Chapter 31

NANG pumasok siya sa dining hall ay sa kaniya agad ang atensyon ng pack members nila lalo na ang mga kabataan na babae ay masama ang tingin sa kaniya.

Hindi na lang niya pinansin ang mga ito at inilapag ang bitbit na plato at umupo sa vacant seat.

May ilan pa na umalis sa tabi niya. Parang may sakit siya kung paano lumayo ang mga ito sa kaniya.

Gusto niya ikutan ng mata ang mga ito. Inggit lang ang mga ito sa kaniya dahil siya ang hinalikan ni Slate at hindi sila. Speaking of him, kanina niya pa ito tinataguan.

Nahihiya siya rito.

Lalo na sa sarili niya at pumayag siya na mag pahalik dito.

Natatakot tuloy siya kapag bumalik ang apat at malaman ng mga ito ang nangyari. Parang pinapamukha tuloy niya na tama ang sinabi ni Primo sa kaniya na mate niya talaga si Slate.

"Nyebe," muntik na siya mahulog sa kinauupuan nang tawagin siya ni Riley.

"Riley, h-hi?"

"Pinapabigay ni Prince Slate," inabot nito ang isang dessert sa kaniya. Isa itong small portion ng leche plan na bilog.

Hinanap niya bigla ang prinsipe ngunit wala ito sa loob ng dining hall. Medyo nahiya tuloy siya nang si Riley pa ang inutusan nito.

"Bakit niya sayo pinabigay? Nakakahiya," umiwas siya nang tingin dito at kinuha ang platito.

"It's okay." Ngumiti ito sa kaniya.

"Thank you— kumain ka na ba?" tanong niya pa rito. Tumango naman ito sa kaniya. Kahit medyo halata rito ang pagkakailang sa kaniya.

"Okay?"

"Sige, mauna na ako— at isa pa, kumain ka raw ng mabuti." Tumango na lang siya rito at ngitian.

Simula nang matagpuan nito ang mate na si Indigo ay hindi na ito hinayaan ng binata na mag silbi sa pack house pero pa-minsan minsan naman ay nakikita niya pa rin ang dalaga dahil na rin siguro nasanay na ito sa ginagawa ng ilang taon.

KINAGABIHAN ay dumating ang mga pack warriors at sina Primo sa kanilang pack. Bagsak ang balikat ng mga ito.

Sinundan ng kaniyang mata na pumunta sa tabi ng study room ng Alpha ang mga ito kung saan may malaking conference room para pagusapan ang mga problemang kinakaharap ng kanilang pack.

Nakita niya rin si Slate na sumunod sa mga ito. Halata rin dito ang pagaalala sa mga nangyayari. Gusto niya sana sumunod rin kaso wala naman siyang posisyon para maki-halubilo sa mga ito.

Sa tapat nang silid ay may malaking bintana kung saan may bumped-out window seat. Doon siya pumuwesto para intayin ang mga ito. Tumagilid siya nang upo at tinaas pa ang dalawang paa.

Pinagmasdan niya ang labas ng bintana. Madilim na pero dahil sa liwanag na binibigay ng buwan ay hindi gano'n kadilim ang kakahuyan.

Hindi niya alam kung may lead na ba sila sa mga pumapatay nang kanilang uri. Iniisip niya tuloy kung ang mga tao ang may kagagawan ng lahat na krimen nangyari dahil hindi lang kauri nila ang namatay.

Pumasok ang hangin sa nakabukas na bintana. Bigla rin siya kinabahan nang may maalala. May boses siyang siyang pilit na bumabalik na matagal na niyang kinakalimutan.

"Sweet Nyebe, ang tanging gusto lang naman namin ay sumama ka sa amin."

Hinawakan niya ang ulo nang sumakit ito at may kusang bumabalik na alaala.

"Tayong mga half-breeds, malayo sa mga full blooded na walang mga puso at ang tanging alam lang ay kundi manakit ng mga kauri natin."

Please, stop.

Hindi pwede.

"Don't you like that?"

Ayoko!

Natigil siya. Tumigil ang mga alaala at ang boses. Nabalik siya sa realidad nang may tumawag sa kaniya.

Inangat niya ang ulo at nakita ang pack members nakatingin sa kaniya. Hindi niya namalayan na tapos na pala ang mga ito mag usap.

"Are you okay?" Tanong ulit ni Indigo sa kaniya. Napansin niya ang ama sa gilid nito. Lumapit ito sa kaniya at inalayan siya.

Ngumiti siya sa mga ito. Ang ibang pack members ay nauna nang bumaba. Naiwan na lang sina Indigo at ang ama niya.

"Ayos lang ako. N-nasaan pala si Slate?"

Pinatitigan siya ni Indigo. Hinihintay niya itong sumagot ngunit ang ama niya ang sumagot sa katanungan niya.

"Kausap ni Alpha. Nasaan ang iyong ina?"

"Nasa dining hall po. Natulong sa ilang gawain." Tumango ang ama sa kaniya pagkatapos ay tumingin kay Indigo. Parang nag uusap ang dalawa gamit ang mind link.

"Puntahan 'ko muna ina mo, anak. Gusto mo ba na sumabay na o—" bumaling pa ito ulit kay Indigo na kanina pa tahimik at nakikinig sa kanila.

"Mauna ka na po, tay. Susunod po ako."

"Sige, anak." Hinalikan siya nito sa noo bago ito nauna sa kanila umalis.

Nang mawala ang ama niya ay isang katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa ng binata. Ang kaniyang mata ay kung saan-saan nakatingin para maiwasan lang ito tingnan.

She sighed and bumalik ulit sa pagkakaupo. Pinag-swayed niya pa ang paa habang pinagmamasdan ang mga ito.

Napansin naman niya na umupo si Indigo sa gilid niya. Napalingon siya sa kamay nito nasa malapit sa kaniyang kamay. Nilayo niya ang kamay at pinaglaruan na lang ito.

"Wala pa rin lead. Magaling silang mag tago." Tumango siya rito na hindi tumitingin.

"May natagpuan ba ulit na bangkay?"

"Meron. Mas malala ang nangyari sa ibang pack, habang tumatagal ay padami ng padami ang nawawala."

Doon na siya napatingin kay Indigo. Makikita ang lungkot sa mata nito. Hindi ito nakatingin sa kaniya at tanging sa pinto ng conference room ito naka-tunghay.

"Indigo," tawag niya rito. Tumingin ito sa kaniya. Hirap naman siya na ituloy ang sasabihin lalo na nakatingin ito sa kaniya.

Oo, masaya siya para sa binata pero sa tagal na rin pala nilang pag sasama. Nasanay na siya sa presensiya nito.

"Paano kung sila may kagagawan nito?"

Kumunot ang noo ni Indigo. Hindi nito naintindihan ang ibig niyang sabihin.

"The half-breeds? What if sila ang nasa likod nito?"

"That's impossible. We killed them."

"No," bumagsak ang balikat niya. Umiwas din siya nang tingin dito. "Hindi 'ko sinabi na tumakas 'yong pinaka mataas sa kanila. Hindi niyo rin nakita 'yong kambal at si Gemma. Buhay pa sila, kuya," binalik niya ang tingin dito.

"Fuck!" Malutong na mura nito. Agad rin itong tumayo sa pagkakaupo. "It's our fault. Masyado ka na-trauma kaya hindi na namin tinanong sayo. We secretly investigate that time pero wala kaming nakuhang lead, kaya tinigil na namin."

"Sorry."

Lumapit si Indigo sa harapan niya at hinawakan ang dalawa niyang pisngi. "No, don't be. I'm sorry, it's not your fault, Nyebe, at isa pa, hindi tayo sigurado kung sila ba may kagagawan nito."

She bit her lower lip. Pilit niya rin na hindi bumagsak ang mga luha. Hindi niya gusto umiyak sa harapan nito. Baka isipin nito na hindi pa rin siya nakaka-move on. Malaki na siya. Kaya na niya.

"Nyebe," hawak pa rin nito ang pisngi niya habang nakatitig ito sa kaniyang mga mata. Nakatingala rin siya dahil nakatayo at matangkad ang binata. He sighed at pinunasan nito ang pisngi niya. Hindi niya namalayan na tumulo ang taksil niyang luha.

Aalis na sana siya sa pagkakahawak nito nang marinig niya ang sabay na boses nina Slate at Primo sa likuran ni Indigo.

Mabilis na bumitaw si Indigo sa kaniya at umalis sa harapan niya. Naka-yuko rin itong naka pwesto sa gilid niya habang nakatitig naman ang dalawa sa kaniya. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Dumoble pa, lalo na nakatingin ang dalawa sa kaniya nang seryoso.

SA GITNA nang silid ay may isang conference table ang nakapwesto sa gitna. Sa unahan nito ay may malaking salamin kung saan pwedeng pag sulatan ng white board pentel pen. Kasalukuyan na maraming nakasulat sa salamin tungkol sa pinagusapan ng mga ito kanina.

Nakaupo siya sa pinaka gilid, malapit sa salamin habang sina Slate at Indigo ay nakaupo sa opposite side niya. Si Primo naman ay nakatayo sa unahan habang nakatukod ang kamay nito sa kahoy na lamesa.

Tumikhim si Primo para kunin ang kanilang atensiyon. Nagtataka siya kung nasaan sina Apollo at Echo. Kanina niya pa hinahanap ang dalawa. Hindi nila ito kasama kanina nang bumalik.

Tumingin sa kanan at kaliwa ang binata bago nag salita ito. "Pinatawag 'ko na sina Echo at Apollo. Bukas din ay babalik ang dalawa, may kailangan lang silang gawin," paliwanag ni Primo sa kanila pagkatapos ay tumingin ito sa kaniya nang matagal.

Medyo kinabahan siya kung paano tumingin si Primo sa kaniya na pinagsawalang bahala na lang niya.

"How about Gunner?" tanong ni Indigo rito. "How about him?" balik naman na tanong ni Primo.

"We need him."

"No, we don't need him."

"Hindi lang naman pack natin ang may problema. So, technically we need everyone."

"No!"

"I think, we need him." Natigilan sila, lalong lalo na si Primo nang mag salita si Slate.

Gusto sana mag paliwanag pa ni Primo. Ilang beses nito binuka ang bibig pero walang boses ang lumalabas dito.

Gusto niya rin sana sabihin na hindi nila kailangan ito pero alam niya sa kaloob-looban niya na kailangan nila ang binata. Hindi lang ang binata, they need everyone helps.

Dahil hindi lang nila laban ito, maraming namatay at kung tama sila na ang may kagagawan nitong lahat ay ang mga half-breeds, hindi niya mapapatawad ang sarili.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top