CHAPTER 32
CHAPTER 32
WYATT'S POV
Lumabas ang doctor mula sa ICU at agad naman kaming lumapit sa kaniya.
"Doc, how's my fiancée?" agad na tanong ko.
Nakita kong huminga ng malalim ang doctor kaya bumilis ang pag tibok ng puso ko.
"Tatapatin na kita Mr. Roberts. Nasa critical stage ang fiancèe mo sa ngayon." Parang tinakasan ako ng buong lakas ko dahil sa narinig.
"There is a blood clot in her brain, and she requires immediate surgery."
Unti-unting bumigat ang aking pag hinga.
"S-So, you mean.. she's in c-coma?" Unti-unting tumango ang doctor bilang sagot.
Napayukom ang mga kamao ko at napalunok dahil sa luhang nag uumpisang mahulog sa mga mata ko.
"Marami siyang natamong pinsala sa katawan. at, dahil na rin sa pag tama ng kaniyang ulo sa kaniyang pagkahulog ay may dugong namuo sa kaniyang utak. Ang tapang lang ng fiancèe mo dahil nailabas niya pa ang baby niyo bago siya nawalan ng malay."
Nagulat ang doctor ng bigla ko siyang hawakan sa balikat. "D-Doc, gawin niyo na ang surgery. Handa akong mag bayad kahit magkano, iligtas niyo lang ang fiancèe ko."
"But before we conduct a surgery. Kailangan mo muna pumirma. Magiging risky ang operation na 'to, Mr. Roberts. Kaya, kailangan namin ang pahintulot niyo. "
Napahawak ako sa aking ulo at napapikit. "Wyatt, anong gagawin mo?" tanong ni Alcina na hindi parin natatapos sa pag-iyak.
"Mr. Roberts, I just want to remind you that your fiancée could die at any time if she is not operated on immediately. However, if you agree, we have a 50/50 chance of saving her. You must decide now."
"Kuya..p-paano na?" naiiyak na sambit ni Trish.
Napapikit ako ng mariin bago hinarap ang doctor.
"I will sign it. Gawin niyo na ang surgery."
Pag alis ng doctor ay napaupo na lang ako sa at inilabas ang sakit na nararamdaman ko. I don't wan't to loose Effie. I can't live without her. Oh, God! Please help my fiancèe.
"Wyatt." Pinahid ko muna ang mga luha ko bago inangat ang tingin kay Sevv.
"Hinalughog na ng mga police ang bahay niyo pero hindi nila nakita ang kasambahay niyo."
"Paanong hindi nila nakita, e tatlo lang sila ni Effie ang tao sa bahay kanina."
Nag kwento kasi si Trish kanina, at sabi niya noong mangyari ang insidente ay hindi nag nag pakita si Rona.
"Mukhang wala siya sa bahay niyo noong nangyari kay Effie 'yon," aniya.
Mas lalo akong nagugulohan. Paano siya mawawala, at tiniming pa talaga sa gabing 'to.
"Wyatt, dahil sa pagkawala niya ay isa na siya sa suspect ng mga police. Kailangan siyang mahanap dahil baka may alam siya sa nangyari." Napabuntong hiniga na lang ako at muling napahawak sa ulo ko
Kung sana ay mas maaga pa akong nakauwi ay hindi sana nangyari kay Effie ito.
Naramdaman kong hinawakan ni Sevv ang balikat ko. "Dadalhin ko muna si Trish sa police station. Kailangan ang statement niya. Pati ikaw din sana, pero mas kailangan ka ni Effie ngayon." Muli kong inangat ang tingin sa kaniya.
"Sige bro, salamat," ani ko.
Nilapitan ako ni Trish at niyakap.
"Naniniwala po ako na magigising si Ate, kuya." Napakagat labi siya para pigilan ang muling pag hulog ng luha niya. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinimas ang likod niya.
"Magigising siya, magiging ligtas ang a-ate mo." Nag cracked ang boses. Tumulo ang butil ng luha sa 'king mga mata pero mabilis ko 'yong pinunasan bago hinarap si Trish.
"Sabihin mo lahat sa mga pulis ang nakita mo, okay?" Tumango-tango ito.
"I will," saad niya bago sumama kay Sevv. Naiwan kami ni Alcina sa labas ng ICU.
"Sir, pinapatawag po kayo sa nurse station. Pipirma na po kayo para maisagawa ang operasyon,"ani ng isang nurse na kakarating lang.
Agad akong tumayo at senenyasam muna si Alcina bago sumunod sa nurse.
Pag dating ko sa nurse station ay ibinigay na sa 'kin ang isang kapirasong papel at isang ballpen.
Nakatitig ako sa ballpen at papel na hawak ko. Pag nasa opisina ako ay mabilis ko lang na napipirmahan ang mga papeles, pero ngayon ay parang ang bigat ng ballpen na hawak-hawak ko. Parang nahihirapan akong igalaw ang mga kamay ko.
Humigpit ang hawak ko sa ballpen at mariing ipinikit muna ang aking mga mata saka humugot ng lakas ng loob bago igalaw ito at pinirmahan ang isang pirasong papel. Umaasa ako na maliligtas ng papel na pinirmahan kong 'to ang babaeng mahal ko.
Pag tapos kong pirmahan 'yon ay agad na nilang nilipat si Effie mula sa ICU patungo sa OR.
Dumating na rin sila Tito marco at si Tita Mira. Kasunod naman nila sila Jayson at Angelica. Habang nag hihintay kami sa labas ng OR ay may nurse na lumapit sa 'kin.
"Sir, Puwede niyo na pong makita ang anak niyo sa nursery," aniya at umalis.
Pumunta kaming lahat sa nursery na kalapit lang din ng OR. Pumasok ako sa loob ngunit sila tito Marco ay nasa labas habang nakatingin sa glass wall. Bawal kasi pumasok ang marami.
Nilapitan ko ang isang pink na crib na may nakalagay na Roberts. Automatikong tumulo ang luha ko ng masilayaan ang mukha ng aking Prinsesa. Hindi ko kasi masiyadong nakita ang kaniyang mukha noong lumabas siya dahil madalim noong oras na 'yon at wala pa ako sa tamang huwisyo dahil sa nangyari.
Dahan-dahan ko itong kinuha sa crib at kinarga. "Baby, Daddy is here. " Napahikbi ako ng imulat niya ang kaniyang mga mata at tinaas ang maliit niyang kamay. She looks like her mom.
Idinampi ko ng daliri ko ang kaniyang malambot na pisngi. "Did you know how brave your mom is? She delivered you in the most trying circumstances of her life."
Halo-halo ang emosyon na aking nararamdaman. "She loves you very much, baby. S-Sana ay magiging maayos na ang mommy mo, dahil hindi ko kakayanin kong mawawala siya..." Napahagulgol ako habang hawak-hawak ko sa bisig ko ang anak ko.
Nilipat na ng kuwarto si Wynter matapos kong mag fill-up para sa kaniyang birth certificate. Kumuha ako ng isang malaking private room para sa aming lahat upang makapag pahinga. Wala na rin kasi silang balak umuwi hanggat hindi pa natatapos ang surgery ni Effie.
"She looks like her mom," komento ni Angelica habang pinag mamasadan si Wynter na natutulog sa crib.
"Yeah, ang ganda nito pag laki, kagaya ng mommy niya," ani naman ni Sevv.
Nakaupo lang ako sa malaking couch kasama sina tito Marco at tita Mira, habang si Alcina naman at Trish ay natutulog sa malaking kama. Alas tres na rin kasi ng madaling araw.
Matapos kasi ang pagbibigay ng statement ni Trish sa police station ay bumalik sila agad dito sa hospital.
"Wyatt, wala akong naintindihan sa mga nangyayari. Bakit biglang nawala ang kasambay niyo sa mga oras na 'yon?" tanong ni tito Marco.
"Iyon din po ang gusto kong malaman. Nakakapag duda," sagot ko, habang ang aking tingin ay kina Jayson, Sevv at Angelica na pinagmamasdam si Wynter.
"Hindi naman kaya siya ang gumawa kay Effie no'n?" saad naman ni Tita Mira.
"Malabo po, wala siyang rason para gawin kay Effie ,'yon. Mabait si Effie sa kaniya kaya hindi niya magagawa 'yon."
Isa lang naman ang taong makakagawa kay Effie ng gano'n, e. Walang iba kundi ang walang hiyang si Chelsea lang at wala ng iba.
"Sa tingin mo ba , sino ang gagawa kay Effie ng gano'n?" Tinignan ko si tito Marco.
"May alam po ako, ngunit kailangan ko pa ng matibay na ebidensiya. Si Effie lang din ang makakatulong sa 'tin. Siya lang ang makakapag sabi, kaya sana ay maging successful ang operation niya at magising na siya.
Biglang tumunog ang cellphone ni Sevv kaya napalingon kami sa kaniya.
Senenyasan niya muna kami na sasagutin niya lang, bago lumabas.
Pag balik niya ay umupo siya sa isang silya sa harap ko.
"Wyatt, my witness. May isang matandang babae na kapit bahay niyo ang nakakita na may may pumasok sa bahay niyo around 9:45 p.m kagabi," aniya.
"9 :45 p.m? Kung gano'n ay nasa bahay na ang criminal bago pa tumawag si Effie sa 'kin kagabi. Tumawag siya sa 'kin around 10:30 p.m."
Lihim akong napamura. Nanganganib na pala ang buhay ni Effie sa mga oras na 'yon na kausap niya pa ako.
"Exactly, pero parang tama ka sa unang hinala mo."
Inangat ko ang tingin sa kaniya.
" Wyatt, babae raw ang pumasok. Kaya, baka tama ang hinala mong si Chelsea 'yon."
My fist clenched and my teeth gritted. Ang demonyong 'yon, pag babayaran niya ang lahat ng ginagawa niya.
Umaga na nang matapos ang surgery ni Effie. Matagumpay naman dahil nakuha ang dugo na namuo sa utak niya ngunit hindi pa rin makakasigurado na ligtas na siya hanggat hindi pa siya nagigising.
Inilipat siya sa PACU para obserbahan pa hangang sa magising.
Nag si uwian muna sila ngunit nag paiwan si Alcina at tita Mira. Si tito marco ay pinauwi na rin muna dahil tumaas ang presyon niya at hindi makakabuti sa kaniyang pag mananatili siya rito.
Nag suot ako ng hospital gown at head dress bago ako pumasok sa PACU para bisitahin si Effie. 15 minutes lang rin ang binigay sa 'kin dahil bawal mag tagal.
Parang walang lakas ang mga paa kong humakbang papalapit sa kaniya. Maraming aparato na nakakabit sa katawan niya at may malaking oxygen na naka kabit sa kaniya.
Unti-unting nanikip ang dibdib ko habang papalapit ako nang papalapit sa kaniya.
Nasasaktan ako sa nakikita kong kalagayan niya. Sana ako na lang, ako na lang sana ang ang nasa kalagayan niya.
Pag lapit ko sa kaniya at umupo ako sa upuan sa gilid ng kama niya at hinawakan ang kamay niya.
"Love, I'm here." Humikbi ako habang hinihimas-himas ang kamay niya.
"Lumaban ka ha, hinihintay ka namin ni baby Wynter, kaya pakiusap magising ka na dahil hindi ko kakayanin ang mawala ka." Niyuko ko ang ulo ko para halikan ang kamay niya.
"Hindi-hindi na ako mag o-over time, basta gumising ka na." Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. Hindi mo ako p'wedeng iwan. Hindi ko kakayanin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top