CHAPTER 16

CHAPTER 16

EFFIE'S POV

*Beep beep!*

Nagulat ako ng may sasakyan sa labas ng bahay pag labas ko.
Binuksan ko ang gate at tumambad sa akin si Wyatt na naksandal sa kotse niya.

"What are you doing here?" tanong ko at nilapitan siya.

"Sabay na tayong pumasok," ikli niyang sagot na wala man lang reaksiyon.
Kahit kailan pa cool 'tong taong 'to, eh.

Natuwa naman ang puso ko sa sinabi niya. Aaminin ko kinilig ako kahit 'yon lang ang sinabi niya.

Parang ayoko nang isipin na fake lang 'tong relationship namin. Ina-amin ko na lumalalim na ang nararamdaman ko para sa kaniya at natatakot ako ro'n dahil baka sa huli malunod ako at hindi niya ako mai-ahon.

"Alright then," sagot ko at nginitian siya saka sumakay sa passenger seat habang siya ay umikot sa driver seat.

"We have a business tour tommorow," saad nito habang nakatuon ang kaniyang atensyon sa daan.

"Business tour? Bukas agad?"
Tumango-tango ito.

"Yeah, Spayton Food Company invite us in Aonami island resort. "

"Oh! Yung malaking resort na magbubukas? Sa kanila pala 'yon?"

Hindi ako makapaniwala na sila Sevv pala ang may-ari ng resort na 'yon.
Bestfriend ko si Sevv pero wala akong kaalam-alam sa buhay niya after niyang pumunta sa states noon.

"Yeah, opening nila bukas kaya dapat nandoon tayo," sagot niya na 'di man lang nag atubiling lingonin ako.
Tumango na lang ako at tinuon ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan.

Nang makarating kami sa company ay nauna na akong lumabas ng kotse sa kaniya saka nauna nang mag lakad.
Nagulat ako ng hawakan ni Wyatt ang kamay ko.

Tinignan ko siya habang nag lalakad na parang wala lang sa kaniya na hawak ang kamay ko.

Pinag titinginan kami ng mga empleyado sa hallway at ang iba ay parang kinikilig pa.

"Good morning sir, maam," ani ng isang emplyedo na nakasalubong namin.

Walang reaksyon si Wyatt na parang 'di nakita ang bumati, kaya nginitian ko nalang ito.

"Dito na ako," saad ko nang makarating na kami sa tap ng office ko.

Tinignan ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko kaya napabitaw ito.

Bigla siyang namula at nilihis ang tingin sa akin.
Gusto kong tumawa sa kaniyang reaksyon ngunit pinigilan ko ang aking sarili dahil baka mamaya umiba na naman ang mood at mag suplado na naman.

"May lagnat ka?" tanong ko na parang 'di alam kung bakit siya namumula.
Hinawakan ko ang noo niya kunwari, ngunit tinanggal nya ito.

"I'm fine, naiinitan lang ako," pag papalusot niya.

"May pupuntahan tayo mamaya. For now, gawin mo muna 'yong mga 'di mo pa natatapos," saad nito at agad ng umalis.

Napangiti naman ako sa inasta niya. Did Wyatt Roberts blushed?

Pumasok na ako ng office ko at inumpisahan ang trabaho ko.
Ilang oras din bago ko natapos ang gawain ko.

I look at my wrist watch. 12 p.m na rin pala.
Tumayo muna ako at nag unat nang katawan na nangalay dahil sa ilang oras akong nakaupo.

Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Wyatt.

"Already done?"

"yeah," sagot ko at inayos ang mga papel na nakakalat sa mesa bago hinablot ang bag ko at lumapit sa kaniya.

"Saan ba tayo?" tanong ko.

"You will know it later," sagot nito at nauna nang mag lakad.

Nakasunod lang ako sa kaniya ng biglang mag ring ang cellphone ko.
"Hello bess?" yeah, it's Alcina.

"Bess si lola—"

"Bakit anong nangyari?" Biglang namuo ang kaba sa dibdib ko. Ganitong-ganito rin noong araw na tumawag si Alcina sa akin noon.

"Bess what happened? Anong nangyari kay lola?" Napalakas ang boses ko kaya napalingon si Wyatt sa akin.

"Nawalan siya ng m-malay. Kanina ang sabi niya nahihirapan siyang huminga tapos biglang n-natumba," anito habang nanginginig ang boses.

"Ano!? Asan kayo?" Nag uunahan ang kabog ng dibdib ko at pakiramdam ko ay nanlalamig ako. Ano na naman bang nang yari kay lola?

"Papunta na kami ngayon sa hospital, 'yong dating pinagdalhan sa kaniya, bilisan mo." After niyang sabihin 'yon ay namatay na ang tawag.

Lumapit si Wyatt sa akin.
Nanuyo ang lalamunan ko at parang binawaian ako ng lakas.

"What happened?" pag aalalang tanong ni Wyatt sa'kin.

"S-Si Lola, sinugod na naman sa h-hospital." Nag crack ang boses ko dahil sa luhang nagtatangkang tumulo.

"Let's go." Iyon na lang ang sinabi niya at inakay ako pasakay sa kaniyang sasakyan.

WYATT'S POV

Habang nasa sasakyan kami ay napansin ko ang mga kamay niyang nanginginig habang ang tingin ang kaniyang tingin ay nasa labas ng bintana.

Ganito rin siya dati noong una ko siyang makita at hinatid sa hospital. She love her grandmother so much and I know she can't live without her.
Hinawakan ko ang kamay niya kaya napalingon ito sa'kin.

"Everything will be okay," saad ko upang pagaanin ang loob niya.
Tumango lang ito at nginitian ako.
Nang makarating kami sa hospital ay agad-agad kaming tumakbo patungo sa ER. Nasa Hallway pa lang ay sinalubong na agad kami ni Alcina.

"Nasaan si Lola? Kumusta siya?" agad na tanong ni Effie.

"Tinitignan pa siya ng mga doctor,"sagot nito.

Lumapit si Effie sa salamin kung saan makikita ang nasa loob ng ER.

Nakahiga ang lola niya at may oxygen at aparato na naka kabit sa katawan nito.

"Lola," bulong nito at unti-unting pumatak ang mga luha niya.
Hinimas naman Alcina ang likod nito upang alalohin.

"Bess, hindi ko maintindihan. Diba nag take na siya ng surgery? Bakit nagkakaganyan siya ulit?" Nilingon niya si Alcina habang umiiyak.

"I- I don't know," iyon na lang ang nasagot ni Alcina dahil maski siya ay walang alam.

Nilapitan ko si Effie at pinaupo sa upoan.

"Calm down, magiging maayos din ang lola mo. Hintayin na lang natin ang doctor." Pag aalalo ko sa kaniya.
Tumango lang siya at pinunasan ang mga luha niya.

Ilang minuto pa nang lumabas ang doctor mula sa ER.

Agad na tumayo si Effie at lumapit dito.
"Doc, anong nangyari kay lola? Bakit nagkakaganon siya ulit? Diba doc inoperahan niyo naman siya at sabi niyo magiging maayos na siya?" Nag uunahan na namang pumatak ang mga luha nito.

Parang may pumitik sa dibdib ko nang makita siyang ganito.  

"Ms. Cyanara, merong koplikasyon na nangyari matapos ang surgery ng lola mo."

Natigilan si Effie na parang hindi maintindihan ang sinabi ng doctor.
"W-What do you mean doc? Anong komplikasyon?" Bakas ang takot at kaba niya sa kaniyang mukha sa maaring marining nya mula sa doctor.

"After ng kaniyang sugery sa sakit niyang Arrhythmia. May blood cloth na namuo and that blood cloth breaks loosed and traveled from her heart to her brain. There is might block blood flow causing her heart malfunctioning. Maari siyang hindi na magising kung hindi ulit ma o-operahan."

Umawang ang mga labi ni Effie sa kaniyang narinig, parang tinakasan siya ng lakas.

"So, y-you mean na nasa critical state ang lola ko at malabo nang magising?" tanong nito at humagulgol.

Tumango naman ang doctor.
"I'm sorry Ms.Cynara, kailangan ulit naming mag sagawa ng another surgery, but we can't promise na magiging maayos ito dahil na rin sa edad ng lola mo mahihirapan siya sa pangalawang surgery. Tatapatin na rin kita, masiyadong risky ang operation na 'to. 60/40 ang chance niyang maka survive."

Napahawak ito sa kaniyang dibdib na parang hindi makapaniwala sa kaniyang mga naririnig.
Humagulgol siya na rinig na rinig sa hallway ng ER.

"Ililipat siya mamaya sa ICU, at puwede mo na siyang makita, saad ng doctor bago umalis.

I feel Effie's pain, naramdaman ko rin ito dati no'ng nawala ang Mommy ko. Kaya alam na alam ko ang pakiramdam na ganito.

Nilapitan ko siya niyakap. "40 percent is not a zero, she has a big chance to live. Don't worry, she will be fine," pag aalalo ko sa kaniya.

Binaon niya ang kaniyang mukha sa'king dibdib at patuloy lang na umiyak.

"Why? Bakit sa lola ko pa? S-Siya na lang ang meron ako, Wyatt. Hindi ko kaya," anito sa gitna ng kaniyang pag iyak.

Hinimas ko lang ang kaniyang likod at walang ni anong lumabas sa bibig ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko kung paano pagagaanin ang loob niya.
Ilang minuto rin siyang umiyak sa dibdib ko at no'ng kumalma siya ay inaya ko muna siyang kumain.

"Wala akong gana," aniya habang nakatingin lang sa kawalan, namumula pa ang ilong at mugto ang mata.

Nasa isang fast food chain kasi kaming dalawa sa labas ng hospital habang si Alcina ay nag paiwan doon.

"Kumain kana, hindi ka pa nakakapag lunch. Hindi magugustohan ng lola mo pag nalaman niyang nagkakaganyan ka. Paano na lang pag nagising ang lola mo at makita niyang ganiyan ang itsura mo? Hindi siya matutuwa."

Bigla niyang kinuha ang kutsara at mabilis na sinubo ang mga pagkain na nasa harap inya.

"Hey, easy." Binigyan ko siya ng tubig nang umubo ito.

Tumulo ang mga luha niya at kumawala ang mga hikbi nito.
"I can't live without her," she uttered, habang tuloy-tuloy ang pa subo.

"I know, be strong. Magiging maayos ang lola mo," saad ko para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.

Pag tapos naming kumain ay bumalik na kami sa Hospital.
Nailipat na ang lola niya sa ICU.
Pag dating namin ng ICU ay pumasok si Effie sa loob habang si Alcina ay lumabas mula doon. Iniwan niya ang mag lola sa loob saglit.

Umupo ito sa tabi ko.

"Bata pa si Effie nang namatay ang Mommy niya. Ang daddy niya naman ay nag asawa ulit at hindi na niya nakita kaya ang lola niya na lang ang kasama niyang lumaki," anito.

Di ko alam na ganito pala kahirap ang buhay ni Effie. Parehas nga kami ng sitwasyon ngunit mas mahirap ang sa kaniya dahil sa estado nila sa buhay.

Kung gano'n pala, suwerte pa rin ako.

"Naiwan sila ng lola niya na walang- wala. Naglalako lang dati ang lola niya ng mga paninda niyang biko para matustusan ang pag aaral ni Effie."

Kaya pala disididong-disisdo si Effie sa trabaho niya para maiahon ang lola niya sa hirap.

Humarap siya sa akin.

"Wyatt, 'di ko man alam ang relasyon na meron kayo ni Effie, pero sana h'wag mo siyang pababayaan dahil sa pagkakataon na 'to ay kailangan talaga ni Effie ng makakapitan. Hindi natin alam ang mangyayari," saad pa nito saka tumayo.

"Pumasok ka roon, labas lang ako." Tinapik niya ang balikat at nginitian ako bago umalis.

Tinignan ko si Effie mula sa glass wall ng ICU kung saan makikita ko ang nasa loob. Naka upo lang siya habang hawak ang kamay ng lola niya.

Nag suot muna ako ng hospital gown at head dress bago pumasok sa loob.

"Lola lumaban po kayo ha, marami pa tayong gagawin. Ibibili ko pa kayo ng sewing machine na gusto nyo, eh," aniya habang humihikbi.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang balikat niya.

"Lola, gumising na kayo diyan at mag palakas. Ayaw niyo ba akong makita na ikasal sa lalaking 'to?" Nagulat ako sa sinabi niya. I don't know if she mean that words or not.

"Lola, paano nalang po ako kung iiwan niyo ako?" Namaos ang boses niya at kumawala ang hagulgol na kung saan dinig na dinig sa buong kwarto.

"Hindi k-ko kaya lola, kaya p-pakiusap... lumaban po k-kayo," she said between her sobs. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng lola niya at umiyak nang umiyak.

Buong maghapon na nadoon kami ni Effie hangang sa sumapit gabi.

"Wyatt, bakit 'di ka pa umuwi? I'm sorry pala kung pati ikaw ay 'di na nakapasok dahil sa akin, " aniya. Namumugto ang mga mata nito at makikita mo sa mukha niya na pagod na pagod siya.

"It's okay, e ikaw? Hatid na muna kita sa inyo balik nalang tayo rito bukas." Malalam niya akong nginitian.

"Dito nalang ako, babantayan ko si Lola. Ikaw, umuwi kana at mag pahinga," sagot nito.

"Bess, sige na mag pahinga ka na. Si Kuya Sevv tinawagan ko na rin at maya-maya ay nandito na iyon. Kami na muna ang mag babantay kay lola. Sumabay kana kay Wyatt at mag pahinga galing ka pa naman sa trabaho."

"Pero bess–”

"No buts bess, sige na, para bukas pag balik mo dito ay baka gising na si lola," ani Alcina at nginitian si Effie.
Lumapit si Effie sa kaniya at niyakap ito.

"Thank you bess, thank you so much."

Hinatid ko muna siya sa kanila. Buong byahe kaming tahimik hangang sa makarating kami sa bahay nila.
"Talaga bang ayos kalang dito mag isa?"

Tumango ito at tinignan ako. "Ayos lang, sanay naman ako rito na mag isa dahil doon naman si lola nakatira sa bahay ni Alcina. Mas mabuti kasing may titingin sa kaniya habang nasa trabaho ako. Sige na, umuwi kana rin at mag pahinga. Salamat sa pag hatid. Good night," saad nito at nginitian ako.

Papasok na sana siya ng gate nang hilain ko siya pabalik at niyakap.
"Don't worry, everythings will be fine."

Ilang sigundo siyang natigilan ngunit niyakap niya nya rin ako pabalik.
"Thank you Wyatt, thank you, love."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top