CHAPTER 2

DELIA

Ngayon ang unang araw ng taping nila Luna sa bago nilang project. As she promised yesterday, sinama nya ako sa kanilang set.

"Nandito na ba ang lahat? In 15 minutes we will start the taping," ani ni Luna sa isang babaeng staff nila.

Inikot ko ang buong paningin ko sa set.

"Are you okay here? Maupo ka muna," she said at inoffer saakin ang isang upuan.

"No, Im fine." Nginitian ko siya.

"By the way, where is the comfort room? I need to pee hehe," bulong ko sa kaniya.

Mahina siyang tumawa. "Pag pasok mo sa dressing room kumanan ka may CR doon, " aniya.

"Thank you!" Agad akong nag madali dahil pakiramdam ko ay sasabog na ang aking pantog . Leshe naman kasi mukhang sa ininom kong orange juice kanina kaya ihi nang ihi ako.

Pagkakita ko sa dressing room ay agad akong nag madaling pumasok.

"Ahhh!" Napadaing ako at napaupo dahil may nabangga ako na kong anong bagay.

Napawak ako sa aking ulo dahil sa lakas ng impact nito.

Ano ba yon poste? Bakit may poste sa gitna?

"Hey, are you okay?"

I was stunned by a man's baritone voice. Don't tell me na siya ang nabangga ko at hindi poste?

Unti-unti kong inangat ang aking ulo at otomatikong napanganga nang makita ang isang matchong katawan na walang saplot pang itaas.

"Oh, Jesus! My innocent eyes." The word suddenly came out from my mouth.

"Hey, what did you say?" I shook my head. Ano ba Delia? Para kang tanga!

"You look familiar?" aniya.

I looked at his face and my eyes widened, when I noticed who is this man was in front of me.

"YOU!?" we said in unison.

Yong lalaking antipatiko sa Cafè kahapon!
Tumalim ang tingin niya sa akin.

"What the f*ck are you doing here!?"

Sasagotin ko na sana siya nqng bigla na naman akong napayuko. Jusko naman nadidistract ako sa abs nya leshe!

"Can you please put your shirt on? Ang sarap— este ang sakit mo sa mata!" Parang gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa lumabas sa bibig ko. Oh! Delia, kailan ka pa naging manyakis?

Nakaupo parin ako sa sahig. Sino ba naman di madidistract ano?

"Masarap?" Bakas ang pilyong ngisi nito sa kanyang boses.

Naramdaman kong lumapit siya saakin.
"Diyan ka lang, wag kang lumapit sa 'kin!"

Goodness! Nag iinit ang mukha ko.
Hinawakan niya ako sa balikat na ikina- lunok ko. "Anong g-ginawa mo?" Bigla akong kinabahan.

"Tumayo ka. Para kang tanga r'yan," he said,  at hinatak ako patayo.

"Dahan dahan naman!"

"Wow! Ikaw na nga tinutulongan ikaw pa galit?"

"Bakit sino ba may sabing tulongan mo ko!?" Napasabunot siya sa kaniyang buhok.

Nasapo niya ang kaniyang sintido."Mag pasalamat ka na lang, " na aasar na anas nito.
"Edi, thank you! " Inirapan ko ito.

"Why are you here!?" Inis na tanong niya sa 'kin at kinuha ang isang t-shirt at sinuot.

Buti naman naisipan niyang mag suot ng damit. Halos 'di ako makahinga eh, e.

"Nandito ka rin naman, e. Anong ginagawa mo rito?" I cross my arms.

Kumunot ang kaniyang noo.
"It is Men's dressing room. Nag babasa ka ba bago pumasok?" Nilapit niya ang mukha niya sakin, dahilan upang mapa-atras ako.

"What?"

"I said it's a men's dressing room."

Inikot ko ang paningin ko sa loob ng silid. Napasampal ako sa aking noo nang mapagtanto na men's dressing room nga ang napasukan ko.

"Why so stupid Delia?" I uttered.

"Pero bumalik tayo sa masarap na sinabi mo."

Sinamaan ko ito ng tingin. "Oh! Shut up Pervert!" Inis kong turan.

Tumawa lang ito. "So, ako na ang manyakis ngayon?" Mas lalo niyang nilapit ang mukha niya sa akin.

Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko.

"Sir Primo mag sisimula na po ang taping." Bigla akong napa-atras dahil sa biglang pa pasok ng isang staff. So Primo pala ang pangalan ng mokong na 'to?

"Oh, ikaw po diba 'yong kasama ni Direk Luna? Hinahanap kana niya," anito nang mapansin ako.

"Ah, eh sige salamat!" saad ko at biglang tumakbo palabas ng Dressing room.

Delia, anong pinag gagawa mo? Nakakahiya!

Pumasok ako sa girl's dressing room at nadatnan ko roon ang isang babae. Ang ganda niya maamo ang mukha. Siguro isa ito sa mga artista sa set.

"Hi? Anong kailangan mo?" tanong niya sa akin.

"Uhmm. Can I use your comfort room?" I asked her.

"Ah sure, go ahead," sagot niya at nginitian ako.

"Thanks." I said and give her a smile.

"Ma'am Molly mag uumpisa na po," tawag sa kaniya ng isang staff.

So, her name is Molly. It's suit to her pretty face.

"Oh, I'm coming," shw said, at sumunod sa babae.

Pag labas nila ay agad akong pumasok ng C.R. Diyos ko naman parang sasabog na talaga
.
Naginhawaan ako nang mailabas ko na ang dapat kong ilabas.
"Thanks God, success!"

Inayos ko muna ang aking sarili sa harap ng salamin bago ako bumalik sa set.

Pag balik ko ay nag hahanda na silang lahat para mag umpisa.
"Why you took so long?" Luna asked me.

"Naligaw kasi ako. I got into something—." Hindi ko napatapos ang sasabihin ko nang mahagip ng tingin ko ang isang lalaki na hinahanda ng ibang staff.

"Oh! He's an actor!?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Who? Primo? Do you know him?" sunod- sunod na tanong ni Luna.

Umiling ako. "Yes, I mean no. Hindi ko siya kilala."

Umarko ang kilay ni Luna na parang nagugulohan sa sagot ko. "Ano ba talaga? Kilala o hindi?" Muli niyang tanong.

"No, I don't know him," sagot ko at pilit siyang nginitian.

Nako! Artista pala itong mokong na 'to. Kaya pala gwapo—what? Erase Delia! Erase! Hindi siya gwapo masama ang ugali niya.

Mukha akong baliw na nakikipagtalo sa konsensya ko.

"Everything is ready? So let's start!" sigaw ni Luna.

"Lights camera action!" sigaw no'ng lalaki na may hawak na lights camera action box.

Napatanga ako nang makita yong babae kanina sa dressing room. Si Molly, siya pala ang leading lady at si Primo ang leading man.

Nag umpisa na sila, unfairness sa mokong na 'yon magaling umarte.
I think they really cute together if they're real couple.

Mabilis din naman natapos ang una nilang scene dahil magagaling naman silang umarte.

"Water minutes break!" Sigaw ni Luna at tumayo sa harap ng monitor niya.

"Are you okay here? Baka na bored ka na r'yan?" tanong nito sa 'kin.

"No, I'm fine," anas ko at ngitian siya.

"Here, umupo ka na muna may aasikasohin lang ako," aniya at binigay sa akin ang upuan nito bago siya umalis.

Umupo ako at kinuha ang phone ko. Ang taas ng sikat ng araw napakainit nga talaga rito sa Pilipinas.

"So kakilala ka pala ni Direk? Hindi ka naman niya mukhang kapatid dahil malayo ang itsura nyo. I guess pinsan?" Na i-angat ko ang ulo sa nag salita.

Yung mokong na mukhang hukloban, nakatayo sa tabi ko.

"Here, drink it." Inabot niya sa akin ang isang bottle of  water.

"Bumait ka ata?" tanong ko sa kaniya.

"Choosy ka ba? Edi wag." Babawiin niya na sana ang kamay niya ngunit hinawakan ko ang hawak niyang bottle.

"Sinabi ko bang ayaw ko?" Kinuha ko iyon sa kaniya.

"Thanks!" ikling saad ko. Mukhang dehydrated na nga ako.

"What is your name?" tanong nito.

"Why do you want to know?" I asked him back.

"Gusto ko lang malaman," he answered.

"I'm Delia, " I said.

Ngumiti siya at nilahad ang kamay niya.

"I'm Primo," aniya  habang hinintay na abotin ko ang kamay niya.

Tinignan ko lang lang kamay nito ngunit hindi ko inabot. "I know. Masiyado ka namang friendly, " wika ko.

Ngumisi lang ito at binaba ang kamay niya nang 'di ko iyon inabot.

"Bakit ba ang sungit mo?" tanong nito.

"Kung hindi ka ba naman mokong eh, edi sana mabait ako sa 'yo," I muttered.

"What?" His brows narrowed.

"Nahh, wala," ani ko at pilit siyang nginitian.

"Alright, let's continue!" sigaw ni Luna habang nag lalakad patungo sa direksyon namin.

"Oh Primo get ready, " anito kay primo.

"Yes Direk,"sagot ni Primo at nag lakad na sa set kasama si Molly at iba pang co-actors and actresses na kasama nila.

Tatayo na sana ako sa upuan ni Luna nang mag salita siya.

"I'm okay. Diyan ka na lang, your highness, "anito at nginisihan ako.

"Your mouth!" pabulong na anas ko. Baka mamaya ay may makarinig sa kaniya.

"Nag labas na sila ng article about sa pagkawala mo at kalat na kalat na sa social media, "mahinang saad niya.

"Article?" Dali-dali kong binuksan ang cellphone ko at inopen ang isa sa mga social media account ko.
Napamura na lamang ako nang makita ang trending post.

Crown Princess Beryl Agape of England is missing. The Kingdom will give a reward, whoever can bring Princess Beryl back to the kingdom worth of $1,000,000.

Napanganga ako. "Seriously!?" Magbibigay sila ng gano'n kalaking pera para mabalik lang ako sa palasyo?

"Mukhang mababalik na kita, " ani Luna at mahinang tumawa.
Sinamaan ko ito ng tingin. " Mahigit 54 million ang makukuha ko pag nagkataon. Pwede na akong mag retire ng maaga sa pagiging director."

"Luna!!" Tumawa ito.

"Just kidding, hindi kita ibebenta mahal kong kamahalan," wika niya at pinitik ang noo ko.

Gosh! Desperado na talaga silang ibalik ako sa palasyo.

Muling nag simula ang kanilang taping hangang sa natapos ito na hindi ko manlang namamalayan dahil sa kakaisip doon nabasa ko.

"Worried?" Luna asked.

"Sino naman kasi ang hindi mag -aalala kung halos buong mundo na ang naghahanap sa 'yo." Marahas akong napabuntong-hininga.

"Wag mo na nga isipin 'yan. Hanggat walang nakakakilala sayo rito ay safe ang sekreto mo, " aniya.

" 'yon nga ang kinakatakutan ko dahil kalat na kalat na ang mukha ko sa social media. Kahit sino ay kilala na ako, "sagot ko sa kaniya.

"Pero ang alam nila, Beryl ang pangalan ng prinsesa at hindi Delia. "

Ngumisi ito." You can disguise as Delia Villafuerte, bilang pinsan ko. At isa pa may mag hihinala ba na ikaw ang prinsesa kong tagalog ka mag salita?"

Napangiti ako sa sinabi ni Luna. May punto siya. "You have a point Luna! From now on I'm Delia Villafuerte and not Delia Beryl Agape anymore."

"That's my girl!" She tapped my shoulder na para bang proud na nanay at tumawa.

Lunch time, sumama na lang ako kay Luna together with her team.

"Direk, sino pala itong magandang binibini na kasama mo?" tanong ng isang co-actor nila Primo.

"Oh! By the way, she's Delia Villafuerte, pinsan ko." Pag papakilala niya sa akin.

"Ang ganda naman ng lahi nyo Direk," komento ng isang babae. Isa sa mga staff nila.

"Wait..." Napatingin kami kay Molly.

"I don't know but, she looks like you." Pinakita niya sa amin ang screen ng cellphone niya.

"Oo nga!" Pag sang ayon naman ng isang lalaki

"Diba siya yong missing na crown princess sa England?" Molly asked.

Tumingin silang lahat sa akin. Magkakasama kasi kaming lahat ng nasa set maliban kay Primo na pakialam naman namin kung saan nag punta.

Parang kinabahan naman ako sa mga titig nila.

"Baka ikaw 'to?"  Baling ni Molly sa akin.

Tumawa si Luna at inakbayan ako.
"Buti nga sana guys kung siya 'yan para maibalik ko na siya sa England at makuha ang  mahigit 54 Million na pabuya, " ani Luna.
Rinig na rinig ko ang kabog ng dibdib ko. Paano kung malaman nila na ako nga? What should i do?

"Malabong maging siya yan. Narinig ko siyang nag tagalog kanina at diba Beryl ang name ng Crown Princess?" sabat naman ng isang babae.

"Marami ngang nagsasabi na kamukha ko ang prinsesa ng Englatera ngunit hindi ako 'yon."

Lahat sila ay napatigil dahil sa sinabi ko.

"Sabing hindi nga, eh. Ang fluent niyang mag tagalog!" anas no'ng isang lalaki.

Molly sighed at muling binalik ang atensyon niya sa pagkain.

Nag patuloy na kaming kumain ngunit ang kaba sa dibdib ko ay nado'n pa rin.

"Excuse me," saad ko at tumayo. Senenyasan ko muna si Luna na lalabas lang ako saglit.

Parang na s-sufocate kasi ako sa mga titig ni Molly sa akin. Ewan ko ba kung bakit.

Lumabas muna ako saglit para mag pahangin nang mapansin ko ang isang lalaki na may kahalikan na nakasandal sa kotse.

"Primo?" Napalingon ito sa 'akin.
"Oh gross!" bulong ko nabg makita ang mukha ng babaeng kahalikan niya.  Gulo na gulo ang buhok at kalat na kalat ang lipstick.

"Oh Delia, what are you doing here?" he asked.

Tinignan naman ako ng masama ng babaeng kahalikan niya.
"Dukotin ko 'yang mata mo eh, " i uttered.

"Ah...nothing, just continue what you're doing." Inirapan ko siya tumalikod paalis.

Ugali ba ng isang artista ang gano'n? Hello? nasa set siya ano. Kahit girlfriend niya man 'yon ay hindi appropriate na makipag laplapan sila sa public place. Bumalik na lang ako sa loob dahil parang sumama ang pakiramdam ko sa nakita ko. Kadiri.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top