Chapter 33

LUMIPAS ang isa't kalahating linggo na busy ang pack sa kani-kanilang assigned missions. They still haven't gotten any lead. Mas marami ang nababalitaan namamatay.

Narinig niya isang araw nag babalak si Slate na dalhin ang ilang packs at species sa Elfhame lalo na ito na lang ang lugar na walang nababalitaan na krimen.

Maganda rin iyon dahil malaki at malawak ang Elfhame. Mahirap din makapasok dahil nasa ibang realm ito. Isa siguro din iyon sa dahilan kung bakit tahimik pa ito.

Kagabi rin ay bumalik sa redwood sina Gunner at ang mate nito. Katulad nga ng sabi nila, they need help as much as possible sa kahit kanino.

Pumasok siya sa loob nang kusina at nakita ang ina niya natulong sa pagluluto. Busy ang kaniyang ama sa paglabas-labas ng pack nila at binilinan sila na pumarito lang sa pack house.

Hindi sanay ang ina niya na walang ginagawa kaya nag volunteer ito tumulong sa pag luluto. Pansin niya nang mga nakaraan araw ay nababawasan na ang pagiging mausisa ng mga ito sa kanila.

Nakikita na niya rin ang ina na may nakakausap na pack members. Wala na rin ang ilang mata na mapanghusga sa kanila.

Alam niya na isa sa dahilan si Slate kung bakit umayos ang pakikitungo nang karamihan sa kanila. People respect Slate.

Kaya lang naman maraming mapanghusga dahil hindi pa rin matanggap nang matatanda na pwedeng mapangasawa ng pack nila ang hindi nila kauri. Iniisip ng mga ito na kapahamakan lang ang dating nito sa uri nila.

"Ma!" Lumapit siya sa ina. Yumakap din siya sa likuran nito. Nakita naman nang ilang pack ang ginawa niya. May ilan na naka-ngiti at may ilan na walang pakealam.

"Anak, anong ginagawa mo rito?"

"I wanna help po." Kinuha niya ang kutsilyo sa gilid at tinulungan ang ina na mag hiwa ng carrots. Hindi naman na siya pinigilan ng ina dahil alam nito na hindi siya magpapaawat kapag may gusto siyang gawin.

Nang matapos sila ay tumulong din siya na mag lagay ng pagkain sa mahabang lamesa kung saan nakahain ang mga pagkain for that day.

"Nyebe!"

"Hi! Kailan ka pa bumalik?" tanong niya kay Marco na sumulpot sa gilid niya. Makalipas ang isang linggo ay naging close siya sa binata at naging kaibigan niya ito. Nabalitaan niya rin nahanap nito ang soulmate nang sumama ito pumunta sa ibang packs.

Kakauwi lang nito dahil bumisita ito sa pack ng mate nito at ngayon ay hindi niya alam ang balak nito dahil mahirap naman maghiwalay ang dalawang tao na tinadhana ng moon goddess.

"I just came back earlier."

"How was it? How are you feeling?"

"I feel great. She's nice. You should meet her."

"Talaga? That would be nice," aniya rito pagkatapos ay kumuha ng plato at nilagyan ito nang pagkain. Kumuha rin si Marco nang pagkain at sabay na silang pumunta sa lamesa kung saan nakapwesto si Apollo.

NILINGON niya si Slate nasa gilid niya nakaupo sa sofa. Nasa sala sila ng pack house nakaupo habang nakabukas ang television sa harapan nila.

"Slate, may balita ka kay ate Leah?" kahit naman nakakaramdam siya nang inis sa dalaga ay hindi naman maiwasan na mag alala rito lalo na sa mga nangyayari sa paligid nila.

"I went to her house, ayos lang naman siya. She's helping her mom," sagot ni Slate sa kaniya pagkatapos ay kinuha nito ang mug na may kape sa coffee table sa harapan nila.

"Mabuti naman kung gano'n." Simula nang umalis ito sa pack nila ay wala na siyang balita sa dalaga. Hindi rin naman kasi ito nag paalam sa kaniya nang umalis ito.

May kalakihan ang sala ng pack house nila. Sa loob ay may ilan silang kasama nanunuod rin. Sa dalawang linggo na pamamalagi ni Slate ay marami na rin itong nakilala at nakakausap. Madalas na kausap nito ay mga matatanda na kinagigiliwan ang binata.

Natigil siya sa panunuod nang marinig niya ang boses nang isang binata na matagal na niyang hindi naririnig. Binalingan niya ito sa bukana nang sala. Kausap nito si Apollo, maski ang dalawa ay natigil din sa paguusap.

Umayos siya nang upo at kumuha nang unan at inilagay sa kandungan niya. Mariin ang kapit niya rito. Kahit hindi na niya ito kinakausap ay na-miss niya pa rin ang binata.

Ngumiti ito sa kaniya na kinabigla niya. Napansin niya rin na maraming nag bago sa itsura nito at mas naging maaliwalas ang presensiya nito. She smiled back at him. Napansin naman niya na mas lumapit si Slate sa tabi niya.

"Kitten," bati ni Gunner sa kaniya nakangiti.

Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito sa kaniya. Natawa naman ito kahit si Apollo ay tumawa. Pinanlakihan niya ng mata ang dalawa. "Just kidding—Hi, Nyebe!" natatawa pa rin nitong ani sa kaniya.

Pilit na tumawa siya sa kalokohan nito. Naninibago siya sa kinikilos nang binata but at the same time she's happy for him. "Hi, kuya Gunner!" tumayo siya at nilapitan ang binata.

Bibigyan niya sana nang yakap si Gunner nang may humarang sa harapan niya. "Slate," pakilala nito kay Gunner. Inabot pa nito ang kamay sa binata.

Napansin naman niya kung paano tumingin si Gunner kay Slate. Kumikinang ang mata nito at may nakapaskil na ngisi sa mga labi nito. "Gunner. So, you are the Prince Slate everyone's talking about."

"And you are that Gunner, ha?"

"Oh! that?" natatawa na saad ni Gunner. "I just talked to Primo. Ayos na kami. Si Nyebe na lang kakausapin 'ko para ayos na lahat." Tumingin si Gunner sa kaniya.

"Can I talk to you?"

Tumango siya rito. "Of course."

Nilingon niya si Slate at hinawakan ito sa braso para mag paalam. Tutol pa sana ito nang sumingit si Apollo sa kanilang dalawa. Inakbayan nito si Slate at tinulak silang dalawa ni Gunner papaalis.

THEY went to garden para mag-usap. Pinagmasdan niya ang ilang kabataan na nag didilig ng mga bulaklak at halaman. Pumuwesto sila ni Gunner sa gilid. Nakatayo silang dalawa habang pinapanuod ang ilang kabataan sa hindi kalayuan.

"They seem happy."

Tumango siya sa sinabi nito. "Yeah, they are. You seem happy," balik niyang saad.

"Yeah, I am." Lingon nito sa kaniya. Ngumiti siya rito dahil kahit siya ay masaya para sa binata. "I'm happy for you."

"Thank you— How are you?"

"Hmm, I'm fine actually but I don't know."

"I see. Malapit na birthday mo." Binalik niya ang tingin kay Gunner. Naalala nito ang kaarawan niya. Kahit hindi pa gano'n katagal ang paguusap nilang dalawa pero ramdam na ramdam niya ang pagbabago ng binata.

"I feel confused, kuya."

"Why?"

"In two days, I'm going to be twenty two. Ayan 'yong taon na pinaka iintay nang karamihan kasi mahahanap na nila 'yong soulmate nila. Hindi man agaran but it's a start and I'm excited but at the same time natatakot ako," panimula niya rito. Hindi naman ito nag salita at inantay lang ang sunod niya sasabihin.

Pinatitigan niya ang side profile nito. Nag aalangan siya kung sasabihin niya ba 'yong gumugulo sa isipan niya. Tumingin si Gunner sa kaniya nang matagal siyang hindi nag salita.

"It's okay, Nyebe," hinawakan pa nito ang kamay niya. "You'll understand that eventually kung bakit mo 'yan nararamdaman."

"You think so?"

"believe so."


THE night before her birthday, Primo went to their house. Matutulog na sana siya nang tawagin siya nang ina para bumaba. Naabutan niya si Primo sa sala nila nakaupo sa sofa.

"Hi!"

"A-anong ginagawa mo rito?"

"Pinaalam kita sa mama mo. Ilalabas kita saglit."

Kumunot ang noo niya. Masyado nang gabi para lumabas. Mapanganib din sa labas ng kakahuyan. Kahit nasa territory nila sila, hindi pa rin nila masabi ang pwedeng mangyari.

"It's okay. Saglit lang tayo promise."

"Pumayag sila?"

"Shempre, ako pa ba? I'm their Alpha." Umiling-iling siya rito. Him and his position. Ginagamit na naman nito sa magulang niya.

"This is the last time na gagawin mong rason 'yan," saway niya rito. Naka-ngiti naman na tumango ito.

"Tara!" Kinuha nito ang kamay niya. Pagkatapos ay kinuha niya ang jacket niya nakasabit sa gilid.

Hindi naman sila lumayo ni Primo. Nasa malapit pa rin sila sa pack house at sa bahay nila.

Hawak pa rin ang kamay niya ay tinuro nito ang kalangitan na binabalutan nang maraming bituin sa kalawakan.

"Ang ganda."

"I know." Hinalikan siya nito sa bunbunan niya pagkatapos ay niyakap siya nang mahigpit.

Niyakap niya rin ito nang mahigpit. Ilang oras na lang ay kaarawan na niya. Natatakot siya dahil inaamin niya sa sarili na gusto na niya ang binata.

Paano kung hindi ang binata nakatadhana sa kaniya katulad nina Gunner at Indigo?

Hindi niya alam kung kakayanin ba niya ang katutuhanan.

Mahalaga para sa kaniya ang lima pero mas napalapit siya kay Primo. Iba 'yong hatak nito sa kaniya. Makalipas din na dalawang araw ay mas lumalim ang nararamdaman niya sa binata.

Sa tuwing nakikita niya ito these past few days ay mas natatakot siya sa pwedeng mangyari.

"Sunduin kita bukas nang umaga," anito sa kaniya bago ito nag paalam sa kaniya na aalis na.

Nakatalikod na ito sa kaniya nang tawagin niya ito. Nilapitan niya ito at inabot ang pisngi nito. Tumingkayad siya and crashed her lips on him.

"I love you, Primo."

"W-what did you say?"

She bit her lips at umiling dito. "Bye! Good night, Primo." Tinalikuran niya ito.

"What the fuck, Nyebe!" Hinaltak siya nito paharap ulit at hinalikan siya sa labi. "Fuck the soulmates! I love you  and akin ka lang," may diin nitong saad sa kaniya habang hawak-hawak nito ang dalawa niyang pisngi.

Hindi niya napigilan na tumulo ang luha nang marinig ang sinabi ni Primo.

NAGISING siya sa kanta ng kaniyang ina at ama. May hawak na cake ang ina niya habang nakaakbay naman ang ama niya sa ina.

"Happy birthday, anak."

She laughed and blowed the candle. Kinuha niya pa ang cake. Hinalikan naman siya ng magulang sa mag kabilaan niyang pisngi.

"Kung sino man siya, andito lang kami palagi, anak."

"Thank you po."

Nang umalis ang magulang niya ay nag asikaso na siya nang sarili. Naalala niya ang sinabi ni Primo sa kaniya, maaga siya nito susunduin ngayon.

Hindi maalis ang ngiti sa kaniyang labi habang nag bibihis siya at nalalagay ng eyeliner at lipgloss.

Pinasadahan niya nang tingin ang buong sarili bago lumabas ng silid at bumaba. Ngunit pag baba niya ay hindi niya naabutan si Primo.

"Ma? Dumaan po ba si Primo?"

"Dadaan ba siya?"

"Sa pack house na lang po ako mag breakfast." Lalabas na sana siya nang pigilan siya ng ina.

"Nyebe, anak? Alam kung close kayo ni Alpha Primo pero sana kapag may pack members, iwasan mo na tawagin siyang Primo lang."

"Y-yes po, ma."

"Sige, tumuloy ka na."

Alam niyang nakakahalata na ang ina niya na hindi lang pagkakaibigan ang meron silang lima pero ni-minsan ay hindi ito nag tanong sa kaniya.

Gustuhin man niya sabihin sa ina ay hindi niya magawa. Natatakot siya.

Nang makarating siya sa bungad ng pack house ay napansin niya ang ilang warrior guards. Napatingin tuloy siya sa orasan niya dahil alam niyang maaga umalis ang mga ito para ituloy ang pag hahanap ng lead.

Itutuloy na sana niya ang pag lalakad nang matigil siya. Biglang may sumuot na mabangong amoy sa kaniyang ilong.

Matapang ito at nakakaadik sa kaniyang pang amoy. Kahit ang she-wolf niya ay tuwang-tuwa sa kanilang naamoy.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Alam na niya kung bakit nakaka-adik ang amoy nito. Agad niyang inikot ang paningin sa paligid.

Nakaramdam siya ng excitement. She was drawn to their scent.

"Nyebe."

"Prim—" natigil siya sa dapat na tatawagin dito. Nakatulala siyang nakatingin dito. Mas lalo rin lumalakas ang amoy nito. It was freshly grass with the mixed of lemon.

Ngumiti ito sa kaniya na kinatunaw niya sa kinatatayuan niya.

"I knew it, you're mine."
Nanlalaki ang kaniyang mata nang hawakan siya nito sa batok at haltakin palapit dito. Namalayan na lang niya ang sarili na tumutugon sa binibigay nitong halik sa kaniya.

"S-slate," kinakapusan niyang tawag dito nang mag hiwalay ang kanilang mga labi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top