CHAPTER 9
WYATT'S POV
"Effie?"
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa nakikita ko. Basang-basa siya at rinig na rinig ko rin ang pag hikbi niya.
Mas lalong lumakas ang pag iyak nito nang iangat niya ang ulo niya at nakita ako.
Hinubad ko ang coat ko at pinatong sa sa balikat niya dahil nakikita ang panloob na suot nito.
"I'm sorry, nahuli ako."
Hindi ko ma explain ang inis at galit na nararamdaman ko. Sumosobra na talaga ang matanda na 'yon, lahat ay dinadamay na niya.
Pinahid niya ang mga luha niya 'tsaka pilit na nginitian ako.
"Ayos lang ako, sir," aniya kahit kitang- kita naman sa mukha nito na hindi.
Tumayo ito, ngunit hindi pa man siya nakakahakbang ay napakapit na ito sa braso ko.
"Are you okay?" Parang gusto kong sapakin ang sarili ko sa tanong ko, dahil alam ko namang hindi siya maayos.
"I'm fine," sagot nito at nag lakad na palabas ng resto.
Nakasunod lang ako sa kaniya at may napapansin akong kakaiba.
Bigla itong napahinto sa paglalakad. Something's wrong with her.
"Effie?" tawag ko, ngunit hindi siya sumagot.
Ilang sigundo lang, when I found my self running towards her at sinalo siya sa kaniyang bagsak.
"Effie! Effie!?" Tinapik-tapik ko ang pisngi niya but she's unconscious.
"Sir, napano po siya?" tanong ng security guard ng resto ng makitang bumagsak si Effie.
"Open my car's door!" sigaw ko kaya dali-dali naman niyang binuksan ang pinto ng sasakyan ko.
Pinahiga ko siya sa likod ng sasakyan at nag madaling mag maneho patungo sa hospital.
Nang makarating kami sa hospital ay agad siyang tinakbo sa ER.
"Sir, dito na lang po muna kayo," ani ng nurse kaya napatigil ako at nag hintay na lang sa labas ng ER.
Nag hintay lang ako ng ilang minuto bago lumabas ang doctor.
"Doc, how is she?"
"She's okay now. Na over fatigue lang siya. I suggest na h'wag masiyado siyang mag pakapagod sa trabaho dahil magkakasakit talaga siya. Mag pahinga lang siya at magiging okay na siya," paliwanag ng doctor.
Nakahinga ako ng maayos ng marinig iyon. But, at the same time na kokonsensya ako. Last week kasi madami akong pinagawa sa kaniya.
"Puwede mo na siyang puntahan," aniya, bago umalis.
Pag pasok ko, I saw her lying at mahimbing na natutulog.
Umupo ako sa upuan sa gilid ng kama niya.
"Hey, miss suicidal sakitin ka rin pala?"
Inayos ko ang kumot niya at pinagmasdan ito.
"Sige na, kasalanan ko naman kung bakit ka nagkasakit. Kung alam ko lang na sakitin ka, edi hindi na sana kita kinuhang sekretarya." I laughed.
Parang tanga akong kinakausap ang tulog.
"Mag pagaling ka agad, makonsensya ka kay Angelica dahil sigurado na siya ang sasalo ng trabaho mo pag matagal kang nagkasakit. "
Hinawi ko ang buhok niyang nag tatakip sa maganda niyang mukha.
*Phone ringing*
Tinignan ko ang cellphone ko at na buhay na naman ang inis ko ng makita ang pangalan ni tanda sa screen ng phone ko.
*Phone ringing*
"What do you want now?" I said when I picked up the phone.
"Where have you gone?" On the other end of the line, he was yelling angrily.
" Ano ba ang kailangan mo? " I stood up and walked out of Effie's room, annoyed.
"I said where are you!?"
Nailayo ko ang cellphone ko sa tenga ko dahil sa pag sigaw niya sa kabilang linya.
"It's none of your business! H'wag mo na akong tawagan!" inis na sagot ko sa kaniya.
Everytime na mag uusap o mag kikita kami ay lagi na lang kaming nag aaway. Simula noong namatay si Mommy ay nawalan na rin ako ng ama. Sabagay, never naman siyang naging ama sa'kin.
"I want you to fire your secretary! Mag hanap ka ng iba, I don't like her!"
Mas lalong uminit ang ulo dahil sa sinabi niya.
"What if I don't want to? Puwede ba huwag mo 'kong pakialaman. Kung ano man ang issue mo sa ama ni Chelsea, huwag mong idamay si Effie!" galit na sagot ko bago pinatay ang tawag.
EFFIE'S POV
Minulat ko ang mga mata ko at inikot ang paningin ko sa isang 'di pamilyar na kwarto.
Uupo na sana ako ng mapansin kong may natutulog sa gilid ng kama ko.
"Wyatt?" Bakit nandito 'to?
Muli kong sinipat ang buong kuwarto, huli ko lang ng mapagtanto na nasa hospital pala ako.
Nakita kong gumalaw si Wyatt kaya agad ko namang ipinikit ang mga mata ko. Kunwari tulog.
Naramdaman kong inayos niya ang kumot at hinawi ang buhok ko sa pisngi.
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang mukha ng isang guwapong nilalang. Namumungay pa ang mga mata nito habang gulo ang buhok.
"Effie, gising ka na?" tanong niya.
Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-alala.
Sinubukan kong bumangon ngunit medyo nanghihina pa ako. "Dahan-dahan," aniya at inalalayan ako.
"Anong nangyari? " i asked. Wala akong maalala kung bakit ako napunta rito.
"You fainted, at sabi ng doctor over fatigue raw." Tinignan niya ako ng malamlam.
"I'm sorry," biglang sambit niya kaya nagulat ako. Hindi ako sanay na marinig mula sa kaniya ang salitang 'yan.
"Bakit ka nag so-sorry?"
He sighed.
"Sorry sa ginawa ni dad. Alam kong mali siya, maling-mali siya sa ginawa niya. I'm sorry, kasi dahil sa 'kin napag-initan ka niya dahil akala niya ay girlfriend kita. Sorry rin kung sinabi ko kay chelsea na girlfriend kita, nalagay ka tuloy sa ganitong sitwasyon."
Kitang- kita ko ang sincerity sa kaniya habang sinasabi niya 'yon.
Parang hindi ako sanay na marinig na ganito mag salita di Wyatt, nakakapanibago.
I giggled.
"What was that? Tinatawan mo ako?" tanong niya habang naka kunot ang noo.
"Hahaha... Hindi kasi ako sanay na ganiyan ka mag salita." Pinitik ko ang ilong niya.
"Ouch! Nag sorry na nga ako mananakit ka pa."
Tuloyan na akong tumawa ng malakas. Ngayon ko lang siya na kitang ganito. Ang isang Wyatt Roberts na terror boss ay may ganitomh side rin pala.
"Alam mo sir, ang oa mo." Pinaningkitan niya ako ng mata kaya natawa na naman ako.
" Ayos lang 'yon, basta h'wag niyo lang po ako tatanggalin sa trabaho. Sobrang kailangan ko talaga 'tong trabahong ito," ani ko at yumoko. Natatakot ako, natatakot na baka mawalan ako mg trabaho at bumalik na naman kami ni lola sa dating kalagayan namin, na minsan lang makakakim sa isang araw.
"Aray!" Pinitik niya rin ang noo ko kaua napahawak ako rito.
"Siraulo! Sinong nag sabi sa 'yo na tatanggalin kita? H'wag mong isipin 'yong sinabi ng matandang hukluban na 'yon dahil wala naman siyang magagawa, " saad nito at tumayo.
"By the way, puwede ka na raw umuwi mamaya. Mag pahinga ka sa inyo, h'wag kana munang pumasok bukas."
"Eh, sir ayos na rin naman po ak—"
"Mag pahinga ka hanggang sa gumaling ka, kung ayaw mong matanggal sa trabaho. Ayokong may sakitin sa kompanya ko."
Hindi niya man lang ako pinatapos sa sasabihin ko.
"D'yan kana muna, aayosin ko lang bill mo. H'wag ka nang kumontra para makauwi kana," aniya at lumabas.
Napakagat labi na lang ako. Alam niya talagang magrereklamo ako. Pati bill ko sasagutin niya?
*Bbzzzzzz...Bbzzzzzz...Bbzzzzzz...*
Kinuha ko ang bag ko sa side table ng marinig kong nag vavibrate ang cellphone ko sa loob.
"Hello, bess?" Panimula ko ng masagot ko ang tawag ni Alcina.
"Bess, anong oras ang uwi mo mamaya? May lakad kasi ako mamayang gabi nag-yaya si Gavin sa birthday ng mommy niya."
Her boyfriend Gavin, hindi talaga maganda pakiramdam ko sa kaniya mukhang 'di matino, e. Hindi naman sa judgemental ako pero kasi malakas talaga ang pakiramdam ko na lolokohin niya lang si Alcina, ilang beses na kasi siyang nag ka issue sa ibang babae.
"Ah, maya-maya, bess. Maaga naman kasi ang uwi ko dahil maaga akong natapos sa trabaho." Napakagat labi ako, never pa akong nag sinungaling kay Alcina.
"Oh, great! May kasama si Lola mamaya. Si ate Jane kasi umuwi muna sa kanila, babalik din naman bukas. Hihi sige bess dito kana dumretso ha ingat ka, bye!"
" Mag iingat ka rin, bye!" I said before she hung up the call.
"Maayos na ang bill mo, puwede na kitang ihatid sa inyo," Wyatt's said nang makabalik ito mula sa labas.
Inalalayan niya akong makatayo at mag lakad hangang sa makalabas kami ng hospital.
Pinagbuksan niya rin ako ng pinto, naks naman, ang gentleman na.
"Hindi naman ako disabled," ani ko.
"Whatever, hop in."
"Sungit," I murmured, bago pumasok ng sasakyan.
Nakarating kami sa bahay ni Alcina na walang ni isa saamin ang umimik.
"Mag pahinga ka na do'n, h'wag kana munang pumasok bukas," aniya.
"Hindi po muna kayo papasok sir?" I asked. Baka lang naman, napaka rude ko naman kung hindi ko aalokin na pumasok.
"Papapasukin mo ba ako?" tanong niya pabalik.
"Hmmm..." Nag isip muna ako saglit. Hindi ko naman kasi bahay 'to. Minsan magulo rin ako, e.
"Talagang nag isip ka pa ha, " taas kilay niyang sabi.
"Hindi kasi akin itong bahay, but welcome naman po kayo," sagot ko at tumawa.
Bahagya rin siyang tumawa. Aww, ang pogi niya.
Effie, ano ba'ng pinagsasabi mo? Erase! Erase!
"Sige na sir, pumasok na muna kayo saglit. Ako lang naman at si Lola ang nandito, eh."
"How's your grandmother?" he asked.
"Maayos naman na siya, sir." sagot ko at nginitian siya.
"Tara, sir." Pag-aya ko sa kaniyang pumasok.
Pag pasok namin sa sala, nadatnan namin si Lola na nanonood ng tv.
"Lola, nandito na po ako." Lumapit ako sa kaniya at nag mano.
"Oh apo, kumusta ang araw mo?"
"She was hospitali—"
Agad kong tinakpan ang bibig ni Wyatt, bubukingin pa ako nito, e.
"H'wag mong sabihin, baka mamaya atakihin na naman' yan, " bulong ko sa kaniya. Itong taong 'to talaga walang preno.
"Oh, sino naman ang gwapong binatang 'to? Ikaw ba ang boyfriend ng aking apo?"
Nagulat ako sa tanong ni Lola kaya napaubo ako.
"Ahhhh... Lola Hindi po!"
Humalakhak naman si Wyatt sabay tingin ng nakakaloko sa'kin.
"Why you're so defensive?" bulong niya at muling tumawa.
"Totoo naman, " bulong ko pabalik at sinamaan siya ng tingin.
"Ah... eh, lola siya po ang boss ko, si sir Wyatt Roberts po."
"Hello po Lola, ako po si Wyatt." aniya kay Lola saka nag mano.
"Naku! Ikaw pala iyong boss niya. Hindi ko akalain na bata pa pala ang may ari ng kompanya na pinag tatrabahohan ni Effie. Siya-siya ma upo ka."
Umupo naman si Wyatt sa isang bakanteng sofa.
"Mag usap na muna kayo ni Lola, ah. Mag hahanda lang ako ng maiinom niyo." Paalam ko at pumunta na ng kusina.
Kumuha ako ng baso para mag timpla ng juice, ngunit hindi ko sinasadyang mabitawan iyon.
*Tunog ng na nabasag na baso*
Why so clumsy Effie? Lumuhod ako para pulotin ang nabasag na baso.
"What happened!?"
"Ahhh!"
Nagulat ako sa biglang pagdating ni Wyatt kaya nasugatan ang daliri ko sa pag pupulot ng bubog.
"Anong nangyari? Umalis ka nga dyan!" Tinayo niya ako at pinaalis doon. Hinawakan niya ang kamay ko na may sugat at dumudugo.
"Where's your first aid kit?" natatarantang tanong niya.
"Ah, sir maliit lang nam—"
"Just answer me!" Bahagya akong napatalon sa kinatatayuan ko.
"Sa C-Cabinet, diyan sa taas." Turo ko sa mini cabinet sa itaas ng sink.
Agad naman niyang kinuha iyon para gamotin ang sugat ko.
"Kung hindi ka ba naman stupid, bakit mo pinulot 'yong basag na baso?" panenermom nito.
Tinititigan ko lang siya habang ginagamot ang sugat ko.
*Dug dug... Dug dug.. Dug dug*
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang may kumakarera rito.
"Are you listening?" tanong niya. Tinignan niya ako kaya mabilis ko naman inilihis ang tingin ko sa kaniya.
"Ah?"
"Sabi ko, doon kana muna sa sala. Samahan mo doon si Lola nag aalala 'yon. Ako na ang mag lilinis nito, ang clumsy mo kasi." Sinarado niya ang first aid kit at ibinalik sa cabinet.
"Sige na," Utos niya ng mapansin niya na 'di pa ako umaalis sa kinatatayuan ko.
"Ah, s-sige." Tangina, na uutal tuloy ako.
*Dug dug... Dug dug.. Dug dug*
Leshee! Bakit ba ang bilis ng tibok ng puso ko? May sakit ba ako?
Lumabas na lang ako ng kusina at bumalik sa sala.
"Apo, anong nangyari?" nag aalala na tanong ni lola.
"Nabitawan ko po 'yong baso kaya nabasag," paliwanag ko.
" Anong nangyari sa kamay mo?" Turo nito sa daliri kong may bandaid.
"Nagkasugat po, pero malayo naman po sa bituka, "sagot ko at nginitian siya.
"Nasaan na si Wyatt, bakit ikaw lang ang bumalik?"
"Ah, nilinis niya po 'yong basag na baso. " Yumoko ako dahil pakiramdam ko ay namumula ang pisngi ko. Symptoms pa ba 'to ng over fatigue?
"Effie..." tawag sa'kin ni Lola kaya inangat ko ang tingin sa kaniya.
Nginitian niya ako at tinignan ng makahulogan.
"Po?"
"Umamin ka, may relasyon na ba kayo ng boss mo?"
Bigla naman akong napaubo sa sinabi ni Lola.
"Ano kaba Lola Wala po. Jusko naman baka mamaya marinig ka niya," ani ko at tumawa.
Pinang-singkitan niya lang ako ng mata at tumayo.
"Siya-siya, ako ay magpapahinga na sumasakit ang ulo ko."
"Uminom na po ba kayo ng gamot?" tanong ko.
"Tapos na. Sige, sabihin mo na lang kay Wyatt na umakyat na ako, ha." turan niya at umakyat na sa taas.
"Where's your grandma?" Tanong ni Wyatt ng makabalik na ito.
Nag pahinga na sa taas masakit daw ang ulo niya."
Umupo siya sa tabi ko.
*Dug dug... Dug dug.. Dug dug*
Hutaa! Ito na naman 'tong puso ko. Ano bang nangyayari rito?
"Are you okay?" he asked, nang pamansin niyang natigilan ako.
"May lagnat ka pa ba? Bakit namumula ka?" Hinawakan niya ang noo ko ngunit mabilis ko namang kinuha 'yon.
"Wala lang 'to sir, mainit lang talaga siguro," sagot ko at pilit siyang nginitian.
Tumayo ako at nag tungo kung saan ang lagayan ng mga CD's.
"Anong gusto mong panoorin?" tanong ko habang hinuhukay 'yong lalagyan ng CD's.
"Kahit ano."
Kinuha ko ang isang horror na palabas.
"Ito nalang!" Tinaas ko ang CD para ipakita sa kaniya.
Tumango lang naman siya at hindi na nag salita.
Pinlay ko ang movie at bumalik na sa kinauupoan ko.
Ilang minuto rin kaming tahimik na dalawa.
Tinitignan ko lang siya habang siya ay tutok na tutok sa tv.
"Stop staring at me, baka matunaw ako."
Bigla ko namang nilihis ang tingin sa kaniya. Nakakahiya Effie, nahuli ka niyang nakatitig sa kaniya.
Tinuon ko na lamang ang atensyon ko sa tv para mawala ang ilang na nararamdaman ko.
"Wwwaaahhh!!"
sigaw ko ng biglang lumitaw 'yong multo sa harap ng babae.
Nagulat naman si Wyatt sa pag sigaw ko kaya napatingin ito sa'kin.
I saw him giggled.
Nakakahiya Effie!
"WAAAAHHHH!!!" sigaw ko ulit at napakapit sa braso ni Wyatt at nag tago.
Huli ko lang narealized ang ginawa ko kaya bigla akong napabitaw sa kaniya.
"Ang lakas ng loob mong manood ng horror matatakotin ka naman pala," he said and laughed.
I rolled my eyes at binalik muli ang tingin sa TV.
WYATT'S POV
Nakatuon lang ang atensyon ko sa TV nang maramdaman kong may mabigat na dumagan sa balikat ko.
I found my self smiling when I saw Effie lying in my shoulder.
Inayos ko ang pagkakapatong ng ulo niya sa balikat ko upang maging komportable ito.
Hinayaan ko lang siya sa gano'ng posisyon hangang sa matapos ang movie.
Tinignan ko siya at pinagmasdan ng ilang minuto hangang dinalaw na rin ako ng antok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top