Epilogue: Hybrids
SA isang liblib na kakahuyan kung saan matatagpuan ang kadiliman ay may isang bahagi nito ang nag liliwanag dahil sa maliliit na mga alitaptap.
Kumikislap ang mga ito sa himpapawid. Makakarinig din ng mga tunog ng instrumento na kumakalat sa buong kakahuyan.
Mga kwentuhan at tawanan.
Nagkakasayahan ang mga ito.
Hindi man sila magkakatulad dahil sa lahi nilang pagkakaiba ay makikita ang pagkakaisa ng bawat isa.
Hybrids.
Half-breeds.
That's what other species called them.
Para sa iba, ang kanilang pagkakaiba ay hindi matatanggap ng buong komunidad. Sila 'yong mga tinatawag na nagtaksil dahil nakiapid sa ibang uri.
Ang ibang full blooded ay hindi matanggap ang ganitong kataksilan. Ngunit nakalimutan nang karamihan kung sino talaga ang nagbigay ng kanilang kabiyak na bunga.
The Moon Goddess gave this to them.
So, bakit maraming nagagalit sa mga half-breeds?
Kung ang tanging ginawa lang naman ng mga ito ay magmahal sa kabila ng kawalan ng katiyakan sa mangyayari kinabukasan.
Ang kasiyahan sa paligid ay natigil dahil sa biglaan pagsugod ng mga full blooded.
Hindi inaasahan ng mga half-breeds na darating ang araw na kinakatakutan nilang lahat. Ngayong gabi kung kailan pinagdiriwang nila ang pagkakaisa.
Maraming mga full blooded ang pumaikot sa gitna ng kasayahan. Hindi ito napaghandaan ng mga half-breeds.
That night, maraming namatay sa kauri nila. Mga anak nawalan ng magulang at mga magulang nawalan ng anak.
Ang pag-asang pagmamahal na mayro'n ang mga half-breeds ay napalitan ng pighati, galit, at kasuklaman.
Nabalot ang puso ng mga ito nang paghihiganti sa lahat nang kinuha ng mga full blooded sa kanilang kauri.
Sa gabing iyon, kaunti lang ang natira sa mga ito.
Ang tawanan namalagi sa buong kakahuyan ay napalitan ng iyak dahil sa pagsusumamo sa kanilang mga mahal sa buhay.
SA mahabang panahon. Kung saan-saan namalagi ang mga half-breeds o hybrids. Walang gustong magpatuloy sa mga ito.
Nagtago sila sa liblib na kakahuyan. Malayo sa lahat ng full blooded.
Nagpasya rin ang mga ito na mag tayo ng isang tahanan kung saan makakatulong sila sa ibang half-breeds na iniwan at katulad nilang walang nagpatuloy man lang.
Sa ilang taon, namuhay ang mga half-breeds nakatago sa realidad.
Hanggang unti-unti ulit sinubukan ng mga ito makisalamuha but with the thought na kailangan nila maghiganti sa lahat nang kinuha ng mga full blooded.
They built their own empire. Sa pangunguna ng isang kalahating lobo at kalahating bampira.
Ngunit, nang makalipas ang ilang taon ay may ilan din mga half-breeds ang hindi nakisalamuha sa mga ito dahil na rin ang iba ay natanggap ang mga ito o matataas ang ranggo ng mga naging kabiyak.
"Bakit gusto mo makipagtulungan sa'min?"
Umikot ang mata ni Leah sa sinabi nito. "Sa'kin na 'yon but I promise to you, ibibigay ko si Nyebe sa inyo. Siya lang naman ang gusto niyo di'ba?"
"Anong gusto mong kapalit?"
"Don't touch my land."
Natawa ang babae sa sinabi ni Leah. Tawang-tawa ito na kinakunot ng noo nito.
"You're so funny— 'di ba kaibigan mo si Nyebe?"
"So?"
Tumigil na sa pagtawa ang babae at naging seryoso ito. "That's what I like about you. Kapag may gusto ka, kinukuha mo talaga. Anyway, good luck sa'yo."
"Do we have a deal?" naiinip na tanong ni Leah sa babae. Ngumisi naman ang babae at nilahad ang kamay nito sa harapan ni Leah.
"Of course. It's a deal."
NAGTATANGIS na sumugod si Seth na ama ng kambal sa kapatid nitong si Zack, ang namumuno sa buong uri ng hybrids.
Padabog ni Seth binuksan ang malaking pintuan sa opisina ni Zack. Hindi naman nagulat ang kapatid nito nang makitang galit na galit si Seth na pumasok bagkus ay pinagpatuloy lang nito ang ginagawa.
May isang babae ang nasa kandungan ni Zack habang may isang babae naman sa gilid nito na hinihimas ang buhok nito.
"What the fuck, Zack?! Nasaan mga anak ko?!"
Kumuha ng prutas si Zack sa ibabaw ng study table nito at sinubo muna bago binalingan ng tingin ang kapatid na si Seth.
"I don't know," walang gana na sagot ni Zack.
"You fucking bastard! Pinahamak mo mga anak ko!!"
Susugod na sana si Seth kay Zack nang may biglaan pumasok na ilang kawal at pinigilan ito makarating man lang kay Zack na comfortable lang nakaupo. Humalik pa ang babae nasa kandungan nito sa labi ni Zack.
Tinaas ni Zack ang kamay nito para patigilin ang mga sumugod na kawal. Huminto naman ang mga ito pero hinawakan pa rin si Seth para hindi ito makalapit sa kapatid nito.
"They disobeyed me. Normal lang ang parusa hinatol sa kanila."
"Normal?! They are my child! Your fucking niece and nephew!"
"Brother, alam mo naman na patas ako sa mga hinahawakan 'kong tao. Hindi naman siguro patas kung hahayaan ko lang sila?" Tumaas-taas pa ang kilay ni Zack.
"Where are they?!"
"Hmm," tumayo si Zack sa pagkakaupo nito at lumapit sa kapatid na parang nag-iisip.
"Where are they?!" nang gagalaiti na saad ni Seth sa kapatid.
"Wait, I'm thinking. 'Wag kang atat," dinuro pa ni Zack ang kapatid. "Naalala ko na," nagpapalakpak na anito pagkatapos ay binalingan ulit si Seth.
"'Yong anak mong babae nasa madilim na madilim na lugar. Nakakatakot do'n," ani Zack na umaakto pang natatakot.
"Ang anak mo naman na lalaki, 'di ko alam. Tumakas ata," sumeryoso nitong saad pagkatapos bumalik sa upuan nito. Pumulupot naman agad ang dalawang babae rito.
Nanginginig ang buong katawan ni Seth sa mga pinagsasabi ng kapatid. Galit na galit ito.
"Kapag may nangyaring masama sa kanila, hindi ako mag dadalawang isip na patayin ka!"
Tumawa si Zack. "Go ahead but before that, sisiguraduhin ko muna na pinabagsak ko na lahat ang walang kwentang mga full blooded na 'yan!"
No'ng una ay nangako ang magkapatid na magtutulungan na paghigantihan ang mga full blooded dahil sa mga ito ay namatay ang kanilang magulang.
Ngunit nang magkaanak si Seth. Unti-unti nagbago ang pananaw nito. Ang tanging kagustuhan na lang ni Seth ay kaligtasan ng mga anak nito.
Habang si Zack ay pinursige ang layunin nilang magkapatid. Hindi ito natinag. Para dito, buhay ng magulang nito kapalit ng buhay ng mga mahal sa buhay ng mga full blooded.
Ngunit marami nang nadamay si Zack. Mga inosenteng bata ay nagawa nitong papaslangin.
At maraming inosente na ang nadamay nito dahil sa layunin nitong maghiganti.
GALIT na pumasok si Zack sa loob ng mansyon nito nang malaman na maraming namatay na hybirds sa pagsugod ng mga full-blooded sa pinagawang tahanan ni Seth para sa mga half-breeds.
Lumabas ang mga matutulis na kuko ni Zack at walang alinlangan na pinaggilitan ng mga leeg ang lahat nang makita nitong humaharang sa dinadaanan nito.
Nagkalat ang malapot na dugo sa buong paligid. Walang nagawa ang kasama nitong babae kung hindi pagmasdan lang si Zack na ibuhos lahat ng galit nito sa mga kawal at kasambahay.
"I will fucking kill them! I will fucking kill them!" galit na galit na saad ni Zack.
Pulang-pula ang mata nito at ang pangil nito ay nakalabas na. May isang babaeng takot na takot ang nasa harapan nito. Walang patawad na hinaltak ito ni Zack at kinagat ang leeg nito.
Sinipsip ito ni Zack habang unti-unti nauubusan ng dugo at paghinga ang dalagita sa bisig nito.
Nang tuluyan mapatay na ito ni Zack ay basta na lang nito hinagis ang babae sa sahig. Tumutulo pa ang dugo nito galing sa bibig ng lalaki.
"Zack," tawag ng magandang babae rito.
Zack growled pagkatapos ay nanlilisik ang mata na nilingon ang babae.
"We need to plan our next steps," he angrily said.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top