CHAPTER 17

CHAPTER 17

EFFIE'S POV

Pag labas ko ng bahay ay nadatnan ko ang kotse ni Wyatt sa labas ngunit walang tao ito.
Saan naman pumunta 'yon? Tinignan ko ang oras sa relo ko, 8:42 a.m pa lang naman.

Sumandal muna ako ng ilang minuto sa sasakyan ni Wyatt para hintayin siya kung saan man siya pumunta.

"Goodmorning."

Napalingon ako at nakita ko siyang papunta sa direksyon ko habang may hawak na box ng donut at coffee.

"Good morning, bumili ka pala diyan sa bagong bukas na coffee shop sa kanto. Bakit, 'di ka nag umagahan?" tanong ko ng makalapit siya.

"Hindo naman para sa'kin 'to. Para sa'yo 'to dahil alam kong di ka pag nag breakfast."

Inabot niya sa'kin ng dala niyang box ng donut at kape.
Napangiti naman ako. Kahit ang sungit ng taong to may sweet side rin naman.

"Aba, akala ko CEO ka lang ng malaking kompanya, 'di ko alam na manghuhula kana rin pala."

Umiling ito at bahagyang tumawa dahil sa sinabi ko.
"Sira! Sige na, pumasok kana at sa loob mo na 'yan kainin," saad niya at pumasok ng kotse.

Nakangiti naman akong sumakay sa kaniyang sasakyan. Wyatt is a kind person, mabait naman talaga siya, e. Kaso nga lang moody.

Binuksan ko ang box at kumuha ng isang donut saka isinubo.
"Infairness, masarap ang donut nila. By the way, thank you rito," ani ko at lumagok ng kape.

Tumango lang siya at nginitian ako habang nag mamaneho. Everytime he smiles, parang natutunaw ako. I love his signature smile.

"By the way, alam na ba ni Sevv kung bakit 'di tayo makakapunta sa opening nila?"

Tumango ako bago sumimsim ulit ng kape saka nag salita, "yeah, nakausap ko siya sa cellphone kagabi. Eh, ikaw? Bakit 'di ka pumunta do'n? Mas kailangan ka doon." Ngayon sana kami pupunta sa Aonami, peri sa nangyari kay lola ay hindi na natuloy.

"Mas importante ka," seryosong sagot niya habang nasa daan ang tingin nito.

Napatahimik ako sa sinabi nya. Minsan parang gusto ko na lang maniwala sa mga nakikita kong ginagawa ni Wyatt kisa isipin na peke ang relasyon namin.

Nakarating kami sa hospital na ni isa sa amin ay wala nang umimik.
Nauna na akong bumaba ng kotse niya habang siya naman ay nakasunod.

Pag pasok namin ng hospital ay nadatnan naming nag tatakbuhan ang mga nurses at doctor.

"Doc! Room 13 sa ICU, Cardiac arrest!" sigaw ng isang nurse sa doctor sa nurse station.

Room 13 ICU?

Fuck! Automatiko akong napatakbo papunta doon. Diyos ko h'wag naman sana.

Lola..Lola please... Halo-halo ang nasa isip ko na sinamahan ng aking kaba.
Tumatakbo ako habang nag uumpisa nang bumagsak ang mga luha ko.

Hindi... Hindi pwedeng mangyari 'to. Hindi mo ako pwedeng iwan lola...

Pag dating ko sa tapat ng ICU ay nakita kong nasa labas si Alcina na parang di mapakali. Parang nanghina ako ng makita siyang umiiyak.

"Bess anong nangyari?" kabadong tanong ko sa kaniya. Tinignan niya lang ako at mas lalong napaiyak.

Tumama ang tingin ko sa glass wall kung saan nakikita kong nirerevive nila si lola habang tumutunog ang life line minitor.

Parang gumuho ang mundo ko at hindi ko alam kong anong irereact ko. Unti-unting bumigat ang pag hinga ko at patuloy na kumawala ang nga luha sa mga mata ko.

It can't be... No! Hindi pwede!
"No.. no.. no!!" Nag tangka akong pumasok sa loob ngunit pinigilan ako ng dalawang nurse.

Hindi pwede! Hindi niya pwede akong iwan!

"Umalis kayo! Lola!!" sigaw ko habang sunod-sunod ang pag agos ng mga luha ko.

No... Hindi! Hindi mo ako puwedeng iwan lola...hindi!!
Nag pupumiglas ako ngunit Mahigpit ang pagkakahawak nila sakin.
Lumapit si Wyatt sa'kin at hinawakan ako.

"Effie."

Pawang wala na ako sa tamang pag iisip. Ang tanging gusto ko lang ay pumasok sa loob.

"Hindi, lola please...h'wag mo akong iwan! Lumaban ka pakiusap!"

Niyapos ako ni Wyatt sa bewang para pigilan akong pumasok.

"Wyatt, bitawan mo ako!" Pag pupumiglas ko.

WYATT'S POV

Nag pupumiglas at nag wawala si Effie habang humahagulgol.

"Wyatt! Ano ba bitawan mo ako!"

"Effie...Effe! Makinig ka!" Hinawakan ko ang pisngi niya at iniharap siya sa akin.

"Sinusubukan nilang iligtas ang lola mo kaya huminahon ka."

"Paano ako hihinahon kung nag aagaw buhay ang lola ko!?"

Sunod-sunod ang pag agos ng mga luha niya at hindi ko mapigilan ang masaktan.

*Toootttt... Toootttt...tooottttt...*

Napalingon kami sa loob at inihinto na ng doctor ang pag rerevive sa lola niya.

"No... No... No! Lola!! Hindi mo ako puwedeng iwan!!" Sigaw niya. Inangat ko ko na lang ang tingin ko sa taas upang hindi tumulo ang luha kong nag tatangka rin.

Tumakbo siya nang lumabas ang doctor sa ICU


"D-Doc.. doc iligtas niyo po ang buhay ng lola ko! Bakit niyo itinigil! Hihinga pa po ang lola ko! Iligtas nyo siya!!" sigaw nito at hinawakan ang doctor.
Umiling ang doctor at bakas a mukha nito ang awa kay Effie.


Nanginginig ang mga kamay ni Effie habang hawak-hawak ang laylayan ng damit ng doctor.

"Effie." Hinawakan ko siya ngunit hindi niya ako pinansin.

"Doc, pakiusap po. Siya na lang po ang meron ako. Pakiusap iligtas niyo siya." Pag mamakaawa niya habang bahagyang inaalog-alog ang doctor.


"I'm sorry, Ms.Cynara. Ginawa na namin ang lahat. Time of death 9:36 a.m.

Umiling si Effie habang hindi parin binibitawan ang doctor.

"Hindi!! Hindi niyo ginawa ang lahat! Sana kung ginawa niyo ang lahat ay nasa loob parin kayo at nililigtas ang lola ko!!" sigaw nito.

Napapikit ang doctor dahil sa pag sigaw niya.

"I'm sorry." Iyon na lamang ang kaniyang nasabi saka yumuko.
Napabitaw si Effie sa kaniya at humarap sa akin.

"Wyatt, please sabihin mo sa doctor na 'yan na iligtas ang lola ko. Please.. I'm begging you." pag mamakaawa niya.

"Effie." Hinawakan ko siya sa balikat.

"Wyatt, pakiusap sabihin mo sakanila na iligtas ang lola ko."

Parang dinudurog ako habang nakikita kong nag mamakaawa si Effie sa harap ko at wala man lang akong magawa.

"Makapangyarihan ka diba? Sinusunod ka ng lahat kaya please sabihin mo sa kanila na iligtas ang lola ko."

Niyakap ko na lang siya dahil 'di ko alam kung ano ang gagawin ko at sasabihin ko.

Senenyasan ko ang doctor na nakatayo parin sa sarap ng pinto kaya umalis na ito.

"Wyatt... please..." mahinang daing niya bago nawalan ng malay.

"Effie? Effie!? Nurse tulongan niyo ko!'' sigaw ko sa isang nurse na agad agad naman itong tumakbo sa amin.
Napahagulgol na lang si Alcina dahil maski siya ay parang mababaliw na sa sitwasyon ng kaibigan niya.

Pinasok si Effie sa isang bakanteng room.

"Sir, dito na lang muna kayo," saad ng nurse at pumasok sa loob.
Napaupo ako at napasabunot sa buhok ko.

Naiwan si Alcina sa ICU para bantayan ang lola ni Effie na ililipat sa morgue.
Ilang minuto pa akong nakaupo sa labas nang lumabas na ang isang doctor galing sa kwarto ni Effie.

Agad akong tumayo at nilapitan ito.
"Doc, ayos na po ba siya? Nawalan siya ng malay dahil sa emotional breakdown. Kamamatay lang kasi ng lola niya." Saad ko.

"Condolences, pero 'di lang 'yon ang rason kong bakit nawalan siya ng malay. Hindi ko alam kong matatawag ba 'to na good news sa kaniya sa gayon na kamamatay lang ng lola nya."

Napatanga naman ako sa sinabi ng doctor.
"What do you mean by that doc?"

"Actually, she is 2 months pregnant."
Parang nabingi ako sa narinig ko.
"H-Ho?" pag uulit ko baka mali lang ang narinig ko.

"I said, she is 2months pregnant.
Puwede ka nang pumasok sa loob," saad niya at umalis.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Halong-halo ang emotion na nararamdaman ko.

So it means, I am now a father? Mahigit 2 months na rin no'ng unang may nangyari sa amin kaya hindi malabo na ako ang ama ng baby niya.

Oh, God! This is for real?

Kabado akong pumasok ako sa loob ng kwarto niya. Nakapikit lang ang mga mata niya na may bahid pang luha. May dextrose rin na naka tusok sa kamay nito.

Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.
"Hindi ko alam kong matutuwa ka sa ibabalita ko pag gising mo lalo na ngayon na sobrang sakit ang nararamdaman mo," bulong ko at hinimas ang pisngi niya.

Tinapunan ko ng tingin ang tiyan nya.
"Ang baby na nabubuhay diyan ay anak natin."

Pinunasan ko ang luhang tumulo galing sa mata ko. Hindi ko namalayan na naluha na pala ako.

"Baby, keep your mommy strong okay? Tulongan mo siyang malagpasan lahat ng 'to."

Muli kong ibinalik ko ang tingin ko kay Effie.
"I will make you happy," I whispered.
Hindi ko man na amin sa babaeng na sa harap ko ang nararamdaman ko dahil natatakot ako na baka maulit ang dati, ngunit ngayon ay handa na akong sumugal ulit lalo na't may nabuo, at anak ko 'to.

"I love you." Hinalikan ko siya sa noo.

Sa unang pagkakataon ay nasabi ko sa kaniya ang mga salitang 'yon.
Tumayo ako at lumabas para hanapin si Alcina.

Nang makita ko siya ay sinabi ko ang kalagayan ni Effie at kong paano nangyari.

Noong una ay 'di siya makapaniwala. Kinuwento ko sa kaniya mula sa umpisa, mula sa pag papanggap namin hangang ngayon.

"Mahal mo na siya diba?"

Tumango ako.

"Yeah, I love her now, at hindi ko na kayang mawala siya, mawala sila," sagot ko.

"Please take care of her, tulongan mo siyang makabangon ulit," saad niya at nginitian ako saka tinapik-tapik ang balikat ko.

"I will. I'll do everything to make her happy."

Nang matapos ang aming pag uusap ay binalikan ko na si Effie.
Umupo ulit ako sa tabi niya.
Pinag masdan ko siya ng ilang minuto hangang sa unti-unti niyang minulat ang kaniyang mga mata.

"You're awake," saad ko at inalalayan siya para umupo.

"Bakit nandito ako? Si lola na saan na?"
Unti-unti na namang namumuo ang mga luha sa mga mata niya.
"Nasa morgue na siya," sagot ko.

Pumatak ang mga luha niya at napahikbi na naman ito.

"Bakit niya 'ko iniwan? Wyatt, mag isa na lang ako."

Pinunasan ko ang basa niyang pisngi.
"Sshhh... don't say that, you're not alone anymore. I'm here, I won't leave you."

Natigilan ako at inangat ang tingin sa akin na parang nag tataka sa sinabi ko.
I cupped her face. "Effie, may sasabihin ako sa'yo. Hindi ko alam kung good news ba 'to para sa'yo o hindi.

Kumunot ang noo niya. "What do you mean?"

Huminga muna ako ng malalim bago nag salita. "You're 2 months pregnant."

Muli skyang natigalan na parang isa-isang inaabsorb ng utak niya ang sinabi ko.

"A-Ano?"

"Buntis ka at mommy ka na."

Nakatingin lang ako sa kaniya at ilang sandali siyang hindi nag salita.
Bawat sigundong lumilipas ay kinakabahan ako sa magiging sagot niya.

"A new life," she uttered as her tears falls down. Hinawakan niya ang tiyan niya at hinimas ito.

"Nawala man si lola pero may bagong dumating naman para pasayin ako."

Tumingin siya sa akin. " Wyatt," sambit niya.
Niyakap ko siya. "Hindi ko kayo pababayaan."

Kumalas siya sa pag kakayakap ko at hinarap ako. "P-Pero..."

"Anong pero? Anak ko ang dinadala mo, anak natin. Kaya 'di ko hahayaan," I said and kiss her forehead.

"Paano ang contract?" Umiling ako at hinawakan ang pisngi niya. "It's just a piece of paper, love. Wala naman sa contract na bawal totohanin ang relasyon, 'di ba?"

Natigilan siya sinabi ko.

"Wyatt."

"Hindi ba pwede 'yon?" Napakagat labi ito, umiling siya at niyakap ako.
This time, susugal ulit ako para sa mag-ina ko.

"I love you." I whispered.


EFFIE'S POV

Ito ang unang pagkakataon na maririnig ko ang salitang 'yon.
Hindi ko inaasahan na sa ganitong sitwasyon mangayayari 'to. I'm pregnant and our fake relationship is already over.

Ngayon, nasagot na ang mga katanungan ko. Hindi na ako mag iisip kong mahal niya ba ako o dahil lang sa kontrata, kaya pinapakita niya ang lahat ng 'yon. But, ngayon, narinig ko na mismo sa bibig niya ang salitang gusto kong marinig para makasigurado ako.

"I love you too." Kumalas siya pagkakayakap sa akin at at hinalikan ako sa labi.

And this is our first kiss as a couple, a real couple.

"I will protect you and our baby,"saad niya at niyakap ulit ako.

Panghahawakan ko ang mga salitang 'yon. He will protect us, and I trust him.

Ilang minuto kaming nasa ganong posisyon hangang naisipan namin na dalawin si lola sa morgue bago siya tuloyan na iimbalsamohin.
Pag dating namin do'n ay nadtanan naming nakahiga siya sa isang malamig na steal bed at natatakpan ng puting kumot.

Unti-unting bumibigat ang pag hinga ko at nararamdaman kong umiinit ang gilid ng mga mata ko dahil sa mga luhang nagtatangkang pumatak.
Unti-unti kong binuksan ang kumot at automatiko akong napaiyak ng masilayan ang mukha ni Lola.

"Lola, bakit mo ko iniwan? Kasama mo na ba riyan si Mama?" Hinawakan ko ang malamig niyang pisngi.
"Lola, hindi niyo man lang hinintay ang bagong apo niyo." Napahikbi ako.

"B-Buntis po ako."

Lalo akong napahagulgol ng maramdaman ko ang kamay ni Wyatt sa mga malikat ko.

"Lola mahal na mahal po kita.

Gabayan niyo po kami at ang magiging anak ko, paalam." Pagbigkas ko ng huling salita ay napayakap ako kay Wyatt at hinayaan ang sariling umiyak nang umiyak.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top