CHAPTER 20
CHAPTER 20
EFFIE'S POV
Nagising ako sa isang silid na hindi pamilyar sa akin. Inikot ng tingin ko ang buong kwarto, kung 'di ako nag kakamali ay nasa hospital ako. Dumapo ang tingin ko sa kamay ko ay may dextrose na nakaturok dito.
Biglang bumukas ang pinto at nilabas nito si Wyatt na kitang-kita ang pag aalala sa mga mata niya.
Nilapitan niya ako at niyakap.
"Tinakot mo ako. Bakit ba kasi bigla-bigla ka na lang tatakbo?"
Bumigat ang dibdib ko ng maalala ang mga nangyari sa office.
"H'wag mo nang ulitin 'yon, you scare me to death." Unti-unting bumagsak ang mga luha ko.Paano ko na aatim na lokohin ang lalaking nasa harap ko.
"Are you crying?" aniya ng maramdamang umiiyak ako.
Kumalas siya sa pag kakayakap sa'kin at hinarap ako.
He cupped my face and brought his to the same level as mine.
"I'm sorry, love. I'm sorry kung nasaktan kana naman ni Chelsea. I promise, 'di na mauulit 'yon," he said and kiss my forehead.
Lalo akong napahikbi. Bakit ba hindi ko kayang aminin sa kaniya? Ayokong mawala siya dahil siya nalang ang meron ako. Oo, nagmumukhang makasarili ako sa ginagawa ko pero ayokong iwan niya rin ako.
"Sshhh.. stop crying. Malulungkot din si Baby niyan," aniya at pinunasan ang basa kong pisngi.
I'm sorry, Wyatt. I am really sorry.
Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit na ikinabigla niya ngunit nang mapagkuway niyakap nya tin ako pabalik.
"I love you," bulong ko at binaon ang mukha ko sa dibdib niya para itago ang aking pag iyak.
"I love you more," turan nito.
Ilang minuto din kaming nasa ganoong position hagang sa maisipan niyang lumabas at bilhan ako nang makakain.
Nakatungo lang ako ng biglang may kumatok sa pinto at pumasok si Alcina.
"Hey." Niyakap niya ako at umupo sa tabi ko.
"Kumusta pakiramdam mo?" Hinawakan niya tiyan ko at hinimas ito. " Eh, ikaw baby? Kumusta ka?"
Tinignan ko siya at muling tumulo ang mga luha ko.
"Hey, why are you crying? Anong problema? May masakit ba sa'yo?
Masakit? Oo, 'yong puso ko.
"B-Bess, what if 'di si Wyatt ang ama?" Natigilan ito dahil sa sinabi ko.
"Paano kung 'yong lalaki sa club ang ama n-nito?" nag cracked ang boses ko dahil sa paghikbi.
Matagal na 'di nakasagot si Alcina habang tinitignan lang ako.
"Bess, paano ko s-sabihin sa kaniya?" Napayuko ako at hinayaang ilabas ang mga luha at sakit na nararamdaman ko.
I don't want to lose him.
Naramdaman kong niyakap nya ako.
"Shhhh.. don't say that. Kung hindi man si Wyatt ay maintindihan niya iyon."
Napahagulgol na lang ako. Ayokong iwan ako ni Wyatt pero ayoko rin siyang lokohin at pagmukhaing tanga.
Biglang tumunog ang pinto at may paper bag na nahulog sa sahig.
"W-Wyatt."
Parang nanigas ako ng makitang nakatayo si Wyatt sa harap ng pinto .
Tinignan niya lang ako habang gumuhit ang sakit sa kaniyang mga mata.
Parang unti-unti akong dinudurog ng makita ko siya tumalikod at lumabas ng pinto.
"Wyatt!" Agad kong tinanggal ang dextrose at bumaba sa kama. Ito na ang kinakatakot ko. Ang iwan niya na ako.
"Effie!" Inawat ako ni Alcina ngunit hindi ako nag papigil.
"Kailangan ko siyang sundan."
Lumabas ako ngunit wala ng Wyatt akong nakita sa Hallway ng hospital.
Tumatakbo ako habang iniikot ang paningin ko sa bawat sulok ng hospital.
"Wyatt na saan ka na ba?" Rinig na rinig ko ang tibok ng dibdib ko, at ramdam ko rin ang panginginig ko.
Nakarating ako sa labas ng hospital, medyo madilim na at mukhang uulan.
Sinipat ko ang buong parking lot at nahagip ko ang likod ng isang lalaking hinahanap ko.
Papasok na sana siya ng sasakyan niya nang tawagin ko siya.
"Wyatt!!!"
Napahinto siya ngunit 'di niya ako nilingon.
Biglang kumidlat at sinundan ng malakas na kulog.
Tumakbo ako sa kaniya at niyakap siya patalikod.
"I'm sorry." Bumagsak ang mga luha ko kasabay ng pag buhos ng ulan.
"I don't want to lose you, I'm really sorry." Nanatili lang siyang siyang walang imik habang yakap yakap ko siya.
"Love, let me explain." Unti-unti niya kong hinarap at tinignan na walang reaksyon.
Parang tinutusok ang puso ko nang makita siyang umatras ng dalawang hakbang papalayo sa'kin.
"W-Wyatt."
Matagal niya akong tinitigan bago bumuka ang bibig niya.
"I thought it was mine." Biglang kumidlat at nakita ko ang mga mata nitong may bakas ng luha.
Kahit umuulan at basang basa siya alam kong umiiyak siya.
Tinangka ko siyang lapitan ngunit pinigilan niya ako.
"Don't come near me,"aniya gamit ang malamig na boses niya.
3rd PERSON POV
Muling bumalik ang sakit na nararamdaman ni Wyatt. Hindi niya akalain na mauulit sa ikalawang pagkakataon, hinayaan niyang mag mahal ang sarili ulit at hinayaan nanamang masaktan ulit.
Samot-sari ang sakit na nararamdan niya habang matiim na titignan ang babaeng dahilan ng pansamantala niyang kasiyahan.
"You lied to me." Napalunok siya dahil parang sasabog na siya sa sakit na nararamdaman niya. Gusto niyang sumigaw at mag wala ngunit nanatili siyang kalmado da harap ni Effie.
He loves Effie so much, but he can't accept the fact that she deceives him.
"W-Wyatt, please.. let me explain." Effie cries as she wraps her arms around herself, trembling from the cold.
Napapikit na lang si Wyatt dahil lalo lang siyang nasasaktan dahil sa nakikita niyang kalagayan ni Effie.
"Wyatt hindi ko sinasadya, nangyari na 'yon bago pa tayo nag kakilala. Kinalangan kong gawin para sa lola ko. Binenta ko ang sarili ko para sagipin ang lola ko." She cries at the top of her lungs.
Yumuko nalang si Wyatt at napawak sa ulo niya dahil hindi niya alam kung ano ba ang gagawin niya.
Naaawa siya kay Effie ngunit nangimgibabaw ang pride niya.
"Wyatt I'm sorry."
When Wyatt looked into Effie's eyes, he saw her pleading for his forgiveness.
Gusto niya man itong yakapin ngumit ayaw gumalaw ng mga paa niya.
"Bumalik ka na doon, baka may mangyaring masama sa inyo ng baby mo."
Parang nanghina si Effie sa sinabi ni Wyatt.
"Wyatt mag usap naman tayo, oh." Effie begged.
"Bumalik ka na ro'n."
"Wyatt naman oh, Please, love mag usap tayo." Pag mamakaawa niya.
Humakbang si Effie papalapit sa kaniya ngunit sumigaw ito.
"I said, bumalik kana!!"
Napahinto siya sa pag hakbang at mas lalong lumalakas ang pag iyak nito.
Wyatt muttered the words "I'm sorry," before closing his eyes and turning away from her.
"Wyatt...Wyatt! Wyatt!!" tawag ni Effie ng pumasok si Wyatt sa sasakyan nito at agad na pinatakbo.
"Wyatt! Wyatt!!" Umiiyak na tumatakbo si Effie para habulin ang kotse ni Wyatt na papalayo sa kaniya.
Napahampas na lang ng manebela si Wyatt at sunod-sunod na napamura.
"Fuck! Fuvck!! Fuck!!!" Gusto niyang huminto at balikan si Effie na humahabol sa kaniya ngunit nakita niyang may dalawang taong nakasunod dito.
It was Sevv and Alcina.
"Effie!!!" Hinawakan siya ni Sevv at niyakap.
"Wyatt!! Wyatt!! I'm sorry!!" sigaw nito habang umiiyak.
"Bess ,bumalik na tayo," ani Alcina na may puno ng pag aalala.
"Bess, I don't want to lose him. P-Please.. pabalikin niyo siya." Pag mamakaawa nito sa kaibigan.
Napaluhod nalang ito at napahagugol.
Dumeretso si Wyatt na basang-basa sa bar. Nilolong niya ang sarili sa alak para maibsan ang sakit na nararamdaman niya.
Gusto niyang sapakin ang sarili niya ng maalala niyang iniwan nya si Effie sa gaano'ng kalagayan.
Nakakailang bote na si Wyatt at lasing na lasing na ito.
"Isa pa!" aniya sa bartender.
"Sir tama na po, lasing na po kayo," nag aalalang ani ng bartender.
Tinignam niya ito ng masama.
"Kaya nga pumunta ako rito para magpakalasing tapos pipigilan mo ako? Isa pa!" singhal niya dito kaya walang nagawa ang bartender kundi bigyang ulit ito ng alak.
Ilang oras na ang nakakalipas at bagsak na si Wyatt.
His phone was ringing at sinagot iyon ng bartender.
"Hello ma'am, kayo po ba ang girlfriend niya?"
Nagulat si Chelsea ng iba ang sumagot ng tawagan niya si Wyatt.
"Who is this?" mataray na tanong nito.
"Bartender po ako sa isang bar . Lasing na lasing po siya at halos wala ng malay."
Nag taka naman si Chelsea kung bakit nagpakalasing si Wyatt , eh madalang lang naman itong umiinom.
"Saang bar ba?" Nang maibigay ng bartender ang adress ay nag madali na agad itong umalis.
Nadatnan ni Chelsea si Wyatt na naka upo sa may bar counter at nakasubsob ang mukha.
Nilapitan nya ito."Wyatt." Lasing itong lumingon kay Chelsea at nginitian ito.
"Love, you're here," he said at hinila si Chelsea papalapit sa kaniya.
Nagulat naman si Chelsea sa ginawa ni Wyatt.
"Love, I'm not drunk. I'm sorry, I won't leave you anymore like that."
Nakikita ni Wyatt si Effie na nasa harap niya at nakatayo.
"Wyatt lasing kana, halikana."
Inalalayan niya ito palabas ng bar at isinakay sa kotse niya.
Nagugulohan si Chelsea sa inaasta ni Wyatt.
Dinala Chelsea sa condo niya si Wyatt dahil medyo malayo pa ang condo nito at malakas pa ang ulan.
Inalalayan niya ito papasok sa kuwarto niya. Hinawakan siya ni Wyatt sa braso at matiim tinitigan.
"Love, I'm really sorry," saad nito.
Ngumiti si Chelsea at hinalikan si Wyatt. Sinamantala nito ang kalasingan ng binata.
Hinawakan ni Wyatt ang bewang niya at wala sa sariling hinalikan ito.
"Oh! babe!" ungol ni Chelsea.
Biglang huminto si Wyatt at tinignan kong sino ang hinahalikan niya.
Napamura na lang ito ng makita niyang ang babaeng hinahalikan niya ay hindi si Effie kundi si Chelsea.
"Fuck!" tinulak niya ito papalayo sa kaniya.
"Chelsea!?" gulat na sambit nito.
Nginitan siya ni Chelsea at malagkit na hinawakan.
"Yes, It's me. Nag bago na ba ang isip mo at bumalik ka na sa akin?"anito at hinawakan ang pisngi ni Wyatt na mabilis namang inalis ng binata.
"Damn!" Parang gusto niyang bugbogin ang sarili nya sa kaniyang ginawa buhat ng kalasingan.
Akmang hahalikan ulit ito ni Chelsea ng itulak niya ulit ito palayo.
"What's wrong with you?!" inis na singhal ni Chelsea sa kaniya.
"This is fucking wrong!" sigaw noya.
Kumunot naman ang noo ni Chelsea na parang nagugulohan.
"Wrong? Anong mali? Eh, gusto mo naman."
"Shut up!" singhal nya at lalabas na sana ngunit pinigilan ito ni Chelsea.
"Where are you going?" Inalis ni Wyatt ang kamay nito.
"It's none if your business!" galit na saad nito at lumabas sa condo ni Chelsea.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top