CHAPTER 1
DELIA
"Finally, you're here!" Salubong niya sa akin kasabay ng mahigpit niyang yakap.
"Kumusta pag takas mo? May nakapansin ba sayo?" tanong nito.
"May isang guard lang akong pinatumba hihi" saad ko at napakamot ng batok. Tumawa naman ito at kinurot ang ilong ko.
"Silly girl! Buti at 'di ka napano. By the way, let's go! May lakad pa ako e, dinaan lang kita dito. Sa bahay kana lang muna may conference kasi kami ngayon, " anito.
Luna is a film director, siya ang pinakabatang director sa Philippine film idustry.
Habang nasa sasakyan ay nakadungaw lang ako sa bintana. Ang dami na talagang pinagbago rito. It's been 7 years na rin kasi noong huling pumarito ako. Buti na lang palaging nasa si London si Luna dahil doon palagi naka base ang project niya kaya palagi pa rin kaming nag kikita.
"How's your work?" i asked.
"It's fine, may bagong project na naman akong natanggap," sagot nito. As expected, magaling nga kasi talaga siyang director.
"That's great! P'wede ba akong sumama sa set niyo? Promise, 'di ako mag c-cause ng problem or delay, " ani ko with matching puppy eyes pa.
She giggled.
"Sure, no problem. Bukas mag sisimula na kami isasama kita," saad niya at nginitian ako.
"Really!? Aww! I'm so excited!" Ngumiti lang ito at nag patuloy sa pagmamaneho.
"We're here!" aniya nang huminto ang sasakyan niya sa tapat ng bahay nila.
"Omg! I miss your house, Luna! Ang tagal na rin bago ulit ako nakabalik rito," ani ko. Palagi kasi ako rito noon. Mama lang kasi ni Luna ang matalik na kaibigan ni Mommy kaya palagi kaming tumatambay dito sa bahay nila pag walang ganap sa amin. 'Di na rin naman kasi ako p'wede manatili ro'n sa bahay namin dahil matagal na iyong binenta since ayaw na ni daddy na bumalik kami rito sa Pinas.
"So, dito ka na lang muna? " she asked nang makapasok kami.
"Sure, kaya ko naman. " I smiled.
"Pasensya kana ha, may conference kasi kami ngayon, e."
"Ano ka ba, okay lang! Feel at home kaya ako rito sa bahay mo, " saad ko at humagikhik.
"Tara sa taas." Binitbit niya ang maleta ko at pumasok kami sa isang bakanteng k'warto. Sa guest room.
"Paano, iwan na kita rito? Mag pahinga kana muna rito ha at kung nagugutom ka, may pagkain akong hinanda sa kusina, may mga pagkain din sa ref," anito.
Malamlam ko itong nginitian at niyakap. "Thank you so much, Luns. Kung hindi dahil sa 'yo, baka nakakulong parin ako sa palasyo."
Naramdaman kong hinagod niya ang aking likod. "What friends are for right? You're always welcome, Delia."
Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang mga balikat ko. "Always remember, that you have me, you have Luna na to the rescue."
"Aw! You're so sweet talaga!" Muli ko itong niyakap ng mahigpit at bahagyang tumalon-talon dahilan upang matawa ito.
Tumunog ang cellphone niya kaya napabitaw ito sa akin upang sagotin ang tumatawag.
"Yes, I'll be there in 15 minutes, " aniya sa taong nasa kabilang linya.
"I need to go, Delia. Iiwan na kita rito ha, babalik naman agad ako after ng conference, " anito.
"Sure, don't worry, I'll be fine here."
"Good! I'll be back in an hour. See ya!" she said, bago nag madaling umalis.
Nang marinig kong umalis na ang sasakyan ni Luna sa labas ay humiga ako sa kama. Medyo nahihilo ako dahil sa mahabang byahe. Napaunat ako ng katawan at napatingin sa kisame.
Hinahanap na kaya ako ngayon sa palasyo? Napabuntong hininga ako. Tama lang naman ang ginawa ko diba? Ayokong makulong habang buhay doon.
Pinikit ko muna ang mga mata ko para makatulog ngunit ilang minuto pa lang ay bigla ko rin itong minulat.
Ba't ba hindi ako makatulog? Nahihilo ako at inaantok pero hindi ako makatulog.
Kinuha ko ang wallet ko at nag desisyon na lumabas ng bahay ni Luna.
Pag kalabas ko ay pumara ako ng taxi.
"Kuya may malapit bang money changer dito?"tanong ko sa driver.
"Yes po ma'am," agad naman nitong sagot.
"Can you take me there kuya?" i asked.
"Sige po wala pong problema," aniya at inistart ang kaniyang sasakyan at nag maneho.
"Ma'am foreigner po ba kayo?" out of nowhere niyang tanong.
"Ah?" Napatanga ako sa tanong niya. Baka mamaya makilala niya ako. Pinapalabas ba dito ang mga news tungkol sa bansa namin?
"Eh, kasi po Ma'am ang ganda niyo po, e," saad niya.
Napangiti naman ako. Itong si kuya talaga.
"Ah hahaha. Half po, mama ko pinay then 'yong dad ko is British," sagot ko sa kaniya.
"Kaya pala na ang ganda niyo hehe. "
"Ano kaba kuya masiyado ng lumalaki ang tenga ko niyan," saad ko at
Nang huminto na ang taxing sinsakyan ko ay agad akong bumaba. Pinaghintay ko lang si Kuya saglit para makapag bayad ako.
Pinalitan ko lang lahat ng cash na dala ko dahil hindi ko naman magagamit rito ang black card ko. After kong mag papalit ay agad ko namang binalikan si Kuyang driver.
"Kuya ito na po!" Sabay bigay ko sa kaniya ng isa libo.
Susuklian niya pa sana ako ngunit tumanggi ako.
"Keep the change na lang po kuya,"saad ko.
"Naku po! Maraming salamat po ma'am pagpalain po kayo, "ani kuya.
"Kayo rin po kuya, take care po bye!" paalam ko sa kaniya bago umalis.
Nag lakad-lakad ako hanggang napapad ako sa isang café.
Sa labas pa lang ako ay amoy na amoy ko na ang kape.
Pumasok ako roon at tumingin-tingin sa p'wede kong bilhin.
Nang makapili na ako ay pumunta na ako sa counter para bumili.
"Mocha cookie crumble plea-"
"One black coffee please." Napatigil ako nang may lalaking biglang sumingit sa akin kaya napaatras ako.
Woah! Mukha bang walang tao rito?
Tumikhim ako ngunit 'di niya ako pinansin.
"Ehemm!" Pag tikhim ko ulit ngunit nanatili parin siyang nakatayo na parang 'di niya ako naririnig.
Napakunot ang aking noo. Aba ang sama naman ng ugali ng lalaking to.
"EXCUSE ME MISTER?" Nilakasan ko talaga ang boses ko para marining niya ako. Hindi naman ako nabigo dahil lumingon ito.
"Yes?" Walang ganang turan nito habang nakatingin sakin.
"Won't you apologize?" taas kilay kong tanong.
"Apologize for what? Do I know you?" Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Wow! This guy is so jerk!
Pinag krus ko ang mga braso ko sa aking dibdib.
"Siningitan mo lang naman ako na parang wala kang nakitang tao rito!" inis na saad ko.
Tumawa lang ito na mas lalo kong kinainis.
"Oh? It's that a big deal? Naapakan ba kita?" Ngumisi ito na lalong nag painit ng ulo ko.
Ugh! This guy is getting to my nerves!
"Sir, here's your black coffe. Thank you, and come again! "
Nang matanggap niya na ang order niya ay tinignan niya muna ako at nginisihan ulit bago lumabas ng Café.
Kumuyom ang aking kamao habang sinusundan siya ng tingin hangang sa mawala sa paningin ko. Ugh! sarap balibagin!
"May i know your order, ma'am?" tanong sa akin ng babae.
"One mocha cookie crumble, Miss." I smiled.
"Wait minute ma'am. "
Ilang sandali lang ay binigay niya na sa akin ang aking order.
"Thank you ma'am come again!" Nginitian ko lang ito ulit bago ako lumabas sa café.
Pag labas ko ay nahagip ng aking mata ang lalaking antipatiko na iyon. Nakatayo siya at may kausap sa phone.
Gumuhit ang ngisi sa labi ko nang may ideyang pumasok sa utak ko.
Naglakad ako patungo sa direksyon niya at buong lakas na binangga siya.
"Oh! What the f*ck!" Napamura ito nang matapon sa damit niya ang kapeng hawak nito.
"What is your f*cking problem!?" bulyaw nito sa akin.
Nginisihan ko lang siya at nag salita, "oh! It's that a big deal? Naapakan ba kita?" Nalukot ang kaniyang mukha dahil sa sinabi ko.
"You are f*cking insane, woman!!"
Parang umuusok siya sa inis.
Nginisihan ko lang ulit ito ng nakakaloko.
"Ciao." Kinaway ko ang aking kamay sa kaniya bago talikuran siya at pumara ng taxi.
He deserves it! He is a totally jerk!
PRIMO
Damn that woman!
Binaba ko muna ang tawag at sumakay sa kotse. Kung saan pa naman ako nag mamadali. Damn it! Malelate na ko sa conference!
Kinuha ko ang backpack ko sa likod at kinuha ang isang black t-shirt ko.
Good thing I always have an extra clothes with me. Dali-dali akong nag hubad ng damit kong basa at puno ng mantsa ng kape at saka nag palit. Dahil sa babaeng 'yon ay malelate pa ako!
Mabilis kong pinaandar at pinaharurot ang aking sasakyan. Pag dating ko roon ay ako nalang ang hinihintay.
Sinalubong ako ni Direk na naka kunot ang noo.
"Why you took so long?! Magsisimula na," inis na ani ni Direk.
"I'm sorry, someone messed up with me on the café that's why I'm late, " paliwanag ko.
"Alright, maupo ka na ro'n," iritadong aniya, kaya agad naman akong umupo sa tabi ni Molly, ang magiging leading lady ko sa film.
Nag simula na ang conference at nakakasakit sa mata ang mga flash ng ilaw ng camerang tinutotok sa amin.
Ininterview lang kami ng kung ano-ano na related sa film na gagawin namin. Ito yong ayaw ko sa conference nakakaantok.
After ng pagka haba habang interview ay natapos na rin.
"Please guys, read your script and memorize it. See you tomorrow, so please, don't be late especially you, Primo, " ani direk Luna.
"Yes, direk," tangin sagot ko na lang.
"Alright! You may go home now at mag beauty rest dahil bukas ay mag mapapagod tayo ng husto!" she said before she bid a goodbye.
Umuwi na rin ako para makapag pahinga. Matagal-tagal na rin ang huling project ko kaya nakakapag enjoy pa ako noon. But now? I don't know, no more chix na muna hangang matapos ang film.
Umupo ako sa sofa at binuksan ang tv.
Bakit ang boring ng mga palabas. Naghanap ako ng ibang channel hangang napadpad ako sa news channel.
"Breaking news! Beryl Agape ang Crown Princess ng bansang Englatera ay nawawala at pinaghihinalaang lumipad ng ibang bansa para tumakas."
Pinakita ang picture ng isang babae na prinsesa raw ng England. Saglit akong natigilan dahil pamilyar sa akin ang mukha nito.
"Saan ko nga ba nakita ang mukhang to? Oh!" Napatayo ako ng maalala ko.
'Yung babaeng sira-ulo sa café kanina kahawig niya. Pero imposible namang maging prinsesa 'yon sa ugaling niyang yon? At isa pa fluent siya mag salita ng tagalog kaya malabo na siya 'to.
Muli akong naupo sa sofa at nilipat ang channel.
DELIA
"Del, Everyone in England are looking for you. Naghihinala na silang lumabas ka ng bansa niyo at hindi mag tatagal ay ma tutonton ka rito," Luna said with her worried face.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Hanggat kaya kong mag tago, mag tatago ako. Luna, ayoko nang bumalik doon." Alam kong pag bumalik pa ako ro'n ay hindi na ako kailan man makakatakas ulit.
"Don't worry, tutulongan kita, " anito, at niyakap ako.
"Napaka komplikado naman kasi. Bakit kasi nag asawa ang ina mo ng royal blood? 'Yan tuloy nasa ganiyang sitwasyon ka." Tumawa ito.
I sighed deeply. Sorry mom and dad pero ayoko nang bumalik.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top