Chapter 17

SHE grunted nang maibaba na niya ang bagahe sa trunk ng sasakyan. Pinagmasdan niya ang buong paligid. 'Yong pagod niya sa biyahe ay agad napunan ng kaginhawaan.

Na-miss niya ang lugar na ito. Ang Elfhame. Ang Water Land kung saan lumaki ang kaniyang ina.

Kinuha ng ama niya ang mga bagahe at sumunod na sa kaniyang ina sa pag pasok sa loob ng tahanan ng kaniyang lolo't lola.

May ngiti sa labi na sinalubong siya ng mga ito. Agad niya niyakap ang dalawang matanda at binigyan ng halik sa pisngi.

"La, Lo, na-miss 'ko po kayo." Saad niya sa mga ito.

Natawa naman ang kaniyang magulang sa kaniyang naging akto.

"Na-miss ka rin namin, Apo."

"Tara na sa loob para mapakain 'ko na 'tong apo 'ko." Saad ng lola niya. Humawak naman siya sa braso nito at inalayan ito papasok sa loob ng tahanan.

Sa susunod nang dalawang araw ay pasko na at sa Elfhame nila ginusto i-celebrate ito. Kasama ang pamilya ng ina niya.

May dalawang anak ang lola't lolo niya. Bunso ang kaniyang ina habang lalaki naman ang panganay ng mga ito.

Bukas pa ang dating ng tito niya at ang pamilya nito. Nauna na sila dahil gusto niya sana makita si Leah at gusto tumulong ng ina niya sa pagluluto.

May paguusap sila ng kaibigan na pupunta ito mamaya at balak niya rin na rito na maghapunan ang kaibigan.

Kahit mataray si Leah nang pangalawa nilang pagkikita ay naging close sila nito. Wala rin naman kasi silang magagawa dahil madalas sila magkita dahil magkaibigan ang mga ina nila.

NANG matapos sila kumain ay umakyat muna siya sa bakanteng kwarto para ayusin ang gamit niya.

May dalawang kama ang isang kwarto. Panigurado kapag dumating ang pinsan niya ay makakasama niya ito matulog.

Hindi niya pa nakikita ang mga ito. Kahit ang tito at asawa nito ay hindi niya pa nakikita. They are pure blooded fae. Naninirahan ang mga ito sa Earth Land. Kung saan nakilala ng tito niya ang tita niya.

Pinapasok niya sa loob ng cabinet ang mga damit niya nang marinig niya na tawagin siya sa ibaba.

"Anak!" Tawag ulit ng ina niya sa ibaba.

"Wait lang po, ma! Baba na po."

Kinuha niya ang bagong damit at hinubad ang suot. Isusuot na sana niya ang bagong damit na sweatshirt dahil gumagabi na at lumalamig na rin ngunit natigil sa ere ang kamay niya nang bumukas ang pinto ng silid.

Nanlalaki ang mata na tinitigan niya si Leah na gulat na gulat din nakatingin sa kaniya.

Pero hindi lang iyon ang kinagulat niya. Dumako ang mata niya sa katabi nito.

Seryoso itong nakatingin sa kaniya. Napansin niya pa ang pag scan nito sa buo niyang katawan na kinalaki lalo ng mata niya.

"AHHHHHH!" Sigaw niya sa mga ito kahit si Leah ay napasigaw din.

"Y-you!! Stop looking at me!!" Panduduro niya sa lalaking walang emosyon nakatingin sa kaniya.

Tinaasan siya nito ng kilay bago ito tumalikod at iniwan sila na shocked pa rin.

Nang mapagtanto na wala na ito sa paningin niya ay mabilis niya sinuot ang damit at nilapitan si Leah.

Hinawakan niya ito sa braso at hinila sa ibaba.

"Bakit andito siya, 'te?"

"Mom insisted," ani Leah sa kaniya. Napabuntong hininga na lang siya sa sinabi nito.

Nang makababa sila ay agad nila naririnig ang tawanan sa sala.

Nakita niya nakaupo ang bunsong prinsipe na si Slate sa sofa habang kausap nito ang lolo at tatay niya. Hindi siya makapaniwala na tumatawa ito sa harapan ng dalawang matandang lalaki.

At lalo na hindi niya maintindihan kung bakit malaya itong nakakalabas ng palasyo na walang kasamang taga-bantay.

Umikot ang kaniyang mata sa nasaksihan. Pagkatapos ay hinila ulit si Leah papunta sa loob ng kusina kung saan nag luluto ang ina niya at ang lola niya ng gabihan.

"We heard you scream," panimula ng ina niya. "Kumusta ka, apo?" tanong pa ng lola niya sa kaniya.

"It's because of Slate, ma and I'm not okay po, la."

"Oo, narinig nga namin sa kaniya. You were getting dressed raw and he saw you, that's why you screamed."

"He invaded my privacy po," pag mamaktol niya sa ina. Bumaling siya sa lola niya na tumatawa sa gilid.

"La, naman."

"Actually," napalingon siya kay Leah nang mag salita ito.

"He was with me, so technically we invaded your privacy."

"Ate, ano ka ba. Ayos lang ako sayo but sa kaniya hindi kahit prinsipe pa siya ng kaharian nila, he still a boy." Hinawakan niya ito sa kamay at pinatong ang ulo sa balikat nito.

"You're acting like I saw you naked and besides, you don't even have boobs."

"W-Wha— t..they're still growing," naiinis niyang paliwanag dito pagkatapos ay tinakpan ang hinaharap dahil nakatitig ito sa kaniya.

"Huh! I hope so," may pangasar na sagot nito sa kaniya pagkatapos ay lumapit sa lola at ina niya para tulungan ang mga ito. Namula naman siya sa sinabi nito.

"Apo, hijo. Hindi na kailangan," pagpipigil ng lola niya sa bunsong prinsipe. "Apo? Lola?" Gulat na gulat niyang tanong dito.

"Ayaw niya tinatawag sa katungkulan niya, apo."

"Palagi niya sinasabi na gusto niya mamuhay ng normal," pagpapaliwanag ni Leah sa gilid niya na sigurado siya na rinig ng mga ito.

"Oh, normal. Normal ba 'yong nangbubuso?"

"I'm not—"

"Kapag hindi kayo tumigil na tatlo, papakuhanin 'ko kayo ng mga isda sa sapa."

Natigil sila nang mag salita ang lola niya. Sobra itong nakakatakot lalo na no'ng sinabi nito na papakuhanin sila ng isda.

Una, hindi siya marunong lumangoy at pangalawa, hindi niya gusto makasama ang bastos na si Slate.

"Sorry po." Mahina niyang paumanhin.

Lumapit siya sa cabinet kung saan nakalagay ang mga utensils. Lumapit na rin si Leah sa kaniya at tinulangan siya nito mag ayos ng lamesa habang si Slate naman ay bumalik na lang sa salas.

NAISIPAN niya na bumaba para kumuha nang inumin. Ngunit nasa gitna pa lang siya ng hagdan ay tumigil na siya sa pagbaba.

Narinig niya na may naguusap sa salas.

"Ayos ka lang?"

"Uh.. Uh.."

"Sure ka? Walang masakit sayo?"

"I'm fine, Leah."

"Nag aalala lang ako sayo, Slate. You were supposed to go home. Bakit ka ba sumama rito?"

Bumaba pa siya ng isang hakbang nang biglang tumahimik ang paligid. Curious siya sa sasabihin ni Slate kay Leah.

"I want to be with you."

Nasamid siya sa narinig sa binata. Hindi niya akalain na may relasyon pala ang dalawa.

Bago pa may marinig siya na ikabibigla niya lalo ay pumanhik na siya paakyat para bumalik sa silid.

NANG magising siya kinabukasan ay hindi na niya naabutan sina Leah at Slate. Sinabi sa kaniya ng kaniyang ina na maaga ang dalawa na umuwi. Hindi na siya inabala na gisingin dahil mahimbing ang kaniyang pagkakatulog.

Kumuha siya nang maliit na upuan at dito pumatong para maabot ang huling piraso na ilalagay niya sa Christmas tree. Nag volunteer siya na ayusin ang sala ng lola't lolo niya habang ang ina at lola naman niya ay busy sa pag luluto para sa ihahanda nila sa salu-salo mamayang nochebuena.

Nang makababa siya sa bangkito na pinag apakan niya ay inilapag naman niya paikot ang mga regalo na binalot niya kanina sa paanan ng christmas tree.

Umayos siya nang tayo at umusog paatras para titigan ang pinaghirapan ayusin na puno para sa sasapit na pasko. 

"Hm.. parang may kulang?" Wala sa sarili na tanong nya sa sarili habang pinagmamasdan ang kabuoan ng puno. Ngunit hindi niya mapunto kung ano ang kulang.

"Star," ani ng boses sa kaniyang likuran. 

Agad niya ito nilingon at bumungad sa kaniya ang isang lalaki na sobrang tangkad.

Sinuri niya ang kabuoan nito. May suot itong bonnet na kulay beige na natatakpan ng tenga nito. May makapal din itong suot na jacket at sweatshirt na kulay itim. 

At mas kina-amazed niya pa ay ang mga mata nito na kulay light green. 

"Star might look good up there."

Napansin ata nito napatulala siya kaya binasag nito ang pagtitigan nilang dalawa. Binalik niya ang tingin sa puno at sa pinakatuktok nito.

Kulang nga ito ng star.

Nabaling ang paningin niya sa gilid niya nang lumapit ito sa tabi niya at kinuha ang star na nasa loob ng box at inabot sa kaniya na may ngiti sa labi.

Mas lalo niya napagmasdan ang kagandahan ng mata nito. May nunal ito sa ilalim ng mata na bumagay sa binata.

"My name is Preston. I'm your cousin." 

"What?!"

HINDI siya makapaniwala nang una niya makita ang pinsan ay sinuri niya agad ito. Sinabihan niya pa ito na may magandang mata.

Napalo niya ang sariling ulo sa kakahiyan na inakto kanina. Sobrang pula nang mukha niya nang sabihin nito na pinsan niya ito at nauna lang daw ito pumasok dahil nakipagkumustahan pa ang magulang nito sa lolo at ama niya na nasa labas kanina.

"Hey, ayos lang 'yan. Alam 'ko naman na sadyang pogi lang ako," saad ni Preston sa kaniya.

Sinamaan niya ito nang tingin. Hindi siya makapaniwala na may pinsan siya na gwapong-gwapo sa sarili nito.

"Bakit kasi hindi mo sinabi agad na pinsan kita?" Inis niyang tanong dito.

"Natuwa ako sa reaksyon mo." Tumawa pa ito.

Sa inis niya ay kinurot niya ang pisngi nito. Hindi niya 'to makurot sa braso dahil ang kapal ng suot nito. Hindi man lang hinubad 'yong suot na jacket at iwan lang ang sweatshirt.

Nabaling ang tingin niya sa magulang nila na nag ku-kwentuhan habang nag luluto. Nag pakilala sa kaniya kanina ang tito at tita niya na magulang ni Preston. Isa lang din ito na anak pero mas matanda ito sa kaniya ng apat na taon.

Panigurado sa tuwing makikita niya ito ay sasakit ang kaniyang ulo dahil sa kalokohan na pinag gagawa nito.

Napailing na lang siya dahil masyado itong hyper at feeling close sa kaniya na kinatuwa niya kahit papaano dahil mabilis niya ito nakagaanan ng loob.

"MERRY Christmas ." Bati niya sa pamilya niya nang pumatak ang hating gabi.

Nilapitan niya ang magulang niya at niyakap ito nang mahigpit habang hinalikan naman siya ng dalawa sa mag kabilaan niyang pisngi.

Sinunod niya lapitan ang lolo't lola niya nasa gilid ng mga ito at binigyan ng tag isang halik sa pisngi ang dalawang matanda.

Marahan din siyang tinapik ng lola niya sa kanan pisngi.

"Ang ganda talaga ng apo 'ko," saad nito sa kaniya.

"Nasa ilalim ng puno ang regalo namin sayo ng lola mo, apo."

"Thank you po, lo," pasasalamat niya rito at niyakap ito. "Lola," baling niya sa babaeng matanda at niyakap din ito.

Hindi naman niya nakalimutan batiin ang tito at tita niya at nahihiya na tinanggap niya ang inaabot ng tita niya na regalo.

"Open it," ani ng tita niya na kinapula niya. Binalingan niya nang tingin ang pinsan at tumango lang ito sa kaniya na nakangiti.

Binuksan niya ang box at nakita niya ang isang dress na kulay puti. Inangat niya ang ulo at nag pasalamat sa kaniyang tita't tito sa binigay na regalo sa kaniya.

"Merry Christmas, cous," bati ni Preston sa kaniya at sabay hila para yakapin siya at bigyan ng isang halik sa buhok.

"Since I don't know you," panimula nito. Tinaasan naman niya ito ng kilay. "And the only thing I know about you is that your Nyebe. I got you this."

Inabot ni Preston sa kaniya ang isang manipas na hindi kalakihan na box na kulay pula.

"Ano 'to?" Tanong niya rito pero hindi siya nito sinagot.

Naiiling na binuksan niya ito habang pinapanuod siya ng buong pamilya niya.

Nanlalaki ang kaniyang mata nang mabuksan niya ito. Agad niyang tinitigan si Preston na nag tatanong.

"Actually, it also a birthday gift."

"What? Are you serious?"

"Of course!"

"Oh moon goddess!" Hindi siya makapaniwala na saad rito at niyakap ito.

"Thank you. To be honest, for me bonus na lang 'tong gift mo sakin, kasi you coming in my life is already a gift. I found kuya."

Natawa naman si Preston sa sinabi niya.

"Well, hindi naman kita masisi," saad nito sa kaniya na kinatulak niya.

"Ay, hindi pala. 'Wag na lang," mataray niyang ani rito pero hindi mawala-wala ang ngiti niya rito dahil hindi naman ito si Preston kung hindi nito bubuhatin ang sariling bangko.

Napailing na siya at kinuha ang regalo nito sa kaniya at inabot sa pinsan.

"Ikaw mag lagay," saad niya rito tapos tinuro niya ang leeg niya. "Dito sa leeg 'ko."

"Of course."

Tumalikod siya rito at inantay ang malamig na bagay na lumapat sa kaniyang balat.

Tinitigan niya ito at hinawakan ang pendant na isang snow flakes.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top