CHAPTER 11


WYATT'S POV

"Wyatt, what's bring you here?" tanong ni Primo ng makapasok ako sa bahay niya.
Deretso lang ako sa sofa niya at umupo.

"Birthday na birthday mo, bakit nandito ka?" tanong niya at binigyan ako ng isang beer in can.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa tatay ko." Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa inis.

"Oh, bakit? Nag away na naman kayo?"

"As usual, he made his own decision again. Bro, he wants me to engage Chelsea, and the engagement party will also be held tonight."

Napabuga siya ng beer dahil sa
sinabi ko.

"Fuck! That's gross!" Pinunasan ko ang braso kong may beer dahil sa pagbuga niya.

"Seryoso pare? So, ikakasal kana pala?" Humalakhak ito.

"Congratulations, Wyatt Roberts ikakasal ka sa sa isang matinong babae," sarcastic niyang saad at muling tumawa.

"Gago! Mas gugustohin ko pang tumalon sa building kisa pakasalan 'yong makating babae na 'yon. Nandidiri ako sa kaniya."

"Anong plano mo?" tanong nito at ngumisi.

"That's why I'm here, I need your help, bro. "

EFFIE'S POV

Naglalakad ako sa daan kahit gusto ko pang matulog.
Wala na pala akong stock ng pagkain sa bahay, nakalimutan kong mag grocery.

Tinignan ko ang relo ko, 9 a.m. na rin pala at tirik na tirik na rin ang araw.
Napahinto ako sa pag lalakd nang may biglang humintong puting van sa harap ko.

Bumukas ito at at nilabas ang tatlong naka itim na lalaki, nakatakip ang mga mukha nito at naka sumbrero.

"S-Sino kayo? Bitawan niyo ako!!" Hinila nila ako at pilit na isakay sa kanilang sasakyan.

"Ano ba! Bitawan niyo ako! Sino ba kayo!?" sigaw ko ngunit parang wala silang narinig. Nag pupumiglas man ako ay hindi pa rin 'yon sapat para makatakbo ako at makahingi ng tulong.

"Bitawan niyo ako!" Rinig na rinig ko ang kalabog ng dibdib ko at naiiyak na rin ako. Masiyado silang malakas, hindi sapat ang lakas ko, hangang nag tagumpay silang ipasok ako sa loob ng van.

Nanginginig ako dahil sa takot. Diyos ko, ikaw na po ang bahala sa akin.

"A-Anong kailangan niyo? Bakit niyo ako dinukot" Nanginginig ang boses ko dahil na rin sa mga luha kong sunod-sunod sa pag patak.

"H'wag kang matakot, hindi ka namin sasaktan." Nag salita ang lalaki na nasa tabi ko.

" Hindi niyo ako sasaktan, bakit niyo ako sinakay dito? Ano to, trip niyo lang!?"

Tumawa ang lalaking nag mamaneho ng Van.

"Hindi ko alam na may sense of humor din pala 'tong secretary ng WR Food Company."

Aba, gago rin 'to, sense of humor? Mukha ba akong nag papatawa? At paano naman nila nalaman na secretary ako ng WR food company?

"T-Teka, kilala niyo ako?"

"Yeah, relax ka lang diyan, hindi ka naman namin sasaktan kaya h'wag kanang maingay diyan."

"Kung hindi niyo ako sinakay dito, edi sana hindi kayo na iingayan! "

Tinakpan ng katabi ko ang tainga niya dahil sa pag sigaw ko.
"Ano ba 'yan miss, may megaphone ba 'yang bibig mo?" tanong niya.

Pinahid ko ang mga luha ko bago muling nag salita, "ano ba talaga ang kailangan niyo sa'kin? Kung wala naman kayong kailangan sa'kin, puwede bang ibaba niyo na ako dahil nagugutom na ako hindi pa ako nakakakain!"

Tumawa silang lahat dahil sa sinabi ko.
Huli ko lang na mapagtanto ang sinabi ko.

Parang gusto kong batukan ang sarili ko, sa ganitong sitwasyon pagkain pa ang nasa utak ko.

"Eh, bakit ba? Sa nagugutom ako, eh." Napayuko ako dahil sa hiya.

Huminto ang sasakyan at senenyasan no'ng driver 'yong lalaki sa gilid ko kaya lumabas iyon.

"Papaalisin niyo na ba ako?" tanong ko ngunit ni isa ay walang sumagot sa kanila.

Biglang napepe ang mga loko.
"Puwede ba, sumagot naman kayo!?Ako Lang ba Tao dito!?" sigaw ko.

"Bakit ba ang high pressure mo? Kanina ka pa sigaw ng sigaw.” Reklamo ng lalaki na nasa kabilang upuan.

"Sino ang hindi maiinis kung ikaw ba nag lalakad sa daan tapos biglang may van na hihinto sa harap mo at bigla kang isakay, magiging kalmado ka?!" Napahawak ako sa aking dibdib dahil feeling ko sasabog ako dahil inis.

"Puwede ba, kumalma ka Ms. Cynara? Oh, ayan." Binigayan ako ng paper bag no'ng lalaking lumabas kanina.

"Pagkain 'yan, kumain ka para hindi ka ma highblood," Aniya pa at tumawa.

Agad ko naman iyong binuksan, pag kain nga ang laman. Kinain ko 'yon na hindi man lang nag papasalamt sa kanila. Sino ba naman ang mag papasalamat sa sa kumidnap sa'yo?

"Kung masama kaming tao, hindi ka namin bibilhan ng pagkain," ani no'ng lalaki na nasa kabilang upuan.

Hindi na lang ako nag salita pa, bagkos ay nilantakan ko na lang 'yong pagkain. Gutom na gutom na ako.
Makalipas ang ilang minuto ay huminto na ang sasakyan.
Lumabas ako kasama sila.

"Saan tayo? Bakit nandito tayo?"
Na sa tapat kasi kami ng isang malaking spa and salon. Ano 'to, headquarters nila?

"Malalaman mo," sagot no'ng driver kanina at dinala ako sa loob.
Nagulat ako nang makapasok kami sa loob.

"Wyatt?"

Naka upo siya sa isang swivel chair habang nakangiti sa'kin.

"Surprise?" aniya at tumawa.

Kumunot ang noo ko at lumapit sa kaniya para hampasin.

"Aw! What was that?" Tinignan ko siya ng masama habang ang mga mata ko ay nag uumpisa na namang manubig.

"Alam mo, ang sama ng ugali mo!
Hindi mo ba alam na hinila at pinilit nila akong isakay sa van!? Halos mamatay na ako sa takot, tapos- tapos—"

Hindi ko na tapos ang sasabihin ko nang hilain niya ako papalapit sa kaniya at niyakap.
Nagulat naman ako sa kaniyang ginawa kaya hidi na ako nakapagsalita.

"I'm sorry, " he whispered. Pinahid ko ang isang butil ng luha na nahulog sa pisngi ko bago kumawala sa yakap niya at tinignan niya.

"Ano na naman 'tong trip mo, sir?"

Tumawa ito at tinignan ang mga lalaking dumukot sa'kin kanina.

"Hindi kita dinukot, ha. Wala akong sinabi sa kanila na dukotin ka."

Tumawa 'yong lalaking driver.

"Primo, sabi tulongan mo akong ma pa oo siya, wala akong sinabing mag damit kayo ng pang-kidnaper, nag takip pa talaga kayo ng mukha, ah."

Ma pa oo saan?

Tinanggal nila ang mga takip sa kanilang mga mukha.
Bigla akong napalunok nang makita ang mga pagmumukha nila. Ang g-gwapo.

"Laway mo baka tumulo. Mas gwapo parin ako sa mga 'yan." Tinapunan ko lang siya ng masamang tingin. Ang feeling din, e.

"Anong pumasok sa mga ulo niyo, bakit kayo nag takip ng mga mukha? Nag mukha tuloy kayong kidnapper.

Tumawa 'yong lalaking driver kanina.
Wait, parang nakita ko na 'to. Saan ko nga ba nakita 'to... Ay oo! Iyong lalaki noon sa office ni Wyatt.

"Wala ka namang sinabi na kausapin namin para sumama, ah? At isa pa idea ni Sebastian 'yan lahat, ” anito.

“It's not my fault. Sumang-ayon naman kayo sa plan ko, so kasalanan niyo, ” saad no'ng lalaking mainitin ang ulo kanina.

Mg gapo nga, baliw naman ata.

"By the way Effie, he's Primo, Sebastian and Noah." Pag papakilala ni Wyatt do'n sa tatlong nag dala sa'kin dito.

Si primo pala 'yong driver tapos 'yong lalaking bumili ng pagkain ko ay si Noah then si Sebastian 'yong lalaking medyo mainitin ang ulo sa kabilang upuan.

Tumango-tango lang ako. Hinarap ko si Wyatt nang ma alala ko kung bakit nila akodinala rito.

" Anong ginagawa natin dito at bakit niyo ko dinala dito?" tanong ko habang naka pamewang.

"I want you to be the most beautiful lady tonight on my birthday party," ani Wyatt.

Pakiramdam ko uminit ang pisngi dahil sa sinabi niya.
"Pinagsasabi mo?" Kunot noo king tanong.

"Iyon nga ang gusto, ko ikaw ang pinakamaganda mamayang gabi," pag uulit nya.

*Dug dug..Dug dug.. Dug dug..*

Ito na naman 'tong puso ko. Mag papa-check- up na talaga ako.

Lumabas ang isang babae na color red ang buhok.

"She's Lexie, pinsan ni Primo. Siya na ang bahala sa'yo ha," aniya pa.

"Effie, right?" tanong niya.
Maganda siya maputi, makinis artistahin ang mukha at sexy din.
Tumango ako at nginitian siya.

"Nice to meet you." Nilahad nito ang kamay niya sa aking harapan para makipag kamayan kaya inabot ko naman ito.

"Lexie, ikaw nang bahala sa kaniya, ha. "

Tumango naman si Lexie at nginitian ito. "Sure Mr. Robert, trust my magical hands," sagot nito at pinakita ang kamay niya saka tumawa.

Ngumiti naman si Wyatt sa kaniya.
"Yeah, I trust you."
Muli niyang binaling sa akin ang tingin niya.

"Effie, may susundo sa'yo mamaya di
rito mga 5:30 p.m. Mag papadala rin ako ng lunch mo rito mamaya," saad nya at tumalikod para umalis

"Teka!" tawag ko, kaya napalingon siya.

Nginitian niya lang ako. "See you later love," aniya at umalis na kasama ang tatlo.

Ano raw, Love? Tama ba 'yong narinig ko?

*Dug dug.. dug dug.. dug dug..*

Napahawak ako sa dibdib ko,
swear mag papacheck-up na talaga ako.

"This way, girl." Giniya ako ni Lexie papasok sa loob kung saan may spa.
Ilang oras din ako sa spa, pag tapos no'n ay minanicuran ako pati pedicure. Nang mag lunch, may mga pagkain na dumating. Sure naman akong kay Wyatt galing iyon.
Pag tapos namin mag lunch ay inayosan na ulit ako.
Inayos ang buhok ko at minakeupan rin ako.
May dress din na dumating heels and pati underwear.

Ano na naman bang trip ni Wyatt?

"All done!" tuwang saad ni Lexie at pinaharap ako sa malaking salamin
Natigilan ako ng makita ang mukha ko. Parang nag iibang tao na naman ako kapag na aayosan.

"You're so perfectly gorgeous!" pag puri nito sa'kin.

"Thank you." Nginitian ko siya at niyakap.

"You're always welcome, dear. Ang swerte naman ni Wyatt sa magiging wife to be niya."

"Huh?" Napatakip siya ng kaniyang bibig nang mapagtanto niya kung anong lumabas dito.

"Ah, wala hehe. Tara na baka nandoon na ang susundo sa'yo."

"Yeah, swerte nga si Chelsea kay Wyatt, 'yon ngalang malas si Wyatt sa babaeng yon.

Parang nanghina ako nang hindi ko alam ang dahilan. Bakit nga ba pupunta pa ako sa party na 'yon? Baka mamaya mag away na naman kami ni chelsea.

Gusto ko lang ata masaksihan ang engagement nila, eh.

Ughh! Napapikit na lang ako.
Bakit nga ba mukhang apektado ako? Eh, boss ko lang naman si Wyatt.

Pag labas namin ng salon niya ay may isang sasakyan na nag hihintay sa'kin.
Lumabas ng pinto ang isang lalaki, Akala ko si Wyatt ngunit si Primo pala.

"Oh you look beautiful Ms. Cynara," saad niya ng makita ako.

"Maganda naman ako kahit 'di nakaayos ha," ani ko kaya tumawa ito.
"Right," sagot niya at binuksan ang back seat.

Nag paalam muna ako kay Lexie bago ako inalalayan ni Primo papasok sa sasakyan.

"Nasaan si Wyatt?" I asked.

"Nandoon nag hahanda. Kailangan g'wapo siya bago humarap sa fiancee niya kahit gwapo na siya," sagot nito at tumawa.

Tumahimik na lang ako at hindi na nag salita.
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?

Ilang minuto rin ang byahe namin bago huminto ang sasakyan namin sa isang malaking bahay. No, it's a mansion.

Bumaba ako, inescort naman ako ni Primo hangang makapasok kami sa loob ng bahay.

"Hey, Primo! Who's that chic?" tanong ng isang matangkad na lalaki. May itsura rin ito, mukhang may ibang lahi.

Nag fist bomb silang dalawa at may binulong si Primo sa kaniya.

"Oh, she's beautiful," komento niya habang tinignan ako.

"Effie, This is Zircon Gannaido, isa rin sa mga kaibigan ni Wyatt," pag papakilala ni Primo.

"Hi, I'm Effie." Nakipag shake hands ako sa kaniya.

"Nice to meet you, Effie," aniya at hinalikan ang ibabaw ng kamay ko.
Nginitian ko lang ito bilang ganti.

"Maiwan ko na muna kayo, ha. May pupuntahan lang ako," saad niya nang makita ang isang babae na pumunta sa may swimming pool area, sinundan niya ito.

"Let's go," papunta na sana kami sa pool area nang may humarang na babae sa amin, si Chelsea. Naka black revealing long gown ito habang ako ay naka silver fitted gown.

"Oh, invited din pala ang isang makating sekretarya," saad nito at tinignan ako mula ulo hangang paa.

"Si Primo na naman ba ang target mo, kasi alam mong si Wyatt ay 'di na magiging iyo?"

"Shut up, Chels!" suway ni Primo sa kaniya.

Tumawa lang ito. I feel sorry for Wyatt, dahil sa babaeng 'to lang siya mapupunta.

"Hindi ka pa ba napapagod? Kahapon lang tayong dalawa nag harap sa mall, uumpisahan mo na naman ba ako rito?" bored kong tanong.

Pagod na anong makipagtalo sa babaeng 'to.

"Tara na, Primo." Nauna na akong mag lakad habang si Primo ay kasunod ko.

"Wait Effie, sandali lang! Hindi mo ba ako icocongratulate?" tanong niya. Alam kong nakangisi siya kahit nakatalikod ako.

Hindi na ko lumingon pa at tuloyan ng nag lakad papuntang pool area.
Namangha ako sa dami ng tao doon at marami ring iba't-ibang pagkain.

"Effie,puntahan ko lang si Wyatt, ha." paalam ni primo. Tumango na lang ako bilang sagot.

Nakita ko ang isang table sa hindi kalayuan sa kinatatayuan ko, sina Angelica at Jayson. Napangiti ako at lumapit ako sa kanila.

"P'wedeng ma upo?"

Napaangat ang ulo nilang dalawa sa'kin. Napalaki ang mata ni Angelica at napanganga ng makita ako.

"OMG,Effie! You're here!" Tumayo siya at niyakap ako.

"Akala ko hindi ka makakadalo kasi balita ko nagkasakit ka, kaya 'di ka nakapasok kahapon, " anito na may bakas ng pag aalala.

"I'm fine, kaunting lagnat lang 'yon," sagot ko at umupo.

"You look beautiful as always," komento ni Jayson sa akin.

"Thank you, " i mouthed.

"Aw, ang ganda mo talaga." Parang nag kikinang pa ang mga mata ni Angelica habang tinitignan ako.

"Sira! Mas maganda ka kahit wala pang ayos," sagot ko sa kaniya.

"Ikaw talaga, masiyado mong pinapalaki ang tenga ko." Pinalo niya ako at tumawa. Babaeng talaga 'to.

Ilang minuto rin kaming nakaupo roon bago umakyat ang MC sa stage.

"Good evening, ladies and gentlemen! Tonight, is the very special night because today, is the birthday of our famous CEO of WR Food Enterprises Company. Ladies and Gentlemen! Mr. Wyatt Mitchell Roberts! Please give him around of applause!"

Nagsitayuan ang mga tao at nagsipalakpakan, gano'n din ang ginawa namin.

Umakyat sa stage si Wyatt.
Damn! Ang gwapo at ang hot niya sa suot niyang tuxedo at 'di ko ipagkakaila 'yon.

"Good evening, everyone! First I want to thank all of you for being here tonight, and I want to cherish this moment to my beloved mother in heaven and to my old man dad."
Tumawa ang mga tao sa huling sinabing ni Wyatt.

Tinignan niya ang ama niyang naka upo sa mesa na dalawang mesa lang ang pagitan namin kung saan kami nakaupo. Kasama niya doon ang ama ni Chelsea at si Chelsea.

Kitang- kita sa mga Mata ni Wyatt na labag sa kalooban niya ang pag tapon ng tingin niya sa kaniyang ama.

"Tonight, is the very special night for me, dahil 'di lang birthday ko ang icecelebrate natin ngayon."

Parang gusto kong takpan ang mga tainga ko dahil sa naririnig. Hindi ko alam kung bakit parang nasasaktan ako.

Tumayo na si Chelsea at ang lapad ng ngiti niya.

"Icecelebrate rin natin ngayon ang engagement namin ng babaeng pinakamamahal ko."

Parang gusto ko nalang tumayo at tumakbo o 'di kaya mag evaporate nalang dito sa kinatatayuan ko.

"The love of my life, ladies and gentlemen!"

Nag umpisa nang mag lakad si Chelsea.

"Please give her around of applause. The woman I love...”

“Effie Cynara!"

Biglang napahinto si Chelsea sa kaniyang paglalakad.
Napatigil rin ako. Wait, tama ba ang narinig ko?

Pati si Jayson at Angelica ay napatingin sa akin.

"Love?" tawag ni Wyatt sa'kin sa taas ng stage.

Parang napako ako sa kinauupoan ko. Teka, ano ba ang nangyayari.

"Effie?" hindi makapaniwalang tawag sa'kin ni Angelica, hinarap ko ito at umiling na parang sinasabing ' wala akong alam. '

Bumaba ng stage si Wyatt at nag lakad patungo sa direksyon ko.

Parang hindi ako makahinga habang palapit siya nang palapit.
Nag papalakpakan ang mga tao at nagsisigawan.

"Yeah! Congratulations, bro!" Rinig Kong sigaw mula sa table nila Primo.
Nang nasa tapat ko na siya ay nilahad niya ang kamay niya sa harapan ko.
Hindi ko alam kong kukunin ko ba o hindi. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya. "What happened?" mahinang sambit ko.

"Trust me. " Hinawakan niya ang kamay ko at nginitian saka itinayo.
Parang walang kusa ang mga paa kong gumalaw.

"Don't be nervous," bulong niya sa'kin.

Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko. Walang akong idea kung ano ang nangyayari.
Nag pahila na lang ako sa kaniya hangang makaakyat kami sa stage.
Nakita kong nakatayo parin si Chelsea at ang sama ng tingin sa'akin. Nanunubig rin ang mga mata nito.

"Palakpakan ulit natin ang soon to be Mrs. Roberts!" Naghihiyawan ang mga tao.

Ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko at pangangatog ng tuhod ko.
Hinapit ni Wyatt ang bewang ko para mas lalong mapalapit ako sa kaniya.

"Ngumiti ka," bulong nito sa'kin kaya napilitan akong ngumiti.
Kung nakakamatay lang ang tingin ay patay na ako dahil sa mga masasamang tinigin nila Chelsea at ama ni Wyatt na pinupukol sa akin.
Madami pang sinabi Ang MC ngunit tila wala na akong naririnig dahil sa mga katanungan na nag lalaro sa utak ko.
Ano nanamang trip ni Wyatt to?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top