Chapter 9
NAPABALIKWAS siya ng upo nang tawagin siya ng kaniyang ina nasa kusina. Nasa salas kasi siya at nanonood ng tv.
"Honey, don't forget tomorrow na pupunta tayo sa school mo. Nagpaskil na sila kanina na mag sisimula na ang panibagong klase niyo."
"Yes po, ma."
Matapos siya halikan ng lima ay hinatid na rin naman siya ng mga ito sa bahay nila. Simula rin noon ay kinakabahan na siya na baka malaman ng kaniyang ina ang kanilang ginawa sa kakahuyan.
Natatakot siya lalo na ayaw niya mapahiwalay sa mga ito.
Mabuti na lang at wala rin naman sinabi ang mga ito o nagpapahalata na may ginawa sila sa kakahuyan nang ihatid siya ng lima.
MAAGA umalis sila ng ina papunta sa school para mag register. May thirty minutes ang biyahe papunta sa Greenville University.
Pinagmasdan niya ang mga puno nadadaanan nila papunta. Matataas ang mga ito.
Ang Greenville ay tahanan ng mga witches at ito lang din ang nag iisang paaralan para sa kanila na hindi normal na mga tao.
Malayo sila sa lugar ng mga tao. Hindi rin nila pinapaalam sa mga ito na totoo sila dahil natatakot ang mga taga council na abusuhin ng mga tao ang mga uri nila.
Nabaling ang atensyon niya nang mapatingin siya sa malaking gate na papasukan nila. Nakasulat sa itaas ang pangalan ng school.
Tumuloy sila papasok sa loob.
May ngiti sa labi na pinagmasdan niya ang istraktura ng paaralan.
Ang mga tahanan sa Greenville ay gawa sa makalumang bato. Sa tuwing pasukan ay natutuwa siya dahil nakikita at napagmamasdan niya kung gaano ka-ganda ang buong lugar.
Parang may mga hari at reyna ang nakatira sa istraktura ng buong lugar. Ang pinagkaiba lang ay may halong moderno na ang paligid dahil na rin sa mga magic at potion na ginagawa ng mga witches.
Naghanap agad ng parking lot ang ina niya. Lalo na marami ang nag aaral sa Greenville University.
Nang may mahanap ang ina niya ay inalis niya agad ang seatbelt. Habang inaalis niya ay sumilip siya sa bintana at mapapansin na may ilan na rin estudyante ang nag aasikaso.
May apat na uri ang pumapasok sa Greenville. Iba-iba rin mga pack ang nag aaral dito.
Napatingin siya sa babaeng bampira na dumaan sa harapan nila. Mas matanda ito sa kaniya panigurado.
Sabay silang bumaba ng ina sa sasakyan at nag tungo sa loob ng paaralan.
Nang makapasok sa loob ay nalula siya sa dami ng estudyante ang naroon. Mga nag lalakad ang mga ito sa iba't ibang direksyon ng pasilidad.
Napahawak agad siya sa kamay ng ina. Nakaramdam na naman siya ng takot. Napagtanto niya na hindi niya gusto sa tuwing may klase dahil madalas siya makakahalubilo ng iba't ibang uri ng nilalang.
Natatakot siya na baka bully-hin na naman siya ng mga ito kapag nalaman nila na half siya.
Madalang sa lugar nila makakita ng mga kauri niya na may kalahating uri ng ibang nilalang. Madalas ay nag tatago lang ang mga ito. Takot na mahusgahan ng karamihan kung bakit naging gano'n sila.
Ngunit madalas sabihin sa kaniya ng ina na nag mamahalan sila ng kaniyang ama at walang mali roon.
"You okay, anak?"
"Y-Yes po."
Pinatitigan siya ng ina at tumango sa kaniya.
"Come on."
Hawak pa rin ang kamay nito na sinundan niya ito.
NAPALINGON siya nang may tumawag sa kaniyang ina. Kakatapos lang din nila mag pa-registered. In two weeks ay simula na nang panibagong klase nila.
"Tita Aria."
"Leah? Ikaw ba 'yan hija? Akala ko nasa ibang bansa kayo ng mommy mo?"
"We were po but mom wanted to come home and may binigay din po kasing bagong work ang council kay mom."
"Gano'n ba? Tell your mom na bibisita kami next week," Ani ng ina niya sa kausap. Pagkatapos ay bumaling ang mga ito sa kaniya na nasa gilid lang. "Anyway, this is Nyebe. My daughter."
Nahihiya na nagtago siya sa likuran ng ina nang ipakilala siya nito.
"Medyo mahiyain nga lang siya." Dagdag pa ng ina.
"It's okay, tita. I understand her. I was like her when I was in London."
Mas lalo siyang kumapit sa ina. Gusto na niya umuwi sila. Gustuhin man niya makipagkaibigan ay natatakot na siya.
"Anyway, nice to meet you, Nyebe." Nakangiting saad nito sa kaniya.
Napatulala siya sa magandang mukha nito at lalo na sa kulay brown nitong mga mata. Hindi ipagkakaila na isa itong pure blooded fae.
Napansin niya na wala itong pakpak at tanging magagandang tenga lang nito ang nakikita niya. May paikot din na marka sa gilid ng mukha, braso at kamay nito. Ang pinagkaiba lang ay kulay dilaw ito.
"Just recently lang, the witches created a potion to make our wings disappear but it only has 8 hours effectively."
Kung ang mga lobo ay may mind-link, ang mga fae naman ay nakakarinig ng pag-iisip katulad sa mga bampira.
Ang pinagkaiba lang, ang mga fae ay sa may lahing fae at mga tao lang ang kayang marinig ng mga ito.
Ngunit kung ayaw ng isang fae na may makarinig sa kanila ay pu-pwede nito i-close ang isipan. Madalas lang talaga nakakalimutan ng iba isara ito at lalo na siya dahil hindi niya pa alam kung paano ito.
"Tita, you can find tita Aurora to get the potion po but meron na rin naman po sa Arcabia Store po." Saad ni Leah sa ina niya pagkatapos ay nakakunot na sinuri siya nito.
Kahit half fae siya ay hindi niya marinig ang nasa isip nito lalo na hindi pa rin naman siya nakakapagpalit ng anyo bilang lobo.
"Hmm, we're still waiting for her ears and wings." Saad ng ina niya kay Leah. Panigurado narinig nito ang nasa isip ng babae at ito na mismo ang nag salita para sa kaniya.
"I forgot, you're an half," Walang preno na anito sa kaniya. Nasaktan naman siya sa sinabi nito. "Oh my, I didn't mean that way. Ayos lang naman 'yon. Being special is great." Saad pa nito ngunit nasaktan na siya.
Pilit na ngumiti na lang siya rito at tumingin sa ina.
"Give my regards to your mom. Mauuna na kami ni Nyebe."
"Sige po, tita. Ingat po kayo sa paguwi."
"Ikaw din, Leah."
"Yes po," Sagot nito sa ina. Pagkatapos binalingan siya ulit nito. "Bye, Nyebe. I'll see you around."
"Bye po, ate."
Nginitian siya nito bago tumalikod sa kanila at kumaway.
PINAG-LALARUAN niya ang daliri sa kamay habang iniisip ang sinabi ni Leah kanina.
Gustuhin man niya magkaroon ng pakpak at tenga ay mukhang imposibleng mangyari iyon dahil na rin half siya.
Ang weird rin tingnan kung may pakpak siya at tenga ng fae tapos mag si-shift siya bilang isang lobo.
"Bakit ang haba naman ng nguso mo?"
Napalingon siya sa gilid niya nang marinig mag salita si Apollo.
Hindi sana sila mag kikita ngayon dahil busy din ang mga ito sa pag aasikaso sa darating na pasukan ngunit nagulat na lang siya na sinundo siya nang tatlo sa bahay nila.
Binalingan niya ng tingin sina Indigo at Gunner na nag lalaro ng dart sa isang puno.
"Wala, kuya." Walang ganang sagot niya kay Apollo. Napansin niya na hindi man lang nag salita ito at tinitigan lang siya nito.
"Bakit?" Nag aalala niyang tanong dito. Umiling naman si Apollo at bumaling sa dalawang nag lalaro.
"Kuya, bakit?"
Hinawakan niya pa ang manggas ng damit nito na kina-flinched ni Apollo. Nahiya naman siya sa naging reaksyon ng lalaki sa kaniya.
"Sorry."
"Oh, no, Nyebe. May iniisip lang ako." Hinawakan pa nito ang kamay niya para hindi na siya mag-alala pa sa naging reaksyon nito.
"Nasaan pala sina kuya Primo at kuya Echo?"
"Busy. Pinatawag kasi si Alpha sa council. Dumating na raw galing sa London 'yong magaling na doctor sa Elfhame. So, basically sina Primo at Echo ang nag aasikaso sa naiwan ng mga ama nila."
"Nasa pack house sila, kuya? Can we go there? Bigyan natin sila ng foods. Sa tingin mo, kuya?"
Natawa si Apollo sa naging reaksyon niya na kina-simangutan niya.
"Our baby is missing Echo and Primo."
Mas bumusangot ang mukha niya nang guluhin ni Indigo ang buhok niya. Hindi niya namalay na tapos na ang dalawa sa pag lalaro.
"Nag-aalala lang naman ako."
"We know and it's cute." Saad pa ni Indigo pagkatapos ay binigyan siya nang halik sa bunbunan.
"I missed you, too. Hindi kita nakita kanina sa school."
"Kaya nga, but I went there with mom, kuya Indigo. So it's really okay."
"You don't miss us?" Tanong ni Apollo sa gilid niya. Nabalik naman ang atensyon niya rito.
"Namiss ko naman kayo but lagi naman tayo nagkikita?"
May ngiti sa labi na umiling-iling si Apollo sa sinabi niya. Kahit si Gunner na tahimik lang sa isang tabi ay natawa sa kaniyang sinabi.
Nagtataka naman siya sa naging reaksyon ng tatlo dahil hindi niya maintindihan ang mga ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top