Chapter 28

MABILIS siyang bumitaw kay Slate nang makasalubong niya ang tingin ni Primo sa kaniya.

Balak pa sana ulit kunin ni Slate ang kamay niya nang nilapitan niya agad ang ina at ama na halata nag aalala sa kaniya.

"Ma! Tay!" kinakabahan na tawag niya sa mga ito. Mahigpit na niyakap niya pa ang magulang.

"Good evening, Prince Slate."

Mas hinigpitan niya ang kapit sa ina nang mag salita si Primo.

Nasa harapan nila si Slate at si Leah nasa tabi nito. Si Echo naman ay tumabi sa gilid ni Primo. Seryoso ang dalawa nakatingin sa prinsipe nasa harapan nila.

May ilan din na mga taga pack house ang nasa gilid at likuran nila. Nag uusisa kung bakit ang isang prinsipe ng mga fae ay nasa kanilang lugar.

Ang dating Alpha at Luna nila na magulang ni Primo ay wala sa pack house. Nag decide ang mga ito na humiwalay ng tirahan lalo na may bagong kapatid si Primo at babae pa ito.

"I am Primo, the new Alpha of this Redwood," pakilala ng binata. Inabot pa nito ang kamay kay Slate.

Naninibago pa rin siya sa sobrang pagbabago ni Primo lalo na nang ilipat ng ama nito ang tungkulin na Alpha sa binata. Maski si Echo ay nag matured nang maging Beta ito.

"Slate, the youngest Prince of Elfhame." Pakilala rin ni Slate at inabot ang kamay ni Primo.

"And you are?" Baling ni Primo kay Leah.

"I'm Leah, Alpha Primo. Kaibigan ako ni Nyebe."

"She's the daughter of Doctor Dawn," dagdag ni Slate kay Primo. Tumango-tango naman si Primo at naki pag shake-hands kay Leah.

"Nice to meet you," nakangiti na ani Primo kay Leah. Napaiwas siya nang tingin sa mga ito.

"Kung hindi niyo mamasamain, I want to ask, what brought you guys here?"

Ang kaba niya ay biglang dumoble nang mag tanong si Primo sa mga ito.

"Alpha, hinatid nila ako, uuwi na rin sila," singit niya sa mga ito. Nakarinig siya ng ilang singhap nang walang galang niya sinabihan ang prinsipe.

Masama ang tingin na tinitigan siya ni Primo na nag palunok sa kaniya.

"I'm not talking to you, Nyebe," sita ni Primo sa kaniya. Para siya binuhusan ng malamig na tubig sa buong katawan sa paraan ng boses nito.

"I want to stay here with Nyebe hangga't hindi pa nalulutas kung sino ang walang awang pumapatay sa lahi natin."

"W-What?! / Ano?!" sabay nilang tanong ni Primo kay Slate na seryosong nakatingin lang sa kanila.

She can't believe what she heard. Inulit nito ang sinabi sa kaniya nang nasa sasakyan sila.

Hindi rin siya makapaniwala na alam nito ang nangyari sa kaniya, tatlong taon na ang nakalipas pero wala man lang ito sinabi sa kaniya.

"Sorry about that." Umaayos nang tayo si Primo. "Would you please come to my office?"

Tumango si Slate. "Of course, Alpha."

PUMUWESTO si Primo nang upo sa kaniyang upuan habang si Slate naman ay umupo sa harapan nito.

"Hindi na ako magpapaligoy pa, could you please elaborate what you said earlier?" seryosong tanong ni Primo sa prinsipe.

"I believe, she's my mate."

"Uh.. Are you sure? She hasn't turned twenty two yet," malumanay na saad ni Primo pero deep inside ay gusto na nito gilitan ang leeg ng prinsipe na kaharap nito.

Umayos nang upo si Primo pagkatapos ay pinatitigan si Echo nasa gilid ng pinto. Halata rito ang pagtitimpi na sugurin sa likuran ang batang prinsipe.

"I'm sure. I am just waiting for her birthday to confirm it."

Gusto matawa ni Primo sa narinig pero pinigilan nito ang sarili.

"In that case, she's not your mate until we confirm it," may diin na saad ni Primo kay Slate. Humigpit din ang kapit nito sa gilid ng inuupuan nito.

"Pinapayagan kita tumuloy dito, but you need to stay here sa pack house. Bibigyan 'ko kayo ng kwarto para tuluyan niyo," dagdag pa ni Primo.

"Kahit ako na lang, no need for Leah to stay here."

"I don't think Nyebe will like that, Prince Slate." May malokong ngiti ni Primo pero hindi nawawala ang tingin na respeto kay Slate.

"You seem close with Nyebe."

Nawala ang ngiti ni Primo sa narinig. Hindi nito inaasahan ang sasabihin ni Slate sa kaniya.

Umayos si Primo nang upo at pinatitigan si Slate na nag tatanong. Tumaas pa ang kilay nito.

"Of course, we are childhood friends."

"Really? Hindi niya naikwento sa pitong taon."

Nagtiim bagang si Primo habang nakatitig kay Slate. Nagsusukatan ang dalawa ng tingin.

Pitong taon.

Pitong taon din ang nakalipas nang makilala nila si Nyebe sa loob ng kakahuyan. Sa pitong taon ay ilang beses nag punta si Nyebe sa Elfhame pero kahit kailan ay hindi ito nag kwento sa kanila kung anong ginawa nito o kung sino ang nakilala nito.

Isang beses.

Isang beses lang nila narinig ang pangalan ni Slate sa bibig ni Nyebe nang sabihin nito na binigyan ng prinsipe ang dalaga ng cupcakes para sa kaarawan nito.

Selos na selos sila nang may marinig na ibang pangalan ng lalaki ang lumabas sa bibig ng dalaga. Kung saan nagawa ni Indigo kunin ang pagkababae nito.

Galit na galit si Primo kay Indigo no'n. Silang apat ay inis na inis kay Indigo nang mga araw na 'yon.

Sa taon din no'n ay unti-unti nila kinuha ang pagkababae ni Nyebe. Tandang-tanda ni Primo ang pag pipigil sa sarili lalo na ay labing walo pa lamang ito.

Wala sa plano na kukunin nila ito sa dalaga hangga't hindi pa ito handa pero dahil sa selos ay nakagawa sila ng hindi dapat.

Pagkatapos ngayon ay sinasabi ni Slate sa kanilang harapan ni Echo na ito ang tunay na mate ni Nyebe. He wanted to punch him. 'Yong tipo na dugo na lang ang makikita sa pagmumukha ng prinsipe.

For the nth time, umayos nang postura si Primo habang nakaharap sa prinsipe. Kahit si Slate ay umaayos din nang maramdaman nito ang mabigat na atmosphere sa loob ng silid.

"My pack member will assist you outside, Prince Slate."

Tumango si Slate kay Primo. Pagkatapos ay lumapit si Echo kay Slate para gabayan ito palabas ng silid.

"And it's our pleasure to accommodate you in our humble pack."

"Thank you, Alpha Primo."

Tanging tango lang ang naging sagot ni Primo rito pagkatapos ay bumaling kay Echo.

"Beta Echo, please tell her I want to talk to her."

"Yes, Alpha."

Natigilan si Slate pero hindi na ito sumabat pa at tuluyan nang lumabas kung saan kanina pa nag iintay si Nyebe sa labas ng silid.

NANG bumukas ang pinto ng silid ni Primo ay agad siyang lumapit kay Slate habang si Echo nasa gilid nito ay nakatingin lang sa kanilang dalawa.

"Anong sabi ni Primo?" kinakabahan niyang tanong dito.

"Primo? So, close talaga kayo?"

Nakagat niya ang ibabang labi sa kaba sa sinabi ni Slate, dahil sa kaniyang kaba ay nakalimutan niyang tawagin si Primo bilang Alpha na dapat niya gawin.

"K-kababata 'ko siya," mahinang paliwanag niya rito.

Pinatitigan siya ni Slate pagkatapos ay tumango. Umiwas naman siya ng tingin dito at napadako ang paningin niya kay Echo na kanina pang nakamasid sa kanilang dalawa ni Slate.

"Gusto ka makausap ni Alpha Primo," ani Echo sa kaniya. "O-okay." Hindi pa rin nawawala ang kaba nang sagutin niya ito at nilagpasan si Slate.

Ngunit agad rin siya natigil nang dumaosdus ang kamay ni Slate sa kaniyang kamay at marahan nitong hinawakan.

Naramdaman na naman niya ang pakiramdam na hindi niya maintindihan at pilit iniintindi pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang kasagutan.

"I'll wait you here." Pinatitigan siya ni Slate habang sinasabi ang katagang iyon. Katulad nang madalas niyang gawin ay napapatango siya rito na hindi naman niya ginagawa rati.

INIWAN silang dalawa ni Echo magisa sa loob ng silid ni Primo nang makapasok siya. Nang tawagin niya si Echo bago sila pumasok sa loob ay hindi siya nito pinansin na kinalungkot niya.

Lalo na alam niyang madalas nasa gilid ng pinto si Echo sa tuwing may kausap si Primo pero ngayon ay wala ito roon sa pwesto nito na mas lalong nagpalungkot sa kaniya.

"Nyebe, baby," tawag ni Primo sa kaniya at agad itong lumapit sa kaniya at niyakap siya nito kung saan pinatong nito ang baba sa kaniyang balikat at mahigpit na niyakap siya. Napangiti naman siya sa naging gesture nito sa kaniya.

Isa sa hindi nagbago kay Primo nang maging Alpha ito ay ang pagiging sweet nito sa kaniya.

"Ayos ka lang?" Nag aalala niyang tanong dito. Alam niya na pagod na ito dahil sa daming trabaho nang pagiging pinuno sa kanilang pack.

"I'm fine. You're my energy, diba?"

Maloko naman na pinalo niya ito sa braso na kinatawa nito.

"Aww." Kinamot pa ni Primo ang braso habang nakanguso ito.

"Ang laki-laki mo na, nakanguso ka pa rin at saka hindi naman masakit pagpalo 'ko sayo."

"Anong hindi? Masakit kaya!" Pag rereklamo ni Primo sa kaniya. Tinawanan na lang niya ito at inilingan.

"May sasabihin ka raw? Kung wala, lalabas na ako."

"'Wag!" Nagulat siya nang medyo napalakas ang boses ni Primo.

"Primo, responsable ko si Slate. Ako dapat mag asikaso sa kaniya," aniya rito.

Humiwalay naman si Primo sa kaniya.

"Is he your mate?"

"What?! A-ano pinagsasabi mo diyan?!"

"He said, he's your mate."

"I.. A-ano.. Hin.. I don't know," bagsak ang balikat na sagot niya rito.

Mate.

Hindi siya makapaniwala sa narinig kay Primo. Lalo na sa sinasabi ni Slate.

Imposible.

Ngunit kahit anong gawin niya ay paulit-ulit niya naririnig ang sinabi ni Primo sa kaniyang isipan at mga bagay na ginagawa ni Slate sa kaniya at kung paano magwala ang pakiramdam niya sa tuwing nasa malapit ito.

Primo sighed. Tinitigan niya ito.

"Lumabas ka na," malamig na saad ni Primo sa kaniya.

"Imposible! Nakalimutan mo ba na hindi pa ako twenty two?!"

Hindi.

Hindi si Slate ang mate niya. Walang sinasabi ang she-wolf niya.

Imposible.

"Please, Nyebe."

"What?! No! Iiwan mo rin ako?!" singhal niya rito. Hindi niya rin mapigilan ang pag tulo ng luha sa sakit nararamdaman niya.

Hindi niya kaya na mawala si Primo sa kaniya.

O sino man sa kanilang dalawa ni Slate.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top