CHAPTER 22

CHAPTER 22

3RD PERSON'S POV

"Where are we going?" tanong ni Effie kay Wyatt habang nag mamaneho ito.

"You will know it later, love," sagot lang nito at nginitian siya.

Maayos na ulit sila at 'di natuloy ang pag lipat niya kila Alcina.

Ilang sandali lang nang huminto sila sa isang malaking bahay.

Napaawang ang labi ni Effie dahil sa pag kamangha.

"Saan tayo? Kaninong bahay to?" tanong niya kay Wyatt habang 'di naalis ang paningin nito sa bahay.

May kinuhang maliit na box si Wyatt sa kanyang bulsa at ibinigay ito kay Effie.

"What is this?"

"Just open it." Dahan-dahang binuksan ni Effie ang kahon at nagulat ito ng makita ang laman.

"S-Susi?" Pabaling-baling ang tingin ni Effie kay Wyatt at sa box na hawak nito.

"Don't tell me.." Tumango-tango si Wyatt habang nakangiti.

"Surprise!" Napalaki ang ang mga mata ni Effie ng mapagtanto ang lahat.

"This our new house," Wyatt said and hug Effie.

"S-Seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"Yeah, aren't you happy?"

"Of course, I'm very happy!" Effie hug him back and creases her nose onto Wyatt shoulder.

"let's see what's inside." Wyatt said and they entered the house.

Inikot ni Effie ang kaniyang tingin at manghang-manghang napangiti ito.

"Wow." Iyon nalang ang lumabas sa kanyang bibig dahil wala siyang masabi sa ganda ng nakikita niya.

It is a modern house design that incorporates eye-catching materials such as glass, steel, and concrete over the more traditional brick and wood. It also incorporates natural lighting through large windows.

The result is an almost industrial look with minimalist undertones. Effie may not be very knowledgeable about houses, but she does know a little about architecture and can say that Wyatt spent a lot of money on this house.

May mga furniture na rin at kompleto na rin ang mga mga gamit sa kusina.

"You like it?" Wyatt asked her.

"Very much, Love! Let's go upstairs." Hinila niya si Wyatt paakyat.

Pumasok sila sa isang kwarto at mas lalong namangha si Effie ng mangita ito.

Purong puti ang kulay sa loob ng kwarto may sarili din itong malaking banyo na kasing laki ng kwarto ni Wyatt sa condo at walk in closet din.

Umupo si Effie sa malaking kama. It is a king size bed.

Wyatt grin at her.

"What?" tanong ni Effie habang sinalubong ang titig ng kaniyang pilyong kasintahan.

"Do you want to try this bed, para bwenamano tayo?" Napailing na lang si Effie at mahinang tumawa. She knows what Wyatt's talking about. The lumpohan thing.

Lumapit ito kay Effie at hinalikan sa labi.

"Save it love," sagot nito at muling natawa.

Wyatt pouted his lips na ikinahalakhak ni Effie.

"Hindi bagay," Anito at pinitik ang ilong ni Wyatt kaya napakunot ito ng noo.

Mahigit isang oras din silang nag lilibot sa buong bahay hangang naisipan nilang umuwi muna sa condo para mag lipat ng mga gamit.

Nasa grocery si Effie kasama si Angelica dahil mag papa house warming party sila ni Wyatt ngayong gabi.

"Gosh girl kailan ba ang kasalan?" tanong ni Angelica habang nag lalagay ng kjng anong pagkain sa cart.

"I don't know, di pa naman namin napapag usapan 'yan"

Napaarko ang kilay ni Angelica sa sinabi ng kaibigan.

"Seriously? Matagal na kayong engaged at mag kakababy na d
rin kayo, tapos 'di niyo pa pala napapagusapan ang kasal?" Huminga ng mamalim si Effie.

Oo nga di pa nila napapag usapan ni Wyatt ang tungkol sa kasal kung may balak man itong pakasalan siya.

"Wala namang formal proposal si Wyatt, e. At, 'di rin ako gusto ng tatay niya dahil mas gusto niya si Chelasea para sa anak nya," sagot niya.

"Si Chelsea? Yung bruhildang war freak na 'yon? Jusko naman! Pag 'yon lang naman ang makaakatuloyan ni sir, mas mabuti pang maging single na lang sya forever." Natawa si Effie sa sinabi ng kaibigan. Kahit sino naman kasi aayaw pag gano'ng babae ang ipapakasal sayo.

"At girl, don't mind her father. Hindi naman ang tatay niya ang pakakasalan mo kundi ang anak niya. Hayaan mo na 'yon, matagal nang masama ang ugali ng tatay niya kaya nga 'di sila nag kakasundo ni sir Wyatt, e." Napabuntong hiningi nalang si Effie. Kung iisipin niya lang ay masyado pang komplikado ang relasyon ni Wyatt.

"Wait, Cr lang ako ha," paalam niya kay Angelica ng matapos nilang bayaraan ang mga pinamili.

"Samahan na kita," pag aalok nito ngunit tinanggihan niya.

"H'wag na, hintayin mo nalang ako sa parking lot mabilis lang ako," saad nito bago ito umalis.

EFFIE'S POV

Ramdam ko na kanina pa may sumusunod saamin.

May nakita akong babaeng naka hoodie ngunit bigla itong tumakbo at nawala. Ilang minuto akong paikot-ikot sa mall ngunit hindi ko na siya nakita.

Sino naman kaya 'yon?

Tumunog ang cp ko at nakita king tumtawag na si Angelica.

"Saan kana? Baka na flushed ka na diyan sa inidoro, ha," saad nito at tumawa.

"Nandiyan na ako,"agot ko at pinatay ang ang tawag.
Lumabas na ako ng mall pumunta na ng parking lot.

"Why you took so long?" tanong niya.

"Dami kasing tao sa CR, eh," sagot ko. Sana naman maniwala.

Tumaas ang kilay nya pero no'ng lumaon ay tumango nalang ito.

"Let's go," aniya at inistart na ang makina ng sasakyan.

Kotse ni Wyatt ang gamit namin at siya ang nag mamaneho. Nag paiwan kasi si Wyatt kasama Jayson para mag lipat ng gamit namin sa bahay. Yes, si Jayson, umuwi na siya no'ng nakaraan at salamat sa Diyos dahil maayos na raw ang papa niya.

Nang makarating kami sa bahay ay nadatnan naming may sasakyang nakaparada labas ng gate. I think, kay Sevv ito.

Pag pasok namin ng bahay nadatnan namin si Jayson sa at Sevv na nasa sala at nanonood na ng TV.

"Nandito na pala kayo," ani Sevv at kinuha nila ni Jayson ang mga dala namin.

"Ikaw lang?" tanong ko sa kaniya.
"Kasama ko si Alcina, nasa kusina," sagot nito at nag lakad na patungong kusina na sinundan naman ni Angelica.

Umakyat muna ako sa taas upang mag palit ng damit dahil mag luluto pa kami.

Nadatnan kong nag aayos ng mga damit namin si Wyatt sa walk in closet.

"Hey," tawag sa kaniya at niyakap siya mula sa likod.

"Nandito kana pala." Tinigilan niya muna ang pag aayos ng mga damit at hinarap ako saka pinulupot ang braso nito sa bewang ko

"Kumusta pamimili niyo ni Angelica? Napagod ka ba?" Hinawi niya ang buhok ko at nilagay sa likod ng tenga ko.

"Maayos nama, 'di naman ako masiyado napagod. Ang lakas ko kaya," sagot ko at tumawa.

"Good to her that," aniya at hinalikan ako.

"Pero kanina.." Napatigil ako. Sasabihin ko bang may sumusunod saamin?

"Pero ano?" Nag hihintay sya ng sagot ko.

"Ah, wala. Sige maliligo muna ako ha. Tutulongan ko silang mag luto sa baba," saad ko at hinalikan siya.

"Alright, tatapusin ko lang 'to," aniya at kumalas sa pagkakayap.

Naligo na ako, pag labas ko ay wala na rin suya sa walk in closet. Baka bumaba na.

Bumaba ako at 'yon nga magkakasama na sina Wyatt, Jayson at Sevv sa sala at nanonood. Dumeretso muna ako sa kusina para tignan kung ano na ang gingawa ng girls. Pag pasok ko doon, I saw them na masayang nag luluto habang nag tatawanan.

"Mukhang masaya kayo,ah. Anong pinag uusapan niyo?"

"Oh bess! Nandito ka na pala," ani Alcina habang hinahalo ang niluluto niya.

Umupo muna ako sa mesa at nag hiwa ng carrots.

"So, ano nga? Baka meron kayong gustong ishare saakin." Tinignan ko silang dalawa.

"Angelica?" tawag ko kaya namula ito. Something suspicious sa babaeng 'to.

"Bess, nililigawan na raw siya ni Jayson. Yieeee..." Tumili si Alcina na halatang kinikilig.

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa narinig.
"OMG! REALLY?!" tumayo ako at tumalon-talon.

"Uyy, bibig mo!" suway saakin ni Angelica sa'kin.

Hindi ako makapaniwala na tutungo sila sa ligawan, eh palaging nag aaway ang mga 'to pag nasa opisina.

"I'm so happy for you my dear Ange. Jayson and Angelica end game!" saad ko at binato siya ng Carrots.

"Aray naman! Katakot ka kiligin nanakit, ha."

Tumawa nalang kami. I'm so happy for them. Finally, may couple na sa company except sa amin ni Wyatt.

Nang matapos kaming mag luto ay lumabas na kami sa pool area at hinanda doon ang mga pagkain.
Habang sila Wyatt naman ay busy sa pag iihaw ng BBQ.

"Girl, kumuha kaya kayo ni sir ng maid dito sa bahay niyo. Ang laki-laki mahihirapan ka nito sa pag lilinis lalo na't buntis ka pa," ani Angelica at umupo sa side ng pool kung saan naka lublob ang paa niya sa tubig.

"Oo nga bess, lumalaki na rin iyang tiyan mo," turan naman ni Alcina habang lumalamon.

"Okay lang naman na wag muna. Four months pa lang naman ang tiyan ko nakakagalaw pa naman ako ng maayos," sagot ko.

"Oo nga naman, pero mas better talaga pag may katulong na kayo sa bahay," suhesyon ni Angelica.

"Pag uusapan na lang namin ni Wyatt sa susunod. Wait, Tignan ko muna sila doon ha," ani ko at pinuntahan sila Wyatt na nag iihaw.

Malayo palang ako pero amoy na amoy ko na ang amoy ng iniihaw nila.

Bigla ata akong nagutom.

"Hey, luto na? Pahingi naman." Akma na sana akong kukuha ng hawakan ni Wyatt ang kamay ko.

"Mainit, sandali lang." Kinuha niya ang isang nakatuhog at inihip muna saka isinubo sa akin.
Napansin kong nakatingin lang si Jayson at si Sevv sa amin.

"Alis muna ako ha. Respeto naman sana sa single diyan oh," wika ni Sevv at tumawa bago umalis.

Natawa naman kami ni Jayson habang si Wyatt ay bahagyang napangisi.

Masaya naman ako dahil magkasundo na sina Wyatt at Sevv at patuloy parin silang mag partner sa negosyo.

"Iwan ko na muna kayo ha, hehe." paalam ni Jayson at pumunta kina Angelica.

"Pagod ka na no?" tanong ko sa kaniya.

Hinalikan niya ako sa labi.

"Kanina, oo. Ngayon hindi na."
Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Dahil nag charge ka na?" Mahinang tumawa ito.

"Hindi pa nga full charge, e. Puwede isa pa?" Muli niya akong hinalikan sa labi.

"Bakit palagi mo 'kong pinapakilig?" tanong ko at pinisil-pisil ang pisngi niya.

"Effective ba?"
Tumango-tango ako kaya napangiti siya.

Hinapit niya ang bewang ko at nag lakad kami pabalik kina Angelica.

Sa kalagitnaan ng hapunan namin ay may nag doorbell.

"Ako nang mag bubukas," prisinta ni Alcina at pumasok sa loob ng bahay.

Ilang sandali pa ay bumalik si Alcina na walang kasama.

"Sino 'yon?" tanong ko.

"Pag bukas ko wala namang tao," sagot nito at bumalik sa upuam niya.

*Ding dong!*

Nag katinginan kami.

"Wait ako na," saad ko at tumayo.
"Samahan na kita," ani Wyatt at sinamahan ako.

Pag bukas ko ng gate ay nagulat ako dahil wala namang tao.

"Tsk! Mga bata lang sigurong walang magawa. " Isasarado na sana ni Wyatt ang gate nang may mahagip ang mata ko.

"Wait." May nakita akong taong naka hoodie sa hindi kalayuan, ngunit bigla rin itong nag tago sa dilim. Bigla naman akong kinilabutan doon.

"Why?" He asked.

"Ah, wala," sagot ko kaya isinara na niya at bumalik na kami sa loob.

Nang lumalim na ang gabi ay nag paalam na rin silang lahat at muwi.

Nasa kwarto ako habang si Wyatt ay nasa baba pa nag liligpit.

Nakahiga lang ako habang naka tingin sa kisame.

Sino naman kaya ang taong 'yon? Sigurado ako na siya rin 'yong sumusunod sa amin kanina ni Angelica sa mall.

Gumuhit ang kaba sa aking dibdib.
Khng ako ang sinusundan niya ano ang pakay niya?

"Hey, 'di ka pa matutulog?" tanong ni Wyatt ng madatnan akong gising pa.
Humiga siya sa tabi ko at niyakap ako.

"Anong iniisip mo?" tanong nito.

Sasabihin ko ba? Hindi, ayokong mag alala siya.

"Wala naman, medyo pagod lang ako," sagot ko at niyakap siya ng mahigpit.

"Alright, let's sleep." Hinalikan niya ako at inayos ang kumot.

"Goodnight, love," bulong niya.

"Good night." Binaon ko ang ulo ko sa dibdib niya dahil sa ganoong posisyon ay pakiramdam ko safe ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top