Chapter 26
MASAYANG pinagmasdan niya si Primo nang tanggapin nito ang trono ng pagiging bagong Alpha ng kanilang pack. May genuine smile makikita ang nakapaskil sa mukha ng binata.
Simula bata pa lang siya ay alam na niya na magiging magaling na Alpha si Primo. Hindi siya makapaghintay sa mga pwede nitong gawin para sa kanilang pack.
Dumako ang paningin ni Primo sa kaniya. Parang tumigil ang lahat at ang binata lang ang tanging nakikita niya. Ang magandang ngiti nito habang tinititigan siya nito.
"Finally, Alpha na si Primo. I can talk to you na," lumingon siya sa kanan niya nang may bumulong sa kaniya. Nakatingin ito sa unahan ngunit nang mahalata nito nakatingin siya rito ay may ngiti sa labi na nilingon siya nito.
"Na-miss kita, Nyebe," bulong na wika ni Indigo sa kaniyang tenga. Binigyan niya ito nang matamis na ngiti. "Na-miss 'ko rin kayo."
Lumingon-lingon ito sa paligid bago nito kinuha ang kamay niya at hinila siya sa labas ng pack house.
"Saan tayo pupunta, Indigo?"
"Somewhere else na ma-so-solo kita." Pumulupot pa ang braso nito sa baywang niya habang hinihila siya nito sa kung saan.
Natatawa siya sa inaakto nito. She sure does missed them. Hinawakan niya ang pisngi nito at hahalikan na sana ito nang matigil silang dalawa sa narinig.
Kanina pa pala wala sa kaniya ang atensyon ni Indigo. Nilingon niya kung saan ito nakatingin.
Nakita niya si Riley.
Gulat nakatitig sa kanila. May bitbit itong basket nang prutas.
"Mate."
Agad siya napalingon kay Indigo pagkatapos ay kay Riley. Nakikita niyang namumuo ang luha ni Riley sa mata.
Napansin niya rin na lumuwag ang kapit ni Indigo sa kaniya. Gusto niya maiyak kaya tinulak niya si Indigo nang bahagya para tuluyan na ito bumitaw sa kaniya.
Binalik ni Indigo ang tingin sa kaniya. Gulat na gulat pa rin ito. Nag iba na rin ang kulay ng mata nito.
"No," mahinang saad ni Indigo pero sigurado siya narinig din iyon ni Riley.
Bumagsak ang basket na hawak nito at tumatakbong tinalikuran sila. Hinanap niya ang boses para makapag salita.
Naiiyak siya sa totoo lang. This is the second time at kung kelan ayos na ang lahat, kung kelan Alpha na si Primo.
Kahit nasasaktan at naiiyak siya, hindi niya maintindihan kung bakit naiintindihan na niya ang dapat mangyari. Tanggap na niya, hindi katulad no'ng una.
"Go after her," saad niya rito. Nag aalangan naman na tinitigan siya ni Indigo. Ngumiti siya rito at tumango.
"Go, she needs you right now."
"I'm sorry, Nyebe."
Pinanuod niya na tumakbo si Indigo sa dinaanan ni Riley. "Don't be," tanging saad niya sa hangin.
Napahawak siya sa kaniyang pisngi. Basa ito. Lumuluha na pala siya.
NANG matapos ang coronation ni Primo bilang bagong Alpha ay dumiretso ito agad sa study room nito. Hindi rin nito nakausap si Nyebe dahil bigla na lang ito nawala kanina.
"Primo, anak."
Medyo nagulat si Primo nang makita nito ang ama sa loob ng silid. "Anong kailagan niyo?"
Mariin na pinatitigan si Primo ng ama. "Alpha ka na ng pack. You should know what is right and what is wrong," may riin nitong saad sa anak.
Lumakad si Primo papunta sa lamesa nito sa gitna. "Your pack will not listen to you once they found out about your relationship with Nyebe."
Natigilan si Primo at agad na nilingon ang ama. "Kailan mo pa alam?"
"You don't need to know. Ang kailangan mong gawin ay tapusin na ang kalokohan ninyo."
"I know what I'm doing and no, I will not leave her."
"Have you lost your mind? Soon, you'll have to find your own Luna, Primo!"
"I'll make her my Luna, if ayan kino-concern mo. I don't care if she's not my mate or what?! I'll do everything for her! And you don't have a say about everything I'll make. I'm your Alpha now!"
Nag tatangis na tinitigan ni Isaac ang anak. He thinks na mali ang ginawa nitong pag lipat ng trono sa binata dahil wala ito ibang iisipin kundi ang dalaga lang.
"Ilang taon na ba si Nyebe? Ilang weeks na lang at mag tu-twenty two na siya, hindi mo ba nakikita ang pinupunto ko rito, anak? Eventually, she will find her mate and so do you!"
"I said, I don't care!"
"But she does!" Natigilan si Primo. Masama itong tumingin sa ama. "I saw her earlier with Indigo. He found his mate and do you know what she did? She let him go after Riley."
"What? Indigo found his mate and it's Riley?"
Tumango naman si Isaac. "Please, stop this nonsense, Primo," tanging saad ng former Alpha bago nito iniwan ang anak sa silid.
NAGISING siya sa ingay nang gagaling sa ibaba. Bumaba siya sa kama at kinuha ang cardigan nakasabit sa rack. Lumabas siya nang silid at bumaba sa unang palapag.
Bumungad sa kaniya ang ama na naka-ayos at ang ina na umiiyak. "Ma? Ano pong nangyayari?" kinakabahan niyang tanong dito.
"Anak," dinaluhan siya ng ina at niyakap siya nang mahigpit. Naguguluhan naman siya sa inaakto nito at sa nangyayari.
"Ma? Tay? What happened?" Binalingan niya nang tingin ang ama nasa harapan na nang pinto, palabas ng bahay nila.
"May natagpuan na patay sa border."
"Ano po? S-sinong namatay?" Agad siya nanginig sa takot. Bumabalik na naman sa kaniya ang dinadas no'ng bata siya. Natatakot siya na baka mangyari ulit ito.
"We still don't know, anak. That's why we're going out there to find out." ani ng ama niya.
Nakarinig siya ulit nang ingay galing sa labas. Naririnig niya ang boses at takbuhan nang ilang warriors ng kanilang pack.
"Bakit ang daming warriors sa labas?"
Umiwas nang tingin ang kaniyang ina. "Ma?" pagtawag niya sa atensyon nito.
"Hindi lang isa ang natagpuang patay, anak."
Mabilis niyang nilingon ang ama. Bagsak ang balikat nito na tumango sa kaniya. Naalala niya bigla si Primo. Unang gabi nito bilang Alpha nila tapos ito agad ang problemang haharapin nila.
"Tay, sasama ako sa pack house. I need to know if they're okay."
"Mapanganib sa labas."
"Mas mapanganib kung patakas akong lalabas dito," sagot niya sa ama. Hindi niya alam kung saan niya nakuha ang lakas nang loob sagutin ito.
Nag aalala lang talaga siya sa apat.
Her dad sighed.
"Sasama ako," saad ng kaniyang ina. Mas lalo napabuntong hininga ng malalim ang ama niya.
"Fine, but promise me sa pack house lang kayong mag ina. Walang uuwi hangga't hindi niyo ako kasama," maotoridad na saad ng kaniyang ama.
Magkahawak sila ng kaniyang ina papunta sa pack house habang palingon-lingon naman sa paligid ang kaniyang ama. Mas lalo rin lumalakas ang ingay at yabag naririnig nila.
Mas pinayakap niya ang cardigan sa kaniyang katawan nang humangin ng malakas. Malapit na mag pasko, kaya lumalamig na rin ang simoy ng hangin.
"Nyebe!" Gulat na tawag sa kaniya ni Apollo nang makita siya nito papasok sa loob ng pack house.
"What are you doing here? You should stay inside your house," saad pa nito. Medyo nagulat pa siya dahil napagtaasan siya kaonti nang boses ni Apollo.
Hindi rin nakikita rito ang pagkapilyuhan. Seryoso talaga ito.
She bit her lips. Parang mali pa ata ang ginawa niya but she just wanted to know if they're alright.
"What's wrong?" Tanong ng ama niya nang bumalik ito sa kanila. Bumaling pa ito kay Apollo.
"Sir, dapat nag stay na lang po si Nyebe sa loob ng bahay niyo."
"I told her that but she wanted to see if you guys are okay." Binalik ni Apollo ang tingin sa kaniya. Medyo nawala na ang pagkakunot nito sa noo.
"Andito ka naman na, ikaw muna bahala sa mag ina 'ko. I need to go with them," tinuro pa ng ama niya ang ibang warriors.
"Yes, Sir." Kinuha ni Apollo ang kamay niya at hinawakan ito ng mahigpit. Alam niyang nag aalala ito sa kaniya ng sobra lalo na dahil sa sinapit niya no'ng bata siya.
"Tita, may ilan pong pack members ang nasa hall at sala. Mas mabuting doon po muna kayo— and ikaw, sasama ka sa'kin."
"What? Hindi, mom needs me."
Ilang beses sila nitong binalikan nang tingin. "Right! Sorry, but kailangan 'ko sabihan sina Primo andito ka sa pack house."
Tumango naman siya rito bilang pag iintindi sa sinabi nito. "Please, don't go anywhere. I'll be back."
"Nasa hall lang kami, mukhang puno na sa sala."
"Alright— mag ingat po kayo, tita." Baling nito sa kaniyang ina. Hinawakan naman siya nito sa pisngi at marahan na tinapik ito.
NANG makarating sila sa hallway ay bumungad sa kanila ang ilang pack members. Nakaupo ang mga ito sa silya nasa gitna. May ilan din mga bata ang kasama ng kanilang magulang.
May naririnig pa siyang iyak. Bumaling ang ilang pack members sa kanila. Napansin na naman sila ng mga ito dahil kakaiba silang mag ina.
Gusto niya umikot ang mata sa inis. Actually, hindi na siya nadadala sa mga pasaring ng mga ito. Grabe naman kasi ang sinapit niya sa mga kamay ng kau—
Hangga't maaari ay iniiwasan niya isipin ang nangyari sa kaniya. Masyadong traumatizing ang sinapit niya. Ilang weeks din siya no'n hindi nakalabas ng bahay nila na hindi nangingig sa takot na baka dukutin na naman siya.
"Do'n muna tayo, ma," turo niya sa gilid na upuan. "Nagugutom po ba kayo? Kuhaan po kita—"
"Anak, ang bilin ni Apollo ay dumito ka lang. 'Wag ka mag alala sa akin, hindi ako nagugutom. Ayos lang ako."
Inalayan niya ang ina at umupo sila sa pinakagilid. Pinauna niya pa ang ina na umupo.
Uupo na rin sana siya nang dumako ang paningin niya sa gilid.
Magkasama si Indigo at Riley. Mahahalata sa dalaga ang takot, kaya inaalayan siya ni Indigo. Hindi niya maiwasan na mapa-ngiti nang mapait pero kahit gano'n ay kalmado siya sa nasasaksihan sa dalawa.
Indigo deserves that love at willing siyang ibigay iyon sa binata kahit masakit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top