CHAPTER 19


EFFIE'S POV

Nagising ako na wala na si Wyatt sa tabi ko.Bumangon ako at inayos muna ang kama bago lumabas.

"Good morning, Love!" Masiglang bati niya habang nag hahanda ng almusal sa mesa, nakaayos na rin ito para pumasok.

"Bakit 'di mo ako ginising?" Lumapit siya saakin at binigyan ako ng matamis na halik sa labi.

"Kailangan mo pa ng sapat na pahinga," sagot nito at pinaupo ako sa mesa.

"I'm totally fine, love." Tinitigan niya ako na parang kinikilatis.

"What?"

"Why you're so gorgeous even kagigising mo lang?"

Mahina akong natawa. "Sira! Kumain
ka na nga lang."

Inakay niya ako sa isang upuan at pinaupo bago niya ako tinabihan at nilagyan ng pagkain ang plato ko.

"Ako na..." Aagawin ko sana ang tinidor sa kaniya ng ilayo niya ito.

"Hayaan mong pagsilhihan kita." Npangiti ako. Bakit ba ang sweet ng lalaking to?

Hinayaan ko na lang siyang mag lagay ng pagkain sa plate ko.
"Mukha namang ginutom ako ng ilang araw nito," ani ko nang ilapag niya ang plato kong puno ng pagkain.
Inangat ko ang tingin sa kaniya. Mukha ba akong baboy?

"Seriously love?" Natawa lang ito dahil sa reaksyon ko.

"Kailangan mo kumain ng marami dahil dalawa na kayo ang nasa katawan mo." He tapped my head at kumuha na rin ng pagkain niya.

Matapos naming kumain ay nag ayos na rin ako at sabay kaming pumasok.

"Effie!" sigaw ni Angelica at niyakap ako.

"How are you? I'm sorry 'di ako nakattend sa libing ng lola mo o maski bisita man lang sa burol," aniya na bakas sa tono niya ang pagkadismaya.

"Ano ka ba, ayos lang 'yon. Alam ko naman na marami kang tinrabaho lalo na't wala kami ni Wyatt," saad ko at kumalas sa pagkakayakap niya.

Tumikhim si Wyatt kaya napaangat ang tingin ni Angelica sa kaniya.
"Hello po sir, good morning," bati niya kay Wyatt na nakakunot ang noo.

"Pumunta si tanda rito kahapon?" tanong niya.

"Po? Sino pong tanda?" Nagtatakang tanong naman ni Angelica. Si Wyatt naman kasi napaka informal pag tatay niya na ang pinag uusapan.

"I mean, my father. Nandito siya kahapon?"

"Ahh! Opo. Ilang araw din silang pabalik-balik dito ni Ms. Chelsea and tinatawagan ka rin po nila pero hindi niyo rin daw po sinasagot."

"Isa lang tinatanong ko ang dami mong sagot."

Siniko ko siya at sinamaan ng tingin. Ang mean talaga ng lalaking 'to.
Ngumiti lang si Angelica at nag paalam na para bumalik sa office niya.

"Bakit ba ang sungit mo?" Patuloy lang siya sa pag lalakad na parang walang narinig.

"Fine!" Maktol ko at naunang mag lakad sa kaniya. Hindi pa man ako nakakalayo nang hawakan niya ang kamay ko at hinila ako pabalik.
"Masungit ba ako?" patay malisya ng tanong.

I smiled sarcastically.

"Bakit hindi ba? Bawas-bawasan mo naman kasungitan mo sa mga empleyado mo kaya malayo ang mga loob nila sayo eh."

Huminga lang siya ng malalim at inakbayan ako.

"I'm still their boss, and there's nothing they can do about it."

I just rolled my eyes.

"Mr. Roberts, kung ayaw mong manahin ng anak mo ang ugali mong 'yan, mag bago ka."

Tinignan niya ako. "Why? Masama ba ang ginagawa ko?" kunot noo nitong tanong.

"Try to ask yourself."

"Why would I ask myself a question if I already know the answer?"

I shrugs.

"Oh, c'mon, love!"

"Love, don't bother it, okay?" Inismiran ko lang siya.

"Whatever," I said at huminto na sa pag lalakad dahil nasa tapat na ako ng office ko.

"See you later, SIR," I said and gave him a smack kiss on his lips.

Tumawa namn siya. "See you later my gorgeous secretary," sagot niya at hinalikan ako sa noo bago umalis.
Umupo muna ako sa sofa at sinandal ang likod ko. Napahikab na lang ako bigla.

Ang aga-aga inaantok ako.

*Ting!*

Kinuha ko ang phone ko sa bag at tinignan ko sino ang nag text.
1 message received from Angelica.

"Kasama mo pa ba si sir? Puntahan kita sa Office mo. Wala na akong gaanong trabaho."

I smiled and text her back.

"Wala na, come here."

Wala pang tatlong minuto nang bumukas ng pinto at niluwa nito si Angelica.

"Hey!" Tumabi siya sa akin.

"Dito muna ako ha, masyadong boring sa office ko wala kasi si Jayson wala akong maaaway."

Oo nga si Jayson 'di ko na siya nakikita. Huling kita ko sa kaniya ay noong birthday pa ni Wyatt.

"Nasaan pala siya? Last na kita ko sa kaniya noong birthday pa ni Wyatt."

"Ay oo nga pala 'di ko nasabi. Nag take sya ng leave for a month dahil nasaktan siguro noong nalaman niyang engaged kana kay sir. "

Nagulat naman ako sa sinabi niya. "A-Ano?"

Humalakhak ito. "Joke lang ano ka ba, Hahaha oo may crush sa'yo 'yon pero ako ang gusto no'n," aniya at tumawa.

Baliw talaga 'to. Nakahinga naman ako ng maluwag doon.

"Pero seryoso, bakit siya nag take ng leave?"

She sighed. "Umuwi siya sa province nila, papa niya kasi malala ang sakit," paliwanag nito.

Kawawa naman pala si Jayson.
"Gano'n ba, so, kailan daw siya babalik?"
Sana naman maging maayos na ang papa niya dahil masakit at mahirap ang mawalan ng pamilya.

"I don't know, maybe next week or sa susunod pang week?" hindi sigurado niyang sagot.

"Let's pray for his father fast recovery," ani ko at nginitian siya.
Napatakip ako ng bibig ko dahil biglang sumama ang pakiramdam ko at nasusuka na naman ako.

"Are you okay? May sakit ka ba?"
Bigla akong napatakbo sa banyo ng office ko at inilabas ang dapat kong isuka.

"Uy, Effie ayos ka lang?" sigaw ni Angelica mula sa labas ng Cr.
Lumabas ako at nakita ko ang worried na mukha nito.

Inabot niya sa'akin ang mineral water na nasa mesa ko.

"May nakain ka bang sira?" tanong niya.

Nginitian ko lang siya at hinawakan ang tiyan ko.
Na gets niya naman ito kaagad kaya napalaki ang mga mata niya at napatakip nang bibig para pigilan ang pag tili.

"OMG! You're pregnant!?" hindi makapaniwalang tanong nito habang bakas ang tuwa sa kaniyang mukha.
I noded my head.

"Oh ,gosh! Magiging ninang na naman ba ako?" Niyakap niya ako at bahagyang tumalon-talon pa.

"I'm so happy for you girl, congratulations!"

Nagulat kami ng biglang pabagsak na bumugkas ang pinto.

"So, you're pregnant?" kita sa mata niya ang galit, si Chelsea.

"Chelsea what are you doing here?" tanong ko.

Unti-unti siyang lumapit sa amin habang maitim ang titig sa akin.

"Just answer my damn question!!!" Napatalon kami ng bahagya ni Angelica dahil sa pag sigaw niya.
Her eyes are brimming with rage, as if her aura could kill me.

"Ano bang problema mo Ms. Chelsea?" tanong ni Angelica at hinawakan ako.

"I'm not asking you . So, shut up!!"

Napa smirk nalang si Angelica sa kamaldihan niya.

Nilapitan niya ako at hinawakan sa braso.
"Tell me na hindi si Wyatt ang ama niyan!"

Napangiwi ako dahil pakiramdam ko ay pati ang kuko niya ay bumabaon sa braso ko.

"Bitawan mo ako Chelsea..." Nanlikisik ang mga mata nito na para bang handa itong patayin ako dahil sa galit.

"Ms. Chelsea ano ba, bitawan mo si Effie nasasaktan mo siya!" sigaw ni Angelica nang awatin ito ngunit tinulak lang siya ni Chelsea kaya natumba siya.

"How dare you para mag pabuntis sa fiancé ko!!" sigaw niya at hinila ang buhok ko.

"Aaahhh! Chelsea bitawan mo ako!" Nakita kong tumakbo si Angelica sa mesa at may tinawagan sa telepono.

"Bakit hindi maalis-alis 'yang kakatihan mo!?" Kinaladkad niya ako sa banyo habang hila-hila ako sa buhok.

"Chelsea ano ba! Bitawan mo ako!" Nag pupumiglas ako ngunit malakas ang kapit niya. Naiiyak na ako dahil pakiramdam ko mahihiwalay ang buhok ko sa anit ko.

"No...No...No!!" sigaw ko nang iharap niya ako sa balde na puno ng tubig.
"Gusto mong uminom? Para maibsan ang uhaw ng kalandian mo!?"

"No! Chelsea ano ba!!" sigaw ko nang pilit nya akong ilublob sa tubig.

Bigla akong nabitawan ni Chelsea at natumba siya.

"Are you okay?" Itinayo muna ako ni Wyatt bago niya nilapitan si Chelsea at kinaladkad palabas ng banyo.

Nilapitan ako ni Angelica na puno ng pagaalala at inalalayan palabas.
Nakita kong itinulak ni Wyatt si Chelsea kaya napupo ito sa sofa.

"Binalaan na kita ma h'wag mong sasaktan si Effie!!" galit na sigaw nito kay Chelsea habang umiigting ang panga.

Humalakhak ito na parang baliw. Nawalala na siya sa sarili niya. She looks psycho.

"Binuntis mo siya? Alam ko naman na ginagamit mo lang siya para 'di makasal sa akin, tapos ngayon malalaman ko buntis sya!?"

Tumawa siya habang sunod-sunod ang pag bagsak ng mga luha niya.
Alam kong nasasaktan siya dahil mahal na mahal niya si Wyatt. Pero, 'di ko alam kong totoong pag mamahal ba 'yon o obsession.

Nilipat niya sa akin ang kaniyang tingin.

"Si Wyatt ba talaga ang ama niyan?"

Bigla akong napatigil ako sa tanong niya.

Muli niyang binalik ang tingin kay Wyatt.

"Tell me ikaw ba talaga ang ama!!" sigaw niya habang patuloy sa pag iyak.

Tumulo ang luha ko at hinawakan ang tiyan ko.
Si Wyatt nga ba ang ama nito?

"Of course, I am! Ano pa bang gusto mo!? Di mo ba kayang tanggapin na masaya na ako kay Effie, na matagal na tayong tapos!?"

Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak. Ako mismo ay hindi ko alam kong sino ang ama ng dinadala ko.

"Enough!" sigaw ko at tinignan silang dalawa.

"Please, enough," mahinang sambit ko bago tumakbo palabas ng office.

"Effie!" Rinig kong tawag ni Wyatt ngunit tuloy lang ako sa pag takbo.
Maaring tama si Chelsea, maaring hindi si Wyatt ang ama ng batang dinadala ko. Maaring anak to ng lalaking nakatalik ko sa club.
Takbo lang ako ng takbo hangang sa makarating ako sa parking lot.
Napasandal ako sa isang sasakyan at napahawak sa aking dibdib. Unting-unting lumabo ang panigin ko hangang naramdaman kong bumagsak ako.

WYATT'S POV

Biglang tumakbo si Effie palabas, tinawag ko sya ngunit di niya ako nilingon.

"Fuck!" Akma ko na sana siyang susundan ngunit pinigilan ako ni Chelsea at hinawakan sa braso.

"H'wag mo na siyang sundan!" she begs while crying.

Masama ko siyang tinignan ang inalis ang mga kamay niya sa braso ko.
"Baliw kana," ani ko at tinulak siya palayo sakin saka hinabol si Effie.

Mabilis akong tumakbo hangang makarating sa parking lot. Inikot ko ang tingin ko at dumapo ito sa isang babaeng nakahuga sa sahig.

"Fuck Effie!" Agad akong tumakbo sa kinaroonan niya. Rinig na rinig ko ang kabog ng dibdib ko nang makit ko siyangbwalang malay.

"Love.. love.. love wake up!" Tinapik tapik ko ang pisngi nito ngunit di ito nagkakamalay.

Agad ko siyang binuhat at isinakay sa sasakyan. Nag uunahan ang kabog ng dibdib ko habang nag mamaneho. Parang nanlalamig ako habang nang tignan ang babaeng mahal ko na walang malay.

"Damn!" Pag may mangyaring masama sa mag-ina ko ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Madiin kong tinapak ang gasolinador ng sasakyan at mabilis na pinatakbo patungo sa hospital.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top