CHAPTER 18


EFFIE'S POV

Agad na nilibing din si lola, 'di na namin pinatagal ang burol niya dahil wala naman kaming kamag-anak na dadating pa. Binurol lang siya ng dalawang araw sa bahay namin tapos inilibing na.

"Are you okay?" Wyatt asked me.

Kakatapos lang ng libing ni lola at dideretso kami sa condo niya. Doon na raw ako titira. Noong una nga tumanggi ako ngunit ayaw niyang mag isa ako sa bahay ko lalo na ngayon na may laman na 'tong tiyan ko.

Nilingon ko siya at nginitian. "I'm fine,” matamlay 'kong sagot.

Hangang ngayon ay parang 'di pa nag sisink in sa utak ko ang mga nangyayari. Pakiramdam ko nananaginip parin ako.

Huminga ako ng malalim at tinuon ang panigin sa labas ng bintana ng sasakyan.

Kung nasaan kaman ngayon lola, always remember that you're always in my heart. I love you po.

Tumulo ang butil ng luha galing sa mata ko ngunit agad ko itong pinunasan.

Kailangan kong magpakatatag.

Napansin ito ni Wyatt kaya hinawakan niya ang kamay ko.

"Don't worry, I won't leave you," he said.

Kahit papaano napapagaan ni Wyatt ang loob ko. Hindi ko rin inaasahan na mahuhulog ako sa masungit na taong 'to.

Nang makarating kami sa condo niya ay ipinasok niya ang mga gamit ko sa k'warto.

Nilibot ko ang paningin sa buong condo.

Unang tapak ko dito secretary niya palang ako at dito rin 'yong pangalawang beses na binigay ko ang sarili ko sa isang lalaki sa pangalawang pagkakataon.

Napatakip ako ng bibig ko nang maalala ko na nakipag talik ako sa ibang lalaki sa club bago may nangyari saamin ni Wyatt.

Bigla akong napahawak sa tiyan ko.

No Effie, h'wag kang mag isip ng ganiyan Si Wyatt ang ama nito at wala ng iba.

"Hey, are you okay? Masakit ba ang tiyan mo?" nag aalalang tanong niya ng madatnan niya akong nakahawak sa tyan ko pag balik niya mula sa k'warto.

Nginitian ko siya at niyakap.

"Wala, ayos lang ako." Niyakap niya ako pabalik at sininghot-singhot ang buhok ko.

"Hindi ko alam na ganito pala ka clingy ang fiancée ko." He giggles.

"I'm not your fiancée, wala namang proposal na naganap at pag papanggap lang naman 'yong engagement party," saad ko at kumalas sa pagkakayakap niya.

"Eh, ano? Basta alam ng lahat na fiancée kita. So, fiancée parin kita."

He give me a peck of kiss on my lips.

"Gusto mong kumain? Ipagluluto kita,"aniya.

Nag isip muna ako ng gusto kong kainin bago sumagot.

"Hmm... can you cook me chicken lomi?" I asked while giving him a puppy eyes.

"A noodles soup?"

"Aha... aha." Tumango-tango ako at  ngumiti ng malapad.

"Alright, just wait me here."

Pinaupo niya muna ako sa couch bago tumungo ng kusina.

Napaka maasikaso ni Wyatt. Sa tatlong nakaraang araw ay halos 'di na siya pumapasok para lang samahan ako. Lahat ng mga meetings niya sa investors niya that days ay kinancel niya.

I have no idea na mangyayari ang ganito ang mga mangyayari.

Akalain mo, 'yong company na dati ko lang pinagpangarap na mapasukan ay naging secretary ako, tapos ang CEO nito naging fiancé ko pa. At lalong 'di ako makapaniwala na may munting anghel na dito sa tiyan ko.

Humiga muna ako sa couch para hintayin si Wyatt hangang sa makaramdam ako ng antok.

WYATT'S POV

Nadatnan kong natutulog si Effie.
Nilapag ko muna ang pagkain niya sa glass table at nilapitan siya.

Ang amo ng ng mukha niya. Pinagmasdan ko muna siya ng ilang minuto bago ginising.

"Love, your chicken lomi is ready."

"Hmm..." Minulat niya ang mga namumungay niyang mata at dahan-dahang kinurap-kurap ito.

Inalalayan ko siyang umupo at hinawi ang mga hibla ng buhok niyang nakatakip sa pisngi niya.

"Nakatulog pala ako," anito

Nilapag ko sa harap niya ang pagkain niya at binigyan siya ng kutsara at tinidor saka ako umupo sa tabi niya.

"Gosh! I love the smell," komento niya, at inamoy-amoy muna bago sindadok ng kutsara ang sabaw at sinubo ito.

Napatigil siya at napahawak sa bibig nito.

"Are you okay?" pag aalalang tanong ko.

Bigla siyang tumayo at tumakbo sa k'warto kaya sinundan ko naman ito.

Nadatnan ko siya sa loob ng banyo habang nakayap sa cubicle at nagsusuka.

"Love, are you okay? Fvck! I'm sorry." Hinimas-himas ko ang likod niya habang siya ay nilalabas ang dapat niyang ilabas.

Nang matapos siya ay inilalayan ko itong tumayo.

"Are you okay? May masakit ba sayo? Im sorry, I thought ayos naman ang lasa no'n. Damn! Ako pa ata ang makakapatay sayo—"

Napatigil ako nang bigla itong humalakhak.

"Hey, calm down. Hindi pangit ang lasa ng chicken lomi mo. Natural lang talagang masuka pag buntis, ano kaba."

Nakahinga naman ako ng maluwag. Parang gusto kong batukan ang sarili ko. Malay ko ba, 'di ko pa naman na experience mabuntis.

"Alam mo, ang cute mo,"she said and pinched my nose, really hard.

"Aww!" She chuckles.

"Gusto mo ata mawalan ako ng ilong eh." Tumawa lang siya at tinapik-tapik ang pisngi ko.

Ngayon ko lang nakitang ganito si Effie, dala ba 'to ng pag bubuntis niya?

Bumalik na kami sa sala at kinain na 'yong chicken lomi nya.

Pinagmasdan ko lang siya habang aliw-aliw sa pag kain.

"Ahh..,"aniya at tinutok sa akin ang kutsarang may laman.

"I'm fine, ubusin mo na 'yan. "

"Ahh." Pinandilatan niya ako ng mata kaya automatiko akong napanganga at sinubo 'yong kutsara.

"Good dog!" Tumawa ito at tinap ang ulo ko. Ngayon, ginawa niya akong aso.

"Done!" Tumayo siya at binitbit ang pinagkainan niya.

"Where do you think you're going?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Huhugasan 'to." inosente niya namang sagot.

"Maupo ka r'yan at ako ang gagawa." Kinuha ko ang pinag kainan niya at dumeretso na kusina.

"Why you're so sweet my fiancé?" she said. Sumunod pala siya rito.

Pinulupot nito ang braso niya sa bewang ko.

"Effie, get off mababasa ka," aniko ngunit parang wala lang siyang narining.

Sinandal nito ang kaniyang ulo sa aking likod ko at naramdaman kong humikbi ito..

"Hey, are you crying?" Hindi siya sumagot.

Pinatay ko ang faucet at hinarap siya.

"What's the matter?" Pinunasan ko ang basa niyang pisngi.

Umiling lang ito. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan siya.

"It's okay, you'll be fine," saad ko at niyakap siya.

Alam kong nahihirapan parin siyang tanggapin ang pagkawala ng lola niya. Siya lang ang ka isa-isahang pamilya nito ngunit nawala pa.

"Just take a rest." Hinaplos ko ang pisngi nya at hinalikan sa noo.

Tumango nalang ito at lumabas ng kusina.

Tinapos ko muna ang hinugasan ko at sinundan siya sa k'warto.

Nadatnan ko siyang nakahiga na at natutulog na.

Kinumutan ko siya at pinagmasdan ng ilang minuto.

*Ding dong! Ding dong!*

Tumayo muna ako at lumabas para pag buksan ng pinto ang nag dodorbell.

Sino naman kaya ang bibisita sakin.

Pagbukas ko nadatnan ko si Chelsea at si dad na nakatayo sa harap ng pinto ko.

"Wyatt!!" Tumalon si Chelsea at niyakap ako.

Tinulak ko siya palayo sa akin kaya nalukot ang mukha nito.

"What are you two doing here?" kunot noo kong tanong.

"Hindi mo ba muna kami papasukin?" turan ng ULIRANG kong ama.

"Even Im not giving you a permission to enter, papasok at papasok din naman kayo," I said. Tinalikuran ko sila at umupo sa couch.

Sumunod naman si dad at umupo sa kabilang upuan.

"Ilang araw ka nang 'di pumapasok, bakit? " tanong niya habang naka cross legs at seryosong tinitignan ako.

Habang si Chelsea naman ay nag iikot-ikot sa condo ko.

"It's none of your business," walang ganang sagot ko.

"It's not of my business, but you are neglecting our company," saad niya gamit ang baritinong boses nito.

"Ms. Lee can handle it—"

"But you're the CEO!!" bulyaw niya.

Banas akong napahilamos ang kamay ko sa mukha ko.

"Can you please shut your mouth up!? Pumunta ka lang ba rito para makipag talo na naman sakin? At isa pa kailan ka pa nag karoon ng pakialam sa pamamalakad ko sa kompanya?"

Mahina akong natawa.

"Stop acting like you care, DAD." I emphasis the last word i said.

"I'm still your father Wyatt! Kaya respetohin mo parin ako!"

Humalakhak ako. Respect? Ang lakas naman ng loob niya para humingi ng respeto sa'kin.  “How do I respect the person who caused my mother's death?" Natigilan siya dahil sa sinabi ko.

"Ever since mom died I've lost my dad too! Kaya h'wag kang umasta na ama kita dahil para sakin patay ka na rin!!"

"Ano ba bitawan mo ako!" Napalingon kaming dalawa, at nakita kong kinakaladkad ni Chelsea si Effie.

"Fuck! What are you doing!!?" Agad akong lumapit sa kanila at tinulak si Chelsea palayo sa kaniya.

"Are you okay?" Hinawakan ko ang pisngi niya. Damn! Bakit nga ba nawala sa isip ko na puwedeng pumasok si Chelsea sa kuwarto.

"Anong ginawa niya sayo?" Napadapo ang tingin ko sa braso niya na may kalmot, gulong -gulo rin ang buhok nito.

Inis kong inilipat ang tingin kay chelsea.

"What did you do to her !?"

Nilapitan ko siya at hinawakan ang braso nito.

"Ano ba! Bitawan mo ako nasasaktan ako!" Pag pupumiglas niya dahil sa higpit ng hawak ko sa kaniya.

"Talagang masasaktan ka! Anong karapatan mo para saktan ang fiancée ko?!"

Ramdam ko ang ang panginginig niya ngunit nakikipag laban ito ng masamang tingin sa'kin.

"Wyatt." Hinawakan ako ni Effie para awatin.

"She's not your fiancée! Ako! Ako ang fiancée mo!" sigaw niya.

Tumawa ako ngunit hindi ko pa rin siya binibitawan.

"Nababaliw kana!" I shouted.

Lumapit naman si tanda para awatin ako.

"Wyatt, ano ba! Bitawan mo si Chelsea nasasaktan mo siya!" galit na bulyaw nito.

"Talagang masasaktan 'tong babaeng to!!" I shout out of my my anger.

"Wyatt tama na."

Hinawakan ni Effie ang kamay ko na nakahawak sa braso ni Chelsea.

"Bitawan mo na," mahinang saad niya.

Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ko sa braso ni Chelsea hangang sa nabitawan ko ito.

"Anong ginagawa ng babae niyan dito?! Siya ba ang dahilan kung bakit 'di ka na pumapasok!?" galit na saad ni tanda.

"Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan, pati si Chelsea at ama nya!!"

"Puwede ba! Hindi pa ba tapos 'tong putanginang issue na 'to!? Si Effie, si Effie ang mahal ko! Kaya puwede ba umalis na kayong dalawa?"

"Nakakahiya ka bilang isang Roberts!"

Humalkhak ako dahil sa sinabi ni tanda.

"Oh! C'mon, Dad! Pag usapang walang hiya ay nagunguna ka! Sino ba ang may asawang nakipag affair sa ibang babae na naging caused ng pagkamatay din ng asawa niya?"

Bigla itong tumahimik ngunit kitang-kita parin sa mukha niya ang galit.  “Ako nakakahiya bilang Roberts? How I wish na hindi 'yan ang naging apelyedo ko, dahil nahihiya rin akong maging ama kayo!”

Parang sasabog ako sa galit. Ang kapal ng mukha niya! Siya nga ang mas nakakahiya.

"At ikaw!" Dinuro ko si Chelsea na umiiyak na akala mo ay siya ang biktima.

"Don't you dare touch my fiancée again!"

Tinignan niya muna ng masama si Effie bago naunang lumabas ng condo ko habang ang tatay ko ay nanatitiling nakatayo sa harap namin.

"We're not yet done, Wyatt." Matiim niya akong tinignan.

"Wala na dapat tayong pag usapan pa kaya umalis kana."

Tinapunan niya muna ng tingin si Effie bago sumunod kay Chelsea.

Saktan lang nila ang lahat, h'wag lang ang mag-ina ko.

"Are you okay? May masakit ba sayo?" nag aalang tanong

Umiling siya kaya niyakap ko ito

Muli ko siyang hinarap at sinuklay ng kamay ko ang buhok niya. "Talaga bang ayos ka lang talaga?"

"Medyo mahapdi lang," sagot niya at tinaas ang braso niyang may sugat.

"Halika sa loob."

Pumasok kami ng kuwarto para gamutin ang sugat niya.

"Wait lang." Nag tungonako sa cabinet para kunin ang medicine kit.

EFFIE'S POV

Pinagmamasdan ko lang siya habang ginagamot ang sugat ko.

Nagulat nalang ako kanina na may humila sa'kin at nanabunot, si Chelsea pala. Kinaladkad niya pa ako palabas, hindi man lang ako makalaban.

Buti nalang 'di niya nasaktan ang tiyan ko.

Napahawak ako sa tiyan ko. Hindi ko na kakayanin pag ito ay nawala pa sa 'kin.

Hinawakan ko ang pisngi niya kaya napaangat ng tingin nito sa'kin.

"Masakit pa ba?" tanong niya at inihip-ihip ang sugat ko.

Umiling ako at ngitian siya. "Good to know."

"Gagaling na 'yan," aniya nang matapos lagyan ng bandaid ang sugat ko.

Binalik niya muna ang medicine box sa loob ng cabinet at tumabi sa akin.

"Bakit parang galit na galit ka sa dad mo?" bigla ko na lang natanong. Napapansin ko kasi na hindi maayos ang relasyon nilang mag-ama.

Huminga muna siya ng malalim bago ako sinagot.

"It's a long story."

"It's okay, pag ayaw mo mag kwento."

Pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko at sinandal ang baba niya sa balikat ko.

"When I was 15 years old, Dad had a mistress. Palagi silang nag aaway ni mom noon. Palagi rin siyang umuuwi na lasing tapos sinasaktan niya si mom." Ramdam ko ang bigat sa boses niya.

"Then one day, nahuli siya ni mom sa mismong kuwarto nila na nakikipag talik sa kabit niya. Umalis si mom na masama ang loob sakay kotse niya, at doon siya na aksidente."

Napatungo ako dahil sa narinig ko. Ngayon, malinaw na sa'kin ang lahat kung bakit malayo ang loob niya sa ama niya.

"That's why simula noong namatay si mom nasira na rin ang relasyon ko sa ama ko, and I will never forgive him for what he did." Bakas ang galit at pagkamuhi sa boses nito.

Hinawakan ko ang kamay niya at nilapat sa sa tiyan ko.

"Alam mo parehas lang naman tayo. When my mom died, umalis din si papa at di na bumalik, iniwan nila ako kay lola. Pero Wyatt, 'yong sa'yo puwede niyo pa maayos ang relasyon niyo ng dad mo kasi alam mo naman kung saan mo lang siya hahanapin. Kahit ano pa ang galit at sama ng loob mo sa sa daddy mo, he's still your dad at 'di mag babago 'yon," saad ko habang nilalaro ang daliri niyang nasa tiyan ko.

Kumalas siya sa pag kakayakap saakin. "Let's not talk about it, Love," saad niya humiga sa kama.

"Alright." Hinalikan ko muna siya bago tumayo.

"Saan ka pupunta?" tanong nito.

"Maliligo lang ako." Gumuhit ang ngisi sa labi nito at nilapitan ako.

"Sabay na tayo," bulong nito sa tenga ko na kinataas ng balahibo ko.

Wyatt looked at me like he is in dazed and crashed his lips againts mine,

Claiming my lips and sealing it as his hands travell down to my sensitive part of my body.

Namalayan ko nalang na nasa banyo na kami at parehong walang saplot habang mapusok akong inaangkin ng lalaking mahal ko.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top