Chapter 38
MARIRINIG ang takbuhan sa kaliwa't kanan sa loob ng medical wing ng Redwood.
Habang nagmamadali at kinakabahan na binuksan naman niya ang isang silid naroon. Marami ang naaksidente dahil sa pagpunta ng mga ito sa lungga ng half-breeds.
Katulad ng sinabi ni Hell ay isang trap ang nangyari. Kahit handa sila ay hindi pa rin nila inasahan ang nangyari.
Natigil siya sa pagpasok sa silid nang mapansin may nakatalikod na babae ang nakaupo sa gilid ng kama.
Rinig na rinig niya ang pag-iyak nito habang mariin nakahawak sa kamay ng binata nakahiga sa kama.
"Echo, please, wake up," nangingig na saad ng dalaga.
Pinagmasdan niya ang likuran nito. May mahaba itong buhok na kulay ginto at ang kasuotan nito ay magara.
Kumikinang ang kulay gold and white na damit nito. Napansin niya sa braso nito na may arm bracelet pa ito.
Iiwan na niya sana ang mga ito nang tumunog ang pinto na isasara niya. Natigil siya sa kaniyang kinatatayuan habang nakatitig sa magandang babae nakatingin na sa kaniya ngayon.
Mugto ang mata nito at namumula ang labi. Tumaas ang kilay ng dalaga sa kaniya nang maistorbo niya ito.
"S-sorry, babalik na lang ako mamaya."
Isasara na sana niya ulit ang pinto nang marinig niya ang pagtawag nito sa kaniya.
"You're the future Luna, right?"
Binuksan niya ulit nang malaki ang pinto at pumasok sa loob. Ngumiti siya rito at tumango. "Yes, I am."
"Ikaw si Nyebe?"
"A-ako nga."
Pinahiran nito ang kamay bago inabot sa kaniya. "I'm Eish, Echo's mate."
"Ah, nice to meet you."
Binalingan niya nang tingin si Echo nakahiga sa kama. Matiwasay itong namamahinga pero makikita ang maraming pasa sa mukha at braso nito.
Hindi niya alam natagpuan na pala nito ang sariling mate. Walang sinabi sa kaniya si Primo at maski ito ay wala man lang sinabi.
"Echo still loves you."
Nabalik ang tingin niya kay Eish. Hindi siya makapaniwala sa narinig dito.
"No, he didn't say anything. I have an ability to see the past."
"But you're a she-wolf," nagtataka niyang tanong dito.
Tumango naman ito. "Katulad mo, I am special." For some reason, napansin niya na lumungkot ang mata nito nang sabihin nito ang huling kataga.
Medyo nabigla pa siya nang hawakan nito ang dalawa niyang kamay at mariin nakatitig sa kaniya.
Nanlalamig din ang mga kamay nito. "Luna, thank you," anito sa kaniya. Marahan niyang pinisil ang kamay nito.
"He'll get better soon."
"I know," nakangiti pa rin nitong saad sa kaniya pero ang mga mata nito ay kakaiba, sobrang lungkot nito.
Gusto niya sana sabihin kay Eish na mas malakas ang hila ng pagiging soulmate. Kung sinasabi man nito na mahal siya ni Echo ay alam niya na mas mahalaga si Eish para sa binata.
"If you need something, just tell me," aniya rito. Tumango at ngumiti naman ito sa kaniya ngunit hindi umabot ang ngiti nito sa mata.
"I know you'll take care of Echo."
HINDI pa rin mawala sa kaniyang isipan ang sinabi ni Eish sa kaniya lalo na mate pa ito ni Echo. Kung siya iyon ay baka sobra siya masaktan.
Kaya siguro sobrang lungkot nang mata nito. Gusto niya tuloy makausap si Echo because Eish doesn't deserve that kind of love at mahalaga rin si Echo sa kaniya.
She wanted the best for Echo.
Nagbuntong hininga siya at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng medical wing nang matigil siya sa kaniyang nakita sa entrance.
May dalawang binata ang nag-uusap. Bumaling siya sa kasama nitong lalaki dahil ngayon niya lang ito nakita. Ibig sabihin, hindi ito taga pack nila.
Napansin ata ng mga ito ang presensiya niya dahil nabigla napalingon sa kaniya si Apollo pagkatapos ay binalik nito ang tingin sa kasamang binata nakatingin na rin sa kaniya.
Bigla tumaas ang balahibo niya nang matalas itong tumingin sa kaniya. Ramdam na ramdam niya rin ang binibigay nitong aura sa paligid.
Panigurado may mataas itong katungkulin dahil lumalabas ngayon ang pagka-possessive nito na kinabalik niya nang tingin kay Apollo.
Shit.
Binalik niya ulit ang tingin sa lalaki. She heard him growled underneath his breath. Muntikan na siya mapa-atras kung hindi niya lang naramdaman ang brasong pumulupot sa kaniyang baywang.
"Primo."
"Come on, sa tingin ko may gusto ipakilala sa'yo si Apollo."
Hinawakan ni Primo ang kamay niya at sabay silang nagtungo sa harapan ng dalawang binata.
"Nyebe," tawag ni Apollo sa kaniya. Narinig naman niya ang pag-hissed ng katabi nito.
"G-good morning." Binalik niya ang tingin sa lalaki. Tumaas ang kilay nito sa kaniya. Mas lalo siya pinagtaasan nang balahibo dahil dito.
Nang walang nagsasalita sa kanila ay sumingit na si Primo sa tabi niya.
"Nyebe, this is Beta Jack of Moon Stone and—"
"He's my mate," si Apollo ang dumugtong sa sasabihin ni Primo. She knew it.
Ngumiti siya kay Jack. "Good morning, Beta Jack. My name is Nyebe." Inilahad niya ang kamay rito ngunit hindi nito tinanggap ang kaniyang kamay.
Narinig naman niya ang pag-growled ni Primo sa tabi. Hindi nito gusto hindi siya pinapakitaan at binibigyan ng respeto.
"She's my mate and she's the future Luna of this pack. Watch your behavior," angil ni Primo. Pinisil naman niya ng marahan ang kamay nitong nakahawak sa kaniya. Naramdaman niya na kumalma ito.
"My apologies, Alpha Primo."
"Huwag ka sa'kin humingi ng paumanhin. Sa kaniya—" pagbaling ni Primo sa kaniya.
"Ahm, sorry, Luna for my inappropriate behavior." Niyuko pa nito ang ulo sa kaniya.
Agad naman niya winave ang kamay. "Hala, no need to apologize. Naiintindihan 1ko," aniya rito sabay baling kay Apollo. "I'm happy, you found your mate, kuya."
Ngumiti ito nang maliit sa kaniya. She wanted to pout dahil hindi niya makita sa binata ang mapang-asar nitong mukha.
"Thank you, Luna."
She sighed. Hindi na niya mapigilan na ngumuso sa akto nito sa kaniya ngunit wala na siya magagawa dahil mate niya ang alpha nito.
"Excuse me, mauna na ako," paalam pa ni Apollo sa kanila. Hindi pa sumasagot si Primo ay nauna na itong umalis na sinundan naman ni Jack.
For the second time, she sighed.
"Baby, it's okay. They'll manage. Apollo will come around and soon, he'll be happy like you."
"I know, he's Apollo."
"That's right." Hinalikan siya nito sa gilid ng noo niya at pinisil ulit ang kamay niya bago sila bumalik sa pack house. "Panigurado hinahanap ka na ni Slate."
Tumawa naman siya. "I know but let him be."
NASA dining table silang tatlo para kumain ng gabihan. Kanina pa may bumabagabag sa kaniyang isipan.
"Nyebe, is there something wrong?" tanong ni Slate sa kaniya. Lumingon naman sa kaniya si Primo dahil nararamdaman nito ang kaniyang nararamdaman.
"What is it?"
"Kailan pa nahanap nina kuya Echo at kuya Apollo mga mates nila?" She wanted to know. Ilang taon din naman ang pinagsamahan nila.
Primo sighed. "Is that really important to you?"
Nabigla siya sa inakto nito. Akala niya ay ayos lang dito kung mag tanong siya dahil kaibigan naman nila ang mga ito.
"Nyebe, I can hear your thoughts," ani Slate sa kaniya. She forgot to close her mind.
"Sorry, baby, it just that, buong araw ko nararamdaman ang lungkot mo."
She also forgot simula minarkahan siya ni Primo ay nararamdaman na nito kung ano man ang kaniyang nararamdaman. Hindi man nito naririnig ang kaniyang naiisip ay ramdam na ramdam naman nito ang lungkot niya.
"Sorry rin," paumanhin niya sa mga ito. Hinawakan niya ang kamay ni Primo at Slate. Sabay niyang hinalikan ang likod ng palad ng mga ito.
PINATONG niya sa ulo ang ginawang flower crown sa batang babae.
"Ayan, you're princess na."
Ngumiti naman ito sa kaniya nang malawak. Lumabas ang maputi nitong ngipin at ang isang biloy nito sa kanan.
"Luna, where's your crown po? You're princess din po, 'di ba?"
She giggled. "Yes, but for now ikaw muna ang princess, okay ba 'yon?"
"Gusto mo po share na lang tayo nito?" Inalis nito ang ginawa niyang flower crown sa ulo at inabot sa kaniya.
"Sa'yo 'yan Cia but I promise next time, ako naman ang princess, hm?" Kinuha niya ang kamay nito at pinisil nang marahan.
"O-okay po," alanganin nitong sagot sa kaniya. "Very good." Hinimas niya pa ang pisngi nito.
Nilingon niya ang tatlong batang babae nasa tabi niya kung saan may mga flower crown din sa ulo ng mga ito.
Nang makita niya si Cia nag-iisa sa isang tabi kung saan nakatingin sa tatlong batang babae naglalaro ay hindi siya nag dalawang isip na puntahan ito.
Hindi niya gusto maramdaman ni Cia na hindi ito belong sa kung saan man.
Inayos niya ang flower crown ng isang batang babae pagkatapos ay ngitian ito.
"Luna."
Napalingon siya sa tumawag sa kaniya. "Bakit?"
"Gising na po si Beta Echo." Mabilis napatayo siya sa kinauupuan at gulat napatingin sa isang member nila na tumawag sa kaniya.
"Alpha wants to know if you want to see him."
"Yes, please, dalhin—" binalik niya ang paningin sa mga bata pagkatapos ay sa lalaki na tumawag sa kaniya. "Ikaw na muna bahala sa kanila. I'll find my way to Echo."
"Yes, Luna." Nag-bowed pa ito sa kaniya bago siya tumayo at nagpaalam sa mga bata.
NANG makarating siya sa medical wing ay may ilang pack members at taga ibang pack ang makikita naglalakad sa corridor.
Lahat ng mga iyon ay binabati siya sa tuwing napapadaan sa kaniyang harapan.
Dumiretso siya sa silid ni Echo. Kumatok siya ng tatlong beses.
"Come in."
Binuksan niya ang pinto. Dumungaw ang mukha niya sa gilid. Napansin niya na walang kasama ang binata sa silid. Pumasok siya nang tuluyan.
Nakatalikod si Echo sa kaniya habang nakatanaw ito sa labas ng bintana. Pumapasok ang sinag ng araw sa silid nito.
Marahan niya sinara ang pinto pagkatapos ay nilapitan si Echo na hindi pa rin lumilingon sa kaniya.
"Echo," she called him softly.
"Luna," pag-addressed nito sa kaniya ngunit nakatanaw pa rin ito sa labas.
"I met Eish last time I went here," panimula niya. Tahimik naman ito nakikinig sa kaniya. Akala niya no'ng una ay maabutan niya ito sa loob ng silid, kaya nagtataka siya kung nasaan ito.
"How are you? Kumusta ang pakiramdam mo? And where is she nga pala?"
"She's gone."
Kumunot ang noo niya. "What do you mean? Saan siya pumunta? Andito lang siya last time. Babalik ba siya? Nakausap ka ba niya?"
"No."
"Kuya, please elaborate. Hindi ko maintindihan."
Tumingin si Echo sa kaniya. Makikita sa mga mata nito ang lungkot. Naguguluhan siya. Bakit?
"She's gone." Tumango siya. Hinintay niya ang susunod nitong sasabihin sa kaniya.
"She's not coming back, Nyebe."
"A-ano?"
"Nagkamalay ako kagabi. She was here with me all the time."
Tumango-tango ulit siya dahil ayon din ang pagkakaalala niya. Hindi ito umalis sa tabi ni Echo.
"I found her when we looked for other pack. She was from Moon Stone Pack. Kababata siyang kapatid ni Alpha Elijah."
"Moon Stone?"
"Yeah, I guess nakilala mo na rin ang mate ni Apollo. He's a Beta from Moon Stone and yes, we found our mates at the same time."
"Oo, we've met. He hissed at me, kuya," sumbong niya rito.
Natawa si Echo. Ngumiti siya rito dahil kahit papaano ay napatawa niya ang binata but his eyes were the same, still sad.
"Beta Jack kinda possessive lalo na nang malaman niya tungkol sa'yo."
"What? Nalaman niya? H-how?"
"Eish was a soothsayer."
Nanlaki ang kaniyang mata. "But she told me she could see the past?"
"Oo, she could see the past and the future. That's made her special from other soothsayer at isa pa, she was a she-wolf."
"Kuya, you kept using past tensed."
"Because she's gone."
"W-what do you mean?" naguguluhan niyang tanong dito. Hindi niya ito maunawaan.
"She passed away— earlier with me."
Napaurong siya sa kaniyang narinig. That's impossible. Kausap niya lang ito no'ng nakaraan at bakit hindi man lang niya nabalitaan ito kanina.
"B-but she was just fine."
"No, she wasn't. Her power was eating her. Every time, she got a glimpse from the future. Unti-unti nito inuubos ang enerhiya niya. Idagdag pa rito nakikita niya ang nakaraan, mas doble ito."
"Kaya ba walang tumatagal na soothsayer?"
"Yes, Luna."
Nalungkot siya sa kaniyang narinig. Hindi pa rin siya makapaniwala sa kaniyang nalalaman.
"Why no one told me?" she asked to herself but aware siya narinig ito ni Echo.
Wala man lang nagsabi sa kaniya na wala na ang dalaga. Kahit si Primo, walang sinabi sa kaniya.
"She doesn't want any commotion. Kinuha rin siya ni Alpha Elijah para iuwi sa kanila."
"Bakit hindi ka sumama?"
"She doesn't want me to go. She insisted na mag-stay ako rito. Gusto niya maalala ko siya na masaya at nakangiti sa'kin at hindi ang katawan niyang namumutla at walang malay."
She wanted to cry for him. Nalulungkot siya sa kaniyang naririnig. This is not right.
Malusog pa si Eish nang makita niya ito.
Hinawakan niya ang kamay ni Echo at marahan itong pinisil. Medyo nagulat pa siya dahil nabigla siya nang nakaramdam siya ng kiliti pero agad rin ito nawala.
"She loved you kuya, you know?"
"I know and I don't deserve her."
SLATE decided na dalhin ang buong pack ng Redwood sa Elfhame sa madaling panahon.
Dahil ang Elfhame ang pinakamataas sa buong komunidad sa apat na uri ay wala nagawa ang matataas sa bawat lahi na sumunod sa utos ng prinsipe.
Para na rin naman ito sa kabubuti ng lahat.
Malaki at malawak ang kaharian ng Elfhame. Kaya nito okupahan ang apat na uri. Katulong na rin ng mga witches at wizards ay pwede ang mga ito magawang palawakin ang isang silid para magkaroon ng enough space sa lahat ng lahi.
Inikot niya ang paningin sa labas ng kastilyo. Pinanuod niya ang busy-ing mamayanan nag-iinsayo.
Iba't ibang uri ang magkasama nag-iinsayo at nagtutulungan.
"Last time I saw you, hindi mo malagay 'yong star sa tuktok ng christmas tree and now, look at you my dear cousin. You're the Luna of your pack."
"Kuya Preston!" gulat niyang tawag dito. Ang tagal niya hindi nakita ito.
Nagyakapan silang magpinsan ng mahigpit.
"Hindi pa but soon, I guess."
"Sus!" Bumitaw ito sa pagkakayakap sa kaniya at sinagi ang braso niya. May mapangasar itong ngiti sa kaniya.
"Kumusta ka, kuya? Have you found your soulmate?"
Umiwas ito ng tingin sa kaniya. "No," mahahalata ang pagkakadiin ng pagkasabi nito.
"Sure ka?" Tinitigan niya ito. Halatang may tinatago ito.
"I'm sure."
Tumango siya rito. Hindi na niya i-pu-push ito kung hindi pa ito handa. Alam naman niya sasabihin ito ng pinsan sa kaniya kapag handa na ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top