CHAPTER 7
CHAPTER 7
EFFIE'S POV
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko galing sa bintana.
Bigla akong napabalikwas nang maalala ko kung nasaan ako.
Wala na si Wyatt sa kama, may suot na rin akong puting oversize shirt.
Inikot ko ang aking paningin sa loob ng kuwarto. Ang ganda, black and white lahat ng gamit na makita mo at ang linis din.
Tumayo ako at nag lakad. Ramdam ko rin ang sakit ng pagkababae ko.
Muli kong naalala ang nangyari kagabi, nasapo ko na lang ang mukha ko dahil sa kagagahang ginawa ko.
"Ang bobo mo Effie! Anong mukha na ang ihaharap mo sa boss mo ngayon?" bulong ko sa sarili ko. Bakit ba ako nag padala sa bugso ng damdamin ko, e.
"Hindi ka naman siguro mag papalit ng mukha para pag taguan ako, diba?"
"Ay palaka!" Bigla akong napatalon nang may biglang nag salita sa likod ko.
Pag lingon ko ay nakita ko ang mukha ni Wyatt na naka gisi.
"Ano ba, sir! Papatayin mo ata ako sa nerbyos, eh!" bulyaw ko sa kaniya.
"Aba, pinagtataasan mo na ng boses ngayon ang boss mo?" taas kilay niyang sabi.
'Eh, kayo naman po kasi bigla-bigla na lang susulpot na parang kabote sino hindi ma—"
Hindi niya pinatapos ang sasabihin ko nang halikan niya ako, smack nga lang. Tangina, parang gusto ko naman atang higit pa roon.
"Bakit mo ginawa 'yon?" kunot noo kong tanong.
"To shut you up," sagot niya at nginisihan ulit ako.
Pakiramdam ko ay namula naman ako dahil sa sinabi niya. "Anong oras na ba?" tanong ko at hinanap ang handbag ko.
"It's 9:45 am," sagot naman nito at umupo sa kama.
Napalaki ang mga mata, omg, late na ako! "Naku, sir! Late na ako!" Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at lalabas na sana ng kwarto nang hilain niya ko pabalik.
"Anong late? Eh, kasama mo boss mo. Walang magagalit sa 'yo roon," anito at tumawa.
Napakamot na lang ako sa batok nang ma realized ang sinabi niya. "Ah, sir, uuwi na lang po ako," nakayukong paalam ko. Masiyado na akong nahihiya sa pinag-gagawa ko.
"Mag breakfast ka muna bago umuwi," pag aalok niya ngunit agad naman akong umiling.
"H'wag na po sir, doon na lang po sa bahay."
Ako na siguro ang may pinakamakapal ang mukha kung mananatili pa ako rito matapos ang nangyari sa amin ng boss ko.
"Sige na, nag luto ako para sa dalawang tao kaya hindi ko ma uubos 'yon ng mag isa."
"But sir—"
"C'mon, Effie. H'wag mo nang tanggihan ang pagkain."
Napakagat labi na lang ako.
Bakit gan'on, parang wala lang sa kaniya ang nangyari.
Napapikit ako nang maalala ang nangyari kagabi. Fuck! Dala ba 'yon ng alak?
Maling-mali ang ginawa ko pero hindi ko alam kung bakit ginusto ko rin 'yon. Parang gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa kagagahan na ginawa ko.
"Are you okay?" tanong niya nang mapansin niyang natigilan ako.
"Ah, okay lang po ako, sir. Nginitian ko siya ng pilit. Parang gusto ko na lang magpakain sa lupa. Kung puwede lang lumaho ay gusto ko nang lumaho sa kinatatayuan ko.
'Mag hahanda lang ako ng pagkain sa labas, sunod ka na lang." Tumango na lang ako sa kaniya bilang sagot.
Napasabunot na lamang ako sa aking buhok. My goodness, Effie! Ano itong pinasok mo?
Huminga na lang ako ng malalim bago sumunod kay Wyatt sa labas.
"Have a seat," utos niya habang hinahanda ang pagkain sa mesa.
"Ikaw ang nag luto ng lahat nang 'to?" Tinignan ko isa-isa ang mga pag kain na hinain niya sa mesa.
"Sino pa ba sa palagay mo, e tayong dalawa lang ang nadito," pa-balang na sagot niya.
Pinagtaasan ko lang siya ng kilay. May pag ka pilosopo rin pala itong taong 'to.
Hindi na ako sumagot baka ma-ibato ko lang sa kaniya ang baso.
"Let's eat," aniya at umupo.
Nag-umpisa na kaming kumain at walang umiimik ni isa sa amin. Tinignan ko lang siya at seryoso lang itong kumakain. Napabuntong-hininga ako nang muli kong maalala ang nangyari sa amin kagabi. Paano kung mabuntis ako? Takte naman kasi Effie!
"Uh, Wyatt?" Basag ko sa katahimikan.
Kailangan kong malaman ang sagot para aware ako kung may mabubuo man sa ginawa namin.
"Hmm?" sagot niya na 'di man lang ako tinapunan ng tingin. "
"Ano kasi, uhm..."Paano ko ba sisimulan? Bahala na. "Paano kung mabuntis mo ako dahil sa nangyari sa 'tin? Pananagutan mo ba ang bata?" Hindi naman sa pinangungunahan o nag-aassume ako, gusto ko lang makasigurado.
Bigla siyang tumigil sa pagkain at inangat ang ulo niya para tignan ako.
Gusto ko lang naman ng assurance dahil kung may mabubuo man ay hindi ko hahayaan na walang ama ito dahil alam ko ang feeling nang walang ama.
"Kaya ba pumayag ka makipagtalik sa 'kin dahil sa pera ko?"
"A-Ano?" Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa narinig kong sinabi niya. Nabigla ako at hindi ko inaasahan na iyon ang isasagot niya sa tanong ko. Isang tanong din ang sagot niya na umapak sa pagkatao ko.
"Kaya ba nakipag-sex ka sa 'kin para pag mabuntis kita ay makakahuthot ka ng pera sa "kin?"
Parang may kung anong bumara sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay nanuyo rin ang lalamunan ko habang nakikipag-laban ako sa kaniya ng titig. I don't know how to react. Parang nabingi ata ako sa sinabi niya kahit malinaw ang pagkakarinig ko. "A-Anong sinasabi mo?"
Tumawa ito. "Wala ka rin palang pinagkaiba sa ibang babae. Pera ko lang ang habol n'yo."
Parang sinampal ako nang malakas dahil sa narinig ko. siya. "Jerk," mahinang saad ko habang matim siyang tinititigan.
Natigilan ito dahil sa sinabi ko. "What did you say?" kunot-noo niyang tanong.
"I said, you are jerk!" galit na sigaw ko. Ang kapal naman ng mukha niya para sabihan ako ng gano'n. "Gusto mo tagalogin ko? Isa kang gago. Gago ka!" malakas a madiin na sabi ko habang mapait na nakatingin sa kaniya.
"How dare you to call me that way?!" galit na asik niya.
"Who are you to judge me and compare me to the gold diggers you are talking about?! Ni hindi mo pa nga ako lubusang kilala, e. Makapaghusga ka naman akala mo alam na alam mo na pagkatao ko." Ngumisi ako ng mapait. Bakit ba ang tanga ko? Binigay ko sa taong walang kuwenta ang sarili ko. "You don't know me, Wyatt. Mahirap man ako ngunit hindi ako ganiyang tao. Lahat ng perang nakukuha ko pinaghirapan ko kaya wala kang karapatan na husgahan ako!" sigaw ko.
Gusto kong umiyak ngunit pinipigilan ko ang sarili ko dahil ayokong makita niya akong umiiyak dahil lang sa walang kuwentang sinabi niya. "Kung sa tingin mo kaya nakipag-sex ako sa 'yo dahil sa pera mo, pwes, sasabihin ko sa 'yo na isaksak mo sa atay mo 'yang pera mo! Ang kapal ng mukha mo!" sigaw ko 'tsaka tumakbo pabalik sa kuwarto niya at kinuha ang mga gamit ko.
Pag labas ko ng kuwarto ay tinapunan ko muna siya ng masamang tingin bago lumabas ng condo niya.
"Effie!" rinig kong tawag niya ngunit hindi ko na ito pinansin at diretso lang sa paglalakad hangang sa makapasok ako sa elevator.
Pinahid ko ang luha ko nang mapansin kong tumulo na pala ito. Why I'm so stupid? Parang gusto kong sabunotan ang sarili ko dahil sa katangahan ko.
Pag labas ko ng building ay agad na nag para ako ng taxi para umuwi. Pag dating ko sa bahay ay agad akong naligo at nag bihis. Papasok ako, ayokong sabihin niya na guilty ako. Lulunokin ko ang pride ko dahil pinag t-trabahuhan ko naman ang pera na pinapasahod niya.
Pagdating ko sa company ay sinalubong agad ako ni Angelica sa Hallway.
"Effie! Are you okay now?" she asked. Tinutukoy niya ay 'yong nangyari kagabi sa party.
"Yes, okay na ako. Salamat," sagot ko at nginitian siya. In other half of me ay hindi ako maayos. Ikaw ba naman insultohin?
"It's nice to hear that. Later sabay ka sa 'min ni Jayson mag lunch, ha. See yah!" aniya at nag paalam na para bumalik sa office niya.
Dumeretso na rin ako sa office ko para maumpisahan ko na rin ang trabaho ko. Kailangan kong matapos ng maaga para maaga rin akong makakauwi dahil medyo masama rin ang pakiramdam ko.
Pag bukas ko ng pinto ng office ko ay nadatnan ko si Wyatt na nakaupo sa swivel chair ko. Nabuhay na naman ang inis ko sa katawan nang makita ang pag mumukha niya.
Hayss, what did you expect, Effie? Eh, company niya 'to.
Tinignan ko lang siya at dumeretso sa table na nasa tapat niya para ilagay ang mga gamit ko.
Tumayo ito sa upuan na walang anong salita ang lumabas sa bibig niya.
"Excuse me, SIR." Diniinan ko talaga ang sir.
"Hindi mo man lang ba ako babatiin ng good morning?"
Inangat ko ang ulo ko at pinagtaasan siya ng kilay.
"Tss."Iyon lang ang na sagot ko.
Umupo na ako sa harap ng table ko at inayos ang mga dapat ayosin.
Ang kapal ng mukha, ha. Ano ang maganda sa umaga, eh sinira niya na araw ko.
"Are you mad?"
Inangat ko ang ulo ko at binigyan siya ng mapait na ngiti.
Ngayon, tatanongin niya ako kung galit ako? What did he expect na matutuwa ako sa pang iinsulto niya? Gago nga talaga siya.
"Why would I?"
Sabagay, kasalanan ko rin naman, e. Bakit ko ba kasi hinayaan na mangyari 'yon.
" 'Yong nangyari kagabi—"
"Ah, 'yong sa party? Okay na ako, sir." Pinutol ko ang sasabihin niya.
Ayoko nang marinig ang sasabihin niya tungkol doon.
"N-No, I mean, "yong nangyari sa atin kagabi."
"Ano ba ang nangyari, sir? Wala namang nangyari sa 'tin kagabi,"ani ko at tumayo para pumunta sa cabinet.
"Effie,'tawag niya, pero 'di ko ito pinansin.
"Sir, if may ipapagawa po kayo ilagay niyo na lang sa table ko, gagawin ko ka agad," saad ko at sinarado ang cabinet nang makuha ko ang kailangan ko.
"Alright, kailangan ko 'yan mamayang 3 p.m.,"aniya at nilapag ang folder na hawak niya sa mesa saka lumabas.
Binagsak ko ang katawan ko sa upuan. Napahawak ako sa sintido ko nang makaramdam ako ng pagkahilo.
May hangover pa ata ako.
Inaayos ko na ang sarili ko at inumpisahan na trabahohin ang mga kailangan kong gawin.
Ilang oras din akong nakaupo lang at tutok sa ginagawa ko nang may kumatok sa pinto.
"Come in."
Naramdaman kong bumukas ang pinto ngunit di ako nag-abalang lingonin kung sino man ito.
"Effie, lunch break na. Hindi ka ba kakain?"
Kahit 'di ako lumingon, alam kong si Jayson 'yon.
Inayos ko muna ang ginagawa ko saka ko siya tinapunan ng tingin at nginitian.
"Hindi ko namalayan ang oras, dami kasing trabaho," ani ko at tumayo.
"Hinay-hinay lang, h'wag masiyadong workaholic, pati pagkain mo ay nakakalimutan mo na."
Nag lakad na kami palabas ng office.
'Mas better na maagang matapos kaysa naman sa tumambak lang nang tumambak," sagot ko.
Napakibit-balikat na lang siya na mukhang sumang-ayon naman sa sinabi ko.
ting
Binuksan ko ang cellphone ko at nakita kong may isang message galing kay Alcina.
From: Bess Alciii
"Bes ipapasyal ko si lola, ha."
Napangiti naman ako dahil sa nabasa. I'm very thankful na may kaibigan akong katulad niya. Para ko na siyang kapatid.
To: Bess Alciii
"Sure bess, mag iingat kayo."
Sendinggg... Sent.
"Where are you two going?"
Napahinto ako at nag angat ng ulo.
Si Wyatt nasa harap namin ni Jayson na may hawak na plastic bag sa kanang kamay niya habang sa kaliwa ay isang folder.
"Sir, mag l-lunch lang po," sagot ni Jayson kay Wyatt.
"The lunch break is already over. Go back to your works," malamig na tugon nito.
"But sir, tinapos po kasi namin ang works namin before mag lunch, kaya na late kami," paliwanang ni Jayson.
"Tapos mo na? Eh, ikaw Ms. Cynara? Madami ka pang gagawin kaya bumalik ka na sa office mo." Malamig niya akong tinitigan.
"Tapos ko na rin, sir."
Lumapit siya sa akin at inabot ang isa pang folder.
"I need that before 2 pm."
"B-But sir..."
"I said go back to your office now!"
Lihim akong napatalon sa gulat ng biglang tumaas ang boses niya.
*Kroookkk*
Napahawak ako sa tiyan ko.
Nagugutom na ako. Hindi pa naman ako nakapag breakfast kanina.
Bakit ba ang init ng ulo nitong pisteng lalaking 'to?
Tinignan ko siya ng masama.
"What are you staring at me? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?"
Parang naiiyak ako sa inis.
"Monster," I mumbled pero rinig nila 'yon dahil si Jayson ay na patingin sa akin na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Anong sinabi mo?" kumunot ang kaniyang noo habang umiigting ang kaniyang panga.
"Mayaman ka nga, bingi ka naman!" inis na sagot ko bago tumakbo pa balik ng opisina ko.
"Napaka sama mo Wyatt!!!!" I shouted ng makapasok ako sa opisina .
Umupo ako sa swivel chair ko at sinandal ang ulo ko sa mesa.
*kroook*
Napahawak ako sa aking tiyan. Gutom na talaga ako.
"I hate you, Wyatt," bulong ko habang hinihimas-himas ang sikmura ko.
"Really?"
Nagulat ako sa nag salita kaya biglang napaangat ang ulo ko
.
"What are you doing here, SIR? May IPAPAGAWA nanaman ba ulit kayo? Ilagay niyo lang po diyan at gagawin ko." I emphasis the words sir and ipapagawa para naman ma inis.
Namumuro na kasi ang taong 'to, e.
Nilapag niya ang isang plastic bag sa ibabaw ng table ko. Ito 'yong hawak-hawak niya kanina.
Pinag taasan ko siya ng kilay. "Ano naman 'yan?"
"Pagkain, kumain ka na. "
Pagkain? PAGKAIN!? Parang nabuhay naman ang mga cells ko sa katawan dahil sa narinig.
"Oh, bakit mo ako dinalhan niyan? Hindi ba tapos na ang Lunch break? Dalhin mo na lang po 'yan sir, gagawin ko pa inuutos niyo."
Kaunting pakipot muna, kahit gutom na gutom na ako may pride pa rin ako, ano.
Huminga ako ng malalim ng hawakan nya ang plastic bag. Naku! Wrong move baka mamaya ay bawiin niya. Pagkain na mukhang magiging hangin pa.
"H'wag mo ng gawin 'yan, ako na ang gagawa."
Binuksan niya ang plastic bag at nilabas ang mga pagkain.
Nagulat ako sa sinabi niya. Oh, bago ata sa pandinig ko 'yon. Siya ang gagawa? Si Wyatt Roberts ba 'to?
Tinignan ko lang siya habang inaayos niya ang pagkain sa table.
"Pag tapos mong kumain matulog ka. Ilock mo ang pinto para walang mang iistorbo sa'yo."
"Eh?" Napataas dalawang kilay ko.
Sinapian ata ang lalaking 'to. Pakiramdam ko ay ibang tao ang kaharap ko.
"Sige na, kumain ka na."
Kinuha niya ang folder na binigay niya kanina sa'kin, bago lumabas ng opisina ko.
Anong nangyari? Bigla atalang siyang bumait.
Tinignan ko ang mga pagkain na nasa table at inamoy-amoy ko ito. Wow, naman. Amoy pa lang mukhang masarap na.
Hindi ma ako nag alinlangan pang lantakanang mga pagkain na nasa harap ko.
Matapos kong maubos ang lahat, ay bigla akong dinalaw ng antok.
As Wyatt said, nilocked ko ang pinto at humiga sa sofa. Sabi niya matulog, edi matulog.
I stretched my leg, sumasakit pa ang katawan ko.
Bigla kong naalala ulit ang nangyari sa amin ni Wyatt kagabi.
His touch, his kiss, his moans, all of it makes me shiver with excitement.
Para akong tanga, when I found my self smiling.
"Wyatt Roberts," bulong ko bago ipinikit ang mga mata ko.
WYATT'S POV
Tumayo ako at inunat-unat ang mga braso ko nang matapos ko ang paper works na ginawa ko.
I look at my wrist watch and it's alredy 4:45 pm.
Lumabas ako ng office ko at tumungo sa office ni Effie. I don't know why, bigla na lang ako dinala ng mga paa ko sa harap ng office niya.
I knock three times and no one answers. I guess she's sleeping, kaya
bumalik muna ako sa office ko para kunin ang spare key ng office niya.
Pag bukas ko ng pinto, I saw her soundlessly sleeping on the couch.
Nilapitan ko siya at inayos ang pagkakahiga niya.
Hindi naman kaya mangalay 'to, e ang paa niya nakababa.
Tumungo ako sa table niya para kunin ang remote ng aircon at e-adjust ang temperature. Masyado siyang nag titipid, ang init sa office niya.
"Wyatt."
Napalingon ako sa kaniya, akala ko gising na but to my surprise, tulog pa rin pala siya.
Napangiti akong nilapitan siya.
"Dream of me, darling," I said, and kiss her forehead.
Ilang minuto ko kang siyang pinagmasdan hangang sa gumalaw ito at nagising.
Nagulat siya ng makita ako kaya bigla itong napaupo.
"Paano ka nakapasok? Nilocked ko ang pinto, ah." Halata ang gulat ang pagkabigla niya sa kaniyang mukha.
"I have a spare key," sagot ko at tinaas ang susi na nasa kamay ko.
Tumango-tango lang ito na parang hindi pa siya lubusang naka balik sa kaniyang huwisyo.
Umupo ako sa tabi niya at tinignan siya. "By the way, ano ang panaginip mo?"
Namula naman ito dahil sa tanong ko.
"Ah, eh wala. Bakit ba?"
"Oh, really?" Ngumiti ako ng nakakaloko.
"Wala nga sabi!" Iniwas niya ang paningin niya sa 'kin.
"Bakit hindi ka makatingin ng diretso sa' kin? "
Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya. Ilang inches na lang ang lapit ng mukha namin sa isat-isa at napapansin kong lalo siyang namumula
.
3 inches... 2 inches...
Bigla siyang pumikit.
"Dream of me always, darling," bulong ko, saka dumistansya.
Minulat niya ang mga mata niya at di mapaliwanang ang kaniyang expression.
"Disapointed?" I teased her while grinning.
"Damn you! Lumabasa ka nga!" asar niyang sigaw kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong humalakhak.
Mas lalong nasira ang kaniyang mukha na para bang anytime ay hahambalusin niya ako.
"Alis na!" Tinulak-tulak niya ako palabas ng pinto.
"Oh, bakit mo ako pinapalabas? Ako ang may-ari ng buliding na 'to ah," saad ko na natatawa pa rin.
"I dont hella care, labas!" Namumula na siya dahil sa inis. She's so cute.
Ngumuso ito habang masama akong tinitignan.
I kiss her on the lips.
Nanlaki ang mga mata niya at mas lalo itong na inis dahil sa ginawa ko.
"How dare you to steal a kiss from me? You maniac!" she shouted.
I can't stop myself from laughing. Parang umuusok ang kaniyang ilong dahil sa inis.
"Alis na!"
Pag labas ko ng pinto ay bigla niya itong sinara ng padabog buti na lang ay nakaatras ako, dahil kung hindi, sira ang ilong ko.
"YOU JERK, WYATT ROBERTS!!" sigaw niya mula sa loob.
Tumawa lang ako sabay katok ng pinto.
"Hey! Effie open the do—"
*BOOGSSHH!*
"Oh, fuck!"
Hindi man lang tinapos ang sasabihin ko ng may binato siya sa pinto
"Sige, pumasok ka! Sa mukha mo na mismo lilipad 'tong upuan!!" sigaw niya mula sa loob.
"What the fuck— upuan 'yong binato mo? Pag 'yan nasira—"
"Wala akong pakialam! Baka gusto mong mukha mo ang sirain ko!?" muli niyang sigaw.
May pagka amazona rin pala 'tong babaeng 'to.
"Okay, okay... aalis na ako," ani ko at humalakhak.
*BOGSSHHH!*
*BOOGSHHH!*
"Ay, pot*ngina! H'wag mo namang sirain ang mga gamit diyan!"
Anong klaseng babae ba 'to, nakakagulat.
"Sabing lumayas ka na diyan, kung ayaw mong lahat 'to magkasira-sira!!" sigaw niya.
Naniniwala na talaga ako sa kasabihan, na mag biro lang sa lasing h'wag lang sa bagong gising.
"Oo na, aalis na!" sigaw ko at tumawa 'tsaka umalis. Baka mamaya ay pinto na ang ibato niya sa'kin.
EFFIE'S POV
Hinahabol ko ang hininga ko," Wyatt Roberts, mapapatay kita!" Hindi ko alam koung bakit ako nagagalit, siguro na pahiya ako, dahil nag expect ako?
"Ahhh! Ano ba, Effie!" Napasabunot na lang ako sa aking buhok bago kinalma ang sarili. Nakakahiya!
Umupo muna ako para pahupain ang inis at nakakahiyang nararamdaman ko.
Ilang minuto pa akong nag stay sa loob ng office hangang na pag desisyonan kong umuwi.
Kinuha ko muna ang mga papeles na pinagawa sa'kin kanina ni Wyatt saka lumabas na ng office.
Nasa tapat na ako ng pinto ng office niya, nag aalangan akong pumasok dahil nahihiya pa rin ako sa ginagawa ko kanina.
Inhale...Exhale...Inhale...Exhale...
Pipihitin ko na sana ang pinto ng biglang bumukas ito at niluwa ang napakagwapong nilalang.
Sino naman kaya 'to?
Nagulat din ito ng makita ako."Excuse me, miss?"
"Ah, eh. Pakibigay na lang kay sir Wyatt, salamat." Nginitian ko siya ng pilit bago tumalikod.
"Primo, sino 'yan?"
Rinig ko na tanong ni Wyatt mula sa loob ngunit kumaripas na ako ng takbo.
Pag labas ko ng building ay huminga muna ako ng malalim.
"Ang dami mong kahihiyan ngayong araw, Effie."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top