CHAPTER 31
CHAPTER 31
EFFIE'S POV
"Ate what do you want to eat?" Trish asked me. Nandito parin siya sa bahay, 'di na siya umuwi kahapon dahil nag aalala daw siya sa amin ni baby.
"May cake doon sa ref, 'yon na lang kainin natin habang 'di pa nakakabalik si Rona," sagot ko.
Nag grocery kasi si Rona dahil na ubos na ang stocked namin.
"Alright, wait me here!" she said at iniwan ako sa sala.
Hays.. napakaboring na araw na naman. Nasa trabaho na naman si Wyatt at mamayang gabi pa ang uwi. Sunod-sunod din ang meeting niya sa ibat-ibang investors nito dahil 'di natapos kahapon 'yong isa niyang meeting.
Bumalik si Trish na may dala-dalang cake at orange juice. Nilapag niya ito sa glass table at umupo sa sa tabi ko.
"Ate, may napansin ka ba kay ate Rona?" Out of no where niyang tanong.
Napalingon ako sa kaniya. "Ah, bakit?" tanong ko at sumubo ng cake.
"Parang kakaiba kasi ang kinikilos niya or sadiyang masiyado lang akong suspisyosa." Tumawa ito dahil sa sinabi niya.
Napapansin ko rin kay Rona 'yon. Parang naiilang siya pag nasasalubong ako at parang hindi rin siya makatingin sa mga mata ko. Nakita ko siya last time may kausap sa phone at masyado niyang hinihinaan ang boses niya na parang natatakot na may makarinig ng pag uusapan nila. Hindi ko nalang 'yon pinansin hindi naman kasi ako chismosa.
"Hay nako, Trish h'wag mo nalang pansinin, gutom lang 'yan." saad ko at lumamon ulit.
Ilang sandali lang ay dumating na si Rona at pawis na pawis.
"Nandito na po ako ma'am," aniya ng makapasok.
"Oh, 'anyare sa'yo? Parang hinabol ka ng aso sa daan." Sinalinan ko siya ng juice sa basong hindi ko ginamit at inabot sa kaniya.
"Inumin mo muna para ma refresh ka." Inabot niya naman ito sa 'kin.
"Thank you po, ma'am. Ang init kasi sa labas, e," sagot niya at nilagok ang juice.
"Sige po ma'am, sa kusina na po ako para makapag luto na ako ng lunch," anito, tumango naman ako bago siya umalis.
"Mainit ba sa labas ate? Parang makulimlim nga, e,"saad ni Trish.
Oo nga, makulimlim, dahil sabi sa weather broadcast ay uulan mamayang gabi.
"Baka naman nainitan lang siya, ikaw naman," sagot ko sa kaniya at tinuon ang tingin ko sa TV.
Buong mag hapon lang kami ni Trish na nasa bahay at nanood ng tv. Bukas na lang daw siya uuwi dahil mukhang lalakas ang ulan.
"Ate, anong oras ang uwi ni kuya?" Tanong niya sa 'kin. Mag alas a-alas-otso na kasi at wala pa rin siya. Nagsisimula na ring umulan.
"Baka maya-maya ay nandito na rin 'yon. Matulog kana diyan," ani ko at hinalikan siya sa noo.
"Good night, ate." Nahiga na ito sa kama.
Nang nakatulog na siya ay lumabas na ako ng guestroom para pumasok sa kwarto namin. Kinuha ko ang cellphone ko sa bed side table at dinial ang number ni Wyatt but cannot be reached ito.
Hays...
Nasaan na ba 'yon? Lumalakas pa naman ang ulan. Nahiga muna ako saglit ngunit hindi ko namalayan na nakatulog ako.
Nagising ako dahil sa malakas na kulog at kidlat,tinignan ko ang oras sa phone at 10:12 p.m na. Wala pa rin si Wyatt. Wala rin ni isang tawag o text galing sa kaniya.
Muli kong dinial ang number niya at this time tumunog na iyon.
"Hello love? Pauwi na ako. I'm sorry, late na kasing natapos ang last meeting ko for this day at na lowbat din ang cellphone ko. Ngayon-ngayon ko lang na charge rito sa kotse," agad na sabi niya pag sagot ng tawag ko.
"Alright, mag iingat ka lumalakas pa naman ang ulan. Drive safe. "
"I will, love. Matulog ka na rin diyan. I love you.."
"I love you too," sagot ko at binaba ang tawag.
Hihiga na sana ako ulit ng makarinig ako ng ingay mula sa baba.
"Ang batang talaga 'yon." bulong ko. Ano na namang gingawa no'n sa baba, e sabi ko matulog na.
Tumayo ako at binuksan ang ilaw saka lumabas ng kwarto.
"Trish?" Tawag ko at sumilip sa baba ng hagdan ngunit walang sumasagot.
"Rona?" Tawag ko rin sa maid namin baka kasi siya ang nasa baba ngunit ganon parin, walang sumasagot.
Nag lakad ako patungo sa guestroom at nagulat akong nandoon naman pala si Trish at mahimbing na natutulog.
Pumasok ako at kinumutan siya, hininaan ko rin ang aircon dahil ang lamig.
Muli akong nakarinig ng ingay mula sa baba kaya dali-dali akong lumabas.
"Rona??" Sumilip ako sa baba ng hagdan ngunit wala akong nakikita.
Nag lakad ako para bumaba nang biglang namatay ang ilaw.
"Fuck! Brownout." Ito talaga ang ayaw ko pag umuulan ay nawawalan ng kuryente.
Bubuyahin ko na sana ang flashlight sa phone ko ng biglang may nag salita.
"Long time no see Effie."
Kumidlat ng malakas at nakita ko ang isang babae sa baba ng hagdan.
Bigla akong napaatras paakyat ng makita kong may hawak siyang patalim.
Kinain ako ng kaba at takot ng humakbang siya paakyat at may nakakatakot na ngiti sa labi.
"C-Chelsea? Anong ginagawa mo r-rito?" Nanginginig ang boses ko dahil sa kaba.
"Nandito ako para singilin ka sa utang mo. Bakit di ka ba nakapag prepared?" Tumawa ito at muling humakbang sa hagdan.
"U-Utang?" Napaawang ang labi ko ng maalala 'yong sobre na may sulat kahapon. Si Chelsea.. kay Chelsea galing 'yon.
"Yes, utang. Utang ng pag sira mo sa buhay ko!" sigaw niya kaya muli akong napaatras paakyat.
Nanginginig ang katawan ko at nararamdaman kong kumikirot pa tiyan ko. Baby, please h'wag muna ngayon.
"Sayang nga at 'di ka napurohan kahapon sa Cr." Humalakhak ito.
"Kung gano'n, ikaw p-pala ang gumawa no'n k-kahapon?" Nanginginig kong tanong.
Napangiwi ako ng maramdaman kong mas sumasakit ang tiyan ko. Baby, pakiusap makisama ka muna kay Mommy.
Muli akong humakbang paatas ng makita kong humahakbang din siya papalapit sa akin.
Tinaas niya ang patalim na hawak niya at nginisihan ako.
"C-Chelsea h-h'wag."
Patuloy lang ako sa pag atras nang mas.lalong ngumisi ito ng nakakatakot at tumakbo para saksakin sana ako, ngunit nahawakan ko ang kamay niya para pigilan siya.
"Chelsea.. bitawan mo yan!" sigaw ko.
"No!!" Mas lalo siya naging agresibo at pilit na nilalabanan ako.
"Trish!!! Rona! tulong!!" sigaw ko habang nakikipag agawan ng patalim kay Chelsea.
"Ahh!!" Napadaing ako nang mas lalong mas sumasakit ng sumasakit ang tiyan ko.
"Trish!! Rona!!" muli kong sigaw.
"Mamatay ka na!!" Sigaw niya kasabay pag tulak sa akin kaya nawalan ako ng balanse at gumulong ako pababa ng hagdan.
Naramdaman kong may mainit na likidong lumabas mula sa ulo ko at halos namamanhid na rin ang braso ko.
"Oh my God..Oh my god.. hindi ko sinasadya! Hindi ko sinasadya!." Nakikita ko siyang nangpapanic sa taas.
"Ahhhh!!" Napasigaw ako dahil sa sobrang sakit ng tiyan ko.
"Ate!!" Sigaw ni Trish mula sa taas.
Napalingon si Chelsea sa kaniya kaya bigla itong tumakbo pababa.
"C-Chelsea...ahhh!!" Muli kong sigaw. Namamanhid na ang buong katawan ko maliban sa tiyan kong sobrang sakit.
"Wala akong kasalanan!!" Sigaw niya at tumakbo palabas.
"Ate!! Ate!!!" sigaw ni Trish at tumakbo pababa.
"T-Trish ang s-sakit.. Aaaahhhh!!!"
Nanginginig ang kamay ni Trish na kinuha ang Cellphone kong tumalsik sa sahig.
"Ate..kumapit ka lang!" May dinial sya sa cellphone ko.
"H-hello? We need abulance! P-Pinasok po kami at may nangyari kay ate.. blocked 24 R-Roberts residence paki b-bilisan po." Nanginginig na umiiyak si Trisha.
WYATT'S POV
Malapit na ako sa bahay ng may narinig akong sumigaw.
Bigla akong kinabahan ng makilala ang boses nito.
"FUCK!" Agad akong bumaba ng sasakyan at tumakbo papasok ng bahay.
"Aaahhhhh!!"
Di ko alam ang mararamdaman ko ng makitang duguan si Effie na nakahiga sa ilalim ng hagdan.
"LOVE!!" Tumakbo ako sakanila.
"Fuck!! Anong nangyari!!?" Parang nanghina ang buo kong katawan ng makita ang dugong nakakalat sa sahig.
"TRISH, CALL THE ABULANCE!!" Sigaw ko kay Trish na nasa gilid ko at umiiyak.
"P-Papunta na po sila k-kuya," saad niya habang tuloy -tuloy ang pag iyak.
"Aaahhhh!!! Si baby!!!" sigaw ni Effie na namimilipit sa sakit.
Hindi ko alam kung saan ko siya hahawakan.. nanginginig din ang mga kamay ko.
"Si baby lalabas na.. aaaahhhhhh!!!" Muli siyang napasigaw
"W-What?... Fuck!!!"
"Kuya lalabas na raw!" sigaw ni Trish.
Fuck! Fuck! Fuck!!
Nanginginig ang kamay kong tinanggal ang dapat tanggalin.
Kahit walang ilaw ay nakikita ko ito dahil sa mga ilaw na nanggagaling sa kidlat.
"When I say push umere ka! Understand? 1 2 3 push!!"
"Aaahhhhh!!!" Sigaw ni Effie. Hindi ko alam kong gaano kasakit ang nararamdaman niya.
Napahikbi ako ngunit nilakasan ko ang loob ko.
"One more time. 1.. 2..3 push!!" Sumigaw at umere si Effie.
"Nakikita ko na ang ulo!!" sigaw ko.
"Isa pa! Push!!"
"Aaaahhhhhh!!!!!" Buong lakas na umere si Effie hangang sa nakalabas ang baby.
"Uwaaahhh.. Uwaaahhh.." iyak ni Baby. Nakita kung ngumiti muna si Effie bago ipinikit ang mga mata niya.
"Love?? Love!!" Kinuha ko ang susi sa bulsa ko kung saan may maliit na kutsilyo na naka kabit.
Agad kong pinutol ang pusod ni Baby at hinubad ang coat ko para ipunas sa kaniya at ibalot, saka ibinigay kay Trish.
"Love!Love!!" Tinapik-tapik ko siya.
"Love!!? Asan na ba ang abulansya!!!" Sigaw ko. Hindi... hindi niya pwedeng iwan kami.
"Love!! Love! Imulat mo ang mga mata mo!!" Hindi ko na napigilan ang sariling umiyak.
"Ate!!" Iyak na tawag ni Trish habang hawak-hawak si Baby Wynter.
"Love please.. open your eyes!!" Sunod-sunod ang pag bagsak ng mga luha ko habang hinahawakan ang pisngi niya.
"Love!! Please!"
Narinig namin ang tunog ng ambulansya. Pumasok sila ng bahay na may dala-dalang strecher.
"Why you took so long!?" Bulyaw ko sa kanila. Mga walang kwenta ang tagal nila!
Kinarga na sa Strecher si Effie at kinuha rin ng isang nurse si Baby Wynter kay Trish.
Tinawagan ko muna si Sevv bago sumakay ng ambulance.
Habang nasa Ambulance ay hindi ko mapigalang umiyak. Nakahiga si Effie habang naka Oxygen. Hindi ko pa alam ang mga nangyari. Kung maaga lang sana akong nakauwi ay hindi 'to mangyayari sa kaniya.
Puno ng dugo ang kamay at damit ko. Hinawakan ko siya sa kamay habang tinitignan.
"Love.. please.. lumaban ka. H'wag mo naman kaming iwan ni Baby Wynter." Parang mababaliw ako habang nakikita ko siyang nasa ganitong kalagayan.
"Pleaseee.." hinalikan ko ang kamay niya at yumoko saka hinayaan ang sarili kong umiyak.
Nang makarating kami sa Hospital ay agad siyang dinala sa ER, habang si Baby Wynter ay dinala sa nursery para icheck up.
Iyak nang iyak at nanginginig si Trish habang nakaupo.
Nilapitan ko siya at niyakap.
"Sshhh.. you're ate will be safe.." pag aalalo ko sa kaniya kahit ako man ay gustong humagulgol ulit.
"K-Kuya..I saw a girl, tinulak niya si ate sa hagdan," saad niya habang tuloy pa rin sa pag-iyak.
"A girl?" Umupo ako sa tabi niya.
"Opo.. hindi ko lang masiyadong nakita ang mukha niya kasi madilim," sagot niya.
My fist clenched.
Tumayo ako at tinawagan siya. Siya lang ang gagawa kay Effie ng ganito at wala ng iba.
"The number you have dialed is not available, please try again later."
Ilang beses kong siyang tinawagan ngunit hindi available.
Hinanap ko ang numero ang tatay niya at 'yon ang tinawagan.
Dalawang ring lang at agad naman itong sinagot.
"Hello, Wyatt? Napatawag ka? Anong oras na, ah," sagot niya at humikab pa.
"Nasaan ang walang hiya niyong anak?" Malamig na tanong ko.
"Anak? Si Chelsea?"
"Sino pa ba ang anak niyong walang hiya, eh si Chelsea lang naman!" Inis na singhal ko sa kaniya sa kabilang linya.
"Anong pinagsasabi mo Wyatt? Wala rito si Chelsea, matagal na siyang umuwi sa State dahil sa sama ng loob sa'yo!"
Tumawa ako. Ang galing mag kunwari ng taong 'to. Alam na alam niya naman kung saan nag mana ang demonyita niyang anak.
"H'wag na kayong mag sinungaling!! Dahil pag may mangyaring masama sa fiancée ko mapapatay ko 'yang anak mo!!" Umigting ang bagang ko dahil sa sobrang galit.
"W-What?! Anong pinagsasabi m---"
"Alam kong alam mo kung ano ang ibig kong sabihin! Kaya h'wag mo nang itago ang anak mo kung ayaw mong pati ikaw madamay sa kawalanghiyaang ginagawa ng babaeng 'yan," saad ko bago pinatay ang tawag.
"Fuck!!!" Napasabunot ako ng buhok dahil sa frustration at galit.
"Wyat!" tawag ni Alcina na umiiyak at tumakbo patungo sa kinaroonan ko kasama si Sevv.
"Anong nangyari!? Nasaan si Effie?" tanong niya habang patuloy sa pag tulo ang mga luha nito.
"Pinasok ang bahay namin, and I think alam ko kung sino."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top