Chapter 25

SIMULA nang ipatawag sina Primo at Gunner ng Alpha Isaac ay hindi na nagpakita ang dalawa sa kaniya. Nabalitaan niya kay Echo na hindi sinabi ng dalawa ang totoong nangyari sa kanilang Alpha.

Nagalit si Alpha Isaac kaya pinagbawalan ang mga ito na makipagkita sa kaniya hangga't hindi sinasabi ng dalawa ang totoong nangyari.

Binalak niya sabihin sa Alpha nila ang totoong dahilan kahit pa sobrang mapapahamak siya sa magiging desisyun niya ngunit pinigilan siya nina Echo.

Sinabi nito na nag hahanap nang paraan si Primo kaya hangga't maari ay mag intay sila at mag tiwala rito. Kahit sobrang miss na niya ito ay wala siyang nagawa dahil napagtanto niya na para rin naman sa kaniya ang ginagawa nito lalo na hindi niya kakayanin kapag nadamay ang pamilya niya.

Kapag nalaman ng pack ang totoong dahilan ay maraming masasaktan. Kasama na do'n ang mate ni Gunner na wala naman ginawang masama sa kaniya.

Hinayaan niya ang gustong mangyari ni Primo. Naging lie low din sila sa isa't isa. Hindi na sila gano'n nag kikita. Tinuon niya ang atensyon sa pag aaral. Madalas din siya pumunta sa Elfhame para doon ubusin ang oras until makapagusap na ulit sila nang maayos na apat.

Tungkol naman kay Gunner, wala na siyang balak kausapin ito. Inilagay nito ang kapahamakan nila na hindi man lang nag iisip lalong lalo na sa mararamdaman ng mate nito kapag nalaman ang totoong nangyari.

Mabuti na lang din na maski si Gunner ay hindi willing sabihin sa Alpha nila ang dahilan kung hindi ay lahat sila ay mapapahamak.

Mas worst, pag hiwalayin sila ng mga magulang nila.

Sumapit ang edad niyang bente uno na hindi pa rin sila nag uusap nang maayos. Madalas lang na patago sila magusap habang si Primo naman ay palaging sa sulat lang na binibigay nito na pinapaabot sa tatlo.

Ang huling sulat ni Primo sa kaniya ay sinabi nitong kaunting pag titiis na lang lalo na malapit na ilipat sa binata ang trono ng pagiging Alpha ng pack house nila.

Nasa tamang edad na ito para mag patakbo ng sariling pack, kahit si Echo ay ililipat na rin dito ang pagiging Beta ng ama.

INIS na binato niya ng eraser ang mukha ni Slate sa sobrang pagkainis niya rito. Nasa library sila ngayon sa palasyo ng Elfhame. Nakaupo sila sa sahig habang nag a-advance reading siya para sa darating na pasukan lalo na maraming libro ang palasyo.

Minsan lang siya makapunta sa palasyo, kaya sinusulit niya ang bawat librong nakikita ngunit ang magaling na si Slate ay paulit-ulit siyang binabato ng eraser.

Sa inis niya ay kinuha niya ang binato nito at pabalik na binato ito sa mukha ng binata. Gulat napalingon si Leah sa gawi niya, katabi kasi nito ang binata habang nag babasa rin.

May libro sa harapan ni Slate pero hindi ito nag babasa at kinukulit lang siya. Lumayo na nga siya sa kanila tapos nag hanap pa talaga ng paraan ang binata para pag tripan siya.

Palagi ganito ang senaryo nila kapag nag kikita silang tatlo. Si Slate na walang sawa na asarin siya habang si Leah naman ay taga pigil sa kanilang dalawa.

"Ang sakit nang bato mo, Nyebe," saad ni Slate pero natatawa naman habang hinihimas ang mukhang natamaan.

"Ikaw nauna, wala akong pakealam kung nasaktan ka. Masakit din kaya 'yong bato mo." Inikutan niya pa ito ng mata.

Sa tagal na pag sasama nilang tatlo ay mas lalo niya nalaman na sobrang kulit nang bunsong prinsipe ng Elfhame nila.

Madalas ito magkasakit dahil sa mga kalokohan nito. Palagi ito napapagalitan ng Hari at Reyna lalo na ang mga kapatid nito pero hindi pa rin nadadala ang binata.

Sa sobrang sungit at sobrang kulit nito ay napapasabunot na lang siya sa buhok niya dahil sa kaniya nito ginugugol ang pagiging masungit at makulit nito.

"Tigilan niyo na nga 'yan, para kayong mga bata kung mag asaran," sita ni Leah sa kanilang dalawa. Hinawakan pa nito ang kamay ni Slate para patigilin ito.

Sinungitan naman siya ni Slate bago tumuon ang atensyon kay Leah na nag papagalit dito.

Pinatitigan niya ang dalawa. Minsan kapag nakikita niya ang mga ito ay nanliliit siya. Para bang nawawala siya sa frame at itong dalawa lang ang nag si-stay. Hindi niya pa sinabi sa mga ito na alam niya ang relasyon ng dalawa, hindi niya alam kung bakit wala siyang lakas ng loob mag sabi.

Kapag nakikita niya rin kasi ang dalawa ay hindi niya mapigilan makaramdam ng pagkainis.

NAGULAT siya nang pumunta siya sa Elfhame ay bumungad sa kaniya sina Leah at Slate sa balitang sa palasyo sila mag i-stay nang buong linggo. Hindi pa siya nakakapunta sa palasyo, kaya nang sabihin iyon ni Slate ay hindi niya alam ang gagawin. Bigla siyang kinabahan at natakot. 

Natatakot siya?

Bakit?

Buong-puso naman na tinanggap sila ng Hari at Reyna maski ang dalawang kapatid ni Slate ay masayang dinaluhan silang dalawa ni Leah. Hindi niya akalain na mayayakap siya nang kapatid na babae ni Slate.

Habang nasa palasyo sila ay binigyan sila nang tag-isang silid ni Leah para sa kanilang pag lalagian sa isang linggo. Malaki ang silid para sa isa, hindi niya mapigilan tumalon-talon sa kama.

Nahuli pa siya ni Slate sa ginagawa niyang pagtatalon. Nakakuha siya nang tawa at pang aasar dito. Kuno, dalaga na siya para tumalon-talon pa sa kama. Binato niya tuloy ito nang unan sa inis niya na kinailag naman nito.

Mabuti na lang talaga ay wala siyang balak isumbong ito dahil naaawa na siya sa magulang nito sa sobrang katigasan ng ulo ng prinsipe.

Isang araw ay nag tungo siya sa garden ng palasyo, bitbit ang isang romance book sa kamay. Balak niya mag basa habang nakaupo sa paanan ng isang malaking puno sa palasyo.

Ngunit agad rin siya natigil sa pag lalakad nang makita niya sina Leah at Slate sa tapat ng isang puno. Inikot niya pa ang paningin, nang wala siyang nakitang guardiya ay binalik niya ang tingin sa dalawa.

Natigilan siya sa kaniyang nasaksihan. Muntik niya rin maibagsak ang hawak na libro kung hindi niya ito hinigpitan nang kapit.

Sa kaniyang harapan ay isang lalaki at babaeng nag hahalikan sa ilalim ng puno. Napakapit siya sa kaniyang dibdib nang makaramdam ng kurot.

Dahil sa gulat ay do'n niya lang din napansin na lumingon sa gawi niya si Slate at mabilis napabitaw kay Leah.

Lumingon sa gawi niya si Leah na nakunot pero bigla rin nanlalaki ang mata nang mapagtanto nito nahuli niya silang dalawa sa akto.

Tinitigan niya ang dalawa, hindi na nag hahalikan ang mga ito pero sumasakit pa rin ang kaniyang dibdib. Nagawa niya pang umatras pero hindi niya matuluyan na umatras pabalik sa loob ng palasyo.

She flinched nang maramdaman ang kamay ni Slate sa kaniyang pisngi. Pilit na pinapatingin siya sa mga mata nito. "Please, look at me."

Tinitigan niya ito. Hindi niya maintindihan ang sarili. Namumuo ang luha sa kaniyang mata.

Bakit siya nasasaktan?

"Oh! Moon goddess, Nyebe!" Nag aalala na lumapit si Leah sa kaniya. "What did you see?" Mahahalata rito ang kaba sa boses.

"W-wala," pinilit niya mag sinungaling. Leah and Slate sighed sa naging reaksyon niya. "I know you saw us," may diin na saad ni Slate sa kaniya.

Napalunok naman siya sa kaba. Nakita nga niya ang mga ito.

"Ano ba guys, it's normal. Matagal na kayo mag kakilala, shempre hindi maiiwasan 'yon." Napangiti siya sa sarili nang hindi siya nabulol habang nag sasalita.

"Alin ang hindi maiiwasan, Nyebe?"

"Na magka-gusto kayo sa isa't isa?"

Kinakabahan naman na tumawa si Leah sa kaniya. "Nyebe, it's not what you think. Hindi namin gusto ang isa't isa," pag papaliwanag ni Leah sa kaniya.

"Really?" Hindi niya maintindihan kung bakit siya natuwa nang malaman na hindi gusto ng dalawa ang isa't isa. Parang may tinik na bumunot sa kaniya.

"But we do have something," saad pa ni Leah. Malaking question mark naman ang pumatong sa ulo niya. "Ha?"

Napalingon siya kay Slate na paulit-ulit sinusuklayan ang buhok at makikita rito ang frustration. Natakot naman siya bigla.

"You won't understand. You're hybrid." Tinitigan niya ng masama si Leah. "Ano kinalaman no'n sa kaalaman ko?" sinamaan niya rin nang tingin si Slate dahil naiinis siya.

Naiinis siya sa kanilang dalawa.

"Matanda na ako to know what I saw. 'Wag niyo ako palaging ginagawang bata. Hindi porket tatlo o apat na taon ang agwat natin. And you know what, I know what it's like."

"What?!" Nagulat siya nang biglang sumigaw si Slate. Naka-salubong ang dalawa nitong kilay at mukha itong galit sa narinig.

"You know what it's like?" Pag uulit nito sa kaniyang sinabi. Kumunot ang noo niya. Sa haba ng kaniyang sinabi ay ayon lang ang natandaan nito.

Doon niya lang napagtanto ang nasabi. Tangina.

She's not supposed to say that. Walang may alam sa relasyon nilang anim.

"I mean, gets ko k-kayo? Kahit h-hindi? You know?"

"No, I don't fucking know." Hindi pa rin nawawala ang pag aapoy na tingin ni Slate sa kaniya. "Slate, kaming dalawa na lang ni Nyebe ang mag uusap. Pumasok ka muna sa loob."

"I will not go inside."

"Edi, kami ang papasok sa loob. Ang arte." Umikot pa ang mata ni Leah bago kinuha ang braso niya.

WALANG nagawa si Slate nang pumasok sila sa loob. Mabuti na lang talaga at hindi sila sinundan nito. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang nasabi.

"Nyebe, I'm begging you. Don't tell anyone what you saw. You know we don't supposed to kissed anyone until we find our soulmates but we're half human, too. It happens."

"Don't worry, ate. I won't tell anyone," labas sa ilong na saad niya. Wala siyang balak mag sabi pero hindi pa rin nawawala inis niya sa dalawa.

"Promise?"

"Of course, I promise." Nag pinky promise pa sila na kina-ikot ng mata niya sa loob-loob niya.

"Thank you," yayakapin na sana siya ni Leah nang pigilan niya ito. "You have to tell me everything."

She smirked nang bumagsak ang balikat ni Leah sa narinig.

"Sure," alam niyang wala sa kalooban nitong sagot sa kaniya.

Habang nag ku-kwento ito sa kaniya ay mas lalo siya naiinis. Ang kwento ni Leah ay madalas magkasakit si Slate dahil sa kakulitan nito, kaya ang ina niya ang gumagamot dito pero natigil iyon nang umalis sina Leah papunta sa London.

Magkakilala na sina Leah at Slate simula bata pa ang mga ito, dahil nga doctor ang ina ni Leah ay madalas ipatawag ito sa palasyo. Minsan ay sinasama ito nang ina, doon ni Leah nakilala si Slate.

Parehas na masungit ang dalawa sa isa't isa. Hindi gusto pumunta ni Leah sa palasyo dahil gusto lang nito makipaglaro ngunit hindi ito pinapayagan hangga't kakausapin nito si Slate.

Kinaibigan ni Leah si Slate. Naging mag kaibigan naman ang dalawa pero madalas pa rin mag bangayan ang mga ito.

Nang bumalik si Leah galing sa London, ay mas lalong naging matigas ang ulo ni Slate. Ayon 'yong araw nakita niya ang dalawa nag sasagutan sa tahanan nina Leah.

Medyo nabigla at natakot siya no'n dahil grabe sumagot si Leah sa ina nito.

Nang nag dadalaga si Leah at nag bibinata naman si Slate ay madalas mag sama ang dalawa. Palagi si Leah inuutusan nang ina na samahan ang prinsipe. Nang isang beses na mapag-isa ang mga ito ay do'n na nag simula ang lahat.

"But lately, nagagalit na siya sa'kin kapag nagiging clingy ako sa kaniya."

Hindi niya pinansin ang sinabi nito bagkus ay nag tanong ulit siya. Gusto niya linawin ang totoong relasyon ng dalawa.

"Anong relasyon niyo talaga?"

"Nothing," hindi makatingin na saad nito sa kaniya. Nakita niya rin na parang lumungkot ang expression ng mukha nito pero agad rin napalitan.

"Okay! I'll keep it." Hindi niya mawari kung bakit bigla siya sumaya sa nakitang reaksyon nito.

"Thank you, Nyebe." Hinawakan niya ang kamay nito. "No worries."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top