CHAPTER 11
DELIA
Maaga akong umalis ng bahay para pumasok, nauna pa ako kay Luna. Hindi kasi ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari kahapon. Ngayon na alam ko na na si Harry ang papakasalan ko ay dapat ay matuwa ako ngunit parang may pag alinlangan parin ako, hindi ko alam ang gagawin ko.
Dumaan muna ako sa MM cafe para bumili ng Mocha Cookie Crumble ko. Nakasanayan ko na to na 'bis na kape ang iinomin sa umaga ay ito ang binibili ko.
Pag tapos kong umorder ay umupo ako sa gilid ng wall glass kung saan kitang-kita ko ang mga dumadaang sasakyan sa labas.
I sipped my frappe and look outside again to unwind my mind. Bakit ba ako nagugulohan? I deeply sighed to calm myself.
"Ano bang iniisip mo na parang pasan- pasan mo ang mundo?”
Napaangat ang tingin ko at halos mapatalon ako sa pagkakaupo dahil sa gulat nang makita ko si Primo na nakaupo sa harap ko habang may hawak-hawak na kape.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Gosh! Bakit nandito 'to? Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.
"P-Primo... Kanina ka pa riyan?"
Sumimsim muna siya ng kape bago ako nginitian at nag salita. "Actually kanina pa ako nakasunod sa 'yo mula pa sa labas. Hindi mo lang ako napapansin,” aniya at pinatong ang kape niya sa ibabaw ng mesa.
"So kumusta ka? Are you okay now?" tanong nito. Namula ako dahil sa tanong niya. Taena! Parang walang nangyari ah. Kumusta ba kung masakit ang little baby ko? Matapos niya akong ararohin mangangamusta? Butasan ko kaya tagiliran nito.
"I-I'm fine,”'sagot ko at tumayo. Aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko.
“I'm sorry,” biglang sabi niya.
Napatanga naman ako dahil doon.
Parang nainis ako sa sinabi niya. He's sorry dahil nakuha niya na ang gusto niya sa 'kin?
Binawi ko ang braso ko at tinignan siya ng masama. "Jerk!" i uttered and runaway.
Ano ba ang eni-expect ko sa babaerong lalaki na 'yon? Taena naman kasi Delia ang bobo mo!
Pag labas ko ay agad akong nag para ng taxi ngunit hindi muna ako dumeretso sa set. Mamayang hapon pa naman ang taping kaya ayos lang maaga pa naman at ayoko pang makita ang pagmumukha niya!
Bumaba ako sa sea side malapit sa likod ng MOA. Tinanggal ko ang sapatos ko at bumaba sa mga bato.
Buti pa rito ang tahimik nakaka relax.
Lumapit ako sa dalampasigan at umupo. It's so relaxing. This is the best place pag magulo ang utak. When i'm in London pag may problema ako lalo na no’ng umalis si Harry ay palagi akong tumatakas sa palasyo at mag beach ng mag isa dahil doon gumagaan ang pakiramdam ko.
"Delia!" Napalingon ako at nakita ko si Primo na papalapit sa sa 'kin. Bigla akong napatayo dahilan upang madulas ako sa bato.
Sobrang bilis ng pangyayari, napamulat na lang ako na hawak- hawak na ako ni Primo.
"Dahan-dahan kasi!" aniya na bakas sa tono ang pag-aalala. Agad akong napaatras nang mabitawan niya ako.
Lumayo ako sa kaniya nang isang metro at muling umupo sa bato.
"Hey? Are you mad?" tanong niya ngunit hindi ko siya pinansin. Nakakainis! Bakit ba ako nag iinarte?
Naramdaman kong lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.
“Look. I'm sorry, I'm sorry dahil nag take advantage ako sa 'yo. Huwag mo isipin na ginawa lang kitang parausan ko.”
Pakiramdam ko nag iinit ang pisngi ko dahil sa inis sa narinig ko. The term parausan, nakaka insulto nakakababa ng pagkababae.
"Delia, I like you."
Natigilan ako sa narinig ko kaya napatingin ako sa kaniya. Ano raw? Gusto niya ako? Tama ba ang rinig ko?
Tumingin siya sa akin at kitang naman sa mga mata niya ang sinsiridad.
"Delia gusto kita. Kung iniisip mo na ginagaya kita sa mga naging babae ko noon, nag kakamali ka. Totoong may nararamdaman ako sa 'yo."
Parang hindi ma process ng utak ko ang mga naririnig ko. Si Primo ba talaga 'to?
"W-Wait... Are you making fun of me?" tanong ko sa kaniya. Ang isang play boy na babaero may gusto sa akin? Ang hirap naman atang paniwaalan 'yon.
"Do you think nag bibiro ako?" Seryoso niya akong tinignan.
*Dug dug.. Dug dug.. Dug dug...*
Taena, bakit ba ang lakas ng tibok ng puso ko?
Napatitig ako sa mga mata niya at gano’n din ang ginawa niya. Nakipag titigan siya sa akin hangang ako ang unang lumihis.
"Delia seryoso ako,” saad niya pa gamit ang malamlam na boses nito. Diyos ko naman parang kinikilabutan ako kay Primo.
"Sino ba naman ang maniniwala? Isa akong play boy Casanova actor na pambababae lang ang alam. Sino ba naman ang maniniwala sa'kin?"
Tumawa ito at tinuon ang tingin sa dagat.
"I don't know, why I'm acting like this. Tanging sa 'yo ko lang naramdaman 'to."
Napangiti ako. Hindi naman siguro imposibleng mag bago ang isang tao.
Muli niya akong tinignan at hinawakan ang kamay ko.
"But please let me prove it to you."
Hindi na ako nakagalaw ng hilain niya ako papalapit sa kaniya at siniil ako ng halik.
This kiss... I feel something that makes my heart flutters. Everytime na hinahalikan niya ako hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko.
Pag hiwalay ng mga labi namin ay hinawakan niya ako sa pisngi.
"Give me a chance to prove myself." Nginutian niya ako.
"Tara!" Inalalayan niya akong tumayo at tumungo sa sasakyan niya. Hindi na ako nakaimik. Pakiramdam ko ay umatras na ang dila ko.
Sinakay niya ako sa Tesla car niya. Infairness kay Primo ang dami niyang pera para makabili ng bagong sasakyan at Tesla pa. Pagkakaalam ko.ang Tesla ay umaabot ng 4M to 8M. This is quite expensive.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang nag mamaneho. Ang aliwalas ng mukha niya at parang ang saya.
Napangiti na lang ako at tinuon ang tingin sa labas. Bahala na, hahayaan ko muna ang sarili kong maging masaya pansamantala. I admitted that I like primo at natatakot akong lumalim nang lumalim pa 'yon dahil alam ko naman na hindi ako mag tatagal sa bansang ito.
Huminto kami sa amusement park SM ride by the bay. "Anong ginagawa natin dito?" tanong ko sa kaniya.
Ngumiti lang ito at hinawakan ang kamay ko. "Let's enjoy! Madami pa naman tayong oras bago mag start ang taping,” aniya at hinila ako papasok ng amusement park.
"Ano gusto mong sakyan?" tanong niya sa akin. W-Wait... Date ba 'to? Parang ngayon lang nag process sa utak ko ang mga nangyayari.
"Delia?" Kinaway niya ang kamay niya sa harap ng mukha ko dahil ilang saglit akong natigilan.
"Ah...eh Drop tower?" Iyon ang biglang lumabas sa bibig ko.
Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. "Are you sure?" Panigurado niya.
Wait.. Ano bang sinabi ko? Drop tower? Oh my gosh! Bakit 'yon ang sinabi ko eh 'yon nga ang ayaw ko sa lahat!?
"Ah...Eh wag—" Hindi na ako pinatapos ni Primo nang hilain niya ako papunta sa bilihan ng ticket.
Tinitignan ko pa lang parang nangangatog na ang tuhod ko. Sus maryosep Delia!
"Let's go,” aniya at muling hinawakan ang kamay ko nag lakad na papasok. Umupo na kami ni Primo at pakiramdam ko ay masusuka na ako kahit hindi pa umaandar.
Napahawak ako ng mahigpit sa safety belt at huminga ng malalim.
"Are you okay?" tanong ni Primo. Bahagya ko lang itong nginitian at tumango.
Bakit ba kasi ito ang lumabas sa bibig ko?
Nag umpisa nang umandar ang ride huminga ako ng malalim ng biglang umakyat na ito.
"Fvck! fvck! Ayoko nito!" Bigla kong sigaw ng kumaripas na kami pa baba.
"Ibaba niyo ako dito!! Aaaaahhh!!" sigaw ako nang sigaw habang si Primo naman ay tawa nang tawa. Tangina mo Primo! Humanda ka mamaya.
Sigaw lang ako nanng sigaw hangang sa huminto na ang rides. Pakiramdam ko naiwan ang kaluluwa ko roon.
Nang tumayo na ako para umalis sa kinauupuan ko ay pakiramdam ko nawalan na ng lakas ang mga binti ko lalong-lalo na ang tuhod kong nanlambot.
Kasalanan to ni Primo! Hinawakan niya ako at inalalayan na parang may lagat.
"Hindi mo naman pala kaya bakit 'yon pa ang napili mo?" Tumawa ito.
Inalis ko ang mga kamay niya sa akin at pinilit mag lakad ng maayos.
"Sino nag sabi? Kung gusto mo isa pa eh." Naku Delia! Baka mamaya mapasubo kana naman sa mga pinagsasabi mo.
"Talaga?" Gumuhit ang pilyong ngisi nito sa labi. Stupid self! Pahihirapan mo na naman ang sarili mo.
"A-Ah... sige, pero wait lang babanyo lang ako,” saad ko at mabilis na nag lakad para hanapin ang banyo.
Napasapo ako ng noo ko nang makalayo na ako kay Primo. Pakiramdam ko hindi to date eh, kundi torture.
Nang mahanap ko ang bayo ay agad akong pumasok doon. Pagkatapos ko ayosin ang sarili ko ay lumabas din agad ako.
"Hello po. Diba ikaw yung bagong artista na leading lady ni Primo?" Napatingin ako sa babaeng lumapit sa akin.
"Ah?" Iyon na lang ang nasabi ko ng ilabas niya ang cellphone niya at lumapit pa sa akin.
"Pwede po pa picture?" tanong nito kaya tumango naman ako at nginitian siya.
Matapos namin mag selfie ay nag paalam na rin siya at nag pasalamat.
Bumalik na ako at nakita ko si Primo na may dala-dalang malaking panda stuff toy.
"Para saakin 'yan?" Excited na tanong ko habang tinuturo iyon.
"Luh sinong may sabi? Bumili ka ng sayo,” turan niya kaya nawala ang ngiti sa labi ko.
Another embarrassment Delia. Nag lakad na lang ako at nilagpasan siya. Ang sama ng ugali niya!
Narinig ko siyang tumawa. "Oh saan ka pupunta?" tawag niya.
"Wala kang pakialam!" Inis na sagot ko at patuloy na nag lakad.
Naramdaman kung humabol siya saa kin. Inakbayan niya ako at nilahad sa akin ang stuff toy.
"I'm just kidding, sa 'yo talaga 'yan. Napanalunan ko 'yan kanina habang wala ka, ” aniya.
Tinapunan ko iyon ng tingin ngunit nilihis ko naman agad.
"Ayaw mo? Edi kay Molly ko na lang ibibig—" Naputol ang sasabihin niya nang bigla ko iyong hinigit sa kaniya.
"Walang bawian ah. Salamat!" saad ko at niyakap yakap iyon.
Ngumiti lang siya habang tinitignan ako.
"Are you happy?" Out of nowhere niyang tanong.
"Yeah. Ngayon lang ulit ako nakapunta sa amusement park," wika ko.
Matagal-tagal na rin ang panahon noong dinala ako ni Mommy sa EK dati kasama si Bright. Ang babata pa namin no’n. Hindi ko nga alam kung natatandaan pa ni Bright 'yon.
"Ano pa ang gusto mong sakyan?” tanong niya sa akin.
"Hmm... Ferris wheel.” Iyon ang paborito kong ride sa lahat. Iyon din ang huling ride na sinakyan namin ni Daddy at hindi na naulit 'yon.
"Alright, let's go!" Mag lalakad na sana kami papunta roon nang tumunog ang cellphone ko.
"Where are you? Mag sisimula na tayo."
Bigla akong napamura nang mabasa ang text ni Luna.
"Oh fudge! Magsisimula na ang taping!" ani ko kay Primo.
Automatiko naman itong napamura nang makita ang oras sa wristwatch.
"Sh*t! Ihanda muna tenga mo pag dating doon,” sabi niya at tumawa.
"Next time na lang tayo sumakay sa ferris wheel. Hindi naman 'yan mawawala, eh,” wika niya pa.
Sumang-ayon naman ako kaya nag madali na kaming pumunta sa set.
Aaminin ko. Ito ang masayang araw ko simula noong tumakas ako sa palasyo.
Tinignan ko siya habang nag mamaneho, nakatuon lang ang atensyon niya sa daan.
"Thank you Primo," I uttered.
Nilingon niya lang ako at gumuhit ang ngiti sa labi niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top