CHAPTER 8


WYATT'S POV

*Ding dong! Ding dong!*

"Fuck!" Napabalikwas ako dahil sa ingay nang doorbell na galing sa labas.

*Ding dong! Ding dong!*

"Damn! Ang aga aga!"

Bumangon ako para pag buksan kung sino man ang hampas lupang nambubulabog ng tulog ko.

"Surprise!"

Napakunot ang noo ko nang makita ang mukha ni Chelsea sa labas ng condo ko habang may hawak-hawak iting cake.

"Aren't you surprised?" tanong niya habang malapad ang ngiti sa labi.
"What are you doing here, and what is that?" Referring sa cake na hawak nito.

"You forgot our anniversary?"

"Anniversa-- what?" Mas lalong nasira ang mukha ko sa pinagsasabi ng babaeng 'to.

Pumasok siya sa condo ko at nag tungo sa kusina.
Napasapo na lang ako sa aking mukha. "Here we go again, " I mumbled.

Sinara ko ang pinto at sinundan ito sa kusina.

"Babe, kumain kana?" she asked, habang may hinahalungkat sa fridge ko.

"Could you please leave? You're ruining my morning! And what anniversary are you referring to? Isn't it pretty clear to you that we're already done?"

Lumapit ito sa akin at malamlam na nag salita.

"Wyatt, if you want, we can start over." She leans in close and tried kiss me.

"Don't touch me." tinulak ko siya at umatras sa kaniya.

"Wyatt, please give me another chance," pag mamakaawa niya.

"Please, leave my house, chels," mahinahon na tugon ko.

Sinusubukan kong kumalma dahil may magawa ako sa babaeng 'to.

"Please Wyatt, I love you! Don't do this to me!" And now she's crying. Such a best actress.

"C'mon chels, hindi mo na ako madadala sa paiyak-iyak mo, kaya puwede bang umalis kana bago pa kita kaladkadin palabas."

"Are you going to ruin our relationship because of that low-class woman?"

Bahagya akong tumawa, "baka nakakalimutan mong matagal na tayong tapos? Matagal na tayong sira, dahil ikaw mismo ang sumira sa relasyon natin!"

She fakes a laugh. "Wala ka na bang taste sa isang babae kaya pumatol ka sa cheap mong sekretarya? "

Umigting ang panga ko. Wala siyang idea sa pinag sasabi niya. Hinawakan ko ang mga braso niya, I can't restrain myself anymore.

"Bitawan mo ako, nasasaktan ako." Napangiwi siya dahil sa higpit ng hawak ko sa kaniya.

"You have no right to disparage Effie in such a way! Hindi niya kasalanan kung iniwan man kita at hindi niya kasalanan na lumandi ka sa iba!" asik ko sa kaniya.

"You may now leave at h'wag ka nang magpapakita sa'kin!" Tinuro ko ang pintuan para lumabas siya.

"I can't believe you!" sigaw niya at tumakbo palabas ng condo.

Huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.
Ang kapal ng mukha niya para isisi sa iba ang ginawa niya. Muli akong huminga ng malalim para pahupain ang galit ko.

EFFIE'S POV

"Effie? Effie, are you with us?"

"Ah, ano 'yon ulit?" Bumalik lang ako sa huwisyo nang tawagin nila ako.

"Ano ba 'yan, kanina pa ako salita ng salita hindi ka naman pala nakikinig," ani Angelica at ngumuso.

"Ah, eh sorry. Medyo masama kasi ang pakiradam ko."
Dalawang linggo na ring sumasama ang pakiramdam ko, hindi ko alam kung bakit.

"May sakit ka? Ba't ka pa pumasok? Naku! Baka mapano ka." Hinawakan niya ang noo para tignan kung may lagnat ako.

"Ano ka ba, wala lang 'to mawalala rin 'to mamaya, " ani ko at nginitian siya.

"Ano nga ulit 'yong sinabi mo? " pag babago ko ng topic.

"Iyon nga, sabi ko kung aattend ka ba sa birthday ni sir Wyatt sa linggo?"

"Birthday niya sa linggo?"

"Yup." Tumango-tango ito. Kung gano'n ay party na naman.

" Ano, aattend ka?" tanong niya ulit.

"Wala naman akong maireregalo, nasa kaniya na ang lahat. " Totoo naman, e. Nakakahiya pag pumunta doon tapos wala man lang akong maibigay.

"Ano ka ba, h'wag mo nang isipin ang regalo na 'yan hindi niya naman kailangan niyan, e. Basta, umattend ka ha, para may kasama ako. Wala kasing kuwentang kasama si Jayson, e," aniya at tumawa. Loka-loka talaga 'to.

Napabuntong hininga na lang ako. Heto na naman tayo sa party na 'yan.

"Malalaman. ” i sighed.

"Basta, susunduin kita sainyo. For now, babalik na ako sa office ko dahil nag hihintay na roon ang mga gawain ko, bye!" Tumayo ito at lumabas ng ng office ko.

*Kring! Kring! Kring!*

"Hello, this is Effie Cynara WR Food Company secretary, speaking, " saad ko nang masagot ko ang tawag sa telepono.

"Oh, Effie! My son's wannabe girlfriend. Such a bitch."

Parang mali ata ang narinig ko. Ano raw? Wannabe girlfriend and bitch? Aba loko 'to ah, sino ba anak nito?

"Pardon me, sir?" Oo, lalaki ang kausap ko kaya sir.

"Effie Cynara, right? The new secretary of WR food enterprises company?"

"Yes sir, ako nga po." Matuto pa rin tayong gumalang kahit anong bastos ng kausap natin.

"Ikaw nga, I wan't to talk to you. "

"Sir, we're already talking. " Nag uusap na nga kami, e.

"I mean, I wan't to talk to you personally. " Teka, sino ba 'to? Baka mamaya modus lang.

"May I know who I'm talking with, sir?"

"I'm Wyatt's father, and I want to talk to you personally."

Wyatt's father? Oh, my gosh! Bakit gusto ako nitong kausapin?

"Oh, s-sir may nagawa ba akong masama? Ginagawa ko naman po nang maayos ang trabaho ko."

Gosh! Bakit ba ako kinakabahan? Wala naman akong ginawang masama diba? Lahat Naman ng utos ng anak niya sinusunod ko.

"All you have to do is meet me at the address I'll send you. Don't be late at 2 p.m. "

"P-Pero, sir may trabaho—"

*Tooottt! Toottt! Tooottt!*

Aba, may pagkabastos din pala itong tatay ni Wyatt hindi pa nga ako tapos mag salita binabaan na agad.

*Beep!*

Tinignan ko ang phone ko at may nag text na ng adress kung saan kami mag kikita.

I glance at my wristwatch and noticed that it is already 1:25pm. I have only 35 minutes left.

Kinuha ko ang bag ko 'tsaka nag madaling lumabas ng office.
Kada hakbang ko ay mas lalo akong nahihilo, dahil na rin siguro sa kaba.

"Oh, Effie where are you going? Nag mamadali ka ata?" tanong ni Jayson ng masalubong ko ito sa hallway.

"Oh! Jayson, thank you at nasalubong kita. Can I ask a favor?" Kailangan kong ipaalam kay sir Waytt, dahil tiyak na magagalit 'yon pag nalaman niyang iniwan ko ang trabaho ko.

"Ofcourse, Anything , ano ba 'yon?"

"Puwede pakisabi kay sir Wyatt pag hinanap niya ako, sabihin mong pinapatawag ako ng tatay nyia."

"Tatay niya? You mean, si sir Winston Roberts? " Winston pala ang pangalan ng lalaking 'yon.

"I guess so, tatay daw siya ni sir Wyatt, e."

"Teka, bakit ka ba raw pinatawag." Napakibit balikat ako.

"Hindi ko rin alam, basta sabi niya mag kita daw kami sa address na 'to." Binigay ko sa kaniya ang papel na pinagsulatan ko ng adress.

"Parang galit 'yong tono ng pananalita niya kaya kinakabahan ako."

"Sige sige mag iingat ka. Just call us pag may nangyari, baka mamaya hindi si sir Winston 'yong tumawag sa'yo," aniya.

"Basta ha, pakisabi kay sir Wyatt. Baka kasi mawalan ako ng trabaho dahil dito,"biro ko pero possible nga 'yon.

"Sige, mag iingat ka."

Nag paalam na ako sa kaniya at pumara ng taxi.

JAYSON'S POV

Pag pasok ko ng building ay saktong nasalubong ko si sir Wyatt.

"Jayson, did you see Effie? Wala siya sa office niya, may ipapagawa sana ako sa kaniya," anito.

"Iyon nga sana ang sadya ko sayo, sir. Kakaalis niya lang, pinapasabi niya na pinapatawag daw siya ni sir Winston."

Gumuhit ang pagtataka sa kaniyang mukha. "Si dad? Bakit daw?"

"I don't know, hindi niya sinabi. Ang sinabi niya lang ay mukhang galit daw po ang daddy niyo."
Napasalubong ang kilay niya dahil sa sinabi ko.

"Ano naman ang kailangan ng matanda na 'yon kay Effie? Tsk! Did you know the address?"

Binigay ko sa kaniya ang adress na ibinigay sa akin ni Effie kanina.
Pag kabigay ko ay agad naman itong umalis.

EFFIE'S POV

Papasok na ako sa isang resto kung saan kami mag kikita ng ama ni Wyatt.

Malayo palang ako ay tanaw ko na ang isang medyo may edad na bruskong lalaki sa isang VIP table.

Habang papalapit ako, pasama rin nang pasama ang pakiramdam ko.

"Mr. Winston Roberts ,right?" panimula ko ng makalapit ako sa table niya.

Senenyasan niya lang akong umupo.
"Ms. Cynara, aware ka naman siguro kung sino ako."

"Yes sir,"sagot ko naman.
Ramdam ko ang lamig at panginginig ng kamay ki. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito.
"Ano po ba ang maitutulong ko sa inyo, sir?" I asked.

I saw him smirk.

"Ms. Cynara, ayoko nang patagalin 'to, just name your price."

Bigla akong natigilan sa sinabi niya. What are he talking about?

"Ho? What do you mean, sir?" Wala akong idea kung ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya.

"You know what I'm talking about, Ms.Cynara! I want you to resign from your position! How much money do need?"

Nagulat ako sa sinabi niya. W-Wait, may nagawa ba akong hindi niya nagustohan?

"S-Sir, ano bang sinasabi niyo? May nagawa ba ako? May mali ba akong nagawa sa kompanya? Please, sir h'wag nyio naman akong tanggalin, kailangan ko ang trabahong 'to."

Naiiyak na ako, hindi ko alam kung ano ang ginawa kong mali para umabot sa puntong ito.

"Don't you understand what I'm saying? I thought you were smart? All I want is for you to stay away from my son ,Wyatt. Malapit na ang engagement nila ni Chelsea, kaya puwede ba hiwalayan mo na siya?"

Napailing na lang ako at mapait na ngumisi.

So, ito lang pala ang dahilan kung bakit gusto niya akong umalis sa trabaho ko, dahil akala niya ay may relasyon kami ng anak niya. Mga mayayaman nga naman.
Hindi ko alam, pero sa sinabi niya ay nainsulto talaga ako ng todo.

"Sir, hindi ko kailangan ang pera niyo. Nag t-trabaho ako at pinaghihirapan ko ang pera na nakukuha ko galing sa kompanya niyo."

Tumawa ako at matiim ko siyang tinignan.

"Why do wealthy people frequently adopt this mindset? Sir, even though I am impoverished, I will not exploit your son for your money. I earned every penny your company pays me, and thus you have no right to insult me!"

I'm sorry, Wyatt kung na sagot ko man itong ama mo na gano'n na lang kababa ang tingin sa akin.

"Bastos ka!"

Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko, nang itapon niya sakin ang tubig na nasa mesa.

"How dare you to say something like that to me?! You are fed by my money!" galit na asik nito.

"Pera mong pinaghirapan ko!"

Hindi ko ma iwasan ang hindi umiyak. Masiyado na akong inaapakan ng taong 'to, wala siyang karapatan na insultohin ang pagkatao ko.

"Mag dahan-dahan ka, baka 'yang dila mo ang mag pahamak sa'yo."

Hinampas niya ang mesa at tumayo saka iniwan ako.
Napayuko na lang ako habang tuloy-tuloy ang pag bagsak ng mga luha ko. Ramdam ko rin ang lahat ng titig ng mga tao sa akin dito sa loob ng resto.

Hindi ko naman kasi kasalanan na maging mahirap.

"Effie?"

Inangat ko ang ulo ko at lalong napahikbi ng makita ko si Wyatt na na sa harapan ko.
Hinubad niya ang coat niya at ipinatong sa akin. Bakat ang panloob kong suot dahil basang-basa ako.

"I'm sorry, nahuli ako."

Kita ko ang pag -aalala at galit sa kaniyang mukha.
Pinahid ko ang mga luha ko at pilit siyang ngitian.

"Ayos lang ako sir," ani ko at tumayo. Hindi pa ako nakakahakbang ng mapakapit ako sa braso niya dahil nakaramdam ako ng pagkahilo.

"Are you okay?" nag aalalang tanong niya.

"I'm fine," maikli kong sagot saka bumitaw sa kaniya.
Nakakailang hakbang pa lamang ako palabas ng resto nang nakaramdam nanaman ako ng pagkahilo.

"Effie?" Rining kong tawag niya sa likuran ko.

Unti-unting nanilim ang paningin ko, then everything went black.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top