang bigla na naman niyang ilapit ang mukha niya sa 'kin. Taena, Primo bakit ba ang hilig mong gumanyan?

"Galingin mo, ha. Nabitin talaga ako kahapon, e," saad niya at muling ngumisi na may pang-aasar.

Napa yukom ang palad ko dahil pakiramdam ko ay namumula na naman ako. Tumalikod na ito at aalis sana ngunit muli niya rin akong hinarap. "By the way, I just want to tell you that you're a good kisser and I like it," he said and wink at me 'tsaka tuloyan nang umalis

Pakiramdam ko ay parang kamatis na sa pula ang aking mukha. Pakiramdam ko ay umiinit ito.

Primo Youseff napakamanyak mo!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top